Matamlay na pumasok si Ehm sa opisina nya. Ang bigat ng pakiramdam nya. Hindi nya alam kung saan sya lulugar o kung may lugar ba talaga sya sa puso ng asawa.
Iniisip ko lang na may pagasa pa. Pero ang totoo wala na. Siguro dapat tanggapin ko nalang na hindi ako sapat para mahalin mo ng buo.
Nasabi nalang ni Ehm sa sarili hanggang sa pumatak nanaman ang mga luha na naglagaslas sa pisngi niya.
Pagkatapos mailabas lahat ng sakit na nararamdaman nya ay inayos na nya ang sarili.
Nakatulong sa kanya na kalimutan sandali ang asawa dahil sa dami ng tao ng mga oras na iyon kahit pasado alas diyes na ng gabi.
"Dapat pala maam noon mo pa naisipan na magbukas sa gabi." sabi ni Lorna ang kahera ng resto. Habang nasa kahera silang dalawa ni Ehm
"Oo nga e." sagot ni Ehm saka dumantay sa counter table
"Bakit hindi ka kaya maam mag branch out." sabi ni Lorna
"Hindi na.. Okay na saakin yung may ganito ako. Saka baka hindi ko na mahandle yun." sabi ni Ehm
"Pero mas lalaki ang profit mo maam." sabi ni Lorna
"Masaya na ako sa kung anong meron ako Lorna." sabi ni Ehm
"Sabagay maam asawa ka ng isang Montecarlo, financially stable. Na kahit hindi na magtrabaho buhay na buhay na no maam?" sabi ni Lorna
"Hay sana ganun lang kadali maging asawa ng isang Matteo Montecarlo." sabi ni Ehm saka umupo sa isang bakanteng upuan at tumalumbaba na tumanaw sa labas ng resto-cafe.
Nasa ganung pwesto sya ng dumating si Paulo.
"Parang hindi maganda sa negosyo ang nakatalumpapa.." natatawang sabi ni Paulo saka umupo sa katapat na upuan ni Ehm.
Nilingon nya ang nagsalita.
"Oi Paulo" sabi ni Ehm "Kanina ka pa ba?" sabi ni Ehm na tatayo sana pero pinigilan sya ni Paulo kaya bumalik nalang sya sa pagkakaupo. "Ano oorderin mo?" ilang na sabi ni Ehm
"Ikaw.. Yung dati ko nalang inoorder.." sabi ni Paulo na nakatingin lang kay Ehm
Saka sinabi ni Ehm sa staff ang order ni Paulo. "Hindi mo pa din nakakalimutan ha.."
"Haha oo naman no.. Specialty namin ung lagi mo inoorder e.." natawa na sabi ni Ehm "Bakit pala ginabi ka na?"
"Galing na ako dito kanina.. Busy ka at madaming tao kaya inantay ko muna na wala kang ginagawa.."
"Haha.. ganun ba.." naiilang na si Ehm pero pinipilit lang nya maging civil kay Paulo. Ayaw naman nyang mabastos ito.
Nagtatawanan sila Ehm at Paulo habang kumakain ito ng pumasok sa loob ng restaurant ang isang pamilyar na lalaki.
Nang umupo ito sa kasalungat na lamesa na inuupuan nila Ehm kaya pag lingon nito sa gawi ng lalaki.
Matteo naibulong na lang nya sa isip.
Patapos naman na si Paulo kaya nagpaalam na si Ehm sa kanya saka naman siya nagtungo sa counter para sabihin ang pagkaing ibibigay sa asawa. Pagkatapos masabi ay tumango ang staff saka pumasok sa kusina ng resto. Saka naman sya nagtungo sa opisina nya at naupo sa swivel chair.
Siryoso ang mukha ni Matteo habang nakatitig sa kung saan at ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa at nakapatong ang isang binti sa kabilang hita nito.
Nakaramdam naman ng tensyon si Paulo kaya agad na tinapos ang pagkain. Tatayo na sana sya ng magsalita si Matteo.
"Pipili ka lang ng kakainan dito pa." sabi ni Matteo na walang emosyon ang mukha
"Anong pakialam mo. Kahit gano kalayo basta gusto kong puntahan pupuntahan ko." sabi ni Paulo saka tumayo at lumabas ng resto-cafe saka umalis.
Pigil naman ang emosyon ni Matteo na tumayo at tinungo ang opisina ni Ehm. Nakasalubong pa nya ang staff nito na may dalang tray ng pagkain pero nilampasan lang nya ito.
Nagulat naman si Ehm ng biglang pumasok si Matteo. Kahit bakas ang galit sa mukha nito ay gwapo pa din kahit naka simpleng loose nike white tshirt at taslan short na black at naka rubber shoes na puti lang ay para padin itong adonis sa kahit anong isuot. Sa paningin nya ay mabagal itong lumalapit at nakangiti. Nagulantang sya ng sumigaw ito.
"Hindi pa ba kayo tapos magharutan ni Paulo kaya hanggang dito hindi kayo nagpapatinag!" galit na sabi ni Matteo
Para naman syang nahimasmasan sa sinabi nito.
"T-teka.. Harutan? Kay paulo?" litong sabi ni Ehm "Kaibigan ko lang yung tao."
"Nakaka overwhelmed naman ata yung kaibigan mo. Ang layo ng pasay dito sa lugar mo!" asar na sabi ni Matteo
"E bakit hindi siya ang tanungin mo. Bakit ako ang sinisigawan mo. Ako ba ang nagmaneho papunta dito?" asar na ding sabi ni Ehm
"Anong relasyon nyo?" seryosong sabi ni Matteo na nakaupo na sa sofa
"Kaibigan.. Ano pa bang iniisip mo? Na nilandi ko nanaman sya." sabi ni Ehm
"Bakit hindi ba?" sabi pa ni Matteo
"Hindi naman talaga e.. Isip mo lang yang madumi.. Naguusap at nag tatawanan na kami yun na ba ang panglalandi sayo ang babaw mo naman? Costumer sya natural lang na maging ganun ako sa kanya.." sabi ni Ehm
"Haha lahat ng costumer mo tinitable mo?" sabi ni Matteo
"Alam mo ang bastos ng bibig mo.. Saka bakit nakita mo ba kaming naghalikan gaya ng ginawa nyo ni Yeng.." sabi ni Ehm
"Wag mo akong pinagbibintangan sa bagay na kahit kaylan hindi ko ginawa!" sabi ni Matteo
"Huh! Talaga lang? Pwes wag mo din akong pagbintayangan sa bagay na kahit kaylan hindi ko ginagawa!"
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila saka tumayo si Matteo at lumabas ito ng opisina.
Kinaumagahan bago umuwi si Ehm ay napagdisisyunan niya muna na pupunta sya ng ospital. Dahil napapadalas ang pagkahilo nya palagi din siyang pagod na pagod kahit hindi naman siya nagkikilos masyado. Siguro ay stress lang sya kaya hihingi siya ng prescription sa doctor. Sa ibang ospital siya nag tungo at hindi sa ospital ng mga Montecarlo.
Pagdating sa ospital ay pinakuhanan siya ng laboratory at urine sample kaya nagtungo siya sa banyo. Palabas na sya ng pasilyo ng rest room ng makita nya si Yeng na nakikipag talo sa cp. Tumalikod sya agad dahil wala syang panahon para dito. Kaya babalik na lang sya ng restroom pero pagtalikod nya ay natigilan sya sa sinabi ni Yeng sa kausap sa cellphone.
"Anong gusto mong gawin ko sa batang dinadala ko?" bulong ni Yeng sa kausap.
Pero dinig na dinig yun ni Ehm, halos di nya maihakbang ang paa nya pero pinilit nya hanggang sa makapasok sya sa loob ng restroom. Halos matumba tumba siya papasok ng cubicle. Hindi nya alam kung bakit ganun nalang ang kaba at takot nya.
Sino ang ama? Si..... Hindi!
Tinakpan ni Ehm ang mukha at saka hindi na mapigilang maluha ng isiping posibleng si Matteo ang ama ng dinadala nito.
Nang mahimasmasan ay lumabas si Ehm ng cubicle at nabigla sya ng makitang nakasandal sa lababo si Yeng at nakapamaywang pang nakaharap ng cubicle kung nasaan sya.
Nilagpasan nya ito.
"Hindi ka ba interesado sa ama ng anak ko?" mataray na sabi ni Yeng
"Anong pinagsasabi mo?" sabi Ehm
"Alam ko narinig mo ang paguusap namin ng kausap ko." sabi ni Yeng
Hindi nya pinansin ito saka nagtuloy tuloy na lumabas ng restroom pero sumunod pa din ito sa kanya.
"Sa tingin ko ay alam mo na kung sino ang ama ng dinadala ko.. Kaya siguro naman alam mo na din kung saan ka lulugar.." sabi pa ni Yeng
Nagtuloy tuloy lang maglakad si Ehm ni hindi nya nga alam kung pano sya nakarating sa sasakyan nya. Pinaandar nya yun at bumiyahe sya sa lugar na hindi nya alam kung bakit sya nandoon. Napansin nalang nya na nasa NLEX sya. nag stop over muna sya sa malapit na cafe. Bumili lang sya ng kape at naupo sa bakanteng upuan na tanaw ang labas. Nakatitig lang sya sa cellphone nya gusto nyang tawagan ang mga kaibigan pero nagaalangan sya dahil parehong may kinakaharap na problema ang mga ito. Ayaw naman nyang makadagdag pa.
Bumiyahe siyang muli hanggang sa makarating sya sa norte. Gusto ni Ehm na magpakalayo kaya naman hindi na nya namalayan nakarating sya ng ilocos.
"Welcome to Lily's resort maam. Iam Rose ano po maipaglilingkod ko?" magiliw na sabi sa kanya ng receptionist.
"May available ba kayong cottage?" tanong ni Ehm
"Yes maam. Ilang katao po ba?" sabi ni Rose
"One please."
"Copy maam. Overnight po ba?"
"Ok lang ba mag-stay-cation?"
"Opo maam pero need po ng advance payment every day before your check out po."
"Okay sige."
Inasikaso na nito ang tutuluyan nya at binayaran na doon at iniabot ang card nya dito para sa payment.
Nasa loob sya ng inuupahang cabin sa isang resort na nadaanan lang nya. inilapag sa kama ang nagiisang personal bag na dala nya. Pati ang isang malaking paper bag na laman ay ibang damit at toiletries nya. Napadaan siya sa isang mall kaya namili na siya ng ilang pares ng damit. Naupo sya sa isang maliit na upuan malapit sa bintana na tanaw ang dagat. Hindi nya alintana ang sikat ng araw na tumatama doon na tumatagos sa mukha niya.
Sobrang sakit ng nararamdaman nya, gusto niyang magwala pero umagos nalang ng umagos ang luha sa mga mata nya Nasaksaktan sya na isiping magiging masaya na si Matteo sa piling ng iba. Lalo pa ngayon na magkakaanak na sila ni Yeng. Kumpleto na ang pinapangarap nitong pamilya.
Halos dalawang araw na syang nakakulong lang sa inupahang cabin. Pinatay nya ang cp nya at tinapon ang sim card sa kung saan. Ayaw muna nyang makipagusap sa kahit na sino. pinupuntahan lamang siya doon ni Rose para sa payment. Ngunit ng araw na iyon ay may dala na itong isang tray ng pagkain.
"Para sayo maam." nakangiting sabi ni Rose
"Wala akong inoorder." sabi ni Ehm
"Sagot ko yan maam. Napansin ko po kasing madalang kayong lumabas. Bago po iyan sa menu namin. Baka lang po magustuhan mo." saka inabot kay Ehm
Tinanggap naman iyon ni Ehm.
"Salamat." sabi ni Ehm
"Babalik nalang po ako ulit para sa print out po ng resibo. Always have a good day maam." sabi nito bago umalis.
Makalipat ang ilang araw na pagkukulong nya ay lumabas siya ng cottage at naglakad lakad sa labas. Matapos magpalakad lakad sa buhanginan ay nagpahinga siya sa isang malaking puno na may duyan.
Nasa resto-cafe ni Ehm sina Lani at Angge at labis na nagaalala kay Ehm.
"Hindi mo pa din ba macontact?" nagaalalang tanong ni Angge kay Lani
Umiling lang ang kaibigan saka paulit ulit na tinatawagan si Ehm. Pabagsak na ibinaba ni Lani ang cp saka humalukipkip at sumandal sa inuupuan.
"Lagi nalang nyang sinasarili ang problema nya." sabi ni Lani
"Baka gusto nya lang muna makapag isa." sabi ni Angge "Parang hindi mo naman kilala yun"
"Pero ilang araw na Angge!" sabi ni Lani
"Nagaalala na ako sa kanya." sabi ni Lani
"Kahit ako naman. Nasaan na kaya yun.?" sabi ni Angge
"Sakit talaga sa ulo yang mga Montecarlo na yan!" sabi ni Lani
"Oh bakit nadamay nanaman sila." malumanay na sabi ni Angge
"Ai naku Angge.. Tigil tigilan mo na nga yang pagdepensa mo sa kanila.." naiinis na sabi ni Lani
"Wala naman akong sinabi.. Kalma ka lang nga kasi." sabi ni Angge saka inabutan ng isang basong tubig ang kaibigan.
Ininom naman ni Lani ang inalok ng kaibigan.
May inabot na envelope si Yeng kay Matteo, nagtatakang kinuha nya ito kay Yeng saka binuksan at kinuha ang laman.
Mga litrato iyon ni Ehm at Paulo.
"Ano to?" inis na itinapon ni Matteo ang mga litrato sa basurahan.
"Nalaman kong ex boyfriend nya pala si Paulo." sabi ni Yeng
"Sinong may sabi sayong gawin mo to?" asar na sabi ni Matteo
"B-baka kasi gusto mo malamang kaya pinaimbistigahan ko si Ehm." sabi ni Yeng "At nalaman ko din na kahit si Paulo ay hindi na din mahanap ng pamilya nya."
"At sa tingin mo may pakialam ako!?" bulyaw ni Matteo na ikina atras naman ni Yeng.
Sinipa ni Matteo ang basurahan saka asar na tumayo at kinuha ang coat bago lumabas ng opisina.
Galit na pinaharurot ni Matteo ang pulang sports car nya. Kamuktik na din nyang mabangga ang nasa harapang sasakyan kaya bago pa siya maaksidente ay tumigil muna sya sa gilid ng hi-way saka pinakalma ang sarili. Pero kahit anong kalma nya ay lalo lang nadadagdagan ang galit nya para kay Ehm. Lalo pa na isiping magkasama sila ni Paulo.
Sa bahay nya sa isla Barbaridad na naglagi si Matteo. Dinadala nalang doon ni Yeng lahat ng mga trabaho nya. Nang umagang iyon ay sumakay sya sa puting kabayo nya at nagtungo sa bahay ng mga magulang. Nasa sala ang magulang pati ang dalawang kapatid. Pagkahalik sa mga magulang ay tinanguan lang nya ang dalawang kapatid saka dumiretsyo sa gym sa basement ng bahay ng mga magulang.
"Halos dalawang buwan na simula ng umalis si Ehm." malungkot na sabi ni Amelia
"May balita na ba kay Jameson, Hunter?" sabi ni Amelia
"Nope. Pero sabi ni Jameson pinatigil na ni Matteo at pagpapahanap kay Ehm." sabi ni Hunter
"Nasaan na kaya ang batang iyon. Simula ng umalis sya halos hindi ko na nakitang ngumiti si Matteo. Palagi nalang nakasinghal." sabi ni Amelia
"Hayaan mo at darating din ang panahon na maging masaya ang anak mo." sabi ni Armando "Ikaw Hunter may balak ka pa bang bigyan kami ng apo.."
"Wala naman girlfriend si kuya pano kayo magkakaapo." sabi ni Jake habang pinapaikot ang bola ng basketball sa daliri.
Inagaw naman ni Hunter ang bola dito. Saka bahagyang ginulo ang buhok ng bunsong kapatid.
"Bata.. Wag ka nakikisali sa usapan ng mga matatanda ha." sabi ni Hunter saka ibinalik sa kapatid ang bola.
"Eh totoo naman diba kuya?" pangaasar pang sabi ni Jake
"Haha!" pilit na tawa ni Hunter saka tumayo at paiwas na sumunod kay Matteo sa gym.
"Isa pa yang panganay mo Armando. Hay naku!" sukong sabi ni Amelia.
Naabutan ni Hunter na nagboboxing si Matteo. Sa lakas ng mga suntok nito ay halos lumipad na ang sinusuntok nya. Napailing nalang sya saka nagbuhat ng maliit na barbel na pang braso lang.
"Aba maghunos dili ka Matt baka masaktan ka niyang sinasaktan mo." makahulugang sabi ni Hunter
Napahinto si Matteo at tumingin sa kapatid, huli na ng mapansin nyang tumama ang punching bag sakanya at hindi nya naiwasan. Dahilan para mapaupo sya sa sahig saka tinitigan ng masama ang nakakatandang kapatid na tatawa tawa habang nagda dumble. Asar na bumangon para tunguhin naman ang treadmill.
"Hindi nakakalimot ang pagod.. Tara sa pub?" sabi pa ni Hunter na nginingisian ang kapatid.
Hindi pa din kumikibo si Matteo at lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo.
"Alam mo ka--" hindi na naituloy ni Hunter ang sasabihin dahil pahampas na in-off ni Matteo ang treadmill at hingal na hingal na nakahawak sa hand grip. Saka humarap sa kapatid.
"Alam ko din na hindi ka titigil." sabi ni Matteo "Kaya tara na.." bago lumabas ng gym ay humila muna sya ng isang facetowel sa rack na nasa gilid ng pinto.
"Yang ang gusto ko sayo Matt.." sabi ni Hunter na inakbayan pa ang kapatid bago sabay na lumabas.
Hinarang naman sila ng ina at nakapamaywang pa sa hallway.
"Hep hep.." sabi ni Amelia
"Horey?" birong sabi ni Hunter
"Ikaw puro ka kakalokohan." sabi ni Amelia na bahagya pang pinalo ang balikat ng anak. "Saan mo nanaman Yayayain ang kapatid mo? Nagiging lasenggero na kayo ha.!." sabi ni Amelia
Tinignan ni Hunter si Matteo himihingi ng rescue. Nagkibit balikat lang ang kapatid na si Matteo.
"Mag-race lang kami mama.." sabi ni Matteo na humalik sa noo ng ina bago ito nilampasan.
Ganun din ang ginawa ni Hunter. Pinalo naman ng ina sa pwet si Hunter.
"Ma!" naiinis na nilingon ang ina
"Ano!?" sabi ni Amelia na humalukipkip pa "Papalag ka? Isa ka pa ha.. Magasawa ka na.. Lampas na sa kalendaryo ang edad mo!"
"34 lang ako mama.. Wala pa kasi akong makitang kasing ganda mo." sabi ni Hunter
"Tatanda kang binata dahil wala kang makikitang kasing ganda ko.." natatawang sabi ni Amelia
"Sige ma.. Hahanap ako mamaya." pabirong sabi ni Hunter
Hinampas naman ni Amelia si Hinter at kunwari naman itong nasaktan.
"Puro ka kalokahan.. Si Antoinette kaya anak?" sabi ni Amelia
Bigla nalang nabura ang masayang expression ni Hunter. Kunwari ay nag inat saka sumunod na kay Matteo.
"Hunter!!" asar na sigaw ni Amelia sa papalayong anak. Kinawayan lang sya nito patalikod. Nagpapadyag naman sa inis si Amelia. "Wala na talaga akong pagasang magkaapo.. Kaylan ba magseseryoso ang mga anak ko?"
"Naku ineng baka mapano ka pa..Kami nalang ang bahala dito. Ikaw eh pagpahinga muna." sabi ni Manang Luning
"Oo nga ate.. Kaya naman namin dito sa carinderia wag ka magalala. Baka kasi mapagod nanaman si baby. Kabuwanan mo pa naman na naku." sabi ni Katrina anak ni Manang Luning. Kaya bumalik nalang sya sa loob ng bahay ng mag-ina.
Halos anim na buwan na simula ng makilala ni Ehm ang mag-inang Luning at Katrina.
Nasa palengke sya ng bayan ng mga oras na iyon para mamili ng kakainin dahil nagke crave sya sa pagkaing hindi nya alam kung ano. Bigla nalang umikot ang paningin ni Ehm at napakapit sya isang matandang babae.
"Ineng ayos ka lang ba?" sabi ng matandang babae
"N-nahihilo po ako." sabi ni Ehm na napahawak sa sintido.
"Naku inang dalhin na natin sya sa ospital." sabi ng naka uniform pa na babaeng kasama nito.
Inalalayan sya ng dalawa hanggang makarating sila sa pampublikong ospital ng probinsya. Nagpapasalamat sya at hindi sya iniwan ng mga ito habang nagaantay ng resulta ng laboratory nya. Kinakabahan sya dahil inireffer sila ng doctor na kausap nila kanina sa Ob-gyne.
Papasok na sya sa loob ng clinic ng Ob-gyne, nilingon nya ang magina na nakaupo.
"Kaya mo yan ate!" sabi ni Katrina
Kaya naglakas loob na syang pumasok sa loob.
"Maupo ka iha." sabi ng doctora
"Salamat po." sabi ni Ehm na naupo sa bakanteng upuan na nandoon.
"Kailan ang huling buwanang dalaw mo?" sabi ng dra
"Hindi ko na po matandaan e. Pero parang may 3 months na po." alanganing sagot ni Ehm
"Eregular ba ang period mo?"
"Opo.."
"Ah okay kaya hindi mo napansin. Anong araw yung natatandaan mong huli mong period?"
