BURN

1167 Words
                                                                   At bagamat nangangamba si Flynn na  kasinghaba na naman ng nobela ang maging sagot nito sa susunod na itatanong niya, hindi niya maaring palampasin ang naunang pahayag nito kanina. “Why did you ask if I have a split personality?” “Kasi naman bigla kang naging suplado kanina habang naghahapunan tayo. Ni hindi mo man lang ako kinausap kanina na para bang hindi tayo magkakilala. Samantalang kanina sa sunken garden friendly ka,” wika nito na hayag sa tono at pagkunot ng noo ang pagtatampo. Bahagya siyang natigilan. Sa magkabilang dulo sila ng mahabang dining table nakaupo kanina. Napapagitnaan ng mahigit sampung tao kaya gustuhin man niya ay hindi rin naman posibleng makausap niya ito. Unless magsigawan silang dalawa. “You were seated at the end of the table. How can I speak to you?” aniya dito. Although why he was even answering her silly question, he doesn’t really know. Pero hindi niya rin naman maipaliwanag kung bakit hindi niya gusto ang nakikitang pagtatampo sa mga kulay alak nitong mata. He had never been the type of man who explains his actions to anyone. “Pero pwede mo naman akong ngitian kahit isang beses lang! But all you did was scowl while you were eating. Hindi ba masarap iyong kinakain mo kanina? Para kang problemado habang kumakain ka. Alam mo bang masamang sinisimangutan ang grasya?” “Inobserbahan mo ako buong hapunan?” napa-arko ang mga kilay na untag niya dito. Should he be worried now? Hindi naman siguro ito nagbabalak i-stalk siya sa buong durasyon ng pananatili nito dito. Oo, aminado siyang interesado siya dito. He would even admit that he was deeply attracted to her. Pero dahil bakas dito na ito ang tipo ng babaeng kasal ang unang pumapasok sa isip sa tuwing papasok sa isang relasyon, imposibleng aktuhan niya ang nararamdamang atraksyon. Kahit pa nasisiguro niyang attracted din ito sa kanya. He would just end up hurting her if he did. And contrary to what other people say about him, he was not as heartless and as ruthless as they think he is. Wala sa bokabularyo niya ang makipagrelasyon sa isang babaeng tulad nito. A woman whose emotions are as fragile as fine china and as deep as the ocean. When all he wanted from a woman was a few hours of deeply satisfying s*x and not a vow of forever. “No! Of course not! Well, okay. Medyo. Hinihintay ko kasing tumingin ka sa gawi ko. Syanga pala, may gagawin ka ba bukas ng hapon? Pwede mo ba akong samahang maglibot dito sa lupain ninyo? Oh, wait! “Sabi ni Shebbah may mga alaga daw kayong kabayo dito. Marunong ka bang mangabayo? Pwede mo ba akong turuan? I’m also interested in painting you. Not nude, of course. Pwede ba kitang gawing modelo?” untag nito. Kung gaano ito kabilis umamin sa una ay pagtatangkang pagtanggi sa ginawa, ganoon din ito kabilis magbago ng topic ng pinag-uusapan nila. Ni hindi pa niya nasasagot ang una nitong tanong, may kasunod na agad itong tanong. “Yes. No. Yes. No and hell no!” sunod-sunod ding tugon naman niya. Napamaang ito sa kanya. Pero imbes na dismaya ang bumakas sa mukha nito dahil sa pagtanggi niya sa mga hinihiling nito, pagkamangha ang nabasa niya sa mga mata nito. “Natandaan mo lahat ng sinabi ko? Wow! Ikaw pa lang ang unang nakaggawa niyon! Usually ang mga kausap ko ipinapaulit sa akin lahat ng sinabi ko ng dahan-dahan para maintindihan nila! O kaya naman gusto nilang takpan ang bibig ko para pigilan na ako sa pagsasalita!” she exclaimed. Kung masdan siya nito para bang umangat ng ilang pulgada mula sa lupa ang mga paa niya. Gayong para sa kanya ay normal lamang ang bagay na iyon. His exceptional talent of memorizing every sound or word he hears is one of the reasons why he used to be a valuable undercover cop. Animo may built-in tape recorder siya sa utak niya. At kung tungkol naman sa pagpapatahimik dito, bigyan pa siya nito ng ilang oras pa at malamang kusa na rin nga niyang busalan ang bibig nito. Pero dahil wala naman siyang ibang balak gawin ng mga oras na iyon, mapagpapasensyahan pa niya ang pakikinig dito.        “Anyway, madaldal lang naman ako kapag may gusto akong malaman. Otherwise, mas gusto ko rin ng manatiling tahimik lang. Lalo na kapag nagtatrabaho ako. Bakit ayaw mong pumayag mag-modelo para sa akin? It won’t take long. Isang araw lang. I’ll even pay you if you want.” Iiling-iling na napisil niya ang batok. At this rate, malamang hindi abutin ng ilang oras ang allowance niya sa pakikinig dito. It was like she does not even pause to take a deep breath. Bumaling ito sa balustreng nasa likod niya. Tila tinatantiya nito iyon. Saka ito pumwesto patalikod doon bago palundag na naupo sa ibabaw niyon. He almost had a heart attack when she looked as if she would fall down the other side. Mahigit six feet din ang ibabagsak nito at solidong semento ang huhulugan nito kung nagkataon. Pero maagap na nakahawak ito sa braso niyang awtomatiko niyang naiangat sa pagtatangkang pigilan ang pagkakahulog nito. Inilapag niya sa ibabaw ng marmol na balustre ang mug ng kape niyang tumapon na ang kalahati dahil sa pabiglang pagkilos niya para hawakan ito. “Oh, no! I’m so sorry! Napaso ka ba?!” tarantang sambit nito. Dali-daling lumundag ito pababa sa balustre. Ang anyo nito ay puno ng pag-aalala. Hindi para sa sariling muntik nang kasangkutang aksidente kung hindi para sa kanya. Walang paalam na inabot pa nito ang kamay niyang natalsikan ng mainit na kape. Gamit ang laylayan ng damit nito ay pinunasan nito ang kamay niya saka hinipan. Pagkuwan ay marahang hinaplos-haplos nito iyon na tila nais pawiin ang hapdi.        “Sorry talaga,” anito.        “Ayos lang. Hindi naman na ganoon kainit ‘yung kape,” aniya na dagling binawi na ang kamay mula dito.        “Sigurado ka? Siguro dapat lagyan natin ng---“ “Hindi na kailangan. Listen, I have to go. Goodnight!” mabilis niyang paalam dito bago pa nito mapuna ang kakaibang umbok sa harapan ng pantalon niya. Malalaki ang mga hakbang na pumasok na ulit siya ng main dinig room. Dammit! Hindi na siya teenager para mag-react ng ganoon ang katawan niya sa simpleng paghaplos lang nito sa kamay niya! This incident convinced him more than ever that he should stay away from Dana. Dahil hindi niya maaring hayaan ang sariling mas mapalapit pa dito lalo na’t napatunayan niyang hindi lang basta mababaw na atraksyon ang nararamdaman niya dito. At this rate he’d probably bed her before Ravin and Shebbah’s wedding on Saturday. Ngunit ang nakakatakot ay ang susunod na maaring mangyari kapag may namagitan sa kanila nito. Baka bago pa niya maunawaan ang nagaganap sa paligid niya, kasunod na rin siya ng mga pinsan niyang isa-isa nang ikinakasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD