“SAAN ka galing?” Bahagya pang napaigtad sa gulat si Elsa nang makita si Temyong ngayong araw na naroon sa bahay. Hindi niya alam na hindi pala ito aalis katulad ng palagi nitong ginagawa kaya nakaramdam siya ng ibayong kaba. “H-hindi ba pwedeng nagpa-check up ako ngayong araw?” nininerbyos niyang sabi. Ipinakita niya pa ang ultrasound sa lalaki para maniwala ito sa kanya. Naglakad na siya patungo sa kwarto nang hindi nakaimik sa ipinakita niyang resulta ang lalaki at ni-lock iyon. Naging mabilis lang ang proseso ng pagke-cremate sa kanyang kapatid ngunit ang kwentong inilahad ng mga nakasaksi ay nanatili sa kanyang isipan. Ngayon lang napuno ng galit ang puso niya nang nag-uumapaw. Hinding-hindi niya mapapatawad ang pagpatay ni Temyong sa kanyang kapatid at ang hndi nito pagtangga

