WALANG kaalam-alam si Steve na planado ni Saul ang lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magmula noong umuwi ito ng Pilipinas, lahat ng gadget na bibilhin niya at mga ginagamit ay konektado sa kanya. Madali niyang naririnig o nakikita ang mga kinikilos nito at kung sino ang mga kinakausap nito sa araw-araw. May sarili siyang dahilan kung bakit bigla niyang kinuha ang bastardong anak mula sa pagkakalugmok—upang maging pain ito sa Black Moon. Wala na si Mariz at wala na rin ang anak niya para magsilbi sa kanya kaya gagamit siya ng ibang tao para maging panangga. Hindi nga siya nagkamali. Mangmang pa ang kanyang anak tungkol sa illegal na negosyo kaya naman mas nakukuha ng atensyon niya ang pagsosolo ni Temyong na narinig niya na noon kay Steve. Tinawagan siya ng receptionist na nasa Diamo

