“NASAAN na si Aia?” Napaigtad si Amor nang makita si Temyong na sinipa ang pinto upang makapasok sa loob. Araw-araw niyang dala-dala ang takot sa dibdib magmula noong kinasama niya ang lalaki. Ipinangako ni Temyong noon na magbabago na ito pero pagatapos lamang ng dalawang linggong pagsasama nila sa bahay ng babae ay hindi na maipaliwanag ang p*******t na nakukuha niya mula rito. Sobrang laki ng pagsisisi niyang binigyan niya ng pag-asa ang lalaki. Nagtitinda at gumagamit ng droga si Temyong noong makilala niya. Pero dahil sinabi itong magbabago na at maghahanap ng disenteng trabaho, pinagbigyan niya ito. “B-bakit? Ano’ng kailangan mo kay Aia?” aniya at saka tumayo mula sa dining area dahil naghahanda ito ng lulutuin sa hapunan. “Wala namang ginagawa ‘yang batang ‘yan dito sa bahay,

