Kabanata 144

2415 Words

NAKAUPO na sa wheelchair si Gaia at nakakausap na nila nang maayos ilang oras matapos itong himatayin. Wala naman siyang sakit gaya ng sinabi ng doktor. Kailangan lang nito ng ibayong pahinga dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Dagdag pa roon ang hindi niya matanggap na biglaang pagkawala ng ama. Hindi naman siya binigo ni Lucas dahil isang buong araw siya niton inalagaan at kinahapunan ay nag-ikot sila sa opsital upang makalanghap ng sariwang hangin. “Sigurado ka na ba talaga na gusto mo nang ipa-cremate ang papa mo bukas?” tanong ng lalaki habang narito sila sa mini park ng ospital. “Hindi ko na patatagalin pa ‘to, Lucas. Gusto ko na rin naman na magkasama na sila ni Mama sa iisang libingan. Pwede naman siguro ‘yon. Wala na rin naman kasi kaming hihintayin. Alam naman namin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD