“NYEL!” Napalingon siya habang nagtatago sa isang malaking poste ng ilaw. Hindi na siya pwedeng umalis sa pwestong iyon dahil paniguradong makikita na siya ng mga ito. Sino ba ‘tong mga Hudas na ‘to at kilala nila ako? Hindi kalakihan ang pwesto niya kaya kitang-kita niya ang apat na lalaking nagkalat sa iisang kalsada kung nasaan siya. Hindi siya pwedeng umalis sa kinaroroonan niya dahil paniguradong mahuhuli siya ng mga ito. Kinakatakot niya pang baka bigla na lang siyang barilin ng mga lalaking ‘yon dahil nakita niya kanina na may hawak itong mga baril. Habang siya, cellphone lang talaga ang hawak niya. Hindi niya inaasahan na darating sa puntong mahuhuli siya ng isang lalaki sa kasusunod niya sa utos ni Temyong. Halos maihi siya sa pantalon kanina nang biglang pumasok ang is

