“DITO ka muna, Gaia. Please, huwag kang aalis dito. Babalikan kita mamaya.” Iniupo ni Lucas si Gaia sa isang nakahigang gulong. Hindi niya inilabas si Gaia sa lugar na ‘yon dahil kailangan niyang bilisan ang kilos. Hindi pwedeng may mangyaring hindi maganda sa ina ngayong malapit nang matapos ang lahat. “U-unahin mo na muna si Tita.” Tumango si Lucas at iniwan siya roon. Isinandal niya ang sarili sa isang malamig na dingding. Nakahinga siya nang maluwag ngunit nararamdaman niya pa rin ang higpit ng mga taling pinulupot sa kanya. “Wala talaga akong balak na buhayin ka, Aia. Kung hindi ka susunod sa mga gusto ko, hahayaan ko na lang na maputol ‘yang tali na ‘yan para malaglag ka na sa bangin. Ayaw mo ba noon? Magkakasama na kayo ng mama mo.” Mariing napapikit si Gaia nang marinig a

