Agaw pansin ang tatlo habang pababa ng hagdanan. Si Ehm ay nakasuot ng eleganteng long sleeved na may sequence na banguet queen na navy blue evening dress na naka deep v-neck. Pinarisan nya ito ng silver high hills sandals. Ang mahabang buhok naman nya na kanina ay nakabagsak ay ipunusod nya saka nilagan ng silver pin bilang desenyo at pinarisan ng silver pouch.
Pagdating sa baba ay sinalubong sila ng abuelang si Barbara. At iginiya sa mga amiga nito.
"Pinapakilala ko nga pala sa inyo ang asawa ni Matteo si Ehm.." sabi ni Barbara
"Abat napaka ganda naman ng batang ito Barbara."sabi ng kaibigan nito napangiti lang si Ehm at nagpasalamat. "At sino naman ang mga nag gagandahan din binibining iyan."
"Ah sila ang mga matalik na kaibigan ni Ehm." sabi ni Barbara
"Sa ganda ng mga iyan ay pupwede ko sigurong maipakilala sa aking mga apo ano Barbara?" sabi ng isa nitong amiga
"Naku masyado silang busy. Oh, sya kumain na din kayo ha? " sabi ni Barbara sa tatlo. Ipinakilala din sila sa iba't ibang negosyante na naroroon.
Naghanap ng pupwestuhang lamesa si Ehm para hindi sya makita ng asawa. Na sinang ayunan naman ng dalawa dahil nung naglalakad silang tatlo ay halos nakatingin sa kanila ang karamihan na ikinaiilang nila.
"Bakit naman nandito lang kayo?" sabi ni Jose na hindi namalayan ng tatlo na nakalapit na sa lamesa nila.
"Ang dami naman kasing tao." sabi ni Ehm
"Kaya nga." sabi ni Lani
"Nakakailang pa baka may mabasag pa ako. Naku baka kulang pa ang sweldo kong pang bayad." sabi ni Angge
"Haha you should enjoy. Sayang naman ang ganda ng suot mo, kaya tara." sabi ni Cain
Inaya ni Cain at Jose sina Angge at Lani na magsayaw kaya naiwan syang magisa doon. May nagaalok din sa kanya na makipagsayaw pero tinatanggihan nya. Natatanaw nya ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito kasama si Yeng.
Mga hindi na nahiya.
Gusto nyang sumabog sa galit pero yung wine nalang ang pinagdiskitahan nya.
Hindi nya napansin na nakalapit na pala ang isang lalaki at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Paglingon nya ay nagulat pa sya ng makitang si Paulo ang tumabi sa kanya. Halos masamid samid sya ng makita ito.
"Hi.." sabi ni Paulo na umupo sa tabi ni Ehm "Mag-isa ka yata?"
"P-Paulo?" nasasamid na sabi ni Ehm
"Oh hinay hinay.. Mukhang marami na ang naiinom mo." sabi ni Paulo habang pinapakalmakalma sya at hinahagod nito ang likod nya.
Halos panayuan ng balahibo si Ehm ng maramdama ang palad nito sa likod nya dahil backless ang gown nya. Umiwas nalang si Ehm ng hindi nito nahahalata.
"A-Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Ehm
Umayos naman ng upo si Paulo "Napagutusan lang ako ng papa ko.. You know businessman." sabi nito
"I mean diba nasa states ka?" takang tanong ni Ehm
"Yah doon.. Nasaktan kasi ako nung makipaghiwalay ka." kunwari ay malungkot na sabi nito.
"Sira.. Eh kaylan ka pala nakabalik." sabi ni Ehm
"Last week maybe." sabi ni Paulo
Parang bagong Paulo ang kaharap nya. Wala na ang mayabang at mukhang basagulerong awra nito. Yun ba ang naidulot ng paghihiwalay nila.
Naghiwalay sila ni Paulo dahil sa dahilang ayaw nya pang isuko dito ang pagiging birhen nya. Dahil gusto nya muna ikasal. Pero wala naman iyon sa plano ng lalaki dahil wala itong plano na magpakasal.
"Haha ikaw naman napaka seryoso mo.. Kalimutan na natin yun matagal na yun e." pilit na ngiti ni Ehm saka ininom ang wine sa baso nya.
"Oo nga.. Napansin ko ngang ang bilis mo akong kinalimutan dahil sa isang Montecarlo." siryosong mukha na sabi ni Paulo saka ininom din ang alak na nasa harapan
Hindi makakibo si Ehm at naiilang sya sa takbo ng usapan nila ng dating nobyo. Naramdaman siguro ito ni Paulo kaya iniba ang usapan.
"Kamusta naman ang buhay may asawa?" sabi ni Paulo na may kaunting ngiting sumungaw sa labi nito.
"O-okay naman. M-asaya naman." tipid na sabi ni Ehm saka pinilit ngumiti.
"Halata sa mukha mong hindi.. Pero lalo kang gumaganda ngayon." Sabi ni Paulo saka tumingin kay Ehm ng may halong pang hihinayang sa mata.
"Hindi naman masyado." nakangiting sabi ni Ehm dito. "Ikaw gumagwapo ka pa din naman. " balik na papuri din nito dito.
Bigla naman natawa si Paulo kaya.
"Ang lakas mangbola ha.." sabi nito saka napailing "Di ka pa din nagbabago.."
Natawa din si Ehm.
"Oy hindi yun bola.. Totoo naman yun.. kaya magasawa ka na para hindi masayang lahi nyo.." natatawang biro ni Ehm
"Mukhang malabo na e.. Nagasawa na yung gusto kong mapangasawa." sabi ni Paulo saka tumingin ulit kay Ehm. Ikinasamid naman ni Ehm ang sinabi nito .
"Nakakasamid ba yung sinabi ko? Ikaw hindi ka na mabiro.." Kaya hinagod nanaman nito ang likod ni Ehm.
Kahit kausap ni Matteo ang mga kapwa negosyante ay madalas itong sumusulyap kay Ehm. Hindi nya alam kung matutuwa sya tuwing may lalapit sa asawa para makipag sayaw at tinatanggihan nya. Pero ng makita nya si Paulo Agaton na tumabi sa asawa at masayang nakikipagkwentuhan dito ay pinipigilan ang sariling maghimutok. Lalo na nang makita nyang hinawakan ni Paulo ang asawa sa likod. Pinalampas nya ang unang ginawa nito. Ngunit nang inulit niyo ang ginawang paghawak kay Ehm ay agad nyang tinungga ang laman ng basong hawak saka nagpaalam sa mga kausap.
Tinungo nya ang lugar kung nasaan sina Ehm at Paulo. Naabutan nya pa na ang mga kamay ni Paulo ay nasa likod ni Ehm habang uubo ubo ito. Kinuha nya ang kamay ni paulo na nasa likod ng asawa saka pabagsak na ibinaba.
Napaangat naman ng tingin si Paulo kay Matteo at tinignan ito ng masama. Saka natawa ng pagak si Paulo ng makita kung sino ang humawak sa kanya.
Pinalipat naman ni Matteo ng upuan si Ehm sa katabi nitong bakanteng upuan. Kahit nalilito sa akto ng asawa ay ginawa nalang nya ang sinasabi nito. Saka inupuan ni Matteo ang inalisan ni Ehm.
"Montecarlo what a surprise. It's nice to see you. AGAIN!." nang aasar na sabi ni Paulo
"Sinong nagimbita sayo dito Agaton?" sabi ni Matteo
Nalilito si Ehm sa paraan ng pakikipagusap nito kay Paulo.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Ehm
Hindi wala niisa ang sumagot sa tanong nya.
"Mukhang sa tuwing magkikita tayo may babaeng nakapagitan.?" pag iiba ng mood na sabi ni Paulo
"Dahil sa tuwing nagkikita tayo may nababastos kang babae." sabi ni Matteo
"Wow. Masamang mag akusa. Tinutulungan ko lang naman sya dahil nasamid siya. Bulag ka ba?" sabi ni Matteo "Diba Ehm?"
"A-hh oo naparami kaso yung inom ko." sabi ni Ehm
Pero hindi pa din siya nilingon ng asawa.
"Saka magisa lang siya dito inientertain ko nga para malibang naman. Habang busy ka sa iba." Makahulugang sabi ng Paulo
"Binabalaan kita Agaton." maotoridad na sabi ni Matteo.
Para namang naalarma si Paulo saka ininom ang laman ng kupita bago nagpaalam kay Ehm.
"Sige Ehm alis na ako." sabi ni Paulo "See you around." habol pa nito
Napilitan nalang tumango si Ehm.
Silang dalawa lang ng asawa ang nasa lamesang iyon at wala naman itong imik. Hindi naman alam ni Ehm ang gagawin dahil ayaw naman nyang lalo pang magalit ang asawa sakanya. Tatayo nalang sana sya para umalis ng pigilan sya ni Matteo.
"Lets dance." sabi ni Matteo saka hinawakan si Ehm sa kamay at inakay ang asawa sa gitna ng dancing hall .
Nalilito man ay sumunod lang si Ehm. Love music ang tugtog kaya ipinatong ni Ehm ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng asawa at ang kamay ni Matteo ay nasa likod ni Ehm. Bahagya namang kinabig ni Matteo si Ehm palapit sa kanya. Halos matunaw si Ehm sa sobrang saya na nararamdaman nya.
Ibinaba ni Matteo ang mukha at inilapit ang labi niya sa tenga ni Ehm.
"Anong karapatan mong manglandi ng ibang lalaki sa harap ko pa!?." mariing bulong ni Matteo sa kanya
Para naman syang yelong nabasag ng marinig ang sinabi ng asawa. Tinitigan nya ng masama si Matteo. Nang mag sink in sa kanya ang sinabi nito ay pilit nya itong itinutulak pero mas malakas ang asawa at lalo pa syang hinapit nito palapit sa kanya.
"Bitiwan mo ko Matteo." piglas na sabi ni Ehm
"Bakit? hahabulin mo si Paulo?" sabi ni Matteo na pinipigilang magalit.
"Ano bang sinasabi mo?" nagpupumiglas pa din sya.
"Hindi ka na ba nakontento sa gabi gabing ginagawa ko sayo kaya naghahanap ka ng iba?" insultong sinabi ni Matteo sa kanya.
Sa sinabing iyon ni Matteo ay buong lakas nyang itinulak ang asawa at ng bahagyang nagka space sa pagitan nila ay sinampal nya si Matteo. Saka iniwan ang asawa, buti nalang at hindi sila naglikha ng eksena doon dahil dim light lang sa lugar kung saan sila nakapwesto.
Hinawakan naman ni Matteo ang gilid ng labi nya. Dala ng galit kaya niya nasabi iyon kay Ehm. Dahil ba iyon sa selos nang makitang may ibang lalaking humahaplos sa asawa. Nakatingin lang sya sa paalis na si Ehm. Gusto nyang tumakbo dito at sundan. Pero pinigilan nya ang sarili dahil nanaig sa kanya ang galit nya dito. Pero bakit nasasaktan din sya ng makita ang naging reaksyon ng asawa.
Tumakbo si Ehm hanggang palabas ng mansyon. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng mga paa nya. Hinubad nya ang suot na sandals at naglakad lang sya ng naglakad. Walang syang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak habang naglalakad. May tumigil na kotse sa harapan nya. Kahit lumalabo ang paningin dahil napupuno na ng luha ang mata ay napansin nyang si Hunter ang lulan nito. Binuksan nito ang pinto sa driver side. Sumakay naman siya sa sasakyan ng kapatid ni Matteo.
Wala syang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi nya alintana na nandoon si Hunter basta masamang masama loob nya. Inabutan pa sya ng tissue nito saka umiyak nanaman sya ng umiyak. Nang makalma saka lang nya kinausap si Hunter.
"Nasan tayo kuya?" sabi ni Ehm na may karalgal pa din ang boses.
"Nasa isla pa din nakalimang ikot na tayo" Pigil ang tawang sabi ni Hunter
"Hala sorry kuya naabala kita." sabi ni Ehm
"Ayos lang yon. Ano okay ka na ba? Mukhang kakayanin pa ng gas ng kotse ko ang sampung ikot" biro nito
"Hindi na kuya, okay na po ako.. Salamat pala. Pero pwede mo ba akong ihatid sa pantalan? Doon nalang ako magaantay ng yate na masasakyan." hiyang sabi ni Ehm
"No.. ipahahatid nalang kita sa choper." sabi ni Hunter saka kinuha ang cellphone at may kinausap. Pagkababa ng cellphone ni Hunter ay nagtungo na sila kung nasaan ang helicopter nito. Inihatid siya nito sa hotel kung nasaan ang condo nila.
Nang makitang umalis ang sinasakyan ni Ehm ay paharurot naman nyang pinaandar ang sasakyan hanggang sa makarating sa bahay ng mga magulang. Tapos na ang party ng dumating sya doon. Ang mga kamaganak nalang nya ang nandoon. Nakita nya si Matteo na nasa bar counter at walang tigil sa paginom ng alak. Galit sya ng nilapitan ito. Hinawakan nya sa balikat si Matteo para iharap sa kanya pero pinalis lang iyon ni Matteo.
"Sinabing humarap ka e!" galit na sabi ni Hunter
Naglapitan naman ang mga pinsan nya sa kanya.
"Hunter tama na. May problema lang yan." sabi ni Cain
"Ganun ka na ba ka walang kwenta para hayaan mong maglakad ang asawa mo sa dilim ng magisa?" sabi ni Hunter na binaliwala ang sinabi Cain
Humarap si Matteo kay Hunter.
"Oh edi pareho lang tayong walang kwenta!" sabi ni Matteo na halatang lasing na
"Anong sabi mo?!" akmang susugurin ni Hunter ang kapatid ng pigilan ni Cain at Jose
"Kala mo kung sino kang matino! Ni hindi mo nga maipaglaban si Tonet!" Sabi ni Matteo saka tumayo at tinalikuran ang kapatid.
Nakawala naman si Hunter sa pagkakahawak ng mga pinsan.
"Aba! Tong ga$$ng to ah.." saka hinawakan ni Hunter si Matteo sa balikat paharap sa kanya saka binigyan ng isang malakas na suntok.
Bumagsak si Matteo sa sahig at duguan ang gilid ng labi. Pagkatayo ni Matteo ay gaganti sana sa kapatid ng pigilan ng mga pinsan. Ganun din si Hunter. At nagpupumiglas ang dalawa. Maririnig din ang sigawan ng mga tyahin at ina. Natigil lang ang mga ito ng ang abuela ang sumigaw.
"Mag si tigil kayo!!" sigaw ni Barbara
Tumayo ito at lumapit sa magkapatid.
"Kung kaylan kayo mga nagsi tanda saka kayo magsasakitan! Magkasundo kayong magkapatid o babaliin ko sa inyo tong baston na hawak ko?" maotoridad na sabi ng matanda.
Binitawan ng mga pinsan sina Matteo at Hunter. Pero hindi pa din nagkikibuan ang dalawa at masama ang tingin sa isat isa.
"Aba at talagang sinusubok nyo pasensya ko?" Sabi nito at akmang ihahambalos ang baston.
Naghawakan naman ang dalawa ng kamay saka binitawan din.
"Magyapos kayo!" utos pa ni Barbara
"mamita!" panabay na sabi ni Hunter at Matteo
"Ah ayaw nyo ha!" sabi ni Barbara
Nagyakap ang magkapatid.
Naiwan sa sala sina Matteo, Hunter, Warren, Joaquin, Cain, Jameson at ang kambal na sina Jose at Jace. Inabot na ng umaga ang mga ito.
Binasag ni Jose ang katahimikan dahil pawang walang gustong magsalita sa mga ito.
"Si Hunter, si Warren, si Cain, si Matteo, si Joaquin.. ang lalala ng problema.. Panay lang naman mga babae.." sabi ni Jose
"Ginawa mo kasing bihisan ang babae.." sabi ni Hunter
"Bakit ksi nilelabelan nyo.." Sabi ni Jose "Kaya kayo nagkakaproblema e."
"Hayaan mo Jose darating din ang karma mo." sabi ni Jameson
"Wow may nileybelan ka na din?" sabi ni Jose
"Wala pero marunong akong rumispeto ng babae.." sabi ni Jameson
"Ang sama ng tingin nyo sakin.. Marunong naman akong rumispeto.. Kaso sila ang lapit ng lapit e..Ayaw ko naman silang mapahiya.." depensa nito sa sarili
"Wow ang bait mo naman pala.." sarkastikong sabi ni Cain
"Syempre.. Montecarlo yata to.." sabi ni Jose
Nagtayuan naman ang mga ito at naiwan si Jose.
"Oh san kayo pupunta.." sabi ni Jose
"Montecarlo din kami pero mukhang ampon ka.. " natatawang sabi ni Warren
Saka nagtatawanang lumabas ang mga ito ng mansyon. Patakbo naman na sumunod si Jose sa mga pinsan.
