HINDI alam ni Lucas kung saan niya iyong huli niyang sinabi kay Gaia bago sila pumasok sa loob ng café. Hindi naman talaga iyon ang sasabihin niya pero in-assume niya kasi nab aka hindi pa talaga handa ang babae na mag-entertain ng mga lalaki kaya “I want to be your friend.” ang nasabi niya imbis na “I am interested in you.” Ayaw niyang ma-basted kaagad after three years of being rejected. Pinapakiramdaman niya ang saril at napabuntong-hininga nang pagbuksan niya si Gaia ng pinto. Dumiretso ang babae sa locker room upang maglagay ng apron habang siya naman ay sumaglit sa kanyang opisina sa itaas. Nabunutan ng napakalaking tinik sina Lorice nang makalayo na si Temyong saktong pagpasok ng dalawa sa pinto. Nakaka-intimidate ang awra ng mga lalaking iyon at hindi talaga maiwasang isipin nil

