"Daddy anong oras po tayo pupunta ng farm.." sabi ni Thea
"Okay lang ba na bukas na tayo pumunta?" sabi ni Matteo
"Bakit po?" malungkot na sabi ni JM
Nilingon ni Matteo ang mga pinsan at kapatid na nasa sala. Saka ibinalik ang tingin sa mga anak.
"Ganito kasi mga anak may meeting lang kami at inaantay na nila si daddy. Pero bukas pag uwi ni mommy nyo sabay sabay tayong pupunta sa farm, okay ba yon?" sabi ni Matteo
"Promise yan daddy ha?" sabi ni Thea
Dumating sina Amelia at Armando para sunduin ang mga apo kila Matteo.
"Saan ba kayo paparoon at biglaan naman ata ang lakad nyo?" sabi ni Armando
"May paguusapan lang kami papa. May kailangan lang po kaming tapusin." sabi ni Matteo
"May paguusapan? Tatapusin? Ako nga ay wag nyo niloloko." sabi ni Barbara na papasok ng Bahay nila Matteo.
"Mamita.." sabay sabay na sinalubong ng halik ng mga ito ang abuela.
"Pupuntahan nyo ang mga dalaga sa resort, tama ba ako?" sabi ni Barbara
"Wala akong alam sa sinasabi mo mamita." Patay malisyang sabi ni Cain
"Sigurado kayo?" nang aasar pang tanong ni Barbara "Kahit sabihin kong maraming bisita ang resort ngayon?"
"Dapat ngang hindi kami pumunta doon baka pagkaguluhan lang kami." sabi ni Warren
"Yah, alam mo naman kaming mga apo mo mamita. Baka hindi pa yung kagandahan ng resort ang ma-enjoy nila kapag nakita nila kami doon." sabi ni Warren na kumindat pa sa abuela
"Naku puro kayo kalokohan." sabi ni Barbara "Sige para sigurado akong hindi kayo pupunta ipapaban ko muna kayo sa resort."
"Mamita!!!" panabay na sabi ng mga ito.
Isang malakas na tawa ang ginawa ni Barbara sa nakitang reaction ng mga apo.
"Oh! akala ko ba'y hindi kayo pupunta."
"Hindi nga po, kaya walang dahilan para magabala pa kayo mamita." lambing na sabi ni Matteo
"Saka paplanuhin lang po kasi namin ang proposal ni Hunter kay Tonet." sabi ni Joaquin
"Ha?" nagulat si Hunter
Napalingon naman sa kanya sina Amelia at Armando.
"Totoo ba iyan anak?" sabi ni Amelia na halatang nagningning ang mga mata.
"Wag na natin ituloy ang kalokohang to. May launch meeting pala ako today, mauna na ako sa inyo." sabi ni Hunter saka umalis at lumabas ng bahay.
"Mama maiwan ko muna po ang mga anak ko." sabi ni Matteo saka sumunod na sa kapatid at mga pinsan na lumabas na din ng bahay.
"Hay! makikita ko pa kaya silang mga ikakasal, walo sila isa palang nakikita ko. May mga kapatid pa sila. Lahat kaya yun madadaluhan ko?" sabi ni Barbara
"Oo naman mama." sabi ni Armando
"Wag ka na sad mamita." sabi ni Thea "You like juice po?" saka inabot ang hawak na tetra pack ng juice.
"I'm ok apo." saka hinawakan sa buhok ang bata.
Napakalaki ng resort ng Resort de Barbara. May apat na malalaking swimming pool. At meron ding pool na inihugis sa ilog na pabilog na may mga bar sa gitna.
Sa mga bawat pool ay may ibat ibang desenyo ng slide. Mayroon ding eco and adventure park para sa gusto ng may intense na activity. May mga spa and beauty wellness din.Isang paraisong nakatago sa gitna ng kristal na dagat at puting buhangin, ang marangyang resort na ito ay tunay na takasan mula sa ingay ng mundo. Matatagpuan sa isang pribadong isla, ang resort ay napapalibutan ng luntiang kalikasan at malinaw na bughaw na tubig na tila walang hanggan.
Ang mga villa ay itinayo sa itaas ng dagat—may sarili itong infinity pool, malalawak na bintana, at serbisyong butler na handang tumugon sa bawat pangangailangan. Sa loob, ang disenyo ay pinaghalo ang modernong ginhawa at likas na materyales, na may mga detalyeng gawa ng lokal na sining.
Sa pagbati pa lang sa open-air lobby, sasalubungin ka na ng bango ng mga bulaklak at tanawin ng dagat. Mayroon ding world-class na spa na nag-aalok ng mga tradisyonal at makabagong treatment gamit ang natural na sangkap, pati na rin ng mga fine dining restaurant na naghahain ng masasarap na putahe mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa gabi, sumisikat ang karangyaan—may mga ilaw ng kandila sa tabi ng dalampasigan, malamig na alak, at musika sa ilalim ng mga bituin. Bawat sandali rito ay idinisenyo upang bigyan ka ng kapayapaan, aliw, at isang karanasang hindi mo malilimutan.
Sa ganda ng lugar gugustuhin mong doon maghoneymoon..
"Ha? Honeymoon?" sabi ni Ehm
"Ano yun Ehm? May sinasabi ka ba?" sabi ni Angge
"Ah wala, tara na." sabi ni Ehm
"Saan ang cottage natin?" sabi ni Laila
Naglalakad na sila papunta sa cottage nila. At huminto sila sa isang primary feature na cottage na parang bahay na dahil kahit one story lang ay napaka lawak.
Pagpasok sa loob ay maamaze ka sa modern style ng cottage. Dahil sa mga sa mga manmade materials na wood pieces, may mga naka expose ding bricks accent ang wall, pati ang bathroom ay may touch din ng vintage piece ng isang modern cottage.
"Ang ganda payapa.. Malayo sa mga boss na toxic." sabi ni Tonet na naupo sa isang malambot na sofa. "-pati na din sa ibang staff ng opisina.. Haha.." dugtong ni Tonet ng mapansin nyang sumama ang tingin ni Ehm sa kanya.
"So pano, girls ano ang uunahin natin?" sabi ni Ehm
"Swimming!!" masayang sabi ng mga ito.
"Eh ano pang inaantay natin? Arat na!" sabi ni Tonet
Pagkapalit ng swimsuit ay nagtungo na sila sabay sabay sa pool side.
Nagbabaan naman sa sasakyan sina Matteo, Hunter, Warren, Jose, Cain at Joaquin.
"Boss pasensya na po. Inutos po ni Doña Barbara na ilista kayo sa restricted person to enter resort. Sumusunod lang po kami." sabi ng guard
"Mamita!!" sabi ni Matteo
Naglalakad naman palapit sa kanila sina Jace at Jameson.
"Oh! Bakit nandito kayo?" sabi ni Jace ng mapansin na nsa labas sila ng gate ng resort.
"Tinotoo pala ni Mamita ang restriction nyo?" tatawa tawang sabi ni Jameson
"Manginis ka pa." Sabi ni Hunter
"Bakit kayo restricted?" sabi ni Jace
Tinignan nya ang mga ito pero walang sumagot. Nagkibit naman ng balikat si Jameson.
"Tara na.. Wala din naman tayo mapapala dito." sabi ni Warren
Pabalik na sila ng kanya kanyang sasakyan.
"Teka.. Diba ikaw ang namamahala sa security ng resort." sabi ni Matteo kay Jameson
Isang sikat at malaking security agency ang pagaari ni Jameson. Kaya sya din ang namamahala ng safety ng buong isla.
Sa sinabi ni Matteo parang nabuhayan ng loob ang mga ito.
"W-wait.. Alam nyong hindi ko pwdeng suwayin ang batas ni Mamita." sabi ni Jameson
"Hindi mo naman kaylangang sumuway.." sabi ni Matteo na umakbay pa kay Jameson "Tara sa opisina mo.." saka naglakad papasok ng gate.
"Boss.. Doon po ang opisina ni sir Jameson.." sabi ni guard saka tinuro ang harapang bahagi ng parking sa labas ng resort.
"Haha oo nga.. Bakit kasi sa labas ka nag tayo ng opisina.." sabi pa ni Matteo saka inabot ang susi sa guard.
Ganun din ang ginawa ng iba.
"Tawagan mo nalang ung butler para i-park ang mga sasakyan.." sabi ni Joaquin na inabutan pa ng dalawang libong perang papel ang guard saka tinapik sa balikat at sumunod na sa mga pinsan.
"Thank you sir!!" masayang sigaw ng guard.
Pumasok sila sa isang magarang three stories na building at dumiretsyo sila sa opisina ni Jameson.
Mayroong isang mahaba at malaking cctv monitor ang nasa pader nito.
Nakarating na siya sa opisin nito sa manila ngunit ngayon lang siya nakarating sa opisin nito sa isla. Hindi naman makapaniwala ang mga ito dahil lahat ng kaganapan sa isla ay nakikita nito.
"Hindi mo naman kami sinisilipan no? O kaylangan ko nang kabahan?" birong sabi ni Jace kay Jameson
"Loko ka.. Nasa labas lang ang mga cctv.. wala sa mga bahay nyo o khit sa private part ng resort.." depensa nito
"Buti naman.." sabi ni Warren
"Pero nakikita ko kung sino sino ang dinadala nyong babae.." tawang sabi ni Jameson
Biglang tumingin sakanya ang lahat.
"Pero sa labas lang.." sabi pa nya
"Minsan ipapacheck ko buong bahay ko. Dahil ang bilin ko ay sa labas lang, baka may tinago ka pa." sabi ni Cain
"Tama.. ako din.." sabi ni Jace
Natawa nalang si Jameson, pero alam naman nyang alam ng mga pinsan nya na safe ang security nila kay Jameson.
"Nah, you now me guys."
Naka upo sa sofa sa harap ng mahabang monitor sina Matteo at Hunter.
"Ano bang hinahanap ng dalawalang yan?" sabi ni Jace
Walang gustong sumagot dahil ayaw nilang mapagtripan.
May kumatok, pinagbuksan ni Jose at pinapasok ang assistant ni Jameson na may mga dalang tin can ng beer at pulutan at nilapag sa lamesa sa harap ng sofa.
Naglapitan doon ang lahat saka nagkuhanan ng tagiisang beer.
"Ayun!!" sabi ni Matteo "Click mo kuya.."
Ginawa nga ni Hunter kaya yung kuhang iyon sa bar counter na nasa gitna ng pool nalang ang nasa screen.
"Akala ko naman kung ano yang hinahanap nyo.. Eh kayong apat.. Bakit pati kayo nakikisilip din?" sabi ni Jameson kina Warren, Joaquin, Jose at Cain.
"Wala nakisali lang ako.." Sabi ni Warren
"Nahila lang ako dito e." sabi ni Joaquin
"Ikaw tol? Diba may flight ka pa japan?" sabi ni Jace kay Jose
"Nacancel..haha" sabi ni Jose saka nagbukas ulit ng isang beer
"Tahimik ka ata? Buti naka labas ka ng ospital ngayon?" sabi ni Jameson kay Cain
"Wala naman sigurong masamang magbakasyon.." sabi ni Cain
"Dito sa opisina ko?" sabi ni Jameson
"Maging masaya ka nalang na dinalaw ka namin ha?" sabi ni Cain saka tinapik sa balikat si Jameson at saka ininom ang hawak na beer.
"Tamang tama Jameson nandito na din naman sila bakit hindi mo nalang sabihin sakila kung ano yung balak mo din sabihin sakin." sabi ni Jace na ikinalingon ng mga ito kay Jameson.
Tinungo naman ni Jameson ang office table at may kinuha sa drawer nito na brown folder.
"Parang pamilyar yang folder na yan," Sabi ni Matteo na kinuha ang inilapag na folder ng pinsan.
Binuksan nya ito at hindi nga nagkamali sa nakita. Iyon ang file na nakita niyang iniabot sa abuelo ng kanilang commander noong sila ay nagte- training pa sa military.
"Panong nakarating sayo iyan?" sabi ni Joaquin
Pabalik na sila sa barrack ng mapalingon silang magpinsan sa opisina ng commamder nila ng makarinig ng sigaw mula sa opisin nito. Agad nilang tinungo iyon at nakita nila na nandoon ang abuelo at galit na galit sa kausap sa telepono. Hindi sila nangahas na pasukin ito sa loob.
"Hindi ba't binilinan kita na ingatan mo iyon!"
Hindi na nila nalaman ang ibang detalye noon, dahil pinaalis sila ng commander ng makita sila na nandoon. Pero nabalitaan nila sa ibang upper class nila na may nawawalang confidential file ang kanilang abuelo.
"Its just a copy of the confidential file na hinahanap ng Senior noon." sabi ni Jameson
"Nakanino ang original?" takang tanong ni Hunter
"Sa ngayon ay hindi pa namin alam, dahil nakita lang namin yan sa opisina."
"Pero totoo ba ang mga nakasaad dito?" sabi ni Matteo
"Hindi ko alam dahil gaya ng inyo ay parepareho nating hindi nakita ang original na copy ng last will ng ama ng Senior."
"Hindi ito dapat malaman ni mamita." sabi ni Cain
"Tama dahil baka ikapahamak pa ng mamita." sabi ni Jose
"Kailangan ay mauna nating makita iyan bago ng mga Falcon." sabi ni Warren
"Iyan ay kung wala pa talaga sa kanila ang dokumento." sabi ni Joaquin
"Sabi ng intel namin, at sapalagay nila ay kahit ang mga batang Falcon ay hindi pa alam kung ano ang nilalaman ng dokumentong hinahanap ng kanilang ama."