chapter 8

3617 Words
Nasa ganung pag-iisip sya ng biglang humilab ang tiyan nya. "Ma-manang Luning!!" sigaw ni Ehm "Ay kalabaw!" Gulat ni Luning at mabilis na nagtungo sa loob ng bahay. "Anong nangyari sayong bata ka.. Manganganak ka na ba?" Sabi ni Luning ng mapansing halos hindi maipinta ang mukha ni Ehm "Opo. Hindi ko na po matiis yung paghihilab." sabi ni Ehm na halos hindi na makasalita sa sobrang sakit ng tyan. "Katrina! Tumawag ka ng ambulansya sa baranggay at manganganak na si Ehm!! Madali ka!" Tuwang tuwa naman na sumunod si Katrina. Malulusog na kambal na lalaki at babae ang anak ni Ehm. Nasa nursery pa ang mga anak nya habang nasa kama sya. Nakatitig sa cellphone at dalawang form ng birth certificate na ibinigay sa kanya ng nurse. Nagdial sya sa cellphone nya at tinawagan ang ama. "Hello?" sabi ng kausap ni Ehm sa kabilang linya "Sino to? Hello?" Walang lumabas na salita sa bibig ni Ehm at tinakpan nya ang bibig dahil ayaw nya na madinig nito ang paghikbi nya. "Sinong kausap mo Love?" sabi ng ina ni Ehm na nadinig nyang nagsalita sa kabilang linya. "Hindi ko nga alam e. hindi naman nagsasalita.. Hello?" Hindi pa din sya nagsalita hanggang sa iend ng ama ang tawag. Gusto nya ibalita sa mga ito na may apo na sila pero natatakot si Ehm sa magiging reaksyon ng ama. Dismayado sa kanya ang ama, alam nya yun at ayaw na niya madagdagan pa. Kaya kahit nangungulila sa mga ito ay pinigil nya ang sariling makausap ang mga ito. Mugto ang mga matang nag fill up sya ng birth certificate ng mga anak. Pinangalanan nyang Juan Matteo II ang anak na lalaki na isinunod sa pangalan ni Matteo. At Matthea Jane naman sa anak na babae at isinunod sa mga Montecarlo ang apelyido dahil kasal naman sila. Mabilis na lumipas ang apat na taon na malayo si Ehm sa mga mahal sa buhay. Magisa nyang tinaguyod ang ang mga anak. Payapa silang namuhay sa lugar na iyon kasama ang kambal na JM at Thea. Nakatira pa din sila kila Manang Luning pero nagpatayo na sya ng maliit na bahay doon din sa bakuran nila manang Luning. Nagbabayad nalang sya ng upa dito. Ginawa na din nyang hanap buhay ang maliit na carinderia na nasa labas lang ng gate ng tinitirhan nila. Patok pa din naman ang mga lutong ulam nila at laging ubos ang mga paninda nya. Lalo at patok din sa kanya ang paorder ng pananghalian sa construction na malapit sa barangay hall. Halos isang taon na silang nagdedeliver ng mga pananghalian doon simula ng umpisahan ang construction doon. Si manang Luning ang nagpapaorder dahil halos kakilala nya ang mga nagtatrabaho doon. Ang laki ng naitulong ng maginang Luning at Katrina sa kanila. Umupa din sya ng mga tindera at kasama sa karinderya. Pagkatapos magrepack ng mga order ay inayos na iyon ng kasama nya sa karinderia. Pumasok na sya sa bahay nila at nanunuod ng tv si Thea at nagdodrawing naman si JM. "Tara nang kumain mga anak." sabi ni Ehm na naghain na sa lamesa. Niligpit na ng mga anak ang mga laruan at gamit bago nagtungo sa hapag kainan. Pagkatapos maghugas ng kamay at magdasal ay kumain na sila. "Wow fried chicken.." sabi ni Thea na kahit baby baby pa magsalita ay maiintindihan naman. "Ang sarap talaga ng luto mo mommy." sabi ni JM na kahit 30 minutes lang ang tanda nito kay Thea ay napaka tatas na magsalita, saka masayang pinapapak ang manok. "oh dahan dahan lang.." natatawang sabi ng Ehm sa anak saka sumandok na din ng pagkain "Mommy, after po ba natin kumain pupunta kayo sa mall?" Sabi ni Thea "Opo anak." sabi ni Ehm. Inenroll nya ang kambal sa isang private school sa bayan. Sa makalawa na ang start ng pasukan kaya mamimili sila ng gamit ng mga ito. "Yehey!" panabay at masayang sabi ng kambal. "Antayin muna natin si tita Katring bago tayo umalis ha.. Isasama natin sya." sabi no Ehm Pagkatapos maligo ay binihisan nya ang mga anak. Si JM ay nagsuot ng maong short at navy blue na t-shirt saka nagsuot ng sandugo na sandals. Si Thea naman nay sinuotan nya ng baby pink na bistida at sandals na pink saka tinalian ang mahabang buhok ng anak ng pony. "Oh puntahan nyo na si tita Katring.. Sabihin nyo aalis na tayo. Magbibihis lang si mommy." sabi ni Ehm Sabay na tumakbo naman ang mga anak sa kabilang bahay. Nagsuot lang sya ng maong na high waisted na short at nag tuck in ang knitted na white shirt at nagsuot ng flat na sandals saka itinali ang mahabang ding buhok. Naglagay nalang siya ng manipis na lipstick saka kinuha ang shoulder bag at saka lumabas. Habang nilalock nya ang bahay nila ay palabas naman na sina Katrina at ang mga anak. "Ang sexy naman ng ate ko oh." sabi ni Katring. Nakasuot ito ng skinny jeans na high waist at nagsuot ng pink na crop top at naka rubber shoes. Nakalugay lang ang hanggang balikat na buhok nito. "Makakabingwit ka na ng boys doon ate.." sabi ni Katring "Tita Katring! Si kuya at si daddy lang po namin ang boys ni mommy." simangot na sabi ni Thea "Wag na po kaya tayo umalis mommy." sabi ni JM Nagkatinginan naman sina Ehm at Katring. "Naku nagpapaniwala naman kayo kay tita Katring nyo." sabi ni Ehm "Haha kayo naman hindi mabiro. Tara na nga." sabi ni Katring saka nila pinagtulungan ni Ehm na ilagay sa car seat ang kambal. Pagkalagay ng seatbelt ay naupo na silang dalawa sa harapan. Si Ehm ang nagmamaneho. Sa isang mall sa Pampanga sila na nagtungo. Halos tatlong oras silang nagbayahe. Wala pa kasing malaking mall ang meron sa kanilang lugar. Nalibang naman ang mga anak sa byahe kaya hindi na sila tumigil sa gas station. Inuna muna nilang mamili ng mga school supplies saka namili ng mga damit at sapatos sa super market sa loob din ng mall. Pagkatapos mamili at iniwan muna nila sa baggage counter ang mga pinamili. Saka nagtungo sa play house para makalaro ang mga anak. Silang dalawa naman ni Karing ay naupo muna sa isang bakanteng upuan na may maliit na lamesa na nasa labas lang ng play house. Omorder si Katring ng Zagu at iyon ang ininum nila habang inaantay matapos maglaro ang mga bata. "Thank you po pala ate." sabi ni Katring "Ayos lang ano ka ba.. Wala yun no. Ikumpara mo naman sa naitulong nyo sa akin ni manang Luning." sabi ni Ehm Marami pa silang napagkwentuhan ni Katring at natatawa sila sa mga pagbabalik tanaw nila ng may lumapit na tatlong lalaki sa kanila. "Hi miss.." sabi ng isang lalake na nakalahad ang kamay sa kanya. " Anton pala.. " sabi nito "Mommy!!" sigaw ni JM saka hinubad ang suot na medyas ay sinuot ang sandals. Napalingon naman si Ehm at nakitang palabas ang kambal sa play house. "May anak na pala pre." sabi ng isa pang lalaki saka umalis. Sinalubong naman ni Ehm at Katring ang kambal. "oh bakit lumabas na kayo? May 15 minutes pa kayo." sabi ni Ehm "Kasi po nakita namin na may boys kayong kausap." sabi ni Thea "Ah yun ba.. Nagtatanong lang ng lugar yun." sabi ni Ehm "Lakad balik na kayo doon." "Okay na po kami mommy. Nagugutom na po kami." sabi ni JM na halos walang kangiti ngiti sa mukha. Naalala nanaman nya si Matteo dahil parehong pareho sila ni JM kapag nasira ang araw. Sa isang fast food sila kumain na sikat sa mga bata. Palapit na si Katring na dala dala ang tray ng pagkain nila. Kasunod nito ang isang crew na may dala ding tray. Nakain na sila ng mapansin ni Ehm na biglang lumungkot ang mata ng anak na si JM ng makita ang isang pamilya na nasa likod nya. Nilingon naman ni Ehm ang pamilya na nasa likod nya na kasama nila ang tatay nila. At masayang inaasikaso nito ang anak nila. Parang dinudurog naman ang puso ni Ehm ng makita ang kalungkutan sa mata ng anak. Hinawakan ni Ehm ang kamay ng anak. "Kain ka na anak." agaw ni Ehm sa pansin nito. Pagdating nila sa bahay ay gabi na. Binuksan muna nya ang ilaw sa bahay nila bago nila pinagtagisang kargahin ni Katring ang kambal. Pununasan at pinalitan ni Ehm ng damit pantulog ang mga anak bago pinabalik sa pagtulog. Mahimbing nang natutulog ang mga anak. Nasa pagitan sya ng mga anak. Gumawi sya sa side ni JM at masuyong hinawakan ang buhok ng anak. Naalala nya ang naging reaction ng anak sa nakita nyang buong pamilya. Sorry anak. Hindi na naisatinig ni Ehm dahil nagumpisa nanaman lumagaslas ang luha nya. Dahan dahan syang bumangon saka lumabas ng bahay. Naupo sya sa dalawang hakbang na hagdan ng balkon nila. Hindi na nya napigilan ang mapahikbi. Nasasaktan syang makitang nasasaktan ang mga anak. Hindi nya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si manang Luning. Naupo ito sa tabi nya. "Manang.." sabi ni Ehm "Nakwento sa akin ni Katring ang nangyari." sabi ni Luning Lalong nalahagulgol si Ehm ay napasandig sa balikat ng matanda. Inakbayan naman sya nito at inalo. "Sige iiyak mo lang yan.." sabi Luning "Hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo.. Kaylangan mong tibayan ang loob mo para sa kanila.." sabi pa nito "Naawa ako sa kanila manang.." sabi ni Ehm sa pagitan ng pagiyak "Ipaliwanag mo ng maayos.. matatalino ang mga anak mo kaya alam kong maiintindihan nila.." sabi ni Luning " Baka mas masaktan sila.." sabi ni Ehm " Mas malulungkot sila kung wala man lang silang alam sa daddy nila." sabi ni Luning Kinabukasan ay tinawag nya ang mga anak na naglalaro at pinaupo sa tabi nya. Nakaupo na ang mga ito kaya kinuha nya ang wedding picture nila ni Matteo na nasa wallet nya at ipinakita sa mga anak. " Sino po iyang kasama mo mommy?" sabi ni JM "Sya ang daddy nyo mga anak." sabi ni Ehm Titig na titig naman ang dalawa sa picture. "Ang gwapo naman po ng daddy namin ni kuya." sabi ni Thea na nagniningning ang mata ng makita ang ama sa picture. "Magkamukha kami ni daddy ko po, no mommy?" masaya pang sabi nito. "Kamukha natin kasi magkamukha tayo e." masayang sabi ni JM "Nasaan po si daddy namin. Kailan po niya tayo bibisitahin?" Sabi ni Thea "Nasa malayo sya mga anak. Nagtatrabaho sya, sa ngayon hindi ko muna masasabi ang dahilan. Paglaki nyo maiintindihan nyo din. Sa ngayon sa picture muna natin titignan si daddy nyo ha?" sabi ni Ehm "Okay lang ba iyon mga anak?" "Opo mommy.." masayang sabi ng dalawa "Ang ganda mo mommy ko. Bagay talaga kayo ni daddy." sabi ni JM Napangiti nalang sya ng bahagya sa nasabi ng anak. Niyakap nya ang mga ito. Maagang hinatid ni Ehm ang mga anak sa school ng mga ito. Dahil unang araw ng class ng kambal ay nagantay lang sya sa waiting area ng school dahil isang oras lang sila ngayong araw. Matapos ang isang oras ay patakbong lumapit sina Thea at JM sa kanya. "Mommy look may star kami ni kuya." masiglang sabi ni Thea "Wow.. Verygood ang mga anak ko." masayang sabi ni Ehm "Opo mommy.. Good job daw po kami ni Thea sabi ni teacher." magiliw na sabi ni JM "Wow naman.." masaya nyang hinalikan ang mga anak saka inalalayan na sumakay sa sasakyan pauwi. "Matatapos mo ba sa deadline Jose?" sabi ni Matteo Nag iinspect sila Matteo at Jose kasama ang foreman ng pinapatayong mall sa ilocos. May mga ibat ibang stall at boutique na din na nagaayos para sa opening nila tatlong buwan mula ng araw na iyon. "Yah.. Finishing nalang naman ang iba. Sa sipag ba naman ng mga taga dito." sabi ni Jose "Diba ho mang Hilario?" sabi pa nito sa foreman "Naku pano ba naman pong hindi sisipagin ang mga tao namin sir. Hindi nyo naman po sila pinagkulangan o pinagdamutan lalong lalo na ho sa mga bonus na ibinibigay ninyo." masayang sabi ni Mang Hilario "Tulungan lang ho, Manong." sabi ni Matteo na tinapik pa ang matanda. "Kung ganun sir baka ho mapaunlakan nyo kami na sumabay ho sa aming panang halian. Naku napakasarap po ng pakain doon sa inoorderan namin." sabi pa ni Hilario "Aba sige ho." sabi ni Matteo "Tamang tama at nagugutom na ako." sabi ni Jose Inaya sila ni Tomas papunta sa isang mahabang lamesa. Ang ibang trabahador ay kumuha lang ng mga nakarepack sa styrofoam na pagkain bago kanya kanya na naghanap ng pwesto nila. Binigyan sila ng space ng ibang trabahador sa isang mahabang lamesa ng mga ito. "Manang Luning pumarito ka muna at bigyan mo ng masarap nyong pagkain sila sir." sabi ni Hilario "Sila ang mga bosing namin at may ari ng mall na ito." Lumapit naman ang isang may edad na babae na parang kasing tanda lang ni Mang Hilario. Pinalo ni Luning si Hilario. "Hoy mas matanda ka sa akin anong manang." natatawang sabi ni Luning "Hello sir.." bati naman sa dalawa. Inabutan nya ng tagisang pagkain ang mga ito. Saka sabay ng kumain. "Ang sarap naman ho nito." sabi ni Jose nang matikman ang ulam "Parang pamilyar ang lasa." "Oo nga ho, masarap ho ang luto nyo." sabi ni Matteo na halos maubos na ang kinakain. "Naku salamat pero pamangkin ko po ang nagluto nyan. Specialty nya po iyang letchon paksiw." sabi ni Luning "Ay kung hindi nyo po naitatanong specialty din ho ng a---" hindi na naituloy ni Jose ang sasabihin dahil pinasakan sya ng isang bote ng mineral water sa bibig. Nagtawanan naman ang mga ito sa kanila. "Kung gusto nyo po ay kayo nalang po ang kukunin namin na magke-catering para po sa pa blessing ng mall 2 months from now po." Sabi ni Matteo "Ay talaga basir? Aba sige sir wala pong problema. Sasabihin ko po sa pamangkin ko. Para makipag meeting po sa inyo." sabi ni Luning "Sige ho malalaman ko ho pagbalik namin next week manang ha." sabi ni Matteo Tinapos lang ang pagkain saka nagpaalam na sa mga ito. Kumakaripas naman ng takbo si Manang Luning habang palapit kila Ehm na nakatambay sa balkon ng mga ito. "Ano hong nangyari Manang Luning?" nagaalalang sabi ni Ehm Pinakalma muna ng matanda ang sarili saka umunom ng tubig. "Naku may maganda akong balita ineng." sabi ni Luning "Nanalo ho ba tayo sa weteng inay?" sabi ni Katring "Puro ka kalokohang bata ka." sabi ni Luning Natawa naman ang mga ito. "Bakit kasi humahangos kayo paparito?." sabi ni Katring "Naalala nyo ba yung konstrasyon ng tinatayong building na malaki malapit sa baranggay?" savi ni Luning "Oho manang." sabi ni Ehm "Nagustuhan yung ating luto. Kaya kinukuha tayo na magcater sa opening nila." sabi pa nito "Naku magandang balita nga ho iyan manang." tuwang sabi ni Ehm "Babalik daw sila dito sa susunod na susunod na martes para makipagusap sa iyo." sabi ni Luning "Naku manang field trip ho ng kambal sa martes." sabi ni Ehm "Ito isinulat ko yung numero nila. Tawagan mo nalang at ng magkausap kayo. Numero iyan ng namamahala doon sa mall." sabi ni Manang Luning Tinawagan naman agad ni Ehm ang numero na naroon. "Sorry na late ako ng arrive." sabi ni Jace "It's okay medyo kararating lang din naman namin. Mga 3hrs na ang nakakalipas." pangaasar na sabi ni Jose Natawa naman si Matteo. "Ihagis kaya kita sa balon?" Pangaasar din na sabi ni Jace "Wag naman mawawalan ka na ng gwapong kakambal bahala ka." natatawang sabi ni Jose "Puro kayo kalokohan tara na at inaantay na tayo sa meeting." sabi ni Matteo at tinungo na ang isang kuwarto. Naroon na ang mga bagong hire na mga mamahala sa mall nila doon sa lugar. Naayos naman nila naipaliwanag sa mga ito ang mga gusto ni Matteo na maging proseso ng mall. Inaayos na niya ang ibang dokumento ng lumapit ang bago niyang operation manager. "Sir, nasa linya po yung pamangkin daw po ni manang Luning na magke catering daw po sa pablessing? Nakikipagset daw po siya ng ibang date ng meeting kung maari daw po." sabi ni Gigi ang operation manager. "Kung gayon ikaw na ang makipag meeting sa kanya kung hindi siya available sa araw na iyon." sabi ni Matteo Nagtungo si Ehm sa katayan ng karne para omorder ng kailangan para sa pablessing ng bagong tayong mall sa bayan. Tinawagan nya si Manang Luning. "Hello po manang.." sabi ni Ehm "Pwede po ba ako makisuyo sa inyo na paki sundo po ang kambal. Nandito po kasi ako sa katayan. Wala pa daw po yung may ari. Pero pabalik naman na daw po. Aantayin ko na po sana." alalang sabi ni Ehm "Naku okay lang. Malapit lang naman iyon dito." sabi ni Luning "Maraming salamat po." Sabi ni Ehm saka ibinaba ang tawag. Pagkasundo sa kambal ay isinama ni Luning ang mga ito sa pagdedeliver sa mall ng panang halian ng mga trabahador doon. Para ipaalam din sa may ari ng mall na inaasikaso na ni Ehm ang para sa catering. "Oh dito muna kayo ha?" Binigyan nya ng dalawang monoblock na upuan ang kambal. "Antayin nyo ako dito ha? Mabilis lang ako." bilin pa ni Luning "Opo Lola Luning." sagot ng kambal Nagtungo na sa loob ang lola Luning nila. Natatanaw naman ng kambal si Luning. Kaya hindi sila nakaramdam ng takot o ilang. Bumaba sa upuan si Thea at nagakyat panaog sa isang hakbang na nandoon sa tabi nila. Tinitignan lang siya ni JM. Nadapa si Thea at patayong humikbi. Nilapitan naman ni JM agad ang kakambal. "Tahan ka na.. Wag ka na kasi talon ng talon." sabi ni JM na pinapagpag ang tuhod at palda ng kapatid. Palabas sila Jose, Jace, Hunter at Cain ng mapansin nila ang dalawang bata sa isang gilid. Nilapitan nila ang mga bata dahil ang isa ay umiiyak. "Oh what happened baby?" sabi ni Jose "Nadapa lang po sya." sabi ng batang lalaki Nang lingunin ni Jose ang batang lalaki ay para itong boy version ng batang babae na umiiyak. "Kambal ba kayo?" sabi ni Jose "Opo.." bahagyang natatakot na sabi ng batang babae "Grabe magkamukha kayo.. By the way ako si Jose ikaw baby anong name mo?" Magiliw na sabi ni Jose "Matthea Jane Mon--" nahinto sa sasabihin si Thea ng pigilan sya ni JM "Thea diba sabi ni mommy wag ka magbigay ng information sa stranger." bahagyang galit na sabi ni JM "Ay oo nga pala. Sorry po ayaw po ng mommy namin. But you can call me Thea po. Ito po ang twin brother ko si kuya JM." sabi ni Thea "Hi Thea and JM.. Verygood yung sinabi ng mommy nyo.. Alam nyo bang twin din kami nitong si Tito Jose? Iam Tito Jace" sabi ni Jace na nilahad sa mga ito ang kamay at tinanggap naman ng mga bata. "Pareho lang po kayong boy pero hindi po kayo magkamukha." sabi ni Thea Natawa naman sina Hunter at Cain sa kabibuhan ni Thea. Napakamot naman si Jace. "Pano ko ba ipapaliwanag.." sabi ni Jace "Ako lang ba? Kasi Parang may kahawig sya e." sabi ni Cain na napatingin kay JM "Yah, parang nakita ko na sya noon e.. Hindi ko lang matandaan kung saan." sabi ni Hunter Lumabas din sina Joaquin, Jameson at Warren. "Bakit nasa labas kayo?" sabi ni Warren saka tumingin sa tinititigan ni Hunter "Oh Kaninong mga anak yan.." sabi ni Jameson "Sayo ba Jose?" pabirong sabi nito "Anong sa akin baka kay...." Sabay sabay silang napatingin kay Hunter "Siraulo kayo ngayon lang ako nakayapak ng ilocos." sabi ni Hunter Nakatingin lang sila sa kambal. Nasa ganoong pagiisip sila ng sunod na lumabas si Matteo. "Anong pinagkakaguluhan nyo diyan kakain na." sabi ni Matteo Napatingin naman ang mga ito sa kanya at sa mga bata. "D-daddy?" sabi ni Thea saka tuwang tinakbo nya si Matteo at niyakap nya ang mga binti ni Matteo. Kinarga naman ni Matteo ang bata. "Woow little miss beautiful.. Wala pa akong anak.. Pero kung kasing ganda mo pwede na din." nakangiting sabi ni Matteo Lumapit naman si JM sa kanila. "Pwede po bang paki baba ang kapatid ko." walang ekspresyon na sabi ni JM Ibinaba naman ni Matteo si Thea. "Kung hindi lang kita kilala Matt mapagkakamalan ko talagang anak mo sila." sabi ni Joaquin "Hayaan mo Joaquin hindi pa ako gumagaya sayo na kinakalat ang lahi." biro ni Matteo "Anong akala nyo sa akin babaero.." sabi ni Joaquin "Oo." sabay sabay na sabi ng mga ito saka nagtawanan. "Maka oo kayong dalawa! E numero uno kayong babaero." paakbay na sinakal ang pinsang sina Jose at Warren. Nakaagaw tuloy sila ng atensyon at nakita sila ni Manang Luning kaya lumabas din ito. "Naku pasensya na po kayo kung dinala ko ang mga apo ko." sabi ni Luning "Ah apo nyo po pala sila." sabi ni Matteo "Opo sir.. May pinuntahan lang po ang mommy nila kaya naisama ko sila." sabi Luning "Okay lang ho. Bibo naman ang mga apo nyo." sabi ni Hunter "Kamukha ba ng Daddy mo si Tito Matteo baby?" sabi ni Jose Tumango naman sina JM at Thea. "Naku pasensya na po kayo. Baby palang po kasi sila hindi pa po nila nakikita ang daddy nila. Kaya minsan kahit sino nalang po tinatawag nilang daddy." sabi ni Luning "Nasaan po ang Daddy nila?" sabi ni Jace "Nasa abroad po.." sabi ni Luning "Sige po sir mauuna na po kami pasensya na po sa istorbo." saka inakay ang mga bata. Nilingon pa ng dalawang bata ang mga lalaking naiwan saka kinawayan. "Ba-bye po.." sabi ng kambal Gumanti din naman ng kaway ang mga ito sa kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD