chapter 5

3526 Words
Minsan isang gabi na umuwi si Matteo ay kinumpronta sya ni Ehm na nakaupo sa sofa. "P-pwede ba tayong magusap?" seryosong sabi ni Ehm "Pagod ako wag ngayon." bagot na sabi ni Matteo saka akmang aakyat sa hagdan "Hanggang kaylan ba tayo magiging ganito Matteo!?" sabi ni Ehm na pinipigilang bumuhos ang luha Natigil naman sa pagakyat ng hagdan si Matteo. "Napapagod na ako sa tinatrato mo sa akin. Nagluluksa din naman ako mas masakit sakin ang mawalan ng anak." sabi ni Ehm saka bumuhos ang luhang kanina nya pa pinipigilan habang nakatingin sa nakatalikod na asawa. "Kung pagod ka na makakaalis ka na dahil sa tuwing makikita kita lalo ko lang naalala ang nangyari sa anak ko!" "Anong gusto mong gawin ko para maibalik ang dating tayo?" Nilapitan siya ni Matteo at mahigpit na hinawakan sa braso. "Ibalik mo ang anak ko!" sabi ni Matteo. Natahimik siya sa tinuran ng asawa. "Diba hindi mo kaya!? Kaya itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong palayasin kita. Magpasalamat ka nga hinahayaan pa kitang tumira dito kahit suyang suya na akong makita ka!" saka binitawan ang namumulang braso ni Ehm. "P-paano na tayo?" "Tayo? Walang tayo, pinakasalan lang naman kita dahil nabuntis kita!" mariing pang sabi ni Matteo bago tuluyang umakyat ng hagdanan. Walang humpay syang umiyak ng umiyak sa kwarto ng kanila sanang magiging anak. Ano bang gagawin ko anak mahal na mahal ko ang daddy mo. Pero sobrang sakit na ng ginagawa nya saakin. Dinudurog na nya ako ng paunti unti. Kausap nya sa anak habang nakayakap sa unan at doon umiyak ng umiyak. Doon na din sya nakatulog at tanghali na kinabukasan ng bumangon sya. Sobrang sakit ng ulo nya pero pinilit nalang nyang bumangon. Wala na ang asawa sa kwarto nila kaya pagkatapos maligo at nagbihis na sya saka pumasok sa trabaho. Nagdisisyon na si Ehm na gawing 24hrs ang operation ng resto-cafe nya. Nang araw na iyon ay inaasikaso na nya ang paghahire ng mga bagong tauhan para sa mga pang gabi. May mga pinromote din sya na matatagal na nyang empleyado para mamahala sa pang umaga at sya ang namamahala sa gabi. Panggabi ang kinuha nyang trabaho dahil ayaw na nyang dagdagan pa ang hirap at sakit ng asawa. Dahil sa tuwing nakikita sya nito ay lalo lamang lumalaki ang galit nya kay Ehm. Doon na kumain sa restaurant si Ehm nagdala nalang sya ng pagkain para sa asawa at inilagay nya sa lamesa. Pagkabihis ay dinala na nya ang ibang bihisan sa kabilang kwarto para hindi na maabala pa ang asawa kapag dating nito. Doon na lang sya natutulog sa kwarto ng kanila sanang magiging anak. Hindi pa dalawin ng antok si Ehm ng madinig nya na dumating ang asawa. Pinakikiramdaman nya ito, nagtatangis sya na sana pasukin sya ng asawa doon at yayaing bumalik sa kwarto at buong pagmamahal na pagsaluhan ang gabi. Sige umasa ka ng umasa. Natawa nalang si Ehm ng pagak sa naisip. Paguwi ni Matteo galing sa trabaho at umuwi sya sa condo. Kumain na sya sa labas kasama ang mga pinsan ng mapagawi ang tingin sa pagkain sa lamesa. Sinilip nya lang ito saka umakyat sa hagdan nakita nya sa siwang ng pinto na nakabukas ang ilaw sa kwarto ng isisilang sana na anak. Patunay na nandoon naglalagi ang asawa. Kahapon ay pinakikiramdaman nya kung pumasok ang asawa habang sya ay nakahiga sa kama ngunit walang Ehm na pumasok dito. Kaya tuluyan nalang syang nilamon ng antok. Maaga