DAHAN-DAHANG ipinarada ni Lucas ang kanyang kotse sa labas ng condominium kung saan nakatira sina Tristan at Gaia ng ilang taon. Bumungad sa kanila ang mapula at nagababgang apoy na iyon galing sa gusali inang marating nila ang Sumulong Highway. Nabigla silang lahat dahil kalahati na ng building ang kinakain ng apoy. “S-si Gaia…” Nagmamadaling lumabas si Tristan at hindi na nakapagpaalam pa sa kanila. Ipinarada nila sa labas ang kotse ni Lucas na hindi na makapasok sa loob dahil sa dami ng bumbero at ambulansyang naroon. Pagbaba nila ay nakita nila si Tristan na nakikipagbuno sa tatlong gwardiyang nakaharang sa daraanan ng mga bumbero. Patuloy na may mga bumababang condominium dwellers na kasama ang paramedic at mga taga-apula ng apoy. Habang tinitingnan nina Kye at Mikhail ang mait

