NAPAUPO si Temyong sa sala habang pinapanood ang tatlong lalaking binaril niya na dumadaloy ang dugo sa tiles ng sala. “Hindi ba’t sinabihan ko kayo na pabayaan n’yo ako sa gusto kong gawin. Huwag n’yong kwestyunin ang mga ginagawa ko dahil wala kayong karapatan. Binili ko lang kayo baka nakakaimutan n’yo,” pagyayabang niya sa mga taong tahimik na nakikinig sa kanya. “Carding, buhatin n’yo ‘yang mga lalaki na ‘yan at ilagay n’yo roon sa kotse ko. Linisin ng iba ‘yang dugo na nasa sahig. Sa susunod na gawin n’yo pa ulit sa akin ‘yon, patuloy kayong mababawasan. Sinasabi ko talaga sa inyo na huwag n’yo akong pikunin.” Nakayuko ang lahat ng naroon habang naglalakad ito patungo sa kwarto. Galit na galit sila kay Temyong dahil ito lang ang nakapagpabawas sa kanila sa loob ng ilang taon ni

