Nakatulog na silang lahat ng kumatok at pumasok ang assistant ni Jameson. Naalimpungatan si Jameson ng gisingin sya ni Aries ang assistant nya.
Pagbangon nya ay bahagya nya pang nasipa ang mga basyo ng beer at nakita ang itsura ng mga pinsan na naka higa sa sofa yung iba sa carpet na nakahiga o nakasalampak.
"Ano yun Aries?" sabi ni Jameson ng tuluyang makatayo at pupungas pungas pa.
"Kanina pa po namin inaayos ang system ng mga cctv sa backdoor ng resort. Kasi nag black out po lahat." sabi ni Aries
"Oh naayos nyo na ba ngayon?" sabi ni Jameson
"Yes sir, pero ito sir ang nakita namin pag bukas po ng mga cctv." sabi ni Aries saka ipinakita ang mga video sa isang cottage.
Nakabukas ang sliding door sa likurang pinto ng cottage at mga basag na paso ang nandoon.
"Nacheck nyo na ba kung sino ang naka check in jan. Bakit may komusyon na ganyan at ang daming damage." sabi ni Jameson "Sandali patingin nga ng harapan ng cottage."
Inilipat ni Aries at nagulantang si Jameson ng malamang cottage iyon nila Ehm.
"Matt! Hunter! Gising!!" sabi ni Jameson
"Oh.. ano ba yun...Bakit anong nangyari?!." sabi ni Matteo nang makita ang nagaalalang mukha ni Jameson
"Opo sir.. Cottage po kung saan nag check in ang asawa ni sir Matteo." sabi ni Aries
Hindi na inalam ni Matteo kung ano ang nangyari basta nalang sya tumakbo papunta sa cottage kung saan naka check in sila Ehm. Nagsunuran narin ang iba sa kanila. Hindi na nya inisip ang restriction na binigay ng abuela sa kanila. Kahit ramdam nila ang hangover ay nagawanilang maarating doon ng mabilis.
Halos hingal kabayo ang mga ito ng marating ang cottage at makita ang mga basag basag na gamit sa loob ng cottage at mga tumbang upuan. Binuksan ni Matteo ang mga kwarto na nandoon pati ang bathroom pero wala syang nakitang bakas ni Ehm o kahit ng mga kasama nito.
"Anong nangyari dito?" sabi ni Joaquin
Hindi nila alam ang isasagot dahil parepareho silang walang alam sa nangyari.
Halos walang katabing cottage ang cottage nila Ehm.
Nagdatingan na ang ibang military security ng agency ni Jameson at ini-inspect ang lugar.
"Sir may force entry po dito sa backdoor." sabi ni Cameron na nasa likod
"May mga dugo dito sa kusina at isang kitchen knife ang may mga dugo." sabi ng Apollo. Agad namang kumuha ng sample ang agent ni Jameson.
"Halughugin nyo ang buong isla! Wala kayong palalabasin o papasukin hanggat hindi sila nakikita!!" sigaw ni Matteo
"Aries anong nakuha mo?" sabi ni Jameson ng makita nya ito na palapit.
"Sir may report po ang coastguard na may inabandonang speedboat sa gitna ng dagat malapit sa corregidor. Pero ang sabi ng Philippine navy wala daw po silang nakitang kahinahinala. Maliban nalang daw po ngayong umaga na may tatlong babae ang nakita sa pantalan na walang malay at sugatan." sabi ni Aries
Kinuwelyuhan ni Matteo si Aries.
"Nasan sila!!" galit na galit na sabi ni Matteo
"Matt kumalma ka." awat ni Joaquin
Nang mabitawan ni Matteo si Aries na nanginginig sa takot. Pinakalma muna ang sarili bago sinagot ito.
"Gi-ginagamot lang daw si-sila.. Si Antonette Perez lang daw po ang nakausap nila. At ang dalawa daw po ay sina Lailanie Santos at Marjorie dela Fuente na parehong may tama ng baril at inooperahan na para matanggal ang bala na nasa katawan nila." sabi ni Aries na kinakalma pa din ang sarili
Nagtakbuhan palabas ng resort sina Hunter, Cain at Jose para sumakay ng helipad. Pero may pababa na sa isang helipad at paglapag ay bumaba si Tonet na may mga galos at bandahe. Inilang hakbang lang ni Hunter si Tonet saka niyakap. Sumakay naman sa chopper sina Cain at Jose para daluhan sina Marj at Laila.
Nanglambot na napaupo naman si Matteo sa sofa na nandoon.
Dumating na ang chopper ng kaibigan ni Jameson na isang pulis. Kinamayan sila nito.
Nasa mansion sila ni Barbara para makuha ang salaysay ni Tonet. Halos lahat ng miyembro ng pamilya Montecarlo ay nandoon.
"Nabibibihis ako sa kwarto dahil natapunan ako ng kinakain namin. Nakarinig ako ng parang may nababasag sa labas. Pagbukas ko ng pinto may isang lalaki ang nagtutok ng baril sa akin. Pinalabas nya ako.. nakita ko ang walong lalaki na nakatutok din ang mga baril kila Ehm..At-" nanginginig na kwento ni Tonet
"Nakilala mo ba ang mga armadong lalake?" sabi ng pulis
Umiling sya.
"Ano pa ang nangyari?"
"Okay ka lang bang ituloy to?" nagaalalang sabi ni Hunter na hindi umalis sa tabi nya. Tumango naman si Tonet .
"Nasa kusina si Laila nakakuha sya ng kutsilyo at naihiwa nya sa paa ng lalake pero nahampas sya ng baril ng isa pang lalake. Pagtapos noon ay pinatulog na ako. Nagising ako na inililipat kami ng bangka.. tatlo nalang kaming nasa speedboat nila Marj at Laila.. Ginising ko sila saka kami tumalon sa dagat.. pinaputukan kami ng pinaputukan pero lumangoy lang kami ng lumangoy. Pag gising ko nasa ospital na ako."
Iyak ng iyak si Tonet habang sinasalaysay nya ang nangyari ng gabing iyon. Halos panawan naman ng malay si Barbara sa nalaman.
Bente kwatro oras na ang nakakalipas pero wala pa ding komokontact sa kanila.
"Wala pa din bang tumatawag?!" sabi ni Matteo habang pababa ito ng hagdan. Pinatulog nya ang mga anak sa kwarto ng mga ito.
"Wala pa sir pero dumating na ang resulta ng lab test ng mga nakuhang dugo at finger print sa cottage." sabi ng hepe saka iniabot ang isang envelope kay Matteo.
Agad nyang binuksan, dalawang pirasong papel ng dalawalang tao.
"Sino ang mga ito chief?" sabi ni Matteo
"Sa kanila ang mga dugo at finger print na nakuha namin.." sabi ng hepe
"Ano pang hinihintay natin hulihin na natin.." pagkasabi na iyon ni Matteo ay nagtayuan nadin ang ibang pinsan na nandoon para daluhan sya ng pigilan sya ng hepe.
"Sandali sir.. May kaylangan pa kayong malaman." sabi ng hepe
Tumingin sa kanya si Matteo habang isinusuot nito ang jacket.
"Nakakulong sa bilibid ang dalawang iyan." sabi ng hepe "Parehong kaso ng kidnapping at human trafficking.."
Natigilan ang lahat sa narinig.
"Panong nangyaring nakakulong sila pero nagawa nilang makarating dito?" sabi ni Matteo na halatang naguguluhan.
"Iniimbistigahan pa namin ang nangyari sir. Pero pagpunta namin kanina sa bilibid. Patay na ang dalawang iyan." sabi ng hepe
"Ano?!" sabi ni Matteo
"Pasensya na sir. Hindi na kasi sakop ng jurisdiction namin iyon. Nakipag coordinate kami sa NBI kaya maaring sila na ang makasagot sa kung anong nangyari sa kanila." sabi ng hepe "Mauuna na kami sir.." saka nagpaalam ang hepe
Tinungo ni Matteo ang bar counter at nagbukas ng alak. Sumunod sa kanya sina Joaquin at Warren na kapwa nagsalin din ng alak at sa mga baso.
"Wala ba kayong nakaalitan?" sabi ni Warren "Mukhang malaking sindikato ang sangkot dito para makapagpalabas sila ng bilanggo." dugtong pa nya.
"Sa pagkakaalam ko ay wala. Maliban na;ang sa mga Falcon." sabi ni Matteo
"s**t! human trafficking! Ganun na ba kadumi maglaro ang mga Falcon?" sabi ni Joaquin na gigil na gigil sa basong hawak. "Hindi ko kayang isipin kung ano ang sitwasyon nila ngayon.."
"Kahit magkano magbabayad ako makuha ko lang ang asawa ko!" sabi ni Matteo "Lintik lang ang walang ganti kung malaman ko na may kinalaman sila dito."
Tumunog ang cellphone ni Matteo. Si Jameson ang nakarehistro.
"Hello!" pabalang na sabi ni Matteo
"Tumawag si mamita nalaman ko ang nangyari sa dalawang suspect." sabi ni Jameson sa kabilang linya.
"Gagawa na ako ng sarili kong imbestigasyon. Dahil malaking sindikato ang kinapapalooban ng dalawang suspect na iyon." sabi ni Jameson
"Satingin mo kaya may kinalaman ang mga Falcon dito.?" halos pabulong lang na sabi ni Matteo
"Hwag kang magalala Matt aalamin iyan. At kung sila ang may pakana nito hindi sila makakaligtas."
"Makakaasa akong may lead ka na sa susunod. Salamat Jameson." sabi ni Matteo
"Anything.. para sa pamilya.." sabi ni Jameson saka in-off ang tawag.
Laman na agad ng balita ang kanilang pamilya. At mabilis na nakarating doon ang mga reporter ngunit hindi sila nagpapaunlak ng kahit na ano mang interview na maaring ikapahamak ng kaninlang pamilya.
Nagtungo si Barbara sa opisina nya at may tinawagan.
"Ikaw ba ang may kagagawan ng kaguluhan ito sa pamilya ko Falcon?" galit ngunit mahinang sabi ni Barbara dahil nya na may makarinig sino man sa pamilya niya.
"Barbara naman hindi lang pamilya ko ang may galit s pamilya nyo." sabi ni Ren Falcon
"Ikaw lang ang naiisip kong gagawa nito. Hindi ba at binantaan mo ako?"
"Barbaridad marami ka pang hindi alam kaya bago mo ako pagbintangan. Siguraduhinmong may sapat kang ibidensya." isang nakakainsultong tawa ang narinig ni Barbara dito saka ibinaba ng kausap ang tawag.
Gigil naman na ibinato ni Barbara ang cellphone.
"Kasalanan ko to." sabi ni Barbara na napaupo sa swivel chair
Kung pinayagan lang sana niya na pumasok ang mga apo ay may nagtangol sana sa mga ito. Ngunit ang pinagtataka niya sa higpit ng security ng resort ay may nakapasok pa din. Gayong biglaan lang naman ang pagpunta nila Tonet doon.