chapter 10

2526 Words
Matagal nang nakaalis ang mga Montecarlo maliban kay Matteo na kasama pa din ni Ehm na nasa loob ng kwarto kung saan nakaadmit si Thea. Walang gustong kumibo sa isat isa. Ayaw din naman ni Ehm ng komprontasyon. "Bukas pag stable na si Thea pwede na daw syang madischarge." sabi ni Ehm "Ipapalinis ko ang bahay sa isla." sabi ni Matteo na kinuha ang cp sa bulsa "Hindi pwede. Babalik kami ng ilocos." sabi ni Ehm. Matalim namang syang tinignan ni Matteo. Napayuko nalang si Ehm. "Iniisip ko lang kung pano ang pagaaral ng mga bata." sabi ni Ehm "Ipapatransfer ko sila dito sa manila. Yung bahay ko ang ipapalinis ko." sabi ni Matteo "P-pwede naman kami doon sa--" natigil ang sasabihin ni Ehm "Bakit ba ipinipilit mong ilayo sa akin ang mga anak ko?" sabi ni Matteo na tumaas na ang boses "Halos may mangyaring masama sa kanya! Dahil hindi ko alam ang pwede at hindi sa kanya!" sabi ni Matteo "Ayoko lang masaktan ang mga anak ko pag nalaman nila na may binubuong ibang pamilya ang ama nila." sabi nalang ni Ehm "Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Matteo Ngunit hindi na kumibo pa si Ehm. Nag aantay ng sagot si Matteo pero hindi na ito nagsalita. Gusto pa niya itong isisain ng magising si Thea. "Mommy..." sabi ni Thea Lumapit naman si Ehm sa tabi ng anak. Kasunod nito ni Matteo. Nakatingin lang si Thea sa kanya. "D-daddy?.." sabi ni Thea ng makita si Matteo sa likod ni Ehm. Nang mapansin ni Thea na hindi pala siya ung daddy nya. "Sorry po akala ko po daddy ko.." sabi ni Thea na may himig ng lungkot. "Anak siya talaga ang daddy mo.." sabi ni Ehm na ikinagulat ni Matteo ang sinabi ni Ehm dahil hindi nya inaasahang sasabihin nito ang totoo. Masaya namang bumangon si Thea ng marinig ang sinabi ng ina. Bababa sana ito sa kama ng si Matteo na ang lumapit para tumabi sa kama at kinandong ang anak. Niyakap naman sya ni Thea. Hindi malaman ni Matteo ang mararamdaman ng mayakap ang anak. "Miss na po kita daddy matagal na po kitang gustong mayakap." magiliw na sabi ni Thea Ngumiti lang si Matteo sa bata. "Kamusta ang pakiramdam mo anak? May gusto ka ba?" sabi ni Ehm na ginagap ang kamay ng anak Kumalas naman sa pagkakayakap sa ama saka nilingon ang ina. "Water po mommy.." malambing na sabi ni Thea sa ina. "Bakit po sabi ni mommy nasa malayo po kayo nagtatrabho. Malapit lang po pala. " sabi pa nito sa ama Nagkatinginan sila ni Matteo. "Nabusy lang si daddy pero simula ngayon hindi na tayo magkakalayo. Hindi na papayag si daddy na malayo kayo sa akin. Okay ba yun.?" sabi ni Matteo "Matutuwa si kuya JM, daddy. Nasaan po pala siya." sabi ni Thea na hindi pa din maalis alis ang ngiti sa mukha. "Kasama siya ng friend ni mommy anak." sabi ni Ehm Tumayo naman si Ehm para kumuha ng tubig at napalingon silang lahat ng bumukas ang pinto at pumasok si Joaquin na karga si JM na kasama si Angge. Ibinaba ni Joaquin si JM at nalilitong lumapit kay Ehm. "Akala ko nakauwi ka na?" sabi ni Matteo sa pinsan "May nakalimutan lang ako kaya binalikan ko." Sabi ni Joaquin "Sige Ehm dito na kami.. Hinatid lang namin si JM." sabi ni Angge Lalabas na sana ito pero si Joaquin ay nakatayo pa din at parang walang balak lumabas. Hinampas naman ni Angge si Joaquin sa likod. "Hoy.. Halika na.." sabi ni Angge saka hinila si Joaquin. "Teka hindi pa nga kita sinasagot gusto mo halikan na." sabi ni Joaquin "Ang corny mo." sabi ni Angge saka naunang naglakad palabas ng kuwarto. Kinarga ni Ehm si JM at lumapit sa mag-ama. "Bakit nyo po kandong ang kapatid ko?" sabi ni JM na siryoso ang mukha "Siya ang daddy nyo anak.." sabi ni Ehm "Totoo po ba mommy?" sabi ni JM ng tumango ang ina. Bumaba si JM at tumakbo palapit kay Matteo saka ito nagpakandong. Sabik na nagyakapan ang mga ito. "Ikaw din po ung nakita namin sa mall na ginagawa po diba?" sabi ni JM saka kumalas sa pagkakayakap sa ama at hinarap ito. Tumango naman si Matteo. Nalilito naman na nakatingin lang sa mga ito si Ehm. "Pero bakit sabi nyo po hindi.." sabi ni Thea "Sa ngayon hindi ko muna masasabi sa inyo ang dahilan.. okay lang ba?" sabi ni Matteo na halagta sa ningning ng mata ng makita ang mga anak. Masayang tumango naman ang mga bata. "Okay lang po daddy.. Ang mahalaga po nandito ka na po." sabi ni Thea "Excited na ako umuwi sa ilocos kuya para ikwento sa mga classmate ko na nandito na si daddy natin kuya." sabi pa ni Thea "Mga anak doon na tayo sa bahay natin titira." sabi ni Matteo "Ay may bahay tayo dito kuya." sabi ni Thea kay JM Halata sa mukha ng mga bata ang excitement. Kinabukasan ay nagaayos na si Ehm ng ibang bihisan na dinala sa kanila ni Matteo. Napalingon sya sa pinto at halo halong emosyon ang naramdaman nya ng pumasok ang mga magulang nya. Nilapitan si Ehm ng ina at niyakap ng mahigpit. "Anak!!" sabi ni May ang ina ni Ehm Lumapait naman ang ama sa kanila na kahit sa matapang na mukha ay halata ang pananabik sa mga mata nito ng makita syang muli. "Pa.." nasabi nalang sa ama saka tumayo at niyakap din ito. Nakatingin lang sa mga ito sina JM at Thea. Napansin naman iyon ni May kaya nilapitan nya ang mga ito. "Ito na ba ang mga apo ko.." Magiliw na sabi ng Pinunasan ni Ehm ang lumagaslas na luha saka lumapit sa mga anak. "Sila ang lola at lolo nyo mga anak.." sabi ni Ehm "Ang dami nating lolo at lola kuya." masayang sabi ni Thea "Ang ganda nyo po lola.." saka hinawakan sa pisngi ang lola. Hindi naman nakapag salita ang abuela at mahigpit nyang niyakap ang apo. Kinarga naman ni Henry si JM. "Wow ang bigat mo pala kahit balingkinitan ka." sabi ni Henry "Si mommy po kasi ang sarap magluto. hehe.." bulong na sabi ni JM "Naku totoo yan. Miss na miss ko na nga ang mga luto mo anak." sabi ng ina "Kamusta ka na anak? Ano bang nangyari." Hindi nanaman napigilan ng ina na maiyak. "Ano ka ba May nakikita ka ng mga apo ko. May lugar para dyan." sabi ni Henry "Anong oras ba kayo madedischarge para makauwi na tayo. Naihanda ko na ang kwarto nyo sa mansyon." Maotoridad na sabi ng ama nito. "Sa bahay po namin kami uuwi papa." nagaalangan na sabi ni Ehm Tinignan siya ng masama ng ama pero hindi na ito nagsalita pa. Siguro dahil nakaharap ang mga bata. Maya maya pa ay dumating na si Matteo, at nagmano naman ito sa mga byenan. "Kamusta po kayo.." magalang na sabi ni Matteo "Mabuti naman iho. Ikaw kamusta na? ang huli nating pagkikita ay noong gabing las---" sabi ni Yna "Myrna!!" saway na sabi ni Henry "Sige iho puntahan mo muna ang mga anak mo. Kanina ka pa hinahanap ng mga iyan." sabi ni Henry Nilapitan naman ni Matteo ang mga anak at masayang binati ang mga ito. Naka upo sila Ehm at ang mga magulang sa sala na nandoon sa loob ng kwarto at nalilitong humarap sa mga magulang. "Ano yun papa?" nalilitong sabi ni Ehm "Anong ano yun?" sabi ni Henry "Hindi ka naman ganun kay Matteo makitungo ah." sabi ni Ehm "Hindi ako bastos makipagusap." sabi ni Henry "Naku sa tagal mong nawala anak napakarami mong nalampasang pangyayari." sabi ni May "Pati kung pano nakuha ni Matteo ang loob ng papa mo." dugtong pa nito. Nakuha ni Matteo ang loob ng papa? Ganun na ba kalala ang galit saakin ng papa para panigan si Matteo? Anong nangyari? Nasabi nalang nya sa sarili nya dahil hindi nya kayang isatinig. Papasok si Ehm sa study room ng ama ng matigilan siya ng marinig ang naguusap sa loob. "Henry ano naman masama kung Montecarlo ang mapapangasawa ng anak mo?" sabi ni May "Hindi ba pupwede na iisang tabi mo muna ang pride mo?" "Madaling sabihin sayo dahil hindi naman ikaw ang naagawan ng investor." sabi ni Henry "Wala na dito sa mundo yung taong yun Henry. Matandang Montecarlo ang nakatapat mo noon. Kaya para sana sa anak mo pakitunguhan mo ng maayos ang mapapangasawa nya." sabi ni May. "Kahit kaylan hindi ko yun makakalimutan. Kahit hindi pa siya ang derektang naging dahilan ng kamuntik na pagbagsak ng negosyo natin." Madiing sabi ni Henry Nakatingin lang si Ehm sa mga magulang nagaantay na magkwento ang mga ito pero walang nang isinunod doon ang mga magulang kaya naguguluhan sya kung ano nga ba talaga ang nangyari. Nakasakay na sila Ehm sa gray na BMW ni Matteo. Tahimik lang na nagmamaneho si Matteo at masaya naman na nakaupo sa likod ang mga anak. "Mommy alam mo po ang saya saya ko kasi magkakasama na tayo nila daddy." masayang sabi ni JM "Opo mommy.. Sana daddy wont leave as again.. Please daddy.." malungkot na sabi ni Thea kay Matteo na sinisilip pa ito. "That won't happen again baby.." sabi ni Matteo "Never." na sadyang diininan ang huling sinabi saka tinignan ng bahagya si Ehm saka ibinalik ang tingin sa minamaneho. Sa isang exclusive subdivision sa magallanes sila pumasok. Kahit litong lito ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Ehm na magtanong kay Matteo. Huminto sila sa isang modern style na gate at bumusina lang si Matteo ay pinagbuksan na sila ng guard na nakabantay doon. Malawak ang lugar na may maliit na mini play ground sa gilid at at ang bahay ay may dalawang palapag na may white and choco brown na accent. Pagbaba nila ng sasakyan ay sinalubong sila ng mga Montecarlo lalo na ang mga magulang at abuela ni Matteo. Kinarga ng mga ito ang mga anak at ipinasok sa loob ng magarang bahay. Dito ba niya itinira sila Yeng at ang anak ng mga to? May play ground pa para sa anak ng mga ito. Mga tanong na sa isip nya lang naisatinig. Dahil nakaramdam nanaman siya ng sakit ng maisip ang masayang pamilya ng mga ito. Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Ehm. Naiilang sya na nahihiya sa mga ito dahil ipinagkait nya sa mga ito ang kambal. "Wow! kuya look may playground." masayang sabi ni Thea Napanatag ang kalooban nya ng makita ang mga magulang nya at si Lani na sabik syang niyakap. Walang usap pero pareho silang umiyak. Walang salita na lumabas dito para pagalitan man sya o sermonan. "Namiss kitang babae ka!" sabi ni Ehm "Naku mas namiss ka namin." sabi ni Lani "Nasaan pala sya. Hindi na kami nakapagusap sa ospital ng maayos." sabi ni Ehm na pinunasan ang luha saka nagpalinga linga "Wala sya kasi alam mo naman yun. Kayod kalabaw." sabi ni Lani saka sya inaya sa likurang bahagi ng bahay kung saan may mas malawak na balkonahe. Naroon halos lahat ng mga crew nya sa restaurant na nakapwesto sa likuran ng mga table na nagseserve ng mga pagkain. Masayang kinawayan sya ng mga ito ng makita sya. Masaya din syang nakipagkwentuhan sa mga ito. Si Lani ang namahala ng restaurant nya ng umalis sya at napanatili nitong hindi magsara ang restaurant nya. Nakaalis na ang ibang kamaganak ni Matteo at pati ang kaibigan at ibang crew. Nandoon nalang ay sina Jake, ang mga byenan ni Ehm, ang lola Barbara nila ay nandoon pa din at magiliw na nakikipag laro sa mga anak na nasa loob ng isang kwarto na malapit sa sala. Pero natatanaw nya ang mga ito dahil salamin ang nakadibesyon doon. Nakaupo si Ehm sa malawak na sala ng lumapit ang kanyang ina. "Ma.." Sabi ni Ehm na bahagyan umurong para bigyan ng space na mauupuan ang ina. Hindi alam ni Ehm kung saan nya sisimulan. Ang dami nyang tanong. napansin naman ito ng mama nya. "Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit nawala kang bigla. Ni hindi namin alam ng papa mo na nawala ka ng ganun. Kay Matteo pa namin nalaman. Dahil nung mahigit ilang linggo ka nang hindi nagpapakita daw sa kanya ay pinuntahan kami dito. Nagtanong sya kung nandoon ka ba sa bahay. Hindi sya nagdetalye ng kwento pero nung araw na iyong ay tinatawagan ka namin pero out of reach lagi." sabi ni May Napayuko naman si Ehm ng maalala noong panahong pinutol nya ang koneksyon sa mga ito. "Palaging doon umuuwi si Matteo sa bahay. Lagi syang lasing at sa dating kwarto mo na natutulog. Hindi na kami komokontra ng papa mo simula ng gabi gabi syang umuuwi sa bahay ng lasing. Sa umpisa ay nagagalit ang papa mo. Nagusap silang dalawa ng masinsinan noong halos isang taon ka nang hindi mahanap. Naaawa na kami kay Matteo, kaya kinausap sya ng papa mo. Hindi ko alam ang napagusapan nila pero ng sumunod noon ay hindi na sya dumalaw ulit sa bahay." sabi ni May Nakalapit na pala ang papa ni Ehm. "Ano ba ang dapat kong sabihin. Itinulak ko na si Matteo na magasawa ulit at hiwalayan na yang anak mong napakatigas ng loob para iwan ang mga taong nagaalala sa kanya." sabi ni Henry na halata ang galit sa mukha. "Henry naman.." sabi ni May "Diba tama naman ako." sabi ni Henry Hindi na mapigilan ni Ehm na maiyak ng mga oras na iyon. "Hindi mo alam kung ano ang sinayang mo sa asawa mo. Mas maganda pa nga sigurong hindi ka nya nakilala baka hindi pa nasayang ang mga panahon nya sayo." prangkang sabi ng ama nya sa kanya. "Henry ano ka ba.." Lumagaslas na ang mga luha sa pisngi nya kaya tumakbo sya palabas para hindi makita ng iba ang paninermon sa kanya ng ama. Tama naman ang papa nya e. Pero hindi nya alam na ganun ang ginawa ni Matteo. Dahil ang alam nya nasasaktan sya dahil sa nalaman kay Yeng. Ngunit ano ba talaga ang nangyari. Alam niya ay sukdulan ang galit nito sa kanya. Nakaupo sya sa bench na nadoon ng lapitan sya ni Barbara at Amelia. Inabutan sya ng tissue ni Barbara. "Salamat po.." sabi ni Ehm sa pagitan ng paghikbi. Tumabi sa kanya ang mga ito at tahimik lang na nakikinig sa pag hikbi nya. "Sorry po.." sabi ni Ehm Sa dami ng gusto nyang sabihin ay ito lang ang nasabi ni Ehm. Niyakap naman sya ni Barbara. Inalo naman ni Amelia ang likod nya. "Okay na yun iha. Ang mahalaga nandito na kayo ng mga apo ko." nakangiting sabi ni Amelia "Naku pasalamat ka at dala mo mga apo ko kung hindi magagalit ako sayo ng sobra sobra." pabirong sabi ni Barbara Natatawa naman na pinunasan ni Ehm ang mga luha. Nakita nya na naglabasan na ang mga naiwan na kamaganak ni Matteo pati ang kanyang magulang. Karga naman ni Matteo si Thea na nakatulog na at si JM naman ay pupungas pungas na. Nagpaalam na ang mga ito sa kanila. "Oh pano iha mauuna na kami at nang makapag pahinga kayo ng maayos." sabi ni Amelia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD