MAAGANG nagising si Gaia kinabukasan. Naligo na siya at nakaluto na habang si Tristan ay naroon pa rin sa kwarto nito na ikinapagtataka niya. Nakahanda na rin ang mesa kaya nilapitan niya na ang pinto nito at saka kumatok. “Tristan, kakain na tayo…” “Lalabas na ako in one minute,” tugon naman nito habang nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig sa numero ng tiyuhin na nasa cellphone. Mag-uusap silang mag-ama ngayong araw at para bang gusto niyang mag-alala dahil sa sinabi nito kagabi. Para bang gusto niya na lang na magkulong sa kwatro buong araw pero napakaimposibleng mangyari noon. He needs to face it. Kung ano man ang sasabihin ng ama, kailangan niyang sundin. Kung ano man ang ipagawa nito kailangan niyang gawin dahil ang lahat ng iyon ay para kay Gaia. Kanina pa talaga siya gising

