MAS malaki ang kwarto ni Gaia ngayon kaysa noong naroon sila sa unit. Ngayon, hindi lang iisang kabinet ang pwedeng ilagay sa silid niya. Tuwang-tuwa rin siya sa banyo dahil may hot and cold option ang shower. May bidet din sa toilet na check na check para sa kanya. Damit na lang ang problema niya ngayon. Buti na lamang at nabilhan siya ng tiyahin ng maong pants at polo shirt na kakulay ng uniporme niya sa Kim Sarang’s. Pagkatapos niyang magbihis ay nakita niya sa bintanang papasok na si Lucas sa tapat ng bahay nila. Hindi siya makapaniwalang sa lalaki nga ang bahay na iyon kaya agad siyang bumaba dahil kailangan niya ng chika mula kay Tristan. “Tristy…” Nilingon niya ito sa sala ngunit wala roon ang pinsan kaya nagpunta siya sa kusina. Doon niya ito nakita na nagkakape sa dining are