"Hindi ko po tanda yung araw po kadalasan po ika dalawang linggo po ng buwan."
"Congratulations.. Your 12 weeks pregnant." sabi ng doctora.
Alam naman nya na parang yun ang sasabihin ng doctora pero ng makumpirma ay lalong lumakas ang kaba at takot nya.
Pinahiga sya ng doctora sa maliit na kama na nandoon para pakinggang ang heart beat ng baby nya.
Pumatak ang luha nya ng marinig nya ang malakas na heart beat na galing sa sinapupunan nya. Napansin iyon ng doctora at napangiti ito.
"First baby ba?" sabi nito
"Second po doctora.. Miscarriage po yung una.."
"Oh sorry.." nginitian nalang ni Ehm ng bahagya ang doctora. "Mababa ang matress mo ha. Kaya ibayong pahinga at pagiingat ang gawin mo ha. Ayaw nating maulit ang nangyari sayo sa una."
Nilagyan sya ng gel ulit ng doctora para iultra sound.
"Wow.. Congratulations kambal ang baby mo.. Nakakatuwa naman.." masayang sabi ng doctora.
Napalingon naman sya sa monitor na tinitignan nito. Masaya syang nakikita ang dalawang anyo ng bata na nandoon. Hindi nanaman mapawi ang luha sa mga mata nya. Paglabas nya ng clinic ay sinalubong sya ng magina at tuwang tuwa ng malamang nagdadalang tao sya. Inaya sya ng mga ito sa isang fastfood.
"Siguro ate matutuwa ang asawa mo pag nalaman nyang buntis ka at kambal pa." napangiti ang magina. Pero parehong natigilan ng makitang lumungkot ang mukha ni Ehm.
"Haha itong batang to kung ano ano ang sinasabi. Lumakad ka na nga at ikaw ay may pasok pa." sabi ni Manang Luning
Wala naman nagawa si Katrina kundi ang sumunod nalang sa ina. "Oh sige ineng ako ay mauuna na sayo." alanganing sabi nito. Akma na itong tatayo ng hawakan nito si manang Luning.
"M-manang, may alam po ba kayong mauupahang bahay kahit po maliit lang." malungkot na sabi ni Ehm.
Bumalik naman sa pagkakaupo si Luning. Hindi naman ito nagusisa sa buhay nya o ng tatay ng dinadala nya.
Inoffer ni Luning ang bahay nila na may isa pang bakanteng kwarto. Nalaman kasi nito na hindi sya taga doon at mukha naman daw na mapagkakatiwalaan sya. Nalaman nyang kagawad at retiradong guro ito sa lugar nila. Silang magina lang ang nakatira sa bahay nila.
Gamit ang sasakyan ni Ehm ay tinungo nila ang bahay ni Manang Luning. Habang nasa byahe ay marami na itong naikwento patungkol sa buhay nilang dalawa ng anak na si Katrina. Tumigil sila sa isang gate na may malawak na bakuran. Pagpasok nila sa gate ay may isang bahay na sementado pero pawid ang bubong. Napakadaming halaman at may puno pa ng indian manggo. Napaka presko ng lugar.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin." sabi ni Luning na inilapag sa lamesa ang mga pinamili.
"Ang presko po ng bahay nyo. Masaya po akong pumayag kayo na dumito muna po sa inyo. Salamat po sa tiwala nyo." sabi ni Ehm
"Naku ewan ko ba at ang gaan ng loob ko sayong bata ka. Halika at ituturo ko sayo ang kwarto mo." sabi ni Luning saka umakyat sa apat na hakbang ng hagdan.
"Ito ang kwarto mo. Itong gitna ang kwarto ko at iyang katapat naman ang kay Katrina." sabi ni Luning
Pumasok doon si Ehm maliit man ang kwarto ay maaliwalas may isang plastic na kabinet lang at kama na may foam ang nandoon. Agad namang kumuha si Ehm ng pera sa bag nya at iniabot sa kay Luning.
"Ito po ang bayad ko at deposito." sabi ni Ehm saka inabot ang sampung libo
"Naku wag na iha. Makihati ka nalang ng gastusin sa bahay." nahihiyang sabi ni Luning
"Okay lang po. Nagpapasalamat po akong nakilala ko kayo kaya tanggapin nyo na po iyan."
Hindi naman na tinanggihan ni Luning. Inantay nila na makauwi si Katrina para masamahan syang makuha ang gamit nya sa resort.