Maagang pumasok si Ehm kahit masama ang pakiramdam. Dahil ngayon ang araw na magsisimula ang pagbubukas nila ng bente kwatro oras.
Marami namang tumangkilik sa resto-cafe nila dahil madami din naman silang katabing mga building na may mga graveyard ang shift kaya hindi na din lugi sa kita.
Umaga na palagi kung umuwi si Ehm. Hindi na din nya naaabutan ang asawa sa bahay. Hindi din nya alam kung umuuwi pa ba ito doon o magkasama nanaman sila ni Yeng.
Malamang magkasama sila. Parang aso ying Yeng na yun na susunod sunod kay Matteo e. Nasabi nalang nya sa isip.
Naupo sya sa sala at saka ihiniga ang sarili doon ng maramdaman ang pagod. Bago sya makatulog ay naiyak syang isipin na magiging ganon nalang ang buhay nilang magasawa. Hindi na sila nagkikita o naguusap ni Matteo dawalang linggo na ang nakakalipas simula ng umalis sya sa isla. Kahit ang mga kaibigan ay hindi pa nya nakakasama o nakakausap simula ng iwan nya doon. Nahihiya syang tawagan ang mga ito at baka galit sa kanya. Dahil bigla nalang syang umalis doon sa party ng hindi man lang sila sinabihan. Siya pa naman ang nagimbita sa mga kaibigan. Nasa ganoong pagiisip sya ng dalawin ng antok.
Naalimpungatan si Ehm na madilim na sa labas ng bintana. Napabangon sya ng makitang nakabukas ang ilaw ng bahay samantalang natulog sya ng hindi naman nagbubukas ng ilaw dahil maliwanag pa sa labas. May naamoy syang masarap na sabaw. Paglingon nya ay nakita nya doon sina Lani at Angge.
Napansin naman ng dalawa na nagising na si Ehm.
"Ang sarap naman ng hot pot na yan Angge.." sabi Lani
"Syempre para sa ating dalawa lang to no." sabi ni Angge saka nagsandok para sa kanilang dalawa
Masayang tumayo ai Ehm saka niyakap ang dalawa.
"Kala ko hindi nyo na ako maaalala e." tampong sabi ni Ehm saka umupo sa upuan sa
"At tayo pa pala ang hindi makaalala samantalang sino kaya ang nang iwan." sabi ni Lani
"Wag kang magmalinis Lani isa ka pa bigla ka ding nawala." sabi ni Angge
Nagpatay malisya lang si Lani.
"Grabe kayong dalawa iniwan nyo ako doon." sabi ni Angge
"Wag ka maingay bru. Hindi na tuloy ako makapag taray." sabi ni Lani
"Sus kayong dalawa ha. Magkwento nga kayo ano nangyari sa inyo.." sabi ni Ehm habang kumakain na din
"Ako walang ikukwento." panabay na sabi ni Lani at Angge
Napatingin naman si Ehm sa mga ito.
"Ayan ha may nililihim kayo.."
"Ikaw ang magkwento. Anong rason bakit mo kami iniwan out of nowhere." sabi ni Lani
"At balita ko nandoon din si Paulo?" sabi ni Angge
"Oo nandoon si Paulo. " sabi ni Ehm habang hinahalo halo ng kinakain "Nagulat ako nung nilapitan nya ako.. Parang nagiba sya ngayon.." sabi pa nito
"Panong nagiba?" sabi ni Lani habang sumusubo ng shabushabu
"Parang hindi na sya yung maere.. Alam nyo yun parang ang kalmado na nya ngayon." Kwento ni Ehm
"Akalain mo magbabago pa pala sya.." sabi pa ni Lani
"Yah.. Tapos parang ang lungkot lungkot ng mata nya" sabi ni Ehm
"Natural nanghihinayang yun tatlong taon ba naman kayong naging magon tapos gusto nya makipagchug chugan sayo tapos tinanggihan mo.. tapos sa iba mo isinuko ang bandera mo.." sabi ni Angge
"Hindi ko kasi naramdaman sakanya yung totoong magmamahal" sabi ni Ehm "Wala din kasi syang planong magpakasal." sabi ni Ehm
"Pero hindi ba parang blessing in disguise na din? Kasi nakilala mo si Matteo. na totoong minahal mo." sabi ni Angge
"Oo nga e.." sabi ni Ehm
"Ang tanong minahal ka ba?" sabi ni Lani
"Ikaw talaga napaka taklesa mo. Bumusina ka nga.." natatawang sabi ni Angge
"Totoo naman eh. Ako lang ang nagmahal." kibit balikat na sabi ni Ehm "Dahil nga lang siguro sa anak namin kaya nya ako pinakikisamahan.. Wala nga talaga siguro syang nararamdamang pagmamahal sa akin.. Lalo ngayon puro galit lang ang nararamdaman nya sa akin.. Kung hindi naman kasi dahil sa akin sana nandito pa ang anak namin.." Malungkot na sabi pa nito
"Akitin mo kaya tapos romansahin mo.." sabi ni Lani
"Anong alam mo sa romansa Lani.. Ikaw ha.." birong sabi ni Angge
"Baliw.." natatawang sabi ni Lani "Siryoso.. wala namang masama magasawa naaman sila ah.."
"Ginawa ko na yan e.. Pero kinabukasan parang back to normal nanaman.." sabi ni Ehm
"Pagselosin mo kaya.." sabi ni Angge
"At kanino naman aber? Kay Paulo?" sabi ni Lani "Matakot nga kayo sa karma.."
"Pero alam nyo lumapit sya saamin e. Naramdaman ko nagselos sya." excited na sabi ni Ehm
"Oh yun.." sabi ni Angge
"Manahimik nga kayo.. Manggagamit pa kayo ng tao.." saway na sabi ni Lani
"Sabagay baka umasa.. Baka isipin ni Paulo mahal mo pa sya.." sabi ni Angge
"Wala ka na nga bang nararamdaman kay Paulo?" sabi ni Lani
"Wala na no.. Kung meron man siguro bilang kaibigan nalang.. Hindi ko naman din alam kung minahal ko ba sya talaga noon pa e.." sabi ni Ehm na napasaldal nalang sa upuan
Pagkaligo ni Ehm ay sabay sabay na silang tatlo na naglabasan sa condo. Nagaantay silang bumukas ang elevator at nang magbukas ang elevator ay lulan nito sina Matteo, Joaquin at Warren. Para namang pinako sa kinatatayuan sina Ehm, Angge at Lani at wala ni isa sakanila ang humakbang papasok sa loob ng elevator. Pasara na ulit iyon ng pindutin ni Matteo ang open botton at bumukas ulit ito. Kaya napilitang nalang silang pumasok. Nasa likuran nila Ehm sina Matteo. Malaki naman ang elevator na kayang magsakay ng 15 katao pero parang ang liit lang ng space ng mga oras na yun dahil sa presensya ng mga ito.
Tumaas pa ang elevator at bumukas sa floor kung nasaan ang condo ni Warren. Dumaan ito sa pagitan ni Ehm at Lani. Bago makalabas si Warren ay hinawakan nito si Lani sa kamay saka isinama sa paglabas ng elevator. Bago pa makapag react ang kaibigan ay nagsara na ulit iyon. Pagdating naman sa floor kung nasaan ang condo ni Joaquin ay hindi naman ito lumabas. Kaya nagsara nalang ang elevator. Pababa na ulit ito at tumigil sa 25th floor kung saan pitong kalalakihan ang papasok. Bago pumasok ang mga ito ay humarang sina Matteo at Joaquin sa harapan nila Ehm at Angge. Kaya napaatras nalang sila pagpasok ng mga kalalakihan.
Silang apat nalang ang nasa elevator hanggang bumukas sa 1st floor saka lumabas si Angge at sinundan naman ito ni Joaquin.
Nasa basement 2 ang kotse nya kaya pag bukas doon ay mabilis syang lumabas ng elevator. Paglabas nya ay para syang babagsak, napansin ito ni Matteo kaya agad naman nyang tinakbo ito saka sinalo bago bumagsak nahawakan ni Matteo ang asawa sa bewang.
"Hey what happened?" sabi ni Matteo
"W-wala okay lang ako.." sabi ni Ehm "Bi-bitawan mo na ako." saka pinilit iayos ang sarili dahil parang lalo syang nanglalambot sa mga bisig nito.
Dahan dahan naman syang binitawan ng asawa. Hanggang sa makatayo na sya ng ayos. Saka naglakad si Ehm palapit sa sasakyan nya. Pagpasok nya sa sasakyan ay nakita nyang pasara na ang elevator at lulan noon si Matteo.
Ano ba tong pinararamdam mo sa akin Matteo.