“BLACK MOON?” Pumalatak ng tawa si Nyel dahil sa pang-we-welcome ni Six sa kanya. Hindi niya kayang paniwalaan na ang mga ito ay myembro ng organisasyong kalaban nila. “Kayo? Please lang, huwag n’yo akong lokohin. ‘Yang mga itsura nyo taga-Black Moon? Hindi ganyan ang inaasahan ko kaya sabihin n’yo na sa akin kung ano ba talaga ang pakay n’yo para makauwi na tayo pare-pareho.” Napika si Six sa pang-aasara nito—kung pang-aasar nga talaga ‘yon. Tumayo siya at saka kinasa ang baril na kinuha niya sa mesa. Tinutok niya iyon sa may paanan ni Nyel at nakahanda nang iputok. Nahinto ito sa pagtawa at nabura ang ngiti sa mga labi. “Hindi ka naniniwala? Baka sakaling maniwala ka kung ipuputok ko talaga ‘to sa hita mo!” pananakot nito sa kanya. Ngumisi ito at hindi natinag pero kinakabahan

