Kabanata 73

1093 Words

SADSAD ang mga paa ni Gaia habang naglalakad papasok sa lobby ng building. Paniguradong naroon na si Tristan sa mga oras na ito…o posible ring wala pa. Parang ayaw niya pang umuwi pero hinihila na siya ng sarili patungo sa kama dahil sa sakit ng likod niya at talampakan. “Good evening, Ma’am,” bati sa kanya ng security guard nan aka-schedule ngayon sa post. “Good evening, kuya. Si Tristan po ba dumating na?” Umiling ang lalaki sa kanya. “Hindi ko pa po napapansin ang kotse niya na dumaan mula kaninang alas singko na shift ko,” sagot nito. “Sige po. Salamat, kuya.” Nagdadalawang-isip tuloy siya kung aakyat pa ba sa unit o tatambay na muna sa labas dahil nag-aalangan siya kung naroon na ba ang pinsan o wala pa. Pumasok siya sa loob ng elevator at saka kinuha ang cellphone sa bag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD