chapter 13

1796 Words
Halos mabasag ang bote ng alak na inisang lagok ni Yeng ng ibagsak nya sa lamesa ang boteng hawak. "Chill ka lang girl.." sabi ni Camila "Malay naman natin kung totoo na nga bang nagkabalikan na silang magasawa." "Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyon para bumalik pa sa buhay ni Matteo!" nagsalin ulit ng alak sa baso. "At ang balita ko din.. May anak din nila." sabi ni Ruby Nasa isang pub house si Yeng kasama ang mga kaibigang sina Camila at Ruby. "Ano ka ba naman Ruby! ginagatungan mo pa kasi." sabi ni Camila "Ayoko lang na naaagrabyado ang kaibigan natin. Nauna si Yeng kay Matteo. Sinulot lang sya ng bruhang babaeng yon." sabi ni Ruby "Bakit parang hindi kita kaibigan Camila.Parang sa kanila ka pa nakampi. Ako ang kaibigan mo.!" sabi ni Yeng na may halo nang galit "Gusto mo bang lalo ka nang hindi patawarin ng mga Montecarlo. Matapos ng ginawa mo, halos matanggal sa trabaho si lola Marta sayo." sabi ni Camila "Wala na akong pakielam! Kung hindi mapapasaakin si Matteo. Pwes! hindi din sya makukuha ng babaeng iyon.." "Ano nanaman yang binabalak mo Yeng. Wag mong sayangin ang buhay mo sa kanila Lalo na kay Matteo napaka rami namang lalaking nagkakandarapa sayo." Binalewala lang ni Yeng ang sinabi ni Camila. "Nasira ang pangarap kong masayang pamilya namin ni Matteo dahil sa Tonet na yun!" gigil na sabi ni Yeng "Isa pa ang babaeng iyon! Ano mang plano mo sa babae ni sir Hunter i'll join you girl." sabi ni Ruby "Hindi ka ba napapagod Yeng." sabi ni Camila "Tama na nga yan! Ikaw din naman ang may kasalanan e! Ipinapaako mo sa iba ang anak mo na hindi naman pala kay Matteo. Anong masama do--" Isang malakas na sampal ang nagpahinto kay Camila. Nang makabawi si Camila ay nilingon nya si Yeng na nakatayo na sa harapan nya at galit na galit. "Ulitin mo pa yang sinasabi mo baka makalimutan kong kaibigan kita!" sabi ni Yeng saka lumabas ng kwarto ng pub house. Sinapo naman ni Camila ang pisngi. Sumunod naman si Ruby kay Yeng pero bago ito umalis ay tinignan pa sya nito at saka binigyan ng nakakapangasar na tawa. "Ang bango naman po ng niluluto mo mommy.." sabi ni JM na pababa ng hagdan "Oo nga po mommy, may celebration po ba?" sabi ni Thea na tinungo ang ina na nagaayos ng mga pagkain. "Birthday kasi ni tita Tonet, may girls get together kami latter. Okay lang ba na doon muna kayo kay lola Amelia?" malambing na sabi ni Ehm sa mga anak. "Sure mommy, ipapasyal din naman daw po kami ni daddy sa farm." sabi ni JM "Tuturuan din daw po kami ni daddy na sumakay sa kabayo." masayang sabi ni Thea "Ha? Kaya nyo na ba yun? Gusto nyo bang samahan ko kayo?" nagaalalang sabi ni Ehm "Hindi mo ba narinig na ako ang kasama nila." sabi ni Matteo na palapit na din sa kanila. "Inaalala ko lang ang mga bata. Baka mapano sila babago palang sila sa lugar." sabi ni Ehm "Hindi pa naman sila nakakasakay sa kabayo.." dugtong pa nya. "Nagaral ako na sumakay ng kabayo, 3yrs old palang ako. Kaya alam kong hindi mapapahamak ang mga anak natin" sabi ni Matteo na sadyang diininan ang huling salitang sinabi. "Please mommy gusto din po namin matuto sumakay sa kabayo.." sabi ni JM na himawak pa sa kamay ng ina. Nilingon naman nya si Thea at nangungusap ang mata nito na pinagkalikop pa ang mga kamay na nakatingin sa kanya. "Hay.. okay sige.." sabi ni Ehm "Yehey!" panabay na sabi ng kambal "Pero magiingat kayo doon ha? Tawagan nyo agad ako kung may hindi magandang nangyari okay?" sabi ni Ehm Bigla naman nanigas sa kinatatayuan si Ehm ng lumapit sa kanya si Matteo at umakbay. Masaya naman na tinungo ng kambal ang sala at binuksan ang malaking tv na nandoon. Inalis ni Matteo ang pagkakaakbay kay Ehm saka humarap dito. Dahan dahan naman napapaatras si Ehm habang papalapit naman ng papalapit si Matteo sa kanya. Nahinto lang sya ng makapa na nya ang counter top. Napahawak sya sa dibdib ni Matteo pero parang may gumapang na kuryente sa kamay nya kaya inalis din nya agad. Bago maglapit ang mga mukha nila ay umiwas na si Ehm at napatakbo sa likurang bahay nila na natatanaw ang west philippine sea. Para syang kinapos ng hangin sa pagkakalapit nilang iyon. Kaya humugot sya ng isang malalim na hinga. Napahawak din sya sa dibdib nya dahil sa bilis ng pagkakakabog nito. "Minsan sadyang traydor tong puso ko!" sabi ni Ehm sa sarili habang pinapakalma ang nararamdaman. Nagtakbuhan ang kambal nang marinig na may dumating na sasakyan. "Hi mga tito." masayang sabi ng kambal ng magbabaan sa fortuner ni Joaquin sina Cain, Warren, Hunter, Jose at ang nagmaneho na si Joaquin. Binati din ng mga ito ang mga bata. "Anong meron?" sabi ni Matteo "Namiss ka lang namin." sabi ni Warren "Hi Ehm.." saka kinawayan si Ehm nang makita na papasok ito sa bahay galing sa likod. Bumati din ng kaway si Ehm sa mga ito. Bago pumasok sa loob ng bahay ang mga ito ay isang sasakyan ulit ang dumating. Bumaba naman doon sina Angge, Lani, Marj, Laila at Tonet. "Hi boys.. Anong meron at nagkukumpulan kayo dito?" sabi ni Tonet "Birthday mo diba? Makikicelebrate kami.." sabi ni Hunter "Sa pagkakaalam ko regalo ang hiningi ko sa inyo hindi ang presensya nyo." sabi ni Tonet "Ang sama mo naman.." sabi ni Hunter "Mauna na kami sa loob ha?" sabi ni Marj Saka nagsunuran sina Angge, Lani at Laila saka deretsong nagpunta sa pwesto ni Ehm para tulungan ito sa pagaayos ng pagkain na dadalhin nila sa Resort de Barbara. Doon din sa isla. Dinadala na nila Tonet ang mga pagkain sa sasakyan. Habang nililinis ni Ehm ang mga ginamit saka umakyat sa kwarto para ayusin naman ang mga gamit na dadalhin nya sa resort. "Masyado naman atang revealing yan." sabi ni Matteo na nakasandal sa pinto. "Ay nanang ko po!" gulat na sabi ni Ehm "Ano ka ba Matteo sulpot ka ng sulpot.." "Hindi mo sinagot ang tanong ko." sabi ni Matteo na napadako ang tingin sa nakaladlad na two piece nya na nasa rubber hanger. Kaya bigla nya itinago. "Ano namang masama resort yon alangan mag pajama ako." sabi ni Ehm na hindi ito nililingon at itinuloy ang paglalagay ng gamit sa bag. Hindi nya namalayan na nakalapit na pala si Matteo sa likod ni Ehm. Kaya ng paglingon nya ay naout of balance silang pareho ni Matteo at sabay na bumagsak sa sahig. Naka pailalim si Ehm kay Matteo. Nakatitig lang sila sa isat isa. Hanggang sa ibaba ni Matteo ang mukha at buong pusong hinalikan si Ehm. Hindi naman pumalag si Ehm at sinagot din ang halik na iyon ni Matteo. Nahinto sila ng may kumatok sa pinto. "Ehm okay ka na ba? Ready na kami.." sabi ni Tonet sa labas "Ah oo s-susunod na ako.." sabi ni Ehm Tinulungan naman sya ni Matteo na makatayo. Mabalis na inayos ni Ehm ang gamit, palabas na sya ng pinto ng hawakan sya ni Matteo. "S-saka na tayo magusap pagbalik ko.." sabi ni Ehm Niyakap muna sya ng mahigpit ni Matteo saka sabay silang lumabas ng pinto at bumaba na. Paglabas nya ng kwarto ay nakita si Hunter at nakasandal sa barandilya habang hinihintay siya. "Nasabi sabi ni Warren ang binabalak mong paghihiganti kay Ehm, totoo ba yun?" Hindi kumibo si Matteo at nilampasan ang apatid, pinigilan naman ito sa braso. "Kinakausap kita!" mahina pero maotoridad na sabi ni Hunter. "Wala akong balak na ganyan." "Siguraduhin mo lang, dahil may mga anak ka na masasaktan." Hindi na kumibo si Matteo at bumaba na ng hagdanan at sumunod nalang si Hunter sa kapatid na may pagdududa pa din sa kapatid. Nakita nito ang pagdadalamahati ng mawala ang unang anak. Nasa private golf club lounge silang magpipinsan early evening. Warm lights, polished wood, leather couches. Dumating ng late si Matteo—still in a tailored blazer, but his usual polish is undone. He tosses his keys on the table, visibly agitated. Kumuha ng glass, at nagsalin ng whiskey roughly. “She left me like I was nothing. After everything I did, she just walked away.” “Matteo—calm down. You’re not making sense.” sabi ni Hunter “No, Hunter. You don’t get to tell me to calm down. I gave that woman everything. A name. A life she never dreamed of. And how does she repay me? By vanishing. By blaming me for something I didn’t do.” sa mababang boses pero alam nitong may galit sa tono. “She lost the baby, Matteo. People grieve differently—” mahinahong sabi ni Joaquin “I grieved too, Joaquin. But I didn’t turn my back. I didn’t destroy the marriage we were trying to build.” Putol ni Matteo sa sasabihin pa ng pinsan. “She thought you were cheating, bro. That’s not something people just imagine.” sabi ni Jose “She chose to believe the worst in me. That’s the part that hurts. Hindi man lang niya ako kinausap. She just assumed the worst—and let it eat her up. That’s not love. That’s pride.” asar na sabi pa ni Matteo “But where’s your pride, Matteo? You married her not because you loved her, but because of obligation. You think she didn’t feel that?” sabi ni Jace nakainom na pero steady parin. “You think I didn’t feel trapped too? We were both in a mess. But I stayed. I tried. I was building something real. She just… gave up.” sabi ni Matteo na napatawa ng pagak. “So what now? Hahanapin mo?” sabi ni Warren “I don’t even know anymore. Part of me wants to fix this… but another part wants her to feel what I’m feeling right now—rejected, abandoned, blamed for things I didn’t do.” his eyes flash with emotion “Sounds like ego, not love.” sabi ni Cain saka ininom din ang laman ng basong hawak. “Or maybe it’s both. But whatever it is, you need to decide. Are you going to punish her for leaving? Or are you going to fight for her, despite the pain?” Tahimik lang ito pero malaman ang mga sinabi. Isang mahabang katahimikan. “I want her to see what she walked away from. I want her to know she didn’t just leave a man—she left the man who was ready to love her, finally. And now… I don’t know if she still deserves that version of me.” inubos ang laman ng baso at pabagsak na ibinaba ang basong hawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD