“Bye, Flynn!” pahabol na pagpapaalam niya dito. Pero hindi na siya nito muling nilingon.
“Are you crazy? Bakit mo siya tinanong kung bakla siya? I mean, pinalampas na nga niya iyong wirdo mong pagpapakilala pero dinagdagan mo pa ng pagtatanong tungkol sa s****l preference niya!
“Maswerte ka na lang hindi ka niya pinitpit na parang luya! Nakita mo ba kung gaano ka-toned ang muscles niya? At kung gaano siya katangkad? Malamang mauna pa ang funeral services mo kaysa sa wedding ceremony ko!” paangil na kastigo ni Shebbah sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa front door ng mansyon.
Nanlaki ang mga matang tinignan naman niya ito.
“Ibig sabihin kanina ka pa nakikinig sa usapan namin?”
“Oo. Hindi mo lang ako napansin dahil tutok na tutok ka sa lalaking iyon. Who by the way is obviously very very bad news for you, Dana! Kaya wina-warning-an na kita, stay away from him!”
“At bakit naman? Ano ba siya? Hired killer ng mga Aseron?”
“No! Of course not! Ano’ng akala mo sa pamilya nina Ravin? Mafia? Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang din siya nakita.
“Pero malamang isa siya sa mga pinsan ni Ravin. O kaya ay kasamahan siya siguro dati sa Marine ni Ravin. I mean, really! Hindi ba obvious na mapanganib na tao ang lalaking iyon? Would you look at that man’s---“
“Really?! Magpinsan sila? Pero hindi siguro. Kung magpinsan sila bakit mas gwapo si Flynn kaysa kay Ravin? Siguro kasamahan lang dati siya ni Ravin sa Marine,” nang-aasar ang ngiting sabat niya sa nangangaral na tono nito.
Sa hitsura at tono kasi nito nahuhulaan na niyang papaulanan na naman siya nito ng katakut-takot na babala at paalala. Kaya kailangang niyang i-distract ito. Kadalasan daig pa nito at ni Ceza ang sariling mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga iyon kung paghigpitan siya.
Okay, medyo kadalasan nga ay napapahamak siya dahil sa sa ugali niyang madaling magtiwala sa kapwa. Para kasi sa kanya, walang estranghero o estranghera kapag nakausap na niya. Pero hindi sapat na dahilan iyon para isipin ng mga ito na hindi siya marunong kumilatis ng mapanganib o hindi na tao.
“Of course not! Mas gwapo si Ravin kaysa doon! I admit mas macho siya kaysa kay Ravin ko at---“ natigilan ito nang
makita ang ngising pinipigilan niyang umalpas sa mga labi. Eksasperadong naiikot nito ang mga mata. “Hindi iyon ang pinag-
uusapan natin, Dana!”
“Shebbah, hindi na ako bata at sakali lang nakakalimutan mo, hindi kita guardian o magulang. At higit sa lahat, hindi porket nagugwapuhan ako kay Flynn at pinag-iisipan kong siya ang gawing ama ng magiging walong anak ko at gusto ko siyang
pakasalan someday kapag nagkakilala na kami ng lubusan at---“
“Shut up, Dana. Bago pa kita maibaon nang buhay sa sunken garden. All I’m saying is, be careful. Kilala kita. Habit mong magka-interes sa mga lalaking malalaki ang tagas sa utak! It’s as if you have a magnet inside you for loser guys!
“Noong una isang neurotic na professor na habit magbilang ng buhok niya ang naging boyfriend mo. Tapos sinundan ng isang manggagantsong itinakbo ang pera mo! Kaya hindi na ako magtataka kung isa namang psychotic killer iyong lalaking iyon kanina!” pagtatalak nito.
Sarkastikong nginitian naman niya ito. Mukhang hindi
nabawasan ng pagkakatagpo nito sa Mr. Right nito ang pagiging
taklesa nito. And here she thought Ravin would be a good influence on her friend! Pero mukhang kahit ang ex-Marine millionaire ay hindi kaya ang powers of tactlessness ng kaibigan
niya.
“Wow! Shebbah, true friend talaga kita. With a friend like you, hindi ko na kakailanganin pa ng kaaway! Nasa iyo na lahat! Baka may gusto ka pang idagdag sa mga sinabi mo? Samantalahin mo na ngayon, huwag kang mahiya, sige lang,” aniyang hindi
itinago ang pagkayamot dito.
Natigilan naman ito. Bahagyang namula ang mukha at
mabilis na dumaan ang guilt sa mga mata.
“I’m sorry. Iniisip lang kita. Ayoko lang maulit ang nangyari noon sa iyo dahil ang dali mong nagtiwala sa mga walanghiyang ex-boyfriends mo. Lalo na kung ang Flynn na iyon ay katulad ni
Romeo,” anito.
Agad nalukot ang mukha niya sa pagkakarinig sa pangalan ng lalaking naging ikawalang nobyo niya. Mahigit dalawang taon na mula nang magkahiwalay sila nito. At marahil kung hindi kasalukuyang nakakulong ito ngayon sa panibagong kasong estafa na isinampa dito, malamang naka-wheelchair na ito dahil napilayan ni Ceza ng magkabilang paa.
O hindi kaya ay abo na lang ito ngayon dahil sinunog ng buhay ni Shebbah. Siguro kung babaero lang ito ay hindi pagbabantaan nina Ceza at Shebbah ang buhay nito.
Pero dahil bukod sa dinispalko nito ang perang in-invest niya sa negosyo diumanong itatayo nito at ng kaibigan nitong si Jonabel na asawa naman pala talaga nito, pisikal na sinaktan pa siya nito at ni Jonabel nang komprontahin niya ang mga ito tungkol sa panloloko ng mga ito sa kanya.
Buti na lamang at maagap siyang nadaluhan ng mga kapitbahay niya kaya maliban sa putok na labi at medyo nanakit niyang anit dahil sa pananabunot ni Jonabel, hindi naman siya napuruhan ng mga ito.
“Hindi na mangyayari ulit iyon, Shebbah. I’ll make sure of it,” mariing aniya.
It had been two years since Romeo tried to ruin her life. Sa loob ng mahabang panahon ay na-depress siya at nawalan ng tiwala sa sarili lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. Buong paniwala kasi niya noon ay si Romeo na ang perpektong lalaki para sa kanya.
Malayung-malayo kasi ang ugali nito sa ugali ng una niyang
nobyong si Albert. Perfectionist kasi masyado si Albert. At
ikinaiirita nito ang lahat ng ginagawa niyang para dito ay aksaya ng oras at walang katuturan. Panay-panay din ang pang-ki-criticize nito sa kanya. Sa lahat na lang ng ginagawa niya ay may opinyon ito.
Masyado din itong conscious sa sasabihin ng ibang tao dito. Bawat kilos nito ay animo de numero. At gusto nitong gawing ganoon din siya tulad nito.
Siguro kung iyon lang ang ipinagagawa nito ay mapagbibigyan pa siguro niya ito. Sisikapin niyang gawin ang mga gusto nito dahil mahal niya ito.
Subalit hindi na niya ito natiis nang bigyan siya nito ng ultimatum na palayasin na niya sa bahay niya sina Gamay, Goyong at Mamsie, ang mga ‘ampon’ niya. Anito, tutal hindi naman niya kamag-anak talaga ang tatlo, hindi siya dapat nagtitiwala sa mga ito. Malay ba naman daw niya balang-araw, traydurin siya ng mga ito.
Si Gamay ay dating nagtatrabaho sa perya bilang si Babaeng Ahas. Nakilala niya ito nang makita niya itong binabato ng mga salbaheng bata sa kalye dahil sa kakaibang hitsura nito. She took in the poor woman matapos niyang malaman ang
malungkot na istorya ng buhay nito.
Si Mamsie naman ay isang fifty-year-old gay na dating
nagse-serbisyo sa mama niya noong nabubuhay pa ang huli. Kinupkop niya ito nang malaman niyang nag-iisa na lang din ito sa buhay. Nakikituloy lang ito sa kung sinu-sinong kaibigan nito matapos itong ipagtabuyan ng mga pamangkin nitong halos ito na ang nagpalaki at nagpakain dahil hindi na ito kumikita ng tulad dati.
Habang si Goyong naman ay isang batang-kalye dati na sinubukan siyang dukutan habang namamalengke sila ni Mamsie. Nahuli niya ito pero imbes na magalit dito mas kinain siya ng awa sa nakitang kalunos-lunos na anyo nito. The boy was twelve years old and yet he looked like he was eight because of his thin, almost skeletal body.
Bagamat hindi niya kadugo ang tatlo, itinuturing na niyang totoo niyang pamilya ang mga ito. And yet Albert wanted her to push them out of her life if she wanted to have him. Iyon ang ultimatum nito sa kanya. Kaya naman ito ang inalis niya sa buhay niya.
A year after she and Albert parted ways, nakilala niya si Romeo nang magkabungguan sila sa loob ng suki niyang grocery store. Noong una akala niya ito na ang perpektong lalaki para sa kanya. Hindi kasi ito naiinis o napipikon sa tuwing nalilimutan niya ang tungkol sa dates nila, nali-late siya sa mga usapan nila, pumapalpak kadalasan at lagi itong handang sakyan ang mga kakaibang hilig niya.
He did not try to change her. He loved her adopted family
and they loved him too. He did not criticize every little thing she does. Tila ang mga eccentricities pa nga niya ang mas gusto
nitong ugali niya.
At higit sa lahat ipinagtanggol siya nito sa harap ng pamilya niyang ang tingin din sa kanya ay wirdo. Hindi nito ginawa ang tulad ng binalak gawin ni Albert na nakipag-kuntsaba pa sa Lola Agusta niya sa pagpapabago sa ugali niya at sa pagpapalayas kina Mamsie. Tinanggap nito ang lahat-lahat sa kanya.
And since that kind of acceptance was what she had been looking for eversince her parents died, she loved him more. Ang ganoong klase kasi ng pagtanggap at pag-unawa ay hindi niya natagpuan nang mapunta siya sa poder ng Lola Agusta niya matapos niyang maulila sa mga magulang niya noong labing-anim na taong gulang siya.
Huli na nang matuklasan niya kung bakit tila wala itong nais baguhin sa kanya. Huli na nang ma-realize niya kung bakit parang tugmang-tugma ito sa kanya. Sadya pala kasi siya nitong pinag-aralan. Lahat ng ipinakita nito at sinabi sa kanya ay pawang arte at kasinungalingan lang para makuha ang tiwala at pera niya. He never really loved her.
And that hurt more than anything. Matagal din siyang na-depress na natakot pa nga sina Mamsie, Shebbah at Ceza na baka bigla siyang mag-suicide. Pero dahil pinalaki siya ng mga magulang niya hindi naniniwala sa salitang pagsuko, ni pag-isipan ang pagkitil sa sariling buhay ay hindi niya ginawa.
She just needed time and space to heal her heart. And most of all her faith in love. Ngunit ngayon, hilom na hilom na ang sugat na nilikha ni Romeo sa puso niya. Kaya naman handa na siyang muling sumubok magmahal.
“But you know what, Dana?” pukaw ni Shebbah sa nagbalik-
tanaw sa nakaraan niyang diwa.
Napangisi siya sa nahimigang pagka-intriga sa tono nito. Kabisado na niya ang timbre nitong iyon. It was her friend’s tone
whenever there was a hunkylicious guy around.
Nagkatinginan sila nito. Saka nag-apir at sabay na nagwika.
“He’s so hot!” bungisngis nila.
“Did you see those abs?! Yummy!”
“Yes! And what about those biceps?! Parang araw-araw kong gustong magpabuhat sa kanya!”
Humahalakhak na muli silang nag-apir.
“I’ll ask Ravin about him. Ano nga ulit iyong pangalan
niya?” untag nito.
“Flynn.”
“I’m not sure but he looks a bit like Ravin’s grandfather Lolo Nemo. Actually, parang may hawig nga din siya kay Ravin. Gray ba ang mga mata niya? Hindi ko kasi masyadong napansin.”
“Yes. Dark gray. Why?”
“Then I’m almost ninety-nine percent sure that he’s one of Ravin’s cousins. They all have gray eyes. Maliban sa mga babae na minsan namamana ang kulay ng mata ng nanay nila. But the
Aseron men? They’re all gray-eyed.”
“Really? Ang galing naman niyon. So ibig sabihin kapag nagka-anak ako ng lalaki, magiging gray din ang mga mata!”
“Loka-loka! Okay, if he’s one of Ravin’s cousins then I’m
sure he’s not a con artist or a thief. Pero mag-ingat ka pa rin. Dahil ayon sa mga kwento sa akin ng mga pinsang babae ni
Ravin, puros takot mag-asawa ang mga lalaking Aseron.”
“Stop worrying, Shebbah. Akong bahala kay Flynn.”
Matabang na tinitigan naman siya nito. “That is exactly what I’m afraid of,” anitong may kasamang pag-iling.