“MGA putang ina ninyo!” Pabalagbag na binuksan ni Temyong ang pinto kinaumagahan pagkatapos mangyari ang sunog sa unit na pinuntahan nila kagabi. Susuray-suray ang lakad nito at tila pipikit na ang mga mata. Pasalamat si Boy at nauna siyang nakauwi bago pa man dumating ang “boss” nila. “B-Boy…may hawak siyang baril.” Nahintatakutan sina Aries at Leo nang makita ang isang baril na hawak ng lalaki. Kahit si Boy ay naalarma dahil hindi nila alam kung nakasa na ba iyon o hindi pa. Huminga siya nang malalim. “B-Boss, saan ka galing?” pa-cool na sabi niya at saka dahan-dahang lumapit. “Kasalanan ninyo kung bakit hindi natuloy ang plano ko!”sigaw nito sa kanila sabay ang pagsalampak sa sofa. Natahimik sila nang yumuko ito. “Leo…” “A-ano po iyon, Boss?” takot na tanong ng lalaking nasa

