MINSAN mahirap din iyong nakikinig tayo sa usapan ng ibang tao. Hindi natin alam kung ano ang malalaman natin sa pribadong pag-uusap na iyon. Pero sa kaso ni Gaia, maganda at masama ang ginawa niyang pakikinig sa mag-iina. Hindi niya makakalimutan ang lugar na tinutukoy ng lalaki dahil para bang ilang beses niya nang napuntahan ang lugar na iyon—ang warehouse. “Gaia, are you okay?” Iyon na ang ikatlong beses na tinanong siya ng lalaki ngunit hindi siya makasagot dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan—ang koneksyon ng lalaki sa panaginip niya. Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kanyang palapulsuhan at nakatingin pa rin ito sa mga mata niya. “Gaia…” When she sees that his eyes softened, she withdrew her hands and ready to pick up the pieces of the broken plates but Lucas do it for her.

