HINDI dahil sa tirik na araw si Gaia matutunaw kundi sa pagkakatitig sa kanya ni Lucas nang tanggapin niya ang bugkos ng bulaklak galing sa lalaki. Halos hindi matanggal ang mga ngiti sa labi ng dalawa habang magkatitigan ang mga ito. “’Day, baka naman pwede na tayong pumasok sa loob? Napapaso na kaya ako sa tindi ng init dito sa pwesto ko.” Napalingon siya kay Tristan na nakalagay ang isang kamay sa noo dahil nasisilawan ito sa liwanag na galing kay Haring Araw. “Hindi ka pa papasok, ‘te?” tanong pa nito sa kanya kaya kasabay ang pag-irap. Kaya hinawakan niya ang b****a ng pinto ngunit in-offer ni Lucas ang kamay nito upang alalayan siya papasok sa loob. Sino ba naman ako para tumanggi, ‘di ba? Grasya na ‘yan, palalampasin ko pa ba? Kinuha niya ang malambot at maugat na kama

