THERE was just this awkward silence after Lucas talked. Nagkatinginan pa silang dalawa habang nakangisi siya sa huli niyang sinabi. Walang nagsalita sa kanilang dalawa ngunit nangungusap ang mga mata nilang dalawa nang magtagpo ang mga ito. Heto na naman si Gaia. Ganoon din si Lucas. Sa pagkakataong iyon, para bang nagsabay ang ritmo ng mga t***k ng puso nila. Kahit na hindi mo sabay na pakinggan ang t***k ng mga ito, malalaman mong sabay ang heartbeat noon. That was a plus to Gaia. That was the first time that a guy said that to her. Kahit kay James ay hindi niya iyon narinig dahil hindi naman ang lalaki ang nag-first move sa relasyon nilang dalawa kundi siya. Bago ito sa kanya—bagong-bago sa pakiramdam niya. Ano’ng ibig niyang sabihin? Ano’ng ibig sabihin na gusto niya akong mas kil

