COFFEE?

2019 Words
Sumandal si Flynn sa balustre ng  veranda na katapat ng main dining room habang hinihigop ang mainit na kape sa tasang tangan niya. Katatapos lang maghapunan ng buong pamilya nila. Ang ilan sa mga kapamilya niya at mga kamag-anak ni Shebbah na maagang nagtungo dito sa isla para sa kasal nito at ni Ravin ay kinumbida ni Lolo Nemo sa family room.        At dahil ang bersyon ng mga Aseron ng family room ay literal at hindi ibang salita lang para sa sala, mas pinili niyang lumabas ng veranda kaysa sumama sa mga ito. Ang ‘family room’ kasi nila dito sa Aseron Castillo ay yaong silid kung saan nakalagak ang mga portraits ng mga ninuno nila kasama na ang mga abo ng mga iyon.        Kung tutuusin, mas tamang tawaging mausoleum iyon lalo pa at matatagpuan iyon sa underground ng mansyon. Pero dahil sa kakaibang sense of humor ng lolo niya, tinawag nito iyong family room. Tuloy ang ibang bisita nilang kinukumbida nito doon ay nagugulumihanan. Bagay na siya mismong nais nitong mangyari.        But he was not in the mood to listen to his grandfather’s tales about their esteemed ancestors as he guide Shebbah’s relatives through the numerous winding corridors of the family room. Wala siya sa mood na mapaligiran ng mga patay na miyembro ng kanilang angkan, abo man ng mga iyon o mga paintings at estatwa.        He had enough of dealing with death for the time being. Gusto naman niyang mapaligiran ng buhay sa loob ng mahigit limang buwang bakasyong ibinigay sa kanya ng amo niyang si Cedric Townsend matapos ang kamuntikan nang naging trahedyang kinasangkutan niya dahil sa huling kliyente nilang isa palang drug lord. Ang totoo dalawang buwan lang ang hinihingi niyang bakasyon dito. Pero ito na mismo ang nagtakda na pagkatapos ng limang buwan na siya bumalik sa trabaho. Not because he was injured badly but because Cedric thinks he was taking too much uncalled for risks with his own life. Siya ang na-assign na mangasiwa sa security system sa gusali ng kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Santino Sanrival. At dahil doon ay natuklasan niya ang tungkol sa ilegal niyong negosyo. Subalit imbes na palihim na ipaalam iyon sa kinauukulan ay mas pinili niyang komprontahin si Sanrival ukol sa nalalaman niya.        He was not an LAPD cop anymore but he still has the instincts of a cop. Kaya ganoon na lamang ang pagkabanas niya nang subukan pa nitong suhulan siya na itago niya ang sikreto nito. The man did not know his real name dahil hindi iyon ang ibinibigay niya sa mga nagiging kliyente nila. He uses his mother’s surname which was Riley. Kaya marahil inakala nito na kayang-kaya siya nitong bayaran kapalit ng pananahimik niya. Sa pagkakaalam kasi nito ay isa lang siyang regular na tauhang paswelduhan sa Queen’s Security and Detective Firm. Ganoon na lamang ang labis na pagkagulat nito nang tanggihan niya ito. Gulat na agad pinalitan ng galit. Pinagbantaan pa nito ang buhay niya. Inakala nitong madali siya nitong masisindak.        Well, he proved the bastard wrong. But not before Carlosito, the man’s son, shot him at the back while the police were arresting the drug lord. Balak talaga ni Carlosito na patayin siya kaya’t inasinta nito ang ulo niya. Doon nito nais ibaon ang bala ng baril na inagaw nito mula sa isa sa mga pulis na naroon. Buti na lamang at naitulak siya ng isang kasamahan niya kaya dumaplis lang sa balikat niya ang bala.        Sa kasalukuyan ay nakakulong na ang mag-ama. And hopefully, the two would stay locked in jail until the end of time. Or at least until he was back in tiptop shape to take them both down again.        He knew he could have handled it better. Hindi na kinailangan pang umabot sa pagtatangkang patayin siya ni Carlosito. At alam iyon ni Cedric. Kaya masinsinan siya nitong kinausap.        “Akala ko unti-unti nang nababawasan ang pagiging pabaya mo sa sarili mong kaligtasan, Flynn. But it seems to me like you still have a death wish. Isang tawag lang mula kay Tyrell at balik ka na naman sa pagngatngat ng guilt na nakabaon diyan sa iyo. Kailan mo ba mauunawaan na ginagago ka na ng dating partner mo? I don’t want my men dying while on the job. Take some time off. I’m giving you five months to sort your head out.”        Nakipagtalo siya dito. Iginiit niya na walang kinalaman ang huling naging pag-uusap nila ng dati niyang partner noong pulis pa siya sa iniakto niya nang kaharapin sina Sanrival. Ngunit hindi naniwala si Cedric. Kaya ngayon, heto siya. limang buwang matetengga dito sa Aseron Farms dahil sa pesteng mag-amang Sanrival an iyon. “Damned bastards!” gigil na sambit niya nang sa pag-angat niyang muli sa kaliwang kamay upang humigop ng kape ay kumirot ang sugat niya sa balikat. Nasira tuloy ang halos apat na taon na niyang malinis na record ng kawalan ng tama ng baril mula nang umalis siya sa pagiging pulis. The full moon was so bright it almost hurt his eyes. Iyon ang gustong-gusto niya kapag narito siya sa Isla Fuego. Hindi natatakpan ng makapal na polusyon ang mga bituin at buwan sa langit. Hindi rin masakit sa ilong ang hangin nalalanghap niya. Bagamat hindi siya dito sa Isla Fuego lumaki dahil mas pinili ng ama niyang sa States sila tumira upang mapanatiling malapit sa pamilya nito ang kanyang inang isang Irish-American, dito sa isla niya binabalak mag-retire sa hinaharap. Marami siyang magaganda at masasayang alaala sa lugar na ito sa tuwing binibisita ng buong pamilya nila sina Lolo Nemo at Lola Salome dito noon. Sa buwan man siya nakatingin at hindi sa dalagang papalapit sa kanya, kaagad niyang naramdaman ang presensya nito sa likod niya. Paanong hindi gayong animo paa ng elepante ang lakas ng mga yabag nito habang palapit. Ang totoo, kanina pa nga niya inaabangan ang pagsunod nito sa kanya dito. Dahil kanina pa sa hapunan nito sinusubukang kunin ang atensyon niya. Tuloy parang gusto niyang pagsisihang pinansin niya ang paglapit nito kanina sa kanya malapit sa sunken garden. Batid na niya ngayon na isa ito sa mga kaibigan ng mapapangasawa ni Ravin. But while Shebbah looks like a beauty queen who expects to be pampered by everyone she meets, Dana seems more like an eager puppy who wanted to make everyone her friend. Nang sulyapan niya ito mula sa sulok ng mga mata nang tumayo ito sa tabi niya, nakita niya ang lalim ng pagkaka-kunot ng noo nito habang nakatingala sa kanya. Nang makita nitong napansin na niya ang presensya nito ay dagling pinalis nito ang pagkaka-kunot ng noo nito. “Hi!” masiglang bati nito. “Hi,” tango naman niya dito. Tinitimbang niya sa isip kung maari pa ba niyang baguhin ang unang impresyon nito sa kanya na interesado din siyang makipaglapit dito. Bago pa man siya dumating dito sa Castillo kaninang madaling-araw, batid na niya ang tungkol sa binabalak ni Lolo Nemo na paghahanap ng mga mapapangasawa nilang magpipinsan. It was one of the reasons why his other cousins was loath to attend Ravin’s wedding. Isa-isa na silang itinutumba ng sariling lolo nila. First, it was Ravin, then Simoun and Bastian. And just last week, nabalitaan niyang nagbabalak na ring magpakasal si Giac. Bagay na noong una ay hindi niya mapaniwalaan. Pero mukhang kahit ang playboy niyang pinsan, walang naggawa laban sa matchmaking attempts ng lolo nila.        At may kutob siyang ang dalaga ay isa sa mga kababaihang nais ipareha ng lolo niya sa isa sa kanilang magpipinsan. Kaya kung makikita nitong nagsisimula na siyang maging malapit sa dalaga, baka sa kanya pa nito maisipang ipareha ito.  But though he intended to ignore Dana at first, since he has no plans of ever getting married, he couldn’t help but respond to her. In truth, he was fascinated by her.  She was so cheerful and honest. She was like a breath of fresh air after inhaling too much poisoned air. Naaliw siya sa tila determinado ngunit nalilito nitong paglapit kanina sa kanya. It was like she wanted to flirt with him but did not really know how to do it. Kaya imbes na ignorahin ito tulad ng naunang binalak niya nang maramdaman niya ang paglapit nito sa kanya, kinausap niya ito at kusang nagpakilala pa dito.  “May split personality ka ba?” Natigilan siya at niyuko ang tuktok ng ulo nito na ni hindi yata umaabot man lang sa balikat niya. Sa tantiya niya ay nasa five-two o three lang ang height nito. Nabitin sa ere ang hawak niyang tasa ng kape. “Kanina tinatanong mo ako kung bakla ako, ngayon naman tinatanong mo ako kung baliw ako? Ganito ka ba talaga kaprangka?” bahagyang napakunot-noong untag niya dito. Ibang-iba ito sa mga taong regular niyang nakakasalamuha sa trabaho niya noon o kahit ngayon. Her face mirrored every emotion and every thought going through her mind. Mistula itong inosenteng bata na hindi pa natututunan kung paano proteksyunan ang sarili laban sa p*******t ng ibang taong nakapaligid dito. At higit doon, kung anong iniisip nito ay siya din mismong lumalabas sa bibig nito. Parang hindi uso dito ang pagtatago ng damdamin nito. She was pretty but in an understated way. Malayung-malayo sa mga klasiko at agaw-pansin na ganda ng mga babaeng karaniwang nakakarelasyon niya. Kaya naman hindi niya maipaliwanag kahit sa sariling mga mata kung bakit hindi siya nagsasawang titigan ang hugis puso nitong mukha. Kanina sa hapag-kainan, bagamat napakalayo nito sa kanya ay ilang beses niyang natatagpuan ang sariling napapasulyap dito. It was not just her brown eyes that was a shade darker than brandy. Or her small, cute nose. Nor is it just her plump and pinkish lips. Marahil iyon ay dahil ang kabuuang hitsura nito ay ordinaryo lang sa unang tingin ngunit kapag inisa-isa mo nang titigan ang mga bahagi ng mukha nito, saka mo matutuklasan kung gaano kaperpekto ang mga iyon para dito. Maari ding dahil iyon sa kakaibang personalidad nito na kaydaling mabasa ng isang tao unang kita mo pa lang dito. She was just like any other ordinary girl with an extraordinary innocence and inner beauty that refuses to stay hidden inside her. And that more than anything was what made him speak to her more warmly than he usually does with other strangers. “Minsan. Actually, palagi. Kaya nga madalas akong sabihan nina Ceza at Shebbah na magbaon ng tape para idikit sa bibig ko nang hindi na sila nahihirapang pigilan ako sa pagsasalita,” tugon nito. Bahagyang nakakunot ang noong tumangu-tango pa ito. She looked a bit sad and at the same time annoyed at herself. Para bang isang sumpang hindi nito maiwasan ang kaprangkahang inamin. Pagkuwan ay nagkibit-balikat ito na para bang sinasabing wal ana itong maggagawa pa doon kaya mabuting tanggapin na lang nito iyon. “So? May split personality ka nga ba? Hindi ko na itatanong ulit kung bakla ka kasi tiniyak na sa akin ni Shebbah na imposibleng maging bakla ka. “At saka hindi naman talaga sa nagduda ako sa p*********i mo kaya lang kasi parang masyado kang perpektong boyfriend material. So therefore, malaki ang posibility na boyfriend din ang hanap mo,” anito. Bahagya pa nitong inilapit ang ulo sa kanya na tila isang mahalagang lihim ang binibigkas. “It happens all the time, you know? Iyong mga akala mo perfect boyfriend materials dahil maraming alam sa mga ayaw at mga gusto naming mga babae. Tapos ang ending pala, kaya ganoon ay dahil feeling niya girl na rin siya! Kaya nga kawawa kaming mga babae. Mas marami na nga kami sa inyong mga lalaki, mas kumokonti pa kayo dahil sa pag-iiba ng paniniwala ng ilan sa inyo. “But since dalawa na kami ni Shebbah na nag-confirm na imposibleng boyfriend din ang hanap mo, imposible talaga iyon,” ang mahabang sagot nito sa napakasimpleng tanong niya dito. “Okay, thank you, I guess,” ang napakunot-noong tanging nasambit niya habang marahang tumatangu-tango. Hindi niya mawari kung ininsulto siya nito o pinuri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD