“ANO bang nangyayari? Bakit ninyo kami pinapamadaling umalis dito sa mansyon?” tanong ni Lourdes kay Bettina nang ilapag nito ang tasa ng kape sa mesa. “Si Art…nagbalik siya, Lourdes. Hindi ba’t naikwento ko na sa ‘yo si Gaia? Siya ‘yng tumulong kay Lucas noong kidnap-in siya ni Art dati.” “Oo, naaalala ko siya. Bakit? Ano’ng meron sa kanya?” “Kinuha siya ni Art. K-in-idnap. Hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Alam naman natin na nasalisihan nila tayo sa bahay na ‘to, hindi ba? Naglagay siya ng mga hidden cameras sa kung saan-saan. “Medyo matagal na kaming kinukulit ni Lucas na doon na muna sa bahay niya tumira para sama-sama kami. At least, sa ganoong set up, kaya naming sama-sama na kumilos kung sakali mang looban ni Art ang bahay niya. Iniisip pa niya na posiblen

