bc

A Seat For One

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
second chance
friends to lovers
badboy
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

Roselyn Anne Benito has always believed in horoscopes that every twist of fate, every fleeting coincidence is a message from the universe. If something doesn’t happen, it’s never by chance; it’s destiny quietly steering her away from what isn’t meant to be.

She vanished for years, carrying a guilt so heavy it haunted every step. And all the while, one man waited - faithful, unwavering, and never letting his heart stray. Yet her absence tested them both in ways neither could have imagined. Now, with her return, the universe seems to conspire against them. Can love survive the weight of years, the burden of guilt, and the pull of destiny, or are some hearts simply never meant to meet again?

chap-preview
Free preview
Simula
ANG sabi sa prediction na ngayong taon ay magkakaroon ng hindi ka nais nais na suliranin ang mga pinanganak sa taon ng rat. Sa bawat aspeto ng pera, health, relationship, at career. Ako'y studyante pa lamang kaya siguro ang mga mamalasin sa mga career nila ay 'yong mga taong nagtatrabaho na. Ngunit ako'y tatamaan ng pera, health, relationship panigurado kung hindi ako mag-iingat. Kinuha ko ang dyaryo na bigay ng matandang naglalako nito tuwing umaga sa mesa. Isa si lola sa mga suki nito dahil ginagamit niya ito upang mag analyze ng mga bagong numero na itataya sa lotto, na kahit na kailanma'y walang tumama. Pera. May unexpected expenses or delays sa income. Mas okay ang spending mood kesa sa investment. Ako'y nagkakapera lang tuwing binibigyan ng baon at hindi kakayanin ng baon ko ang mga investment na iyan. Ako'y masinop din sa pera at bumibili lang tuwing may bagong labas na pocket book. Safe ako d'yan sigurado. Health. Prone sa stress at anxiety. Emotional health ang pinaka apektado. Siguradong tatamaan ako nito dahil sa mga teacher naming mahilig magbigay ng assignment tuwing weekend. Kailangan kong mag-ingat. Relationship. Misunderstandings may happen. Communication issues, cold treatment, or emotional distance. For singles: may attraction pero hindi stable. Hindi na bago sa aking ito. Marami akong nagiging crush pero hindi naman ako nagkakaroon ng manliligaw na matino at type ko. Kung may manliligaw man, either 'yong mga tambay sa kanto na ambabaho tingnan o 'yong mga basagulero sa school na parating na de discipline office. "Rose, nagpadala ang Mama at Papa mo ng bagong sapatos at allowance mo galing dubai. Gamitin mo 'yon." Sabi ni lola nang lumabas siya sa kwarto niya at binigay sa akin ang isang kahon na sa tingin ko ay sapatos ang laman. "Hindi pa naman sira 'tong ginagamit ko, Lola." ani ko matapos kong ibaba ang dyaryo nang marinig ang boses niya. Napatingin ako sa sapatos ko na kaka-kiwi ko lang. "Hihintayin mo pa bang masira 'yan bago mo gamitin ang bago?" tanong niya. Inubos ko ang Milo at humalik na sa kanyang pisngi. "Aalis na ako, Lola. Pakisabi kina Mama, salamat sa padala." Ani ko at lumabas na ng bahay. Sumakay ako ng tricycle. Anim ka tao lamang ang kasya doon pero dahil sa katabi kong mataba halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Panay kapit ko sa ibabaw nang dumaan kami sa malubak na daan. May bakanteng upuan sa harap ko at balak kong lumipat doon kung sakaling huminto ang tricycle. Natatanaw ko na ang flagpole ng school namin sa unahan nang huminto nga ito upang magsakay pa ng mga studyante. Bumaba ako kasi pakiramdam ko mahuhulog ako. "Kasya pa dalawa," ani ng driver. "Anong dalawa?" tanong ko sa driver. Bumaba lang ako para lumipat ng seat, hindi naman ako bababa talaga. Tumingin ang driver sa akin at sa dalawang schoolmates ko na sasakay din. Napatingin ako sa matangkad na lalake na umupo sa bakanteng upuan ng tricycle. Parang nabuhayan ang umaga ko nang magtama ang mga mata namin sa unang pagkakataon. Kenneth Brian Lee. 'Yong chinitong Soccer varsity player na crush na crush ko noong freshman year ko. Tumigil siya ng isang tao noong elementary pa lamang siya kaya magka batch kami ngayon. Sa anong dahilan, ay hindi ko alam. Mapuputi ang kanyang balat at natural na mapupulang labi. Pero ang kapansin pansin ay ang bagong hairstyle niya. Dati manghang mangha ako sa layered cut niya pero ang huling kita ko sa kanya ay may bald spot siya na sa tingin ko ay sinadyang gupitin ng teacher nila sa tuwing hindi nasusunod ang standard haircut ng school para sa mga lalake. Ngayon ay drop fade hairstyle na ang kanyang buhok. Gwapo pa rin at malinis siya tignan... Tumaas ang kanyang kilay sa akin nang mapansin na nakatitig lamang ako sa kanya. "Miss!" tawag ng driver na siyang nakapagpabalik sa aking ulirat. "Sasakay ka ba o ano?" iritable niyang tanong sa akin. Napansin kong may nakaupo na sa pwesto ko kaya kumunot ang noo ko sa driver. "Sa gulong mo ba ako pauupuin? O sa harap mo?" iritable kong tanong sa kanya pabalik. "Aba'y namimilosopo ka pa---" "You can sit on my lap. Seven minutes na lang magsasara na ang gate ng school." Biglang sabi ni Kenneth. Biglang uminit ang pisngi ko sa suhestiyon niya. Talaga? Pwede akong umupo 'dyan? Pero, kung tatanggi ako pwede ko naman takbuhin ang school pero siguradong hindi nga lang ako makakaabot. First day pa lang mula noong Christmas break ay late na, hindi pwede! Nasa last section ako at wala akong medal dahil hindi naman ako matalino. May chance pa magkaroon ng medal, medal for no absences and no lates for the whole school year. Qualified ako doon kung hindi ako male late ngayon. Umupo ako sa lap niya. Hindi ko binigay ang buong weight ko sa kanya dahil baka sabihin niyang mabigat ako. Nakakahiya! Panay sulyap ko sa kanya habang siya'y nakatingin sa mga dumadaang tricycle. Kinagat ko ang labi ko dahil sa unang pagkakataon ngayon lang ako nagkaroon ng tyansa na mapalapit sa mga one of my crushes sa school. At hindi lang lapit ha, nakaupo pa sa lap niya! Akala ko ba mamalasin ang mga Fire rat sa taong ito, bakit first week pa lang nga taon ay parang sineswerte na ata ako? Agad akong bumaba nang huminto ang tricycle sa harap ng gate ng school. "T-thank you nga pala," utal kong pasalamat kay Kenneth matapos niyang mag abot ng pamasahe sa driver. Narinig ko ang ngisi ng kasabay niya kanina, 'yong lalakeng umagaw ng pwesto ko sa tricycle. Hindi ko alam ang name niya pero kilala ko siya. Soccer varsity player din siya gaya ni Kenneth. "Sa akin ba hindi ka magte-thank you? Ang bigat mo ha!" aniya. Naunang pumasok si Kenneth nang walang reaction sa sinabi ko. Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi noong lalake. Oo nga pala, magkaharap sila sa tricycle, kaya hindi lang hita ni Kenneth ang naupuan ko kung hindi pati na rin 'yong sa lalake. Nakatingin lang ako kay Kenneth sa loob ng gate at nang hindi ko na siya matanaw ay binalingan ko ang lalake. "Bumili ka ng tricycle mo kung ayaw mong maupuan ka sa hita tuwing rush hour." Ani ko sa kanya at pumasok na. Hindi hinintay ang kanyang sasabihin. ETO na nga ba ang sinasabi ko. Mamalasin talaga ako sa aspeto ng health! Tama ang nakasaad sa horoscope. Ang taong ito ay magbibigay sa akin ng stress. Paano ba naman, parang lahat ng subjects ay binigyan kami ng homeworks. Patong patong na nga 'yong binigay noong Christmas break, pati ba naman ngayon! At isa pa, hindi pa rin ako maka get over sa pag upo ko sa hita ni Kenneth. Tuwing naiisip ko hindi ako makapag focus sa tinuturo ng teacher sa harap. Pinatong ni Hazel sa akin ang mga Biology books na nahanap niya. Nasa library kami nang tumabi siya sa amin ni Alfred at ni Dawn. "Alam mo ba 'yong bagong chismis," natural na malakas ang kanyang boses kaya napatingin ang librarian sa kanya at sinita siya. Mas lalo siyang lumapit upang ulitin ang kanyang sinabi. Pinantakip niya pa ang kanyang palad sa kanyang bibig. "May chismis na bago ngayon," sa mahina niyang sinabi. Lumapit si Dawn at Alfred sa kanya, kaunti na lang maghahalikan na silang tatlo. Hindi naman ako mahilig sa chismis ngayon dahil mas interesado akong tapusin and homeworks ko. Pero dahil katabi ko lamang sila ay hindi ko maiwasan na marinig ang pinag-uusapan nila. "Break na pala si Kenneth at si Camille noong pasko." Nahinto ako sa pagsusulat at napa-angat ng tingin upang marinig ang kasunod niyang ibabalita. "Ang sabi, si Camille daw ang nakipag break dahil may nanliligaw sa kanya na bago." Dagdag ni Hazel. "Ha? Ang landi naman ni Camille? Nagpapaligaw siya e' hindi pa naman sila break ni Kenneth?" tanong ni Dawn. "Hindi! Kaya niya binreak si Kenneth kasi may gustong manligaw sa kanya." "Baka nirereto lang siya kay Camille. Camille belongs to a Chinese clan, posibleng itinakda na ang kasal niya sa lalaking iyon, hinihintay na lang ang tamang panahon." tanong ni Alfred kay Hazel. "Fil-Chinese din naman si Kenneth ah, bakit hindi siya ang ireto?" tanong ni Dawn sa kanya pabalik. "Kasi anak siya sa labas?" sagot naman ni Alfred na patanong. "Hindi ba naiisip ng mga magulang nila na ang babata pa natin para ireto tayo?" tanong ni Dawn. "Hindi naman ikaw ang irereto..." "Tama na 'yan. Hindi pa natatapos ang ginagawa natin dito oh," suway ko sa kanila kahit na apektado rin ako sa pinag-uusapan nila. Dahilan kung bakit marami akong crush ay dahil gusto kong alisin si Kenneth sa mga crushes ko. Unang una sa lahat ay dahil may girlfriend siya. Girlfriend niya ata si Camille mula noong Grade 6 sila hanggang ngayong 2nd year High School. "Kawawa naman si Kenneth, hindi makapag focus sa practice nila," rinig kong sabi ni Hazel habang naglilinis kami ng Classroom. Nakayakap siya sa kanyang books habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa second floor ang classroom namin at sa likod lang namin ang soccer field kung saan madalas na mag practice sina Kenneth at ang kanyang team. Kilala siya sa buong school lalo na sa mga babae. Sa tingin ko'y crush din siya ni Hazel pero may ka-MU si Hazel ngayon kaya feeling ko naaawa lang talaga siya. Napatingin din ako roon. Hinihingal siya at panay hinto niya sa pagtakbo. "Okay ka lang?" nabasa ko ang tanong noong ka team niya na nakasabay namin sa tricycle kanina. Iyong kupal kanina. Tumango si Kenneth at iniwan siya roon. May nagpasa sa kanya ng bola pero dahil panay tingin niya sa malayo ay hindi niya nasalo ito at natamaan ang mukha niya. Nahulog ko ang walis na hawak-hawak sa gulat lalo na noong lumapit ang mga ka teammate niya sa kanya. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng classroom. "Hoy saan ka pupunta?!" puna ng class president sa amin nang bigla akong tumakbo palabas. Wala na akong pake kung hindi natapos ang cleaning assignment ko. Tutal bida bida naman siya, siya na ang tumapos. Tinakbo ko ang kahabaan ng hallway para makarating ako sa Soccer field. Pagdating ko roon ay nagsisi alisan na ang mga Soccer player. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na sana siya Crush pero bumalik na naman ang feelings ko sa kanya dahil sa pagpapakita ng kabaitan niya sa akin kaninang umaga.... dahil ayaw niya na ma-late ako. Gusto ko rin ibalik ang pagiging mabait niya sa akin. Gusto kong makatulong sa simpleng paraan para maibsan ang mga hinanakit niya sa dibdib. Gusto kong ibalik ang sigla niya at maging MVP siya sa susunod na game nila. KAHEL na ang langit nang makarating ako sa bahay. Agad kong hinubad ang sapatos ko at tumakbo sa kwarto habang si Lola natanaw kong may kausap sa telepono. Agad kong binuksan ang laptop ko at nagtimpa sa browser ng page ng f*******:. Gumawa ako ng ibang Account na may ibang pangalan "Flora Bennett". Napahagikik ako dahil malapit lang itong sa totoo kong pangalan - Roselyn Anne Benito, pero alam ko namang hindi niya makikilala ito lalo na't hindi naman niya kilala ang buong pangalan ko. Ako'y isang hamak na schoolmate niya lamang na may gusto sa kanya... Isa sa mga may gusto sa kanya. Kinuha ko rin ang dyaryo ni lola mula sa labas at bumalik ako ng kwarto para basahin ang horoscope niya. Pinanganak siya year of PIG. Maswerte ang taon na iyon sa taong ito. Napangiti ako ng nabasa ang relationship prediction niya sa taong ito. For those born in the Year of the Pig, last year may have felt challenging in matters of the heart. But this was simply a redirection, paving the way for a stronger and more meaningful connection this year. You are likely to meet someone genuine whose love will surpass any experiences of the past four years. Nagtimpa ako ng mensahe... "This is your mother Flora, your horoscope guru... " At sinunod ko 'yong nakalagay sa horoscope. Trust me, darling, Flora knows best! Pero ilang minuto ay hindi niya pa nase seen. Siguro dahil hindi naman kami friends. Ina-add ko siya sa f*******:. Nakahukipkip lamang ako habang hinihintay ang response niya sa message ko. Hindi niya pa rin ina-accept ang friend request ko. Dinalaw ako ng antok sa tagal kong paghihintay ng kanyang mensahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa harap ng laptop ko. Nagising na lamang ako nang makita ang kanyang reply sa message ko! Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa iyon. "Scammer" Scammer daw ako... Nagsend lang naman ako ng horoscope prediction para maibsan ang bigat sa dibdib niya. Wala naman akong ino-offer na pera bakit niya sinasabing scammer ako?! Flora Bennet Totoo ang mga sinasabi ko! Reply ko sa kanya. Maya maya ay nag reply siya. Kenneth Lee I don't fall for online scams. Aniya, magtitimpa na sana ako ng reply, pero biglang may nag-pop up sa message thread namin. This user has blocked you. Messaging is no longer possible.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
8.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
54.6K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
34.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
807.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
596.4K
bc

The Lone Alpha

read
124.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook