NITONG mga nakaraang araw pa nakakaramdam ng kaba si Bettina sa hindi niya malamang dahilan. Para bang hindi siya ligtas kapag nasa bahay siya at nagpapahinga. Tulad ngayong gabi, naiwan siya sa sala at umiinom ng tsaa habang si Matteo ay nauna nang umakyat sa itaas. Napangiti siya nang maalala ang pagkikita nila ng kanyang anak na si Lucas at si Gaia noong nakaraaang araw. Hindi niya inaasahang ipapakilala na ng anak sa kanya ang babae bilang nililigawan nito. Habang tinitingnan niya ang dalawa nang yayain sila ni Matteo na kumain sa isang restaurant, hindi niya maiwasang mag-alala dahil kay Temyong na amain ni Gaia. Mula noong maipaliwanag sa kanya nina Six at Marijean ang lahat, mas naliwanagan siya sa tunay na mga pangyayari ngunit hindi nila maaalis sa kanya na isipin pa rin ang