syang gumising para hindi ito maabutan saka pumasok sa opisina. Sinalubong sya ni Yeng habang papasok sya sa opisina nito. "Matteo nasa table na ang mga documents na hinihingi mo sa akin kahapon." sabi ni Yeng dito "Salamat.." halos walang emosyon na sabi ni Matteo "And by the way call me sir. Ayokong pagmulan nanaman tayo ng usap." "So what? Bata palang tayo magkakilala na tayo. Saka wala naman akong paki alam sa sasabihin nila." "Kung ikaw wala ako meron. May asawa ako at dalaga ka." sabi ni Matteo saka sya tinignan ng masama nito. Hindi nalang nakipagtalo si Yeng kay Matteo at lumabas nalang ng opisina. Dadabog dabog namang naupo sa pwesto nito. Napansin nyang pinagtitinginan sya ng ibang empleyado. "Oh anong tinitingin tingin nyo jan ha!?" Bulyaw ni Yeng sa mga ito. "Akala mo naman kung sinong boss to." bulong pa ng isang employee saka bumalik na sa lamesa din nito. "Anong sabi mo!?" sabi ni Yeng saka nilapitan ito. "Wala sabi ko magtatrabaho na nga." Personal na pinuntahan ni Matteo ang lupa na pagtatayuan ng bagong mall nila sa ilocos. May meeting sya sa mga may ari ng lupa doon. Nandun din ang pinsang si Jace na syang engineer na gagawa sa plano ng mall nya na ginawa naman ng architect nyang pinsan din na si Jose. Halos sabay na lumapag sa paliparan ang helicopter na sinasakyan nila Matteo at Yeng at sa sinasakyan ni Jace na helicopter. Saka sabay sabay na nagtungo sa probinsyang pagtatayuan ng mall. Marami na ang tao sa bulwagan nang dumating sila mga karaniwang magsasaka ang nandoon. Pagkatapos mailahad ang kanilang proyekto sa mga ito ay naupo sila sa isang mahabang upuan na nandoon at kinausap ang mga may ari. "Ano namang maidudulot nyan sa mga anak at kaapuapuhan namin ito na nga lang ang natitirang maipamamana namin?" sabi ni tatang Hilario. "Gaya ho ng sinabi namin ay maliban sa magiging moderno ang lugar ay papanatilihin po namin ang mga kagubatan at magiging eco friendly po ang mall namin kaparis po ng mga mall na naitayo na namin sa ibang panig ng bansa." paliwanag ni Matteo "Nakalagay dito sa kasulatan na bibigyan nyo kami ng parte ng lupa na masasakahan sa lupang mabibili nyo sa amin?" sabi ng isang babae sa kahit nakabihis na pang probinsyana ay kita ang ganda. "Gaano naman katotoo to? At pano maiimpliment ito." habol pa nito "Nasa inyo ang kasulatan pwede nyo iuwi para mapag aralan bago kayo pumirma at kung may tanong kayo ay nandyan ang number namin para matawagan nyo kami ng derekta." nakangiting sabi ni Jace "Kung ganun gaano naman katotoo na i-hahire nyo ang ibang kalalakihan dito kapag magsisimula na ang konstraksyon ng mall nyo? Kung may sarili din naman kayong contractor." sabi pa ng babae "Nasa kasulatan namin iyon ng engineer at architect ko na half ng mga ihahire nilang trabahador sa pagko-construct ng mall ay magmumula sa mga taga rito." paliwanag ni Matteo "Ah miss pwede ko ba malaman anong pangalan mo?" sabi ni Jace "Leila.." walang kareareaksiyon na sabi nito "Ah Miss Leila nasa ibang contract yun. Baka by next week na bumalik kami para sa disisyon nyo ay isasabay namin ang tungkol jan." sabi ni Jace Hindi na kumibo si Leila. Tinapos na nila ang meeting at sabay sabay na nagsalosalo sa hinanda ng mga taga probinsya. Hinatid na din sila ng helicopter sa rooftop ng mall sa pasay. Nagpaiwan si Jace doon para asikasuhin ang pag ha-hire ng mga ibang mga trabahador. Dumiretsyo si Matteo sa parking lot kung nasan ang sasakyan nya. "So saan natin ise-celebrate ang bagong deal mo?" malanding sabi ni Yeng habang nilalaro laro ang kurbata nito. Inalis naman ni Matteo ang kamay ng babae. "There's nothing to celebrate wala pang na ko close na deal." sabi ni Matteo saka sumakay ng sasakyan at pinaharurut iyon. Naiwan naman si Yeng na dismayadong dismayado saka asar na pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel na tinutuluyan nya. Pagkadating sa inuupahang condo ay tinungo agad ang kusina at naglabas sya ng alak sa ref saka sumalampak sa sofa at nagsalin sa baso bago ito ininom. "Sinira ng babaeng iyon lahat ng plano ko para sa amin ni Matteo!!" asar na sabi ni Yeng saka naalala nanaman nung nalaman nya na ikakasal na si Matteo. Tumawag kay Yeng ang lola Marta nya habang sya ay nasa australia. "Bakit ka natawag lola. Nasa trabaho ako!" asar na sabi ni Yeng "Apo nabalitaan mo ba na si Matteo ay ikakasal na sa ibang babae." sabi ni Marta "What? Panong nangyari yun wala naman syang girlfriend? Oh well as far as i know puro mga kafling lang ang meron siya. Kaya panong magpapakasal si Matt?!" sigaw ni Yeng na hindi alintana ang nasa paligid nya. Nasa hotel sya at katatapos lang ng inorganisa nyang event. Nang mapansin na pinagtitinginan na sya ng mga nasa event ay pumasok sya sa isang bakanteng kwarto na walang tao. "Ang sabi sabi dito sa hacienda ay may na buntis daw." bulong na sabi ni Marta "Hindi ako naniniwala!" giit ni Yeng "Nakumpirma ko din kay Doña Barbara na totoo nga apo." pabulong pa ding sabi ni Marta sa apo. "Hindi ako papayag na matuloy ang kasal na yan! Nagaral at nagsumikap ako dito sa australia para makaangat at para hindi ako alangan kay Matteo tapos maagaw lang sya ng kung sinong babae!" gigil na sabi ni Yeng "Apo sa tingin ko dapat ka na tumigil. Marami namang ibang lalaki dyan sa istado mo ngayon ay ikaw na ang hahabulin ng mga lalaki." "Wala akong pakielam sa ibang lalake! Si Matteo lang ang gusto ko!" sabi ni Yeng "Tutulungan mo naman ako lola diba?" biglang pagiiba ng mood ni Yeng at kunwaring umiiyak na sabi pa nito. "Gagawan ko ng paraan na mahiwalay ang babaeng iyon kay Matteo diba?" Alam nyang hindi makakatanggi ang matanda sa kanya. Nautusan ni Barbara si Marta na ipasyal ang mga kaibigan ni Ehm sa isla. Kaya to naman ang nasilip ni Marta na pagkakataon para iligaw ang mga ito upang magalala si Ehm ng sobra. Dahil napagalaman niya na bawal mastress o mapagod si Ehm dahil mababa lang ang bata na nasa sinapupunan nito. Dinala nya ang mga ito sa malayo na halos hindi nadadaanan ng mga taga isla. Ngunit hindi inaasahan na doon daraan ang ibang mga binatang Montecarlo kaya nakita agad ang mga ito. "Ano ba naman yan Lola Marta! Yan lang ba ang kaya mong gawin?!" Bulyaw na sabi ni Yeng sa lolang si Marta. "Pasensya ka na apo." Nadismaya sya sa resulta ng ginawa ng lola nya kaya nagdisisyon syang umuwi ng pilipinas. Nang nasa hotel sya ay pinplano nyang maigi ang lahat ng gagawin. Kaya kinabukasan ay pinuntahan nito si Matteo sa opisina. Sakto namang wala doon si Tony. "Tuloy.." sabi ni Matteo "Hi handsome." sabi ni Yeng saka tuluyang pumasok sa sa opisina nito "Oh Yeng pasok ka, kaylan ka pa nakauwi?" sabi nito saka inasikaso ang mga dokumento na nasa lamesa "Kahapon lang." sabi ni Yeng "Hmmm.. Mukhang busy ka pwede naman akong bumalik sa ibang araw" "No.. Seatdown.. Matatapos naman na ito." sabi ni Matteo saka inayos ang mga papel sa table nya saka parang pagod na napatingin dito. "So kamusta?" pinilit na siniglahang sabi ni Matteo "Nothing's new. Ikaw balita ko naikasal ka na daw?" kunwaring masaya na sabi ni Yeng "Yup.. Ikaw kaylan ka ikakasal?" sabi ni matteo habang hinihilot ang batok Natawa lang ng pagak si Yeng. "Mukhang malabo.. Hirap makahanap ng makakasama habang buhay." sabi ni Yeng "Sabagay. Baka masyado ka namang pihikan." sabi ni Matteo "Nope.. Kaso ikaw ang basehan ng standard ko pagdating sa mga lalake." sabi ni Yeng "Mahihirapan ka makahanap. " biro pang sabi ni Matteo na bahagyang minasahe ang sintido. "Tired? Want some tea?" Sabi ni Yeng "Yes pls. Nakakahiya naman ikaw pang bisita ang magtitimpla." "Okay lang no." Saka tumayo at nagtimpla ng tea at nilagyan nya ito ng sleeping pills. Parang inaadya ng pagkakataon na maipagtimpla nya ito upang maisakatuparan ang masamang binabalak. Pagkatimpla ay dinala na niya kay Matteo ang tea saka sya bumalik sa lamesa at ininom din ang tea na ginawa nya para sa sarili. At nang makatulog si Matteo makalipas lang ang ilang minuto ay saka isinagawa ang plano. Ang balak lang nya ay kuhanan sila ng litrato habang nakapatong sya kay Matteo at naghahalikan. Pero dumating si Ehm at nakita nito na may ginagawa silang kabalbalan ni Matteo. Ang pagaakala nyang gumana ang plano nya para magkahiway na ang dalawa ay di pa din pala dahil makalipas ang ilang linggo ay nakita nanaman nya itong magkasama at masaya. Kaya gumawa sya ng paraan para maging secretary ni Matteo. At nang mangyari yun ay saka nya pinlano na magpadala ng litrato kay Ehm para ipaalala ang kataksilan ng asawa nya at napaka saya nya ng mawala ang dinadala nito. "Pero hanggat nandyan ang babaeng yun ay hindi muling mababaling sa akin ang atensyon ni Matteo." sabi ni Yeng saka ininom muli ang alak na nasa basong hawak. Habang gigil na gigil ay napatingin siya sa tumunog na cellphone nya at sinagot nya ito ng pabalang. "Hello!" mataray na sagot ni Yeng "Ano bang tinatawag tawag mo? Sinabing busy ako sa trabaho ko!" singhal pa nito. "Oh, bakit ang sungit mo naman ngayon?" sabi ng kausap na lalake ni Yeng "Ano bang paki alam mo? Bakit ka ba napatawag?" " Nasa pilipinas na din ako." "So?" "Baka gusto mong magkita tayo? Namiss kasi kita kaya sinundan kita dito." "Alam mo wala akong panahon sayo! Busy ako saka nagpapahinga na ako." "Alam ko naman. Pero pwede naman siguro akong magdrop by dyan sa unit mo." "Nuknukan ka ng kulet. Pahsinabi kong ayoko ayoko okay? Bye!" saka ibinaba ang tawag. "Oh anong meron bakit nandito kayo?" sabi ni Angge ng makasalubong sina Ehm at Lani sa lobby ng ospital. "Ikaw ang sadya namin." malaking ngiting sabi ni Ehm "Bakit?" takang tanong ni Angge "Magsha shoping tayo!" excited na sabi ni Lani "Hala hindi ko pa sweldo. 500 nalang nga ata laman ng wallet ko budget ko nalang to at pamasahe hanggang sweldo." sabi ni Angge Umabre syete naman ang dalawa sa magkabilang braso ni Angge. "Ano ka ba.. Sino bang may sabing gagastos ka.." nakangiting sabi ni Ehm saka "Hoy kayong dalawa ha ang laki pa ng utang ko sa inyo.." sabi ni Angge "Wag kang magalala nakalista sa tubig." sabi ni Lani "Tama kaya tara na!" sabi ni Ehm saka sila naglakad papunta sa parking "Ang aga nyo naman atang mag aksaya ng pera.." sabi ni Angge habang naglalakad "Ewan ko ba dito kay Ehm.. Bigla bigla magyayaya." sabi ni Lani saka binuksan ang pinto ng sasakyan nya. Kapwa na sila nasa loob ng sasakyan ni Lani.. Si Ehm sa driverside at si Angge naman ang nasa backseat. "Kasi aatend tayo ng party.." sabi ni Ehm "Ehm katirikan ng araw.. Party talaga?" sabi ni Lani saka pinaandar ang sasakyan "Saka Ehm hindi purki...." hindi maituloy ni Angge ang sasabihin dahil maselan para kay Ehm "Basta yun.. E sige ka na sa mga club club.." sabi pa nito "Ang OA ng club ha.. Ano ba naman kayo.. Yun lang ba alam nyong party." sabi ni Ehm "Ah childrens party?" sabi ni Lani na ikinahalakhak nilang tatlo. "Basta mag paparty tayo. Pero bago yun syempre magpapampering muna tayo, tapos papa salon at bibili ng gown." sabi ni Ehm "Gown!?" gulat na sabi nina Angge at Lani "Yup.." sabi Ni Ehm "Aanhin naman natin yun.." sabi ni Lani "Birthday kasi ni mama Amelia.. Ayoko namang magmukhang losyang.." sabi ni Ehm "At kasama kayong dalawa.." Masayang sabi ni Ehm "Hala! Ayoko, mga mayayaman lang ang nandun e. Magmumukha lang akong selbidora doon.." sabi ni Angge "Invited ba kami?"sabi ni Lani saka ipinasok ang sasakyan sa parking lot ng shangri-la ang sasakyan. "Oo ni nasabi ko na iyon kay mama Amelia.." sabi ni Ehm "Saka ikaw Angge bahala ka nandun si Joaquin at Warren" sabi ni Ehm saka tumingin kay Lani "Hoy tigilan mo ako Ehm.." sabi ni Lani "Wag na tayo sumama Angge. Tama maiilang ka lang doon." sabi ni Lani "Ano ka ba masaya dun tara nang magpaganda.." sabi ni Angge saka bumaba sa sasakyan ni Lani pagka park nito "Lam mo kung hindi ko lang kilala yang kaibigan nating yan itatapon ko sa balon yan." sabi ni Lani saka natawang bumaba na din sila ni Ehm sa sasakyan. Namili muna sila ng gown sa isang sikat na boutique na pagaari ng kaibigan ng mga Montecarlo. Nagpa appointment na si Ehm doon kaya nang makita sya ay nilapitan sya ng secretary ng mayari. "Sandali lang po maam tawagin ko po si Ms. Marj." "Sige salamat." saka bumalik sa tabi ng mga kaibigan na mga nakaupo sa couch ng boutique. Maya maya pa ay lumabas ang isang magandang babae na mala diosa ang ganda at parang model ito na naglalakad palapit sa kanila. Halos magkakasing tangkad lang naman sila pero dahil sa balingkinitan nitong katawan ay parang tumaas ito ng bahagya sa kanila.. "Hi.. " Magiliw na bati nito "Hi ms. Marj.." sabi ni Lani "Ano ka ba Marj nalang hindi naman siguro nalalayo ang mga edad natin.." friendly na sabi ni Marj "Ah sige Marj, Ehm nga pala" sabi ni Ehm na beso beso kay Marj "Sila naman yung mga kaibigan ko. Lani and Angge." "Oh hi.." bati ni Marj sa dalawa at saka sila inaya sa loob ng fitting room Sumunod namanan mga ito. "Bakit parang natahimik ka jan." sabi ni Ehm "Oo nga samantalang kanina di mapilas yang ngiti mo.." sabi ni Lani "Naalala nyo ba yung kinuwento ko sa inyo na gusto ni Joaquin?.." halos pabulong na sabi ni Angge "Siya yun." "Talaga?" sabi ni Ehm. Tumango naman si Angge "Mukhang hindi pa naguumpisa ang laban tapos na.. Tsk tsk goodluck mahal kong kaibigan." sabi ni Lani na tinapik pa sa balikat si Angge Naassist naman sila ng maayos sa boutique. At personal silang tinulungan ni Marj kaya nakapamili sila ng magandang design ng gown. Napaka giliw ni Marj sa kanila at hindi sila nailang dito kahit ang mga kaibigan ay nagustuhan ang pakikitungo sa kanila. Nang matapos nang makapapili ay pina deliver nila ang gown sa isla dahil doon gaganapin ang kaarawan ni Amelia. Nagtungo naman sa spa ang mga ito at nagpamassage. Habang nakadapa sa massage table. Si Angge ay nakatulog na habang minamassage ang likod. "Pupunta naman kaya ang asawa mo Ehm?" sabi ni Lani "Siguro naman.. Birthday ng mama nya yun e.. " malungkot na sabi ni Ehm "Eh diba ayaw ka nga nya makita?" sabi ni Lani "Siguro naman sa dami ng bisita ng mama ay hindi na nya ako mapapansin. Iiwas nalang ako para hindi makaabala sa kanya.. Para hindi rin masira ang gabi niya." sabi ni Ehm "Sa ganda mong yan natitiis kang iwasan ng asawa mo.. Mukhang nahihibang na siya.." sabi ni Lani "Ewan ko ba ganun na lang talaga ang galit nya sa akin dahil sa nangyari sa baby namin. Karma ko na siguro to kasi hindi ko sya pinagkatiwalaan." sabi ni Ehm na malungkot na yumuko nalang hanggang sa parepareho silang nakatulog. Kulang kulang dalawang oras silang nakaidlip na magkakaibigan. Pagkagising at pagkatapos magbihis ay nagtungo sila sa salon at nag pa ayos ng buhok.. Pina brazilian blowout lang ng mga ito ang kanilang mahabang buhok. Hapon na ng matapos sila kaya nagpasundo sila sa helicopter sa rooftop ng shangri-la na may helipad. Kahit natatakot dahil wala si Matteo ay masaya syang sumakay sa helicopter kasama ng mga kaibigan. Halos isang oras lang ang binyahe nilang magkakaibigan ay nasa isla na sila. Doon ay sinundo sila ng sasakyan ng mga Montecarlo saka inihatid sa hacienda ng mga magulang ni Matteo. Pagdating sa hacienda ng mga in law ay dumiretxo sila sa isang kwarto na nilaan ng mama Amelia nya para sa mga kaibigan. Pinakisuyuan nya ang isang kasambahay doon na dalhin ang ibang gamit nya sa kwarto ng mga kaibigan dahil ayaw nyang maabutan pa sya doon ni Matteo at maging dahilan pa ng pagkasira ng araw nito. Pipiliin nalang nyang umiwas kaysa masira ang mood ng asawa kaarawan pa naman ng mama nito. Nagaayos na silang magkakaibigan si Lani lang ang nag make up sa kanila. Mahilig itong magayos ng mukha, noon pa man ay ito na ang hilig niya. Bata pa lamang sila si Lani lang ang pinagkakatiwalaan nila pag dating sa pagaayos ng mukha. Dahil ang gusto nyang simpling makeup ay nagawa nito. Minake up an na din nito si Angge saka sarili naman nito ang inayos. Ang ganda ng makeup nito na kahit simple ay halata mong sopistikada pa din. Magaalas otso ng ng gabi at nagsisimula na din magdatingan ang mga bisita ng mga pamilya. Nandoon ang mga malalaking pamilya na kaibigan din ng mga Montecarlo. Pati ang mga kasamahan sa corporate world ay nandoon. Magarbo at eligante ang kaarawan ni Amelia at mga nasa alta ang mga bisita ng mga ito kaya ang tatlo ay halos nagtutulakan dahil naiilang pang bumaba. "Una ka na Angge." sabi ni Ehm "Naku ayoko nga.. Kayong dalawa ang mauna.. Alalay nyo lang ako.." sabi ni Angge saka itinulak ang dalawa palabas ng kwarto saka ito sumunod. Pababa na ng hagdanan ang tatlo. Nasa bulwagan ang party pero may mga tao din sa malawak na sala ng hacienda kaya para silang mga tutumba sa nerbyos kaya pare parehong nakahawak sa railing ng hagdan habang pababa at ang isang kamay ay mga nakahawak sa long gown nilang mga hapit sa kanilang katawan at na enhance ang ganda ng balat at katawan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD