chapter 11

3790 Words
Pumasok sila Matteo ulit pabalik sa bahay. Sinundan nila Ehm at JM si Matteo ng ipasok ni Matteo sa isang kwarto na may dalawang single bed si Thea. Ihiniga nya ang anak sa kama na may pink na beddings at saka kinumutan ang anak na nakatulog na sa sobrang pagod. Saka binuksan ang split type aircon na nasa kwarto. "Kwarto po namin ito ni Thea daddy?" sabi ni JM na kahit antok na ay makikita pa din ang kislap ng mata. Tumango naman si Matteo saka kinarga si JM. "At ito naman ang Bed side mo anak." sabi ni Matteo. Ang bahay na ito ay sa atin kaya malaya kayong makakapag laro ni Thea kapag gusto nyo ha?" magiliw na sabi ni Matteo "Ah! Kay Matteo din pala ang bahay na ito." kausap ni Ehm sa sarili. May sariling banyo ang kwarto pumasok doon si Ehm para kumuha ng bimpo. Lumapit naman siya sa anak na lalake para punasan ito at bihisan. Tumayo lang malapit sa pinto si Matteo na ikinaiilang ni Ehm. "Eh ang kwarto ko kaya saan?" sa isip ni Ehm Para namang narinig ng anak ang tanong sa isip. "Nasaan po ang kwarto nyo ni mommy, daddy?" sabi ni JM "Namin? My gulay kang bata ka!." napalunok nalang si Ehm sa tanong ng anak. "Nasa kabilang kwarto lang ang kwarto namin anak." walang gatol na sabi ni Matteo na binigyan pa siya ng isang kindat. Para namang may nagrambulan sa dibdib ni Ehm. "Sige na anak matulog ka na at baka kung ano ano pa itanong mo.." sabi ni Ehm saka inayos ang higa ng anak. Tatabihan nya na sana ito pero pinigilan sya ni JM. "Mommy big boy na po ako. I can sleep on my own na po. Inaantay ka na po ni daddy." sabi ni JM "Ha? Hindi mo pa kayang matulog magisa anak." sabi ni Ehm "Mommy.." sabi ni JM Tumayo nalang si Ehm at inayos ang sapin ng anak saka humalik sa noo ng mga ito bago lumabas ng kwarto. Si Matteo naman ang nagpatay ng ilaw sa kwarto at sinindihan lang ang ilaw sa bedside ng mga ito at saka lumabas na din ng kwarto. Iginaya naman sya ni Matteo sa isang kwarto na katabi lang ng kwarto ng mga anak. Sa laki ng kwarto tiyak na iyon ang master's bedroom. Iniwan sya ni Matteo sa loob ng kwarto. Halos isang oras na nakaupo si Ehm sa kama saka nya napagdisisyunang maligo. Pumasok sya sa isang glass slidding door ng closet na nandoon at kumuha ng pantulog. Ang ibang gamit nya noon ay nandoon. Walang pajama at tshirt syang makita kundi mga sexy at silk nyang pantulog ang nandoon. Napagawi sya sa kabilang side ng closet at nandoon ang mga gamit ni Matteo. Nasa dulo ng closet ang bathroom. Kaya pagtapos nyang pumili ng pantulog ay nagtungo na si Ehm sa banyo. Isang two piece na spagetti strap at dolphin short na silk na pantulog ang kinuha nya. Dahil iyon nalang ang sa tingin nya ay hindi magiging reveling. "Siguro ipinundar ito ni Matteo para sa kanila ni Yeng. Pero dahil dumating sila ng mga anak nya ay ---- hay naku Ehm kung ano ano nanaman yang nasaisip mo. Pero tama naman ako diba.." Kausap ni Ehm sa sarili. "Kaylangan ko na ba magpatingin? Napapadalas na ang pakikipagusap ko sa sarili ko." sabi nalang ni Ehm Pinalis ni Ehm ang mga nasa isip. Nagbihis na sya at saka ibinalumbon ang twalya sa buhok. Kasya naman sa kanya ang pantulog pero dahil bahagyang nadagdagan ang balakang at dibdib nya ay medyo hapit na sakanya ang damit. Bahagya nang nakasilip ang pisngi ng malulusog nyang hinaharap. Paglabas nya ng bathroom ay para syang pinako sa kinatatayuan ng makita si Matteo na walang pantaas na damit at kitang kita ang mga pandesal nito. "A-anong ginagawa mo dito?" utal na sabi ni Ehm. Napalunok sya dahil nakaharap pa ito sa kanya at walang emosyon ang mukha na nakatingin sa kanya habang nagsusuot ito ng pajama. "Nagbibihis. Hindi mo ba nakita? Sa akin ka kasi tumingin. Wag sa katawan ko." sabi ni Matteo na binigyan pa ng nakakapangasar na ngiti. "At sino namang may sabing nakatingin ako sa katawan mo?" "Ako." Hindi na kumibo si Ehm at maglalakad na sana sya palabas ng closet para hindi na salubungin pa ang pangaasar nito. Natigilan ulit sya ng makitang palapit sa kanya si Matteo. Kaya napasandal sya sa damitan at napapikit sa pagaakalang hahalikan sya nito. Ngunit pag dilat nya ay nakita nyang inabot lang ni Matteo ang isang tshirt na nasa likuran nya at pagtingin nya dito ay naka tingin din ito sa kanya at isang nakakapikon na ngiti ang nakita nya dito. "If your trying to seduce me, next time try to remove all your clothes. Baka sakali pa." nanguuyam na sabi ni Matteo saka pumasok sa banyo. Hindi nakakibo si Ehm hanggang sa nakaalis na si Matteo sa harap nya. Napaharap sya sa vanity mirror na nasa gilid nya at nakita nya ang nag huhumiyaw nyang bundok na ang tuktok ay bakat na bakat sa suot nyang damit. Hindi na kasi sya nagsuot ng bra dahil matutulog nalang naman sya. Hindi naman nya inakalang papasok si Matteo doon. Sa inis ay humila nalang si Ehm ng isang puting t-shirt na nandoon at pinalitan ang pang taas na damit. "Hah! Kala mo naman kung sino. Lumaki lang ng kaunti ang pandesal." Natigilan si Ehm ng maalala ang pandesal ni Matteo at napalunok sa naisip. Mabilis na pinalis ni Ehm ang naisip. Pagkatapos magpatuyo ng buhok ay nahiga na sya sa kama at itinulog nalang ang asar dito. Binuksan ni Matteo ang shower at pakiramdam niya ay bahagyang umusok dahil sa init ng katawan niya at lamig ng tubig. Hinayaan niyang nakababad ang katawan sa shower dahil gusto nyang matanggal ang init na nararamdaman dulot ni Ehm. Puro galit ang nararamdaman nya kay Ehm dahil sa nagawa nitong ilayo ang mga anak sa kanya. Kinabukasan ay yugyog ng mga anak ang nagpagising kay Ehm. "Mommy... Wake up na po.." sabi ni Thea na nasa kama at ginigising sya. Pupungas pungas naman na paupong bumangon si Ehm. "Yes baby.. Anong oras na ba?" sabi ni Ehm na napatingin sa orasan sa bedside table "Maaga pa anak. 7am palang." inaantok na sabi ni Ehm "Pero mommy diba po today tayo pupunta nila daddy sa new school po namin ni Thea." sabi ni JM na hindi napansin ni Ehm na nandoon din at nakatayo sa tabi ni Matteo. Nang makita ito na nakatingin sa kanila ni Thea ay hinila nya ang kumot at itinakip sa dibdib. "Okay sige na halina kayo at bibihisan ko muna kayo." sabi ni Ehm saka itinapis ni Ehm ang blanket. "Mommy nabihisan na kami ni daddy." sabi ni JM. Saka lang nya napansin na nakaayos na ang mga ito. "Kayo nalang po ni daddy ang hindi pa nagbibihis. Sige na po bihis na kayo nandito lang po kami." sabi ni Thea na naupo lang sa maliit sa sofa na nandoon sa kwarto. Tumabi din sa kanya si JM. Nauna namang pumasok si Matteo sa bathroom at nagaantay lang si Ehm sa walk in closet. Naghanap na din sya ng isusuot na damit. "Saan siya natulog?" Nai-enroll na nila ang mga bata sa catholic school na malapit lang sa subdivision nila. Nagtungo sila sa Hotel ni Hunter at masaya itong sinalubong ang dalawang bata. "Napaka gaganda naman ng mga pamangkin ko na ito. Are you hungry?" magiliw na sabi ni Hunter "Yes po tito." masayang sabi ng kambal. "Hoops! Bago yan nagawa nyo ba ang sinabi ko?" pabulong na sabi ni Hunter pero sadyang ipinadinig kila Ehm at Matteo. "Kuya!" sabi ni Matteo kay Hunter Pinamulahanan naman ng mukha si Ehm nang maalala ang nangyari kagabi. Napansin iyon ni Hunter. "Okay good job kids. Kaya may surprise ako sa inyo mamaya okay?" sabi ni Hunter sa kambal. "T-teka kuya Hunter nagkakamali ka ng----" sabi ni Ehm Isang malakas na tawa naman ang kumawala dito saka tinapik sya sa likod ni Hunter at palayong umalis sa pwesto nila. Naging busy si Matteo sa mga nakalipas na linggo at mabilis na tinapos ang mga mahahalagang meeting nya dahil gusto nyang ipasyal ang mga anak sa Isla Barbaridad. "Iba din naman talaga ang aura ng boss ko ngayon, bakit kaya?" sabi ni Tony sa kanya habang inaayos ang mga documents nila sa natapos na meeting. Gumaan ang trabaho niya ng bumalik ito bilang secretary. "Yup ibang saya talaga kapag may mga bata sa bahay." sabi ni Matteo "Yung naririnig palang nila ang sasakyan ko na parating nagaabang na sila sa pinto para salubingin ako." "Mga bata nga lang ba? Hindi ba pati yung nanay?" biro ni Tony Tinignan sya ni Matteo. "Ang sama naman ng tingin mo sakin. Tinanong ko lang naman. Oo o hindi lang naman ang sagot." natatawang sabi ni Tony "Hindi Tonet okay ka na?" sabi ni Matteo "Okay sabi mo e." sabi ni Tony saka kinuha ang mga documents na nasa lamesa at lumabas na ng conference room. Sumunod naman si Matteo kay Tony. Habang naglalakad sila papuntang elevator ay humarap si Tony sakanya. "Ano nanaman?" sabi ni Matteo "Ipapaalala ko lang birthday ko sa saturday." Sabi ni Tony "Oo, pano ko kakalimutan araw araw mong ipinapaalala saakin." Sabi ni Matteo "Ganun talaga tandaan mo sir hindi ako natanggap ng putchu putchu ha." birong sabi ni Tony "Bakit ginugutom ka na ba ni Kuya Hunter." biro ding sabi ni Matteo Malakas na hampas naman sa balikat ang nakuha ni Matteo kay Tony. "Hoy! Mr. Juan Matteo Montecarlo!" sabi ni Tony "Minsan talaga nakakapikon ka din talaga." saka patalikod na iniwan si Matteo sa hall way. Tatawa tawa naman na sumunod si Matteo. "Hindi pa din ba kayo okay?." sabi ni Matteo "Alam mo ang chismoso mo sir. Bakit kaya hindi ang love life mo pagusapan natin." sabi ni Tony Bigla nawala ang ngiti sa labi ni Matteo saka mabilis na nilampasan si Tony. "Ay teka sir. Ang pikon mo." natatawang hinabol ito ni Tony Nasa opisina si Ehm kasama ang mga anak. Tinatapos na muna ni Ehm ang klase ng mga anak bago sila magpunta sa restaurant. Tinapos lang ni Ehm ang mga paper works nya saka ipinasa na sa secretary nyang si Kris ang mga ito. Magkikita kasi sila nina Barbaridad at Amelia sa mall na pagaari ni Matteo sa pasig. Kaya nilinisan nya na ang mga anak bago sila umalis. Pagdating sa mall ay masaya nilang binati ang mga abuela. "Magbless kayo mga anak." sabi ni Ehm saka nagbeso kila Barbaridad at Amelia. "Namiss na kayo ni mamita." sabi ni Barbara "Kami din po.." sabi ni Thea "Oh sya tara na at para marami kayong mapili." sabi ni Amelia "Ng ano po?" sabi ni JM "Ng kahit anong gusto nyo." sabi ni Amelia Masaya naman na namili ng gusto ang mga bata. "Mama, mamita okay lang po bang iwan ko muna po ang kambal sa inyo?" sabi ni Ehm "ipapamili ko lang po sila ng mga pambahay" "Aba oo naman iha.." sabi ni Barbara "Sige iha nandito lang kami. Oh magkita nalang tayo kung mauna kaming matapos dito." sabi ni Amelia "Salamat po." sabi ni Ehm Nagtungo na si Ehm sa bilihan ng mga damit na pang bata. Para ipamili ng mga damit ang kambal. Habang namimili at nagulat sya ng may magsalita sa likuran nya. "Tag iisa nga nito miss." sabi ni Matteo na nasa likod ni Ehm. Nilingon ni Ehm ang nagsalita at nang makitang nakatingin din sa kanya si Matteo ay biglang binawi ni Ehm ang tingin dito. Saka nagpatay malisya na hindi ito nakita. "Saka ito pa miss." nakangiting sabi ni Matteo sa sales lady. Naka sunod naman agad ang sales lady dito na halatang nagpapacute kay Matteo. "Ang hilig talagang mangharot.. Kainis.." bulog na sabi ni Ehm "May sinasabi po kayo maam?" sabi ng isa pang sales lady na nagaassist sa kanya. "Ha? Wala.. Ah may iba ibang kulay ba kayo nito? pang 4yrs old.." pagiiba nalang ni Ehm "Meron po maam.. Sandali lang po at ikukuha ko po kayo." sabi ng saleslady na nagtungo na sa stockroom. Kahit namimili si Ehm ay hindi nya maiwasan na hindi magawi ang tingin kay Matteo at sa saleslady. "Ito po maam" sabi ng saleslady na nagaassist sa kanya "Thank you.." sabi ni Ehm Nang sapat na ang napamili ay tinulak na nya ang maliit na cart at nagtungo sa cashier. Habang nakapila ay nagulat pa sya ng biglang ilagay ni Matteo ang mga pinamili nito sa cart ni Ehm. "Sir doon po ang pila." sabi ng saleslady na nagaassist kay Matteo. "Sorry po maam" sabi pa nya kay Ehm "Okay lang yan Miss para sa mga anak naman din namin yung pinamili ko.." sabi ni Matteo "Diba Sweetie?" sabi pa nya kay Ehm Ang daming pumasok na salita sa isip ni Ehm pero wala ni isa man ang lumabas sa bibig nya. Bago pa man makakibo si Ehm ay nagtakbuhan palapit sa kanila ang kambal pati sina Barbara at Amelia. Nahihiya naman na lumayo ang saleslady. "Hi mommy! Kasama mo po pala si daddy namin." sabi ni Thea na nagpakarga kay Ehm. Binuhat naman ito ni Ehm. Si JM naman ay kay Matteo nagpakarga. Pero na out of balance si Ehm ng kawitin ni Thea si Matteo na dahilan ng pagsubsob ni Ehm sa dibdib ni Matteo. Agad naman syang nahawakan ni Matteo sa bewang kaya hindi sya tulungang natumba. Nagkatinginan pa sila ni Matteo pero nauna din nyang binawi ang tingin dito. Pakiramdam nya ay inaakit sya ng asawa. "Anak dahan dahan naman matutumba tayo sige." malumanay na sabi ni Ehm "Sorry mommy.." sabi ni Thea saka niyakap ang ina. Niyakap din ito ni Ehm saka nginitian ang anak. Kinuha naman ni Amelia si Thea. "Okay ka lang ba iha?" bakas ang pagaalalang sabi nito "Opo mama.." sabi ni Ehm Pinisil naman ni Barbara ang pisngi ni Thea. "Good job apo.." sabi ni Barbara Himagikgik naman si Thea at nakipag high five kay Barbara. "Ang galing po ni daddy ko sinave nya kami ni mommy." sabi ni Thea "Oo naman super hero si daddy mo e." sabi ni Barbara Pagkatapos mamili ng mga gamit ng anak ay bumiyahe na sila Ehm patungong zambales. Nasa yate sila na pagmamayari ni Matteo. Halata sa mga anak ang pananabik sa ama. Sa tuwing kasama ng mga anak si Matteo ay walang sinasayang na oras ang mga ito. "Wow ang dami pong yacht daddy.." sabi ni JM na nakatanaw sa mga yate na nasa daungan "Karamihan sa mga iyan ay sa mga tito mo. Pero ang iba naman ay sa ibang club member." sabi ni Matteo sa anak. Nasa lower deck sila Matteo at JM at si Ehm at Thea naman ay naka upo sa cockpit ng yacht. "Mommy pwede din po ba tayo pumunta doon kila daddy?" sabi ni Thea "Medyo nalulula si mommy doon baby e. Kaya ma mabuting dito nalang tayo, okay? " sabi ni Ehm sa anak pero ang totoo ay iniiwasan nya lang si Matteo. "Please po mommy." sabi ni Thea na naglalambing kay Ehm Napansin naman iyon ni Matteo. "Tara! Thea wanna join us?" sabi ni Matteo "Tara na mommy. Tawag tayo ni daddy." sabi ni Thea sa ina habang pinilipit pa din itong tumayo. "Ikaw lang naman ang tinawag anak." sabi ni Ehm "Daddy tawagin mo din daw po si mommy sad sya kasi ak--" di na naituloy ni Thea ang sasabihin ng payakap na tinakpan ang bibig ng anak. "Haha ikaw na bata ka.." sabi ni Ehm Lumapit naman sa kanila sina Matteo at JM. "Baka mahirapang makahinga ang bata." sabi ni Matteo saka kinarga si Thea. "Ano ulit ung sasabihin mo doll?" Inilapit naman ni Thea ang bibig sa tenga ng ama saka bumulong. "Louder baby.." nakangisi pang sabi ni Matteo "Sad po si Mommy kasi ako lang daw po tinawag mo!" sabi ni Thea na natawa ng makita si Matteo na kunyaring nabingi. "Thea!" saway ni Ehm Tatawa tawa naman si Thea at JM. "Halika nga kayo dito. Makukurot ko na kayo sa singit." sabi ni Ehm sa mga anak Pero hindi nagpatinag ang mga anak at naghahagikgikan pa ng ibaba ni Matteo si Thea. Bigla naman tumabi si Matteo kay Ehm na ikinagulat nya kaya bahagya syang napaatras na kamuntik pa ikaunytog ni Ehm pero bigla nasalo ni Matteo ang ulo nya. Nagkatitigan sila ni Matteo at naamoy nya ang mabangong hininga nito dahil sa igsi ng distansya na meron sila ni Matteo. "Are you okay?" sabi ni Matteo "Y-yeah.." sabi ni Ehm na parang nahipnotismo ng mga mata ni Matteo. Naka tingin naman sa kanilang dalawa ang mga anak. "Can you kiss mommy, daddy?" sabi ni JM "As you wish son." sabi ni Matteo na hindi inaalis ang tingin kay Ehm "Ha?" nalilitong sabi Ehm "Kiss mommy.." nakabungisngis na sabi ni Thea habang nakaupo sa center table at nakatingin sa kanila. Magsasalita pa sana si Ehm ng bigyan sya ni Matteo ng isang mabilis na halik. Na ikinagulat nya na halos hindi nya magawang kumilos para umiwas dito. Pirming nakatingin lang sya kay Matteo. Nagtitilitili naman si Thea na parang naiintindihan kung ano ang nangyayari. "Your blushing babe." nakangiting sabi ni Matteo Para naman syang natauhan. Saka inayos ang sarili. "Hala mommy nagbablush ka po." sabi ni JM "Ha! Oo anak mainit kasi." sabi ni Ehm na pinapaypayan pa ang sarili. "Hoo! ang init.. Malayo pa ba tayo?" "Mainit ba?" Nilingon naman Ehm si Matteo at ang mokong ngingiti ngiti pang nakatingin sa kanya. Tumayo nalang sya para umiwas. Paakyat na sya sa hagdan ng makasalubong nya ang magulang ni Matteo. "Anong nangyari iha? Bakit namumula ang mga pisngi mo? Nilalagnat ka ba?" alalang sabi ni Amelia na kinapa pa sa noo si Ehm. "Inuman mo na iyan ng gamot iha.." sabi ni Armando "Naku wala po ito mainit lang po.." sabi ni Ehm "Sige po aakyat muna po ako" iwas pa nya. Pero bago makaakyat si Ehm ay nakita nyang lumapit si JM sa abuela at may binulong dito. "Woohh! talaga ba apo?" sabi ni Amelia Tumango naman si JM. Nagmamadali naman na umakyat si Ehm papunta sa cabin. Doon sya sa kwarto nagpalipas oras hanggang sa makaidlip sya. Naalimpungatan si Ehm at lalabas na sana sya ng cabin para tignan kung nasaan na sila pero nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto. "Ay! nanay ko po!" sabi ni Ehm na napahawak pa sa dibdib. "Ano ba yan Matteo kumatok ka naman. Aatakihin ako sayo sa puso e!" asar nya pang sabi. Isinara naman ni Matteo ang pinto saka kumatok. "Happy?" sabi ni Matteo "Oo! alis nga dyan!" Pero hindi pa din umalis si Matteo sa pinto. "Hindi ka ba aalis?" pikon nang sabi ni Ehm "Hindi.." walang emosyon na sabi ni Matteo habang nakatingin kay Ehm. Lalong lumiit ang pinto ng cabin sa laki ni Matteo na naka harang doon. Wala namang nagawa si Ehm kaya bumalik nalang sya sa kama at doon naupo saka pinagsalikop ang mga braso. Ilang minuto pa ang lumipas pero nakatitig lang sa kanya si Matteo. Walang gustong bumasag ng katahimikan sa loob ng cabin. Pareho silang nagmamatigasan, hanggang si Matteo na ang sumuko. "Nandito na tayo." sabi ni Matteo saka lumabas ng cabin Kinuha naman ni Ehm ang shoulder bag nya saka sumunod kay Matteo. Hinahanap ni Ehm ang mga anak at ang mga byenan. Napansin naman iyon ni Matteo. "Nauna na sila sa mansion." walang emosyon na sabi ni Matteo. Saka nauna nang bumaba ng yate. Sumunod naman si Ehm sa kanya. "Kainis kanina pa pala nakadaong ngayon lang sasabihin.. tapos ano kaming dalawa lang sa sasak-" Nahinto sa pagbulong bulong si Ehm ng biglang mabangga ang mukha nya sa likod ni Matteo dahil bigla itong tumigil sa gitna ng tulay pababa ng yate. "Aw!!" sabi ni Ehm saka sinapo ang noo. "Ano ba yan Matteo.." Humarap naman sa kanya si Matteo. Pero wala naman itong sinabi at tinitigan nya lang si Ehm. "Ano? Titigan mo nanaman a-" hindi na ituloy ni Ehm ang sasabihin dahil biglang bahagyang tumalon si Matteo na dahilan ng pag alon ng tulay. Nalula si Ehm kaya napahawak sya sa braso ni Matteo. "hay nanay ko!.. Ano ka ba Matteo nakakai- " asar na sabi ni Ehm pero inulit ulit ni Matteo."Ay mama!!" sigaw ni Ehm saka mabilis na hinakbang ni Ehm ang distansya nila ni Matteo na dahilan ng pagkapit nya sa dibdib nito. "Isa! kapag inulit mo pa yun ihuhulog talaga kita!" inis na sabi ni Ehm na halos mangiyak ngiyak na. Kinuha ni Matteo ang kamay ni Ehm na mahigpit na nakakapit sa dibdib nya saka sabay silang bumaba ng tulay. Asar namang binawi ni Ehm ang kamay ng makababa na ag mga ito. "Ang galing mo talagang mangasar no!?" sabi ni Ehm Isang mapang asar na ngiti lang ang isinagot ni Matteo saka sumakay sa driver seat ng kotse na nakaabang doon. Hindi pa din mawala ang asar ni Ehm kay Matteo. Kaya hindi sya sumunod dito at naglakad nalang at nilampasan ang kotse nito. Sinundan naman sya ni Matteo habang dahan dahan na pinapanandar anh sasakyan. "Sigurado ka bang maglalakad ka lang?" sabi Matteo Pero hindi kumibo si Ehm at binilisan pa ang paglalakad. "Sumakay ka na. Ang dilim na ng daan oh." sabi pa ni Matteo Lalo pang binilisan ni Ehm ang paglalakad dahilan para matisod sya sa isang malaking bato na sa sobrang inis nya ay hindi na nya napansin. Bigla naman inihinto ni Matteo ang sasakyan saka pinuntahan si Ehm. At bahagya muna nyang inalalayang makatayo ito. Sa lakas ng pagkakadapa ni Ehm ay nagka galos ang isa nitong paa. "s**t!" sabi nalang ni Matteo ng makitang biglang magdugo ang galos ni Ehm. "Bakit kasi hindi ka makinig sa akin! Ang tigas kasi ng ulo mo!" sabi ni Matteo saka kinuha ang panyo sa likurang bulsa at itinali iyon sa tuhod nito. Gustong sigawan ito ni Ehm pero nawalan na sya ng lakas na gawin yun kaya para siyang bata na hindi na napigilin ang maiyak. Hindi nya alam kung dahil sa sakit ng paa o sa galit nya dito. Napansin iyon Matteo at niyakap nya si Ehm. Nang mahimasmasan ito ay binuhat nya si Ehm pasakay sa driver side at mabilis na sumakay ng sasakyan. Bago paandarin ni Matteo ang sasakyan ay nilingon nya muna si Ehm. "Let's go?" Isang tango lang ang isinagot ni Ehm. Sinalubong sila nila Amelia ng makitang buhat ni Matteo si Ehm ng papasok sila ng mansion. "Okay ka lang po mommy ko?" nagaalalang sabi ni Thea "Opo anak.. nadapa lang si mommy.." sabi ni Ehm saka hinaplos ang mahabang buhok ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD