Pagkatapos mamili ng mga gamit ng anak ay bumiyahe na sila Ehm patungong zambales. Nasa yate sila na pagmamayari ni Matteo.
Halata sa mga anak ang pananabik sa ama. Sa tuwing kasama ng mga anak si Matteo ay walang sinasayang na oras ang mga ito.
"Wow ang dami pong yacht daddy.." sabi ni JM na nakatanaw sa mga yate na nasa daungan
"Ang iba dyan ay sa mga tito mo. Pero ang iba naman ay sa ibang club member." sabi ni Matteo sa anak.
Nasa lower deck sila Matteo at JM habang si Ehm at Thea naman ay naka upo sa cockpit ng yacht.
"Mommy pwede din po ba tayo pumunta doon kila daddy?" sabi ni Thea na nakandng sa ina.
"Medyo nalulula si mommy doon baby. " sabi ni Ehm sa anak pero ang totoo ay iniiwasan nya lang si Matteo. Ayaw na nyang magkaharap pa sila dahil sa lakas nitong mangasar.
"Please po mommy." sabi ni Thea na naglalambing kay Ehm
Napansin naman iyon ni Matteo.
"Tara Thea wanna join us?" sabi ni Matteo
"Tara na mommy, tawag tayo ni daddy." sabi ni Thea sa ina habang pinilipit pa din itong tumayo.
"Ikaw lang naman ang tinawag anak." sabi ni Ehm
"Daddy! tawagin mo din daw po si mommy.. sad sya kasi ak--" di na naituloy ni Thea ang sasabihin ng payakap na tinakpan ang bibig ng anak.
"Haha! ikaw na bata ka.." sabi ni Ehm
Lumapit naman sa kanila sina Matteo at JM.
"Baka mahirapang makahinga ang bata." sabi ni Matteo saka kinarga si Thea. "Ano ulit ung sasabihin mo anak?"
Inilapit naman ni Thea ang bibig sa tenga ng ama saka bumulong.
"Louder baby.." nakangisi pang sabi ni Matteo
"Sad po si Mommy kasi ako lang daw po tinawag mo!" sabi ni Thea na natawa ng makita si Matteo na kunyaring nabingi.
"Thea!" saway ni Ehm
Tatawa tawa naman si Thea at JM.
"Halika nga kayo dito.. Makukurot ko na kayo sa singit." sabi ni Ehm sa mga anak
Pero hindi nagpatinag ang mga anak at naghahagikgikan pa ng ibaba ni Matteo si Thea.
Bigla naman tumabi si Matteo kay Ehm na ikinagulat nya kaya bahagya syang napaatras na kamuntik pa ikauntog ni Ehm pero bigla nasalo ni Matteo ang ulo nya.
Nagkatitigan sila ni Matteo at naamoy niya ang gamit nitong after shave dahil sa igsi ng distansya na meron sila ni Matteo.
"Are you okay?" sabi ni Matteo
"Y-yeah.." sabi ni Ehm na parang nahipnotismo ng mga mata ni Matteo.
Naka tingin naman sa kanilang dalawa ang mga anak.
"Can you kiss mommy, daddy?" sabi ni JM
"As you wish son." sabi ni Matteo na hindi inaalis ang tingin kay Ehm
"Ha?" nalilitong sabi Ehm
"Kiss mommy.." nakabungisngis na sabi ni Thea habang nakaupo sa center table at nakatingin sa kanila.
Magsasalita pa sana si Ehm ng bigyan sya ni Matteo ng isang mabilis na halik, na ikinagulat nya na halos hindi nya magawang kumilos para umiwas dito pirming nakatingin lang sya kay Matteo.
Nagtitilitili naman si Thea na parang naiintindihan kung ano ang nangyayari.
"Your blushing babe." nakangiting sabi ni Matteo
Para naman syang natauhan. Saka inayos ang sarili at bahagyang itinula si Matteo.
"Hala mommy nagbablush ka po." sabi ni JM
"Ha? oo anak mainit kasi." sabi ni Ehm na pinapaypayan pa ang sarili. "Hoo! ang init.. Malayo pa ba tayo?"
Nilingon naman Ehm si Matteo at ang mokong ngingiti ngiti pang nakatingin sa kanya.
Tumayo nalang sya para umiwas.
Paakyat na sya sa hagdan ng makasalubong nya ang magulang ni Matteo.
"Anong nangyari iha? Bakit namumula ang mga pisngi mo? Nilalagnat ka ba?" alalang sabi ni Amelia na kinapa pa sa noo si nya.
"Inuman mo na iyan ng gamot iha.." sabi ni Armando
"Naku wala po ito mainit lang po.." sabi ni Ehm "Sige po aakyat muna po ako." iwas pa nya.
Pero bago makaakyat si Ehm ay nakita nyang lumapit si JM sa abuela at may binulong dito.
"Woohh talaga ba apo?" sabi ni Amelia
Tumango naman si JM.
Nagmamadali naman na umakyat si Ehm papunta sa cabin. Doon sya sa kwarto nagpalipas ng oras hanggang sa makaidlip sya.
Naalimpungatan si Ehm at lalabas na sana ng cabin para tignan kung nasaan na sila pero nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto.
"Ay! nanay ko po!" sabi ni Ehm na napahawak pa sa dibdib. "Ano ba yan Matteo! Hindi ka ba tinuruang kumatok naman. Aatakihin ako sayo sa puso e!" asar nya pang sabi.
Isinara naman ni Matteo ang pinto saka kumatok.
"Happy?" sabi ni Matteo
"Oo! alis nga dyan!"
Pero hindi pa din umalis si Matteo sa pinto.
"Hindi ka ba aalis?" pikon nang sabi ni Ehm
"Hindi.." walang emosyon na sabi ni Matteo habang nakatingin kay Ehm.
Lalong lumiit ang pinto ng cabin sa laki ni Matteo na naka
harang doon.
Wala namang nagawa si Ehm kaya bumalik nalang sya sa kama at doon naupo saka pinagsalikop ang mga braso.
Ilang minuto pa ang lumipas pero nakatitig lang sa kanya si Matteo. Walang gustong bumasag ng katahimikan sa loob ng cabin. Pareho silang nagmamatigasan, hanggang si Matteo na ang sumuko.
"Nandito na tayo." sabi ni Matteo saka lumabas ng cabin
Kinuha naman ni Ehm ang shoulder bag nya saka sumunod kay Matteo.
Hinahanap ni Ehm ang mga anak at ang mga byenan. Napansin naman iyon ni Matteo.
"Nauna na sila sa mansion." walang emosyon na sabi ni Matteo. Saka nauna nang bumaba ng yate.
Sumunod naman si Ehm sa kanya.
"Kainis kanina pa pala nakadaong ngayon lang sasabihin.. tapos ano kaming dalawa lang sa sasak-"
Nahinto sa pagbulong bulong si Ehm ng biglang mabangga ang mukha nya sa likod ni Matteo dahil bigla itong tumigil sa gitna ng tulay pababa ng yate.
"Aw!!" sabi ni Ehm saka sinapo ang noo.
"Ano ba yan Matteo!"
Humarap naman sa kanya si Matteo. Pero wala naman itong sinabi at tinitigan nya lang si Ehm.
"Ano? Tititigan mo nanaman a-" hindi na ituloy ni Ehm ang sasabihin dahil biglang bahagyang tumalon si Matteo na dahilan ng pag alon ng tulay na gawa sa isang mahabang tabla na makapal.
Nalula si Ehm kaya napahawak sya sa braso ni Matteo.
"hay nanay ko!.. Ano ka ba Matteo nakakai- " asar na sabi ni Ehm pero inulit ulit ni Matteo.
"Ay mama!!" sigaw ni Ehm saka mabilis na hinakbang ni Ehm ang distansya nila ni Matteo na dahilan ng pagkapit nya sa dibdib nito.
"Isa! kapag inulit mo pa yun ihuhulog talaga kita!" inis na sabi ni Ehm na halos mangiyak ngiyak na.
Kinuha ni Matteo ang kamay ni Ehm na mahigpit na nakakapit sa dibdib nya saka sabay silang bumaba ng tulay.
Asar namang binawi ni Ehm ang kamay na hawak nito ng makatapak na siya sa buhangin.
"Ang galing mo talagang mangasar no!?" sabi ni Ehm
Isang mapang asar na ngiti lang ang isinagot ni Matteo saka sumakay sa driver seat ng kotse na nakaabang doon.
Hindi pa din mawala ang asar ni Ehm kay Matteo. Kaya hindi sya sumunod dito at naglakad nalang at nilampasan ang kotse nito. Sinundan naman sya ni Matteo habang dahan dahan na pinapanandar ang sasakyan.
"Sigurado ka bang maglalakad ka lang?" sabi Matteo "Alam mo naman siguro kung gaano kalayo ang mansyon."
Pero hindi kumibo si Ehm at binilisan pa ang paglalakad.
"Sumakay ka na.. Ang dilim na ng daan oh." sabi pa ni Matteo
Lalo pang binilisan ni Ehm ang paglalakad dahilan para matisod sya sa isang malaking bato na sa sobrang inis nya ay hindi na nya napansin.
Bigla naman inihinto ni Matteo ang sasakyan saka pinuntahan si Ehm. At bahagya muna nyang inalalayang makatayo ito.
Sa lakas ng pagkakadapa ni Ehm ay nagka galos ang isa nitong paa.
"s**t!" sabi nalang ni Matteo ng makitang biglang magdugo ang galos ni Ehm.
"Bakit kasi hindi ka makinig sa akin! Ang tigas kasi ng ulo mo!" sabi ni Matteo saka kinuha ang panyo sa likurang bulsa at itinali iyon sa tuhod nito.
Gustong sigawan ito ni Ehm pero nawalan na sya ng lakas na gawin yun, buti nalang at bahagya nang lumulubog ang araw kaya hindi na nito nakita ang bahagyang pagbagsak ng mga luha nya. Kung ang dahilan man nun ay ang pagsakit ng paa o sa asar nito sa kanya.
Napansin ni Matteo ang mahagyan pagngiwi ni Ehm ng maitayo nya ito, kaya naman binuhat nya nalang si Ehm pasakay sa driver side at mabilis na sumakay ng sasakyan. Bago paandarin ni Matteo ang sasakyan ay nilingon nya muna si Ehm.
Hindi na sila nagkibuan sa sasakyan at itinuon nalang ang tingin sa bintana.
Hindi nya alam kung papaanong pagsasama ba ang mangyayari sa kanila, lagi nalang silang nagbabangayan.
Sinalubong sila nila Amelia ng makitang buhat ni Matteo si Ehm ng papasok sila ng mansion.
"Anong nngyari Matteo?"
Pagkadetalye nya sa ina ng nangyari ay bahagya pa siyang pinalo ng in sa balikat.
"Puro ka kalokohan, hindi ka na bata Matteo!" pagalit pero pabulong na sabi sa anak. Saka kinuha ang medicine kit.
"Okay ka lang po mommy ko?" nagaalalang sabi ni Thea
"Opo anak.. nadapa lang si mommy.." sabi ni Ehm saka hinaplos ang mahabang buhok ng anak ng maiupo siya ni Matteo sa sala.
Nasa bahay sila ng mga magulang ni Matteo dahil pinaparenovate nito ang bahay nya doon.
O baka naman hindi niya pa naalis doon ang mga gamit ni Yeng.
Naisip nya habang nagpapahangin siya sa balkon ng guest room. Hindi nya alam kung saan matutulog si Matteo pero pinagpapasalamat niya na hindi ito doon matulog. Dalawa lang ang guestroom doon at doon napinatuloy ng byenan ang mga apo.