"I DON'T think it is wise to stay there for good, honey," patamad na sabi ni Daniel sa asawang si Hasmin. She had been bugging him to move in Australia for a week now. Doon kasi nakatira ang pamilya nito. Ang kaso ay hindi niya gustong manirahan doon. Mas gusto niyang manatili sa bansa dahil sa mga personal niyang rason.
"Walang dahilan para manatili tayo dito, hon. I told you, we need to leave as soon as possible—"
"Pero bakit nga? May iniiwasan ka bang tao rito? May gusto ka bang takasan?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Hasmin kaya inilayo niya ang tingin mula rito. "Don't dare talk to me that way, Daniel." It took her few seconds before she continued. "Ang gusto ko lang naman ay makasama ka, magkaroon tayo ng pagkakataon sa isa't-isa," dagdag pa nito.
Napailing siya. "Kung iyon lang ang dahilan mo ay wala kang dapat ipag-alala. I'll always be here for you. We're married, right?"
She reached for his face and planted a light kiss on her lips. "I love you, Daniel and don't forget that you love me too. Iyan ang dahilan kung bakit tayo nagpakasal," makahulugang sabi ni Hasmin.
Tinitigan niya ito nang mariin at saka ito ginawaran ng halik sa ibabaw ng ulo. "I never doubted your words, honey. Not even once."
"Then why couldn't you grant my only dream to live in Australia? I badly missed my family."
"Puwede tayong magpunta roon nang hindi natin kailangang doon tumira. I need to stay here and you know why."
Umilap ang mga mata ng asawa. Tulad nang dati ay nagtatampo na naman ito. She would always act like that every time she did not agree with his opinions. Marahan niyang hinaplos ang likod nito.
"Okay. Give me a month, honey. Isang buwan at pagkatapos ay handa na akong sumama sa iyo."
Nagliwanag ang mukha ni Hasmin. "Are you sure?"
He nodded.
"Is that a promise?"
His forehead creased. A particular scene entered his mind but he couldn't figure what it was.
"Honey, is that a promise?" naiinip na tanong ni Hasmin. Napipilitan siyang tumango. Bumadha ang tuwa sa mukha ng asawa. Tumingkayad ito upang hagkan siya.
SINULYAPAN ni Daniel ang relong pambisig. Ang sabi ni Hasmin ay dinner lang ang sadya ng mga kaibigan nito pero halos dalawang oras na sila sa harap ng hapag ay hindi pa rin umuuwi ang mga ito.
The day seemed to be very long to him. He was dead tired and all he wanted was to go straight to the bed. Pero dala ng kagandahang-asal ay pinakiharapan niya nang maayos ang mga kaibigan ng asawa.
"You are very cool, guys! Nakakainggit kayo," wika ni Stela, isa sa apat na babaeng bisita ni Hasmin.
Hinaplos ni Hasmin ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng hita niya.
"We love each other so much at sa tingin ko ay iyon ang pinakamahalaga. Hindi ba, honey?"
Sinang-ayunan niya ang sinabi nito.
"Mabuti pa kayo. Itong si Maita ay ganoon rin naman, may boyfriend na rin tulad ni Anne. Talagang ako na lang ang walang lovelife!" himutok ni Stela.
"May lovelife nga pero wala namang anak. Where's the luck?" sagot naman ni Maita. "Ops, sorry guys." Napatingin ito sa kanilang mag-asawa. "Sorry, it was not for you. I'm talking about myself here. I've been married to Jimmy for six years but see, kahit isa ay hindi man lamang kami nabiyayaan ng anak!"
"It's all right. We don't really mind," tugon naman niya.
"Actually, I do."
Napatingin ang lahat kay Hasmin sa naging tugon nito. She was seriously looking at him now.
"Honey, gusto ko na ring magkaanak tulad ni Anne. Look at her, she's very much happy with her kids. Gusto ko na ring maging ina tulad niya."
Mula sa kung saan ay may kung anong init na humaplos sa dibdib niya. Kung para saan ang emosyon na iyon ay hindi niya alam. Basta nakita niya ang sariling nakatalungko sa isang babaeng nakaupo sa silyon habang masuyong hinahaplos ang pipis pang tiyan nito. Kasabay niyon ay ang paggitaw ng butil-butil na pawis sa kanyang leeg at noo. Hindi niya maunawaan kung bakit pero may ibang pakiramdam na hatid sa kanya ang huling sinabi ni Hasmin.
"Honey, are you all right?"
Napatango siya nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat. Saglit na naman pala siyang nawala sa sarili. "I'm fine."
"Baka naman gusto na rin ni Daniel na magkaanak kaya ganyan ang reaksiyon niya, Hasmin."
"Well, we both want to have kids. Maybe we're gonna visit our doctor one of these days, right honey?"
Isang marahang tango ang naging tugon niya doon.
"But just in case, how many kids do you want to have, guys?" tanong ni Anne.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Hasmin sa kanyang braso. He got the signals and he tried to focus. Mabuti na lamang at nagkusa na itong sumagot sa tanong na iyon.
"Dalawa. Gusto ko ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae ay ayos na sa akin. How about you, honey?"
Again, something entered his head. Napapikit siya sa kagustuhang magtuluy-tuloy iyon.
Ayos na sa akin ang limang anak, love. Ang alalahaning iyon ay lumikha ng tila pagpitik ng kung ano sa kanyang ulo. Bigla iyong nanakit at awtomatikong umangat ang isa niyang kamay upang haplusin ang sintido. Marahan siyang napailing sa sarili. Kung anu-anong eksena ang ginagawa ng isip niya. Mga eksenang hindi niya maintindihan kung kailan naganap o kung sino ang mga taong kasama niya.
"Dalawa lang ang gusto mo? Are you sure?" nagtataka niyang tanong kay Hasmin makalipas ang ilang sandali.
"Oo, bakit? Ilan ba dapat?"
"Sorry, I was just expecting you would say five," aniyang pilit na inilalagay ang mukha ng asawa sa kanyang isip.
Suminghap si Hasmin na tila ba katawa-tawa ang sinabi niya. "Five?! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para mag-anak ng lima, huh!"
Nagtaka siya. For sure, she had mentioned she wanted to have five children before. Baka nalimutan lang iyon ng asawa.
"Basta gusto ko na ng anak, honey. Para saan pa ang mga pinaghihirapan nating mag-asawa kung wala tayong tagapagmana, 'di ba?"
Hindi na niya kinailangang sumagot sa sinabing iyon ni Hasmin dahil agad nang nalipat ang topic kay Anne. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon.