Nasa pub sila ng hotel ni Hunter sa zambales pagkatapos nilang samahan si Matteo na inspeksyonin ang bagong mall nito sa ilocos.
Naka upo silang walo sa isang malaking sofa na may lamesa sa harapan.
"Iniisip mo pa din ba yung mga bata?" sabi ni Hunter kay Matteo
"Ewan ko ba parang ang gaan ng loob ko sa kanila." sabi ni Matteo saka tinungga ang laman ng kopita.
"Ang bibo naman kasi. Lalo na yung Thea." sabi ni Jameson
"Napansin nyo din bang tumingin yung JM? Haha parang si Matteo kapag galit pati yung tono. Naalala mo nung sinakyan ko yung motor mo na halos ayaw mong pahawakan saamin pare ganong ganon mukha mo." tawang sabi ni Warren
"Hindi kaya anak mo talaga sila?" sabi ni Jose kay Matteo
"Pano naman mangyayari yun. Hindi naman ako kasing sisipag nyo pagdating sa babae." sabi ni Matteo "Saka may sariling tatay yung mga bata. Kaya tantanang nyo ako."
"Sabagay may punto ka Jose." balewala ni Jace sa sinabi ni Matteo "Napansin nyo ba yung sinabi ni Thea. Matthea Jane Mon-- hindi lang naituloy. Tapos yung lalake JM. Diba JM ka din? Juan Matteo." Sabi ni Jace
"Imposible, kung anak ko man sila wala naman akong lahing kambal. Maniwala pa ako kay Jace o Jose." sabi ni Matteo
"Pwede pa rin, kahit pinsan mo pa ang may kambal o kahit malayong kamaganak. Basta meron sa lahi nyo ang may kambal." sabi ni Cain
"Imposible pa din." Sabi ni Matteo
"Pero hindi posible.." sabi ni Joaquin
Nagtutupi ng damit si Ehm at naglalaro naman ang mga anak. Napansin nyang nagbubulungan ang mga ito. Nilapitan nya ang kambal.
"Ano yung pinagbubulungan nyo po?" sabi ni Ehm.
"Kasi mommy--" sabi ni Thea
"Ah wala po mommy.. Maglalaro lang po kami sa labas. Tara na Thea." Putol ni JM sa kapatid saka inalalayan ang kapatid sa labas at naglaro sila sa maliit na bisikleta nila na pang bata.
Napailing nalang si Ehm saka tinapos ang mga tupiin.
"Wag ka maingay kay mommy Thea. Baka mapagalitan tayo." sabi ni JM
"Opo kuya, sorry kuya kamukha kasi talaga siya ng daddy natin." malungkot na sabi ni Thea.
"Kung daddy natin yung manong doon sa mall, bakit hindi siya umuwi dito?" sabi ni JM "Kaya hindi natin daddy yun ha?"
"Opo kuya."
Kung totoo man na daddy nila ang nakita sa ginagawang mall, ay ayaw nyang malaman ito ng ina. Ayaw kasi ni JM na makita ang inang malungkot. Minsan ay naririnig nya itong humihikbi at nakatingin sa litrato na nasa wallet.
Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mang-galing sya sa ilocos. Hindi mapakali si Matteo kaya bumalik sya muli sa lugar. Tinanong nya si Mang Hilario kung saan nakatira si Manang Luning.
"Bakit ho sir may problema ho ba?" sabi ni Mang Hilario
"May kailangan lang ho akong sabihin tungkol sa parating na event ng mall manong." sabi ni Matteo
Madali naman nya natunton ang lugar na itinuro ni Mang Hilario. Nagkunwari nalang sya na bumibili sa karinderia upang makalapit sa bahay ng mga ito. Nakita nya ang dalawang bata sa labas at naglalaro ng habulan ng madapa si Thea at umiyak ito ng umiyak.
"Mommy.. mommy.." iyak ni Thea. "May dugo po." patuloy na iyak ng bata.
Gustong lapitan ni Matteo ang mga ito. Natigilan sya ng lumabas ang isang babaeng maiksi ang buhok at kinarga si Thea papasok sa loob ng bahay. Bata pa ang itsura nito para maging magulang sa dalawang bata. Bahagya siyang nadismaya na hindi ang hinahanap niya ang makikitang ina ng kambal.
Hindi nya alam kung bakit simula ng makita niya ang mga bata ay ganun nalamang ang pagtatangis niya sa mga ito.
Ganun na ba ang kagustohan niyang magkaanak. Para ariin ang hindi naman sa kanya.
Nasa ganung pagiisip siya ng tawagin siya ng tindera.
"Sir 140 po." sabi ng tindera "sir?"
Inabot ni Matteo ang 500.
"Keep the change." sabi ni Matteo saka kinuha ang plastik at bumalik sa sasakyan.
Masaya naman na tinanggap ng tindera ang tip na binigay ni Matteo
"s**t! Ano ba tong ginagawa ko." sabi ni Matteo na nahampas pa ang manibela.
Nasusulsulan kasi siya ng mga pinsan at kapatid. Kaya naman umasa tuloy syang ang babaeng hinahanap ay ang ina ng mga bata iyon. Natawa nalang sya ng pagak sa isiping makikita si Ehm.
Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay saka pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar.
Papasok naman sa gate si Ehm at dalidaling pumasok sa bahay ng marinig ang iyak ni Thea.
"Anong nangyari Katring?" nagaalalang nilapitan ni Ehm ang mga ito.
"Nadapa daw po sya ate." sabi ni Katring habang ginagamot ang gasgas ni Thea sa tuhod.
"Gagaling ka na Thea wag ka na umiyak" malumanay na sabi ni JM
"Opo kuya.." sabi ni Thea "Saan ka po galing mommy ko?" sabi pa nito saka pinunasan ang luha.
"Pinaayos ko yung car natin anak.." sabi ni Ehm
"Oh! Ayan gagaling na yan.." sabi ni Katring
"Salamat Katring." sabi ni Ehm
"No problem ate." sabi ni Katring
"Thank you nurse tita Katring." nakangiting sabi ni Thea
Nagtawanan naman sila Ehm at Katring.
Busy si Ehm sa dami ng inasikasong lulutuin. Marami din naman syang nakatulong sa pagluluto kaya hindi na din masyadong napagod. Napaka galante ng may ari ng bagong gawang mall. Halos buong bayan ang inimbitahan sa grand opening ng bagong gawang mall sa bayan.
Maraming tao ang umattend sa pablessing ng bagong gawang mall ni Matteo. Kompleto din ang pamilya nya na nandoon.
"Nakaka proud naman ang lugar na ito anak." Sabi ni Armando kay Matteo
"Tourist attraction din ang lugar." sabi ni Amelia
"Alagaan nyo ang lugar na ito apo ha. Wag nyong sirain ang pagka natural at sariwang nature ng lugar ha." sabi ni Barbara
Marami ang nagtungo sa mall ng araw na iyon. May malaking palaruan para sa mga bata na inopen sa araw na iyon para maenjoy ng mga bata. Malawak din ang hall kung saan nandoon ang mga bisita. Mayroon ding malawak na parke sa likuran ng mall.
"Ate nasaan ka na po? Nagpapakain na po." sabi ni Katring sa cellphone
"Nasa parking na ako katring."sabi ni Ehm na nahihirapang maghanap ng mapaparkingan. Umuwi muna kasi siya sandali para magpalit ng damit.
Habang inaayos ang pagkakapark ng sasakyan ay dumaan sa harapan nya ang mga pamilyar na lalaki.
"Joaquin, Warren at kuya Hunter? Anong ginagawa nila dito?" sabi ni Ehm na nagtago kahit tinted naman ang sasakyan nya.
Tinawagan nya si Katring pero hindi na nito sinasagot. Kasama pa naman nito ang mga anak. Kahit si Manang Luning ay hindi din sumasagot. Abala na ang mga ito.
Hindi malaman ni Ehm kung anong gagawin nya. Nang makita ang mga pinsan ni Matteo. Pag silip nya ay wala na ang tatlo kaya naka baba na sya. Para pumunta sa event. Pero laking gulat nya ng mapansing hindi lang sila Hunter ang nandoon kundi ang buong angkan ni Matteo.
"Shoot bakit hindi ko inalam na sila pala ang mayari ng mall na to." sabi ni Ehm habang naka silip sa pinto ng fire exit. "Ang tanga tanga mo Ehm!" sabi ni Ehm sa sarili.
Hindi malamang ni Ehm kung paano makukuha ang mga anak.
"Hi baby girl.." sabi ni Jace kay Thea
"Hello po." sabi ni Thea
"Bakit magisa ka lang dito?" sabi ni Jose
"Kumuha po kasi ng makakain ang tita Katsing ko. Nagugutom na po kasi ako." sabi ni Thea.
Lumapit naman si Luning sa mga ito.
"Naku pasensya na kayo sir. Inaantay ko po kasi ang mommy nila e. Magaasikaso pa po ako ng mga pagkain. Maaari ko po bang maiwan muna sa inyo si Thea mga sir? " sabi ni Luning
"Sige po kami na muna po ang magbabantay sa kanya.." sabi ni Jace
Inakay naman ni Jace at Jose si Thea papunta sa table nila.
"Hi cutie pie.. Long time no see ah." sabi ni Jameson
"Hello po." sabi ni Thea
"Ang ganda naman ng batang iyan Jose." sabi ni Barbara
"Kayo din po maganda." sabi ni Thea kay Barbara
"Aba at magaling kumilatis ng maganda ang batang ito ah." sabi ni Amelia
"Kaninong anak iyan iho?" sabi ni Armando
"Kay Jose po." birong sabi ni Jace
"Kalokohan mo Jace. Paniwalaan ni mamita yang sinasabi mo baka itakas nya na tong bata." natatawang sabi ni Jose
Mabilis naman na kinaaliwan ng mga ito si Thea na maganang kumakain.
Lumapit sa kanila si Matteo at napansin nila na bigla bumagal sa pagkain si Thea.
"Oh bakit iha?" sabi ni Armando kay Thea "Hindi mo ba gusto ang pagkain mo?" pagaalala pa nito
Napatingin naman si Thea kay Matteo.
"Mabait yan si tito Matteo." sabi ni Cain "Masungit lang minsan."
"Lalo mo lang tinakot yung bata." sabi ni Warren "Pero dragon talaga yan minsan." habol na sabi pa nya.
Nagtawanan naman ang mga ito.
"Naku puro kayo kalokohan. Tignan nyo yung bata lalo nailang saakin." sabi ji Matteo
Nagtawanan sila para hindi na mailang si Thea.
Nagpakarga naman kay Armando si Thea at kinarga naman ito ng ama ni Matteo.
"Bagay kayong maglolo, tito." sabi ni Joaquin
"Aba oo nga ano." sabi ni Armando "Anong pangalan mo iha?"
Napatingin si Thea kay Matteo. Iniabot naman ni Matteo ang hawak na choco drink kay Thea. Masaya naman na tinanggap ito ng bata.
"Matthea Jane Montecarlo po ang name ko." sabi ni Thea saka masayang sinipsip ang choco drink na hawak
Natigilan silang lahat sa sinabi ng bata.
"A-ano ulit baby ang name mo?" sabi ni Amelia habang nakatitig sa bata. Halos maluha luha siya ng marinig ang pangalang binanggit nito. Ito kasi ang pangalan na naisip ni Ehm na ipangalan sa sana ay anak nila kung ito ay babae.
"Thea nalang po mahaba po ba?" sabi ni Thea
Nagtawanan kunwari ang mga ito.
"Amelia ayos ka lang ba?" sabi ni Armando ng makita ang reaksyon ng asawa.
"Maari ko bang malaman kung anong pangalan ng mommy at daddy mo?" sabi ni Barbara
"Magagalit po si ku--" hindi na naituloy ni Thea ang sasabihin ng mangati ang leeg.
Biglang hinawakan ni Thea ang dibdib saka umubo ng umubo. Nabitawan din nito ang hawak na choco drink.
Lumapit naman sa kanila si Katrina at si JM.
"Ano pong nangyari?" nagaalalang sabi ni Katrina saka nilapitan si Thea.
"Thea okay ka lang ba?" sabi ni Matteo
"Ikaw ang mommy ng bata?" sabi ni Armando na halata ang pagaalala.
"Hindi po." sabi ni Katrina "Thea anong nangyayari.."
"Nahihirapan po ako huminga." sabi ni Thea
Palapit na sana si Cain para daluhan si Thea. Nang biglang isang babaeng naka cap ang sumingit sa kaguluhan nila at kinarga si Thea.
Paalis na ang babae na karga si Thea ng pigilan ni Matteo ang babae sa braso at iharap sa kanila. Napansinghap naman ang mga Montecarlo ng makilala kung sino ang babae. Kahit si Matteo ay natigilan ng makita ang babae.
"Ehm.." sabi ni Matteo
Pinalis ni Ehm ang kamay ni Matteo na nakahawak sa kanya pero hindi ito bumitiw.
"Bitawan mo ako please! Papatayin mo ba ang anak ko!" sigaw ni Ehm "Alergic sya sa chocolate!" sigaw pa nito
Natigilan lang sa kinatatayuan si Matteo. Nakatanaw lang sa papalayong si Ehm. Halos natahimik ang lahat sa bilis ng pangyayari.
Nahimasmasan sila ng umiyak si JM.
"Ang kapatid ko po. Ang mommy ko." iyak na sabi ni JM
Kinarga naman ito ni Matteo at pinakalma.
"Papa, kayo muna ang bahala kay JM. Wag nyo siyang hahayaang mawala." sabi ni Matteo sa ama
Saka sabay sabay silang sumunod sa ospital ng bayan.
"Pasensya na po maam full capacity po kami ngayon.. May dengue outbreak po kasi ngayon." sabi ng doctor sa ospital sa bayan
Walang tigil ang iyak ni Ehm. Halos hindi sya makapag isip ng gagawin. Nahihirapan nang huminga si Thea.
Nagdatingin sa ospital ang mga Montecarlo.
"Kahit mabigyan lang ng paunang lunas ang anak ko." sabi ni Ehm ngunit tinalikuran lang siya ng nurse na nagmamadali din.
Hindi na alam ni Ehm kung saan niya itatakbo ang anak ng makasalubong ang mga Montecarlo.
"Ihanda nyo ang helicopter para madala sila sa manila. Madali!" pautos na sabi ni Barbara ng malaman na hindi maasikaso ang bata.
Ilang minuto lang ay nakalapag na sa rooftop ng ospital ang helicopter. Sumakay doon sina Thea, Ehm at Cain.
Itinawag na ni Cain ang pagdating nila kaya paglapag ng sinasakyan sa ospital ng mga Montecarlo ay nakaabang na ang Isang stretcher at dalawang nurse na lalaki at si Angge.
"Ehm.." sabi ni Angge magkayakap na nagaantay sa labas ng kwarto sila ni Ehm.
Walang tigil sa pagiyak si Ehm.
Tumatakbo naman na papalapit sa kanila sina Matteo, Armando at Amelia na akay akay si JM.
"Mommy!" Tumakbong payakap kay Ehm si JM na mahigpit din niyang niyakap ang anak.
Nang makalapit sina Matteo at ang magulang nito ay tumayo si Ehm at hinarap ang mga ito.
"Pasensya na po sa abala." sabi ni Ehm sa mga magulang ni Matteo
"Wala yun iha. Ang mahalaga ang baby mo. Kamusta na sya. Anong sabi ng doktor?" nagaalalang sabi ni Amelia
"Nasa loob pa po, inoobserbahan pa po." sabi ni Ehm na nababakasan ng pagaalala.
Tahimik silang nagaantay sa labas ng kwarto. Hindi man niya nakikita pero ramdam niya na masama ang tingin sa kanya ni Matteo.
Lumabas si Cain at ang isang kasama nitong pedia.
"Kamusta na po ang anak ko?" sabi ni Ehm
"Out of risk na sya. Pero magstay muna sya dito sa ospital para mamonitor sya ng mas maayos. Nagkatoon po siya ng allergic reactions sa kinain nya. Sasusunod po iiwas na po natin sa kanya ang bawal. Nabiguan na din po namin siya ng antihistamine. Pwede na po kayong pumasok."
Para namang binunutan sya ng tinik ng marinig ang sinabi ng doctor. Saka sabay sabay silang pumasok sa loob ng kwarto kung saan naka admit si Thea.
Nakahiga ito sa hospital bed at naka swero. Binigyan din ito ng oxygen para magnormal ang paghinga.
"Mommy bakit tulog si Thea?" sabi ni JM sa pagitan ng pagiyak na hindi na napigilan.
"Shhh tahan na anak.. Gagaling na si Thea kasi madaming magaling na doctor dito." pagpapakalma ni Ehm kay JM
"Sorry po mommy.. Hindi ko naprotect si Thea.. Wala na nga si daddy tapos iniwan ko pa si Thea. Ano nalang po ang sasabihin ng daddy kapag nalaman nya na hindi ko naprotect si Thea." sabi ni JM
Hinarap ni Ehm ang anak saka hinawakan sa mukha.
"Hindi mo kasalanan anak. Walang may gusto sa nangyari okay?" sabi ni Ehm saka niyakap ulit ang anak.
Nakatingin sa kanila sina Matteo, Cain, Armando at Amelia.
"Maraming salamat po sa pagsama sa amin ng anak ko dito." sabi ni Ehm
Naiilang siya sa mga ito alam niya na nagaantay ng paliwanag ang mga ito.
"Paliwanag ang kaylangan ko hindi ang paghingi mo ng pasensiya." galit na sabi ni Matteo
"Matt may naririnig ng bata." sabi ni Cain
Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang mga tita at tito, pinsan at kapatid ni Matteo at ang abuela na si Barbara. Buti nalang at malaki ang kwarto dahil VIP room iyon kaya nagkasya silang lahat.
Halata sa mga ito ang pagaalala kay Thea. Walang gustong kumibo o magtanong kay Ehm. Napalingon silang lahat sa pinto ng pumasok si Angge na may dalang chart. Naiilang naman na pumasok si Angge at nilapitan si Ehm na nakaupo sa tabi ng kama ni Thea.
"Ah Ehm kukuhanin ko lang yung details ng baby mo." sabi ni Angge "Okay lang ba?"
Tumango lang si Ehm.
"Pangalan ng pasyente." sabi ni Angge
"M-Matthea Jane M-ontecarlo." nauutal na sabi ni Ehm
Tinanong pa ang ibang detalye ni Thea hanggang sa.
"Fathers name?"
tahimik lang na nakatingin ang mga Montecarlo sa kanya.
"Wala." sabi ni Ehm saka iniwas ang tingin
"Hala mommy bad magsinungaling.. Juan Matteo Montecarlo po name ng daddy ko." sabi JM
"Anak!" sabi ni Ehm
Nagulat naman si JM sa sigaw ng ina.
Sabay sabay naman nagbulungan ang mga kaanak ni Matteo.
"Pasensya na po kayo nagkamali lang po ang anak ko." paliwanag ni Ehm
"Mommy diba nga kaya Juan Matteo Montecarlo II ako kasi same kami ng name ng daddy ko." walang muang na sabi ni JM
"Anak hindi maganda na nakikisali ka sa usapan ng matatanda!" sabi ni Ehm na medyo nagtaas na ng boses.
Bigla naman nalungkot si JM. Lumapit si Barbara kay Ehm.
"Hindi rin maganda na paglihiman mo ang bata. Si Matteo ba ang tatay nila?" sabi ni Barbaridad
"Ma.." pigil ni Armando sa ina
"Tigilan nyo ako ha.." inis na sabi ni Barbara "Bakit hindi ka sumagot Ehm. Sino ang ama ng mga anak mo?" giit ni Barbara
"Si M-Matteo po." sabi ni Ehm
"Bakit mo naman itinago ang mga apo ko iha? May nagawa ba kaming mali sayo?" sabi ni Amelia na may himig ng pagtatampo.
Umiling lang si Ehm. Hindi nya alam ang isasagot sa mga ito.
Nilapitan ni Hunter si JM.
"Hi JM.." magiliw na sabi ni Hunter at niyuko ang bata para hindi mahirapan itong tumingala.
"Hello po." sabi ni JM
"Pwede ko bang malaman kung kilala mo ang daddy mo?" sabi ni Hunter
"Opo pero sa name lang po. Ay nakita ko na po pala. Pinakita po sa amin ni mommy yung wedding picture nila. Akala ko nga po sya yung daddy ko." sabi ni JM na inginuso pa si Matteo "Kasi magkamukha po sila."
"Ako nalang po ang magpapaliwanag sa mga anak ko." sabi ni Ehm
"Para puro kasinungalingan nanaman ang sasabihin mo?" nagtitimping sabi ni Matteo
Pinigilan ni Danilo ang pamangkin.
"Matteo.. Nanjan ang bata maghunos dili ka." sabi ni Danilo
"Bakit tito tama naman ako ah." sabi ni Matteo
Inaya ni Angge si JM sa cafeteria. At sumama naman ang bata sa kanya. Sumunod sa kanya si Cain. Pati si Joaquin at Jameson ay sumunod sa mga ito.
Karga ni Angge si JM habang hawak ang chart. Kinuha naman ni Cain ang mga hawak ni Angge.
"Bagay pala kay Cain ang may pamilya no?" sabi ni Jameson habang nakatanaw sa mga ito.
"Ha?" sabi ni Joaquin
"Tignan mo para silang isang pamilya." sabi ni Jameson
"Huh! Mukha lang silang mag-amo." sabi ni Joaquin
"Talaga ba? Parang hindi naman." sabi ni Jameson
"Alam mo ang pangit ng judgement mo. Tingin ko kinakalawang na yan." asar na sabi ni Joaquin
"Bakit ba parang bigla kang naasar. Introvert ka na ba ngayon. Bigla bigla ka nalang magagalit." sabi ni Jameson
"Kung ano ano kasi sinasabi mo." sabi ni Joaquin
"Huh? Parang wala naman a--" hindi na nya naituloy ang sasabihin ng tapikin siya ni Joaquin sa balikat
"Meron kaya jan ka na. Mauna na ako sayo. " sabi ni Joaquin saka iniwan ang pinsan.
Nanlulumo naman na umuwi ng bahay ang maginang Katring at Luning.
"Nakakalungkot naman inang." sabi ni Katring na sumalampak sa sala nilang gawa sa kawayan na may foam.
"Kahit ako ay nalulungkot. Pero masaya na din dahil nakilala na nila ang daddy nila." sabi ni Luning
"Hay wala nang maingay dito kundi ikaw nalang inang." sabi ni Katring
"Ako? Aba kang bata ka ha."
"ang inang hindi na mabiro."