PALUBOG na ang araw noong makauwi sina Lucas kasama ang kanyang mga magulang. Napanganga ang mga ito nang makitang ganoon pala kaganda ang bahay niya sa malapitan. Ni hindi kasi ng mga ito nakita ang loob ng isang beses na dumaan sila sa bahay ng lalaki. “Ang tagal-tagal ko nang gusto kayong bumisita sa akin. Ito lang pala ang hinihintay ko para mangyari ‘yon.” Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang mga ito sa loob. Dali-daling umakyat si Janus sa itaas at naiwan naman ang mag-asawa na pinaupo niya sa sofa. “Ano’ng gusto ninyo?” Umiling si Bettina. “Okay lang kami ng papa mo. Siya nga pala, sabi ni Janus kanina gusto niyang sumama sa gagawin ninyo. Okay lang bang huwag mo na muna siyang isama? Kahit sa pagkakataon na ‘to lang?” “Wala pong problema.” “Si Lorice ang tumawag sa ‘y

