Kabanata 174

1495 Words

BILANG isang ina at butihing asawa, mahirap para kay Bettina na makita ang ganoong senaryo sa malayo man o malapitan. Hindi niya kayang makita na humahawak si Lucas ng baril lalo na ang duguang mukha ni Matteo na mukhang nilamog ni Temyong sa bugbog. Iniwan niya si Janus sa bahay ni Lucas na nangangamba sa kanya. Ni hindi siya nagpaalam dahil alam naman niyang hindi siya nito papayagan sa desisyon niyang puntahan na ang lalaking matagal niya na dapat na hinarap. Ito na ang panahon na hinihintay niya—ang makaharap ang lalaki matapos ang dalawang dekada nilang hind pagkikita. Sa pagkakataong ito, puro bangkay ng mga tauhan ni Temyong ang nakabalandra sa sahig. Malakas man ang kabog ng dibdib niya dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari kung sakali mang lumabas siya, tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD