PANAY block niya sa mga pinaggagawa kong f*******: Accounts. Dine-deactivate rin ng f*******: nang siguro’y mapansin niyang nag-e-spam ako ng create account sa isang email lang.
Kinagat ko ang kuko ko habang kunot noong nakatitig lamang sa main f*******: account ko. Eto kaya gamitin ko? Pero ayaw kong mabisto niya kung sino ba talaga si Flora Bennet. Ayaw kong ipagkalat sa school ang pinaggagawa ko at baka mabalita ito sa buong Campus at maging main reason pa ng itutukso sa akin ng mga kakilala ko.
“Mayaman nga daw ‘yong nanliligaw kay Camille ngayon.” Sabi ni Hazel habang kumakain kami sa Canteen. Maliit ang boses niya upang hindi marinig ng mga katabing table. “Kaya siguro binreak agad si Kenneth,”
“Hmm! Mayaman din naman ang father side ni Kenneth no,” ani naman ni Dawn. Tumango ako habang nakatingin kay Camille na tumatawa kasama ang mga kaklase niya na kumakain sa mesang malapit sa entrance ng Canteen. Mukhang wala naman sa mukha niya na broken hearted siya. Ang saya saya pa niya tingnan.
Napabuntong hininga ako. Mukhang mas affected pa ako kesa kay Kenneth mismo. Affected talaga ako! Kaka give ko ng horoscope advice sa kanya, binlock niya ako.
“May tanong ako,” bigla kong sabi na siyang nakapagpatigil sa kanilang pinagchichismisan.
“Ano ‘yon?” tanong ni Dawn. Nakatingin silang tatlo sa akin ngayon.
“Paano kayo magpapasa ng mensaheng sa taong binlock ka sa f*******:?” tanong ko sa kanila. Narinig ko ang ngisi ni Alfred habang kumakain ng tinapay niya.
“Sinong namblock sa ‘yo?” tanong ni Hazel na nakataas ang isang kilay.
Hindi ko naman maaaring sabihin sa kanila kung sino at baka tuksuin talaga ako. Mahirap na tuksuin ng isang dakilang chimosa at baka hindi lang sa circle namin ito makarating, baka pati na rin sa room nila Kenneth o sa mga soccer players.
Napatingin ako sa kisame habang nag-iisip ng palusot kung sino nga ba ang namblock sa akin. “Pinsan ko,”
“Puntahan mo na lang sa bahay nila,” suhestyon ni Dawn sa akin. Sunod-sunod ang pag-iling ko. Hindi ko pwedeng puntahan si Kenneth. Alam ko kung saan siya nakatira pero baka isipin nilang desperadang admirer ako.
“Ibang paraan, huwag lang harap harapan.” ani ko.
“Skype, Yahoo Mail, telepono, letter…” ani ni Dawn.
Letter
Mukhang magandang suggestion nga ‘yon lalo na’t maraming nag-sesend sa kanya ng mga anonymous letter tuwing February sa kanilang coach o nag-iiwan sa kanyang locker.
Pagkatapos ng klase ay ‘yon nga ang ginawa ko. Hindi ko lang alam kung mababasa niya ba talaga ito sa dami ng mga love letters na natatanggap niya. Pero dahil creative ako, gawa ng pagiging member ko ng Arts Committee ng school namin ay dumiretso ako sa mga bilihan ng mga school supplies.
Iba’t ibang kulay ng mga makakapal na papel ang mga naroroon sa isang shelf. Pero ang kapansin pansin sa akin ay ‘yong kulay pula na kasing kulay ng dugo. Alam kong hindi lahat ng love letters ay nababasa niya pero alam kong makukuha ng attensyon niya kung gagamitin kung papel ay kulay pula.
Kinuha ko ang isang pakete ng papel at napatingin sa presyo.
“Tama ‘yan! Dapat school supplies mga binibili mo, hindi pagkain para gumaan ka naman.”
Muntik ko ng mabitawan ang papel na hawak ko sa gulat. Agad akong napatingin doon at nakita ang mukha ng lalakeng nakasabay ko sa tricycle. Nakatingin siya sa papel na hawak ko bago siya kumuha ng isang pack ng bond paper.
May suot suot siyang makinang na hikaw sa kanyang kaliwang tenga. Naka Jersey shirt din siya kaya naisip ko agad na nandirito ang mga soccer team kasama niya. Nilinga linga ko ang mga mata sa paligid upang mahanap si Kenneth at sa isang iglap kinabahan agad ako. Pero nang makumpirma na wala siya ay nakahinga ako ng maluwag.
Hindi niya pwedeng makita ‘tong mga bibilhin at baka maisip niyang ako nga ‘yong si Flora Bennet!
“Close ba tayo?” tanong ko sa lalaki. Kung makapaglait siya akala mo naman close kami? Isang taon ang agwat naming dalawa. Second year ako siya naman ay Third year na. Dapat nga mas mature siya kasi alam kong mas matanda siya sa akin ng kahit isang taon! At hindi kung sinu-sinong nilalait niya. Lalo na’t isang beses lang ang encounter naming dalawa.
“Hindi nga kita kilala e’” aniya. Aba’y hindi naman pala kilala at bakit ako nilalait niya? ‘Wag niya sabihin kahit sino na lang ang nilalait niya kahit hindi niya close?
Lumabas ang kanyang dimple at umiling bago ako tinalikuran. Bumaba ang paningin ko sa apilyedo ng kanyang Jersey Shirt - Monqueo 22.
“Toby, hindi ka pa ba tapos d’yan?” tanong ng kaklase niyang lalake. Lumapit siya sa counter para pumila na. Nanliliit ang mga mata ko nang may binulong siya sa babaeng pumipila na siyang dahilan ng pamumula ng pisngi nito at umatras para bigyan siya ng lugar sa pila.
Mas nauna siyang pumila kesa sa babaeng kanina pa pumipila. Kupal talaga! Hindi na nahiya!
KINABUKASAN ay dala dala ko ang red horoscope letter advice na ginawa ko buong gabi. Effort na effort ako roon. Hindi ako nakuntento sa pulang papel at nilagyan ko pa ng beeds para mag mukhang ka aya aya sa aking mga mata talaga. Nilagyan ko ng pangalan ng “Flora Bennet” para maging pamilyar sa kanya kung sino nagpadala ng horoscope, numero ng bagong biling sim card ko kung sakaling gusto niya mag reach out for future horoscope, at yahoo mail na kakagawa ko lang. Hindi ko siya tatantanan hanggang hindi niya binabasa ang mga meaningful horoscope ni Flora Bennet sa kanya. Maniwala siya sa horoscope dahil ako mismo ay nakaranas na na guide nito!
Nasa bag ko lang ‘yon at ibibigay ko mamaya pagkatapos ng klase namin o iiwan ko sa locker niya gaya ng pag-iwan ng mga admirer niya. Magkasabay ang P.E ng buong second year high school kaya ‘yon ang pagkakataon ko upang masulyapan siya.
“Walang gwapo sa section natin. Sayang!” bored na sabi ni Dawn habang tinatanaw ang mga higher section na nag e-ehersisyo.
“Wala rin namang maganda sa section natin!” ani ni Alfred habang tumatawa. Umirap si Dawn sa kanya at napatingin sa akin.
“Maganda si Rose, hindi nga lang marunong mag-ayos.” aniya sa akin. Napatingin naman si Alfred sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Napatingin din ako sa sarili ko at tinakpan ang dibdib ko dahil huminto ang mga mata niya roon.
Ngumisi si Alfred at umiling. “Kumain ka ng magkalaman ka naman!” aniya. Sa isang iglap ay naalala ko ang isang taong kinukutya ako na mabigat. “Alam mo bang mga crush mo ay mahilig sa mga ano…”
Malaman
Alam ko naman pero ekis na ‘yong mga crush ko dati. Balik one crush ako, kay Kenneth lang ako palagi bumabalik. Hindi naman siguro mahilig si Kenneth sa malaman lalo na’t ang naging long-term girlfriend niya ay kasing payat ko naman.
“Kung lilibre mo ako tuwing recess, siguradong maraming ako kakainin.” Kibit balikat kong sabi sa kanya na siyang ikinapawi ng kanyang mga ngiti. “Magkakalaman ako,”
Tumawa naman si Dawn at si Hazel sa naging sagot ko sa kanya. Umalis si Alfred sa amin nang tinawag siya ng mga PE teacher namin para makipaglaro sa ibang section. Agad akong nag volunteer upang maging taga-kuha ng bola sa tuwing titilapon sa malayo nang i anunsyo na magiging kalaban ng boys namin ang section nila Kenneth.
Kasali si Kenneth sa Volleyball at siya ang unang nag serve. Halos hindi na mamahinga ang puso ko kakatibok nito sa tuwing hindi nakakascore ang section namin. Humihiyaw ako kasama ng section nila at nag che-cheer sa tuwa.
“Anong section ka ba talaga?” tanong ni Hazel sa akin.
“Pina-praktis ko lang maging Section A baka bagay sa akin next year.” palusot ko sa kanya. Alam ni Hazel na imposible ‘yon lalo na’t 78 ang naging grade ko sa Biology noong second quarter.
Nang lumipad ang bola sa direction ko ay agad kong hinabol ‘yon. Pero nang sasaluin ko na ay bigla itong lumagpas sa kamay ko kaya sinubukan kong abutin pa sana na siyang pinagsisisihan ko dahil nawalan ako ng balanse at nadapa.
Napating ako sa bola na sinusubukan kong abutin ulit kahit nakadapa ako sa bermuda grass. Pero nitapakan ito ng hindi ko kilala dahilan ng pagtigil ng bola sa pag-gulong. Iti-noss niya ito gamit ang kanyang isang paa na para bang soccer ball saka niya nahawakan.
Umangat ang paningin ko sa kanya… ‘yong lalakeng feeling close sa akin… Sa pagkaka-alala ko Toby ang pangalan niya at Monqueo naman ang kanyang apilyedo.
Umupo siya at saka niya nilapag ang bola sa aking harapan. Sinundot naman niya ang aking noo na siyang natatabunan ng bangs ko.
Naiinis talaga ako sa tuwing nakikita ko siyang ngumingisi. Hindi ko alam kung anong meron sa ngisi niyang iyon pero naiinsulto ako. O masyado ba akong judgemental? Talagang natural habit niya lang talaga ‘yon?
“Para kang isda d’yan,” puna niya sa akin.
“Monqueo,” rinig ko ang boses sa likuran ko. Agad akong umupo nang makilala kung sino ‘yon.
“Ken,” bati ni Toby sa kanya at tinanguan niya.
“Salamat,” biglang sabi ni Kenneth at lumapit sa amin para kunin ang bola. Bakit ba ang tagal kong nakadapa roon! Nakakahiya tuloy. Narinig niya ba ang sinabi ni Toby na mukha akong isda?
Dahan- dahan akong tumayo. At tinapik tapik ang jogging pants ko para alisin ang mga alikabok at mga dahon na dumikit. Napatigil ako nang maramdaman ang kamay niya sa balikat ko.
“Okay ka lang?” tanong ni Kenneth sa akin.
Feeling ko magkakasakit ako. Eto na ba ‘yong sinasabi sa horoscope ko? Parang ang agang pamasko naman ata ‘to o sadyang late lang ng naging entry ko?
Hindi na ata makapagpahinga ang puso ko kakatibok nito lalo na’t yumuko siya ng kaunti para tingnan ang tinatapik tapik ko sa tuhod. Umiwas ako ng tingin nang umangat ang paningin niya sa akin saka ko binilisan ang pagtapik ko kahit alam ko naman na wala ng dumi roon.
“Oo! Okay lang ako,” mabilis kong sagot sa kanya. Tuwid akong tumayo habang inaayos ang buhok ko. Hindi ba ako mukhang bruha?
Tumango naman si Kenneth. Hawak hawak na niya ang bola.
Narinig ko ang ngisi ni Toby sa giliran namin. Nang bumaling ako sa kanya ay mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin para balingan si Kenneth.
“Practice mamaya sabi ni Coach,” ani Toby at nauna nang tumakbo paalis.
“Rose! Okay ka lang?” sumugod si Hazel, Dawn, at Alfred sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil tiningnan ko pa si Kenneth na tumatakbo pabalik.
“Ang sabi ni Sir. Hindi mo naman kailangan na habulin ang bola ng ganon.” ani ni Alfred. Wala e! Nagpapakitang gilas ako kay Kenneth. Baka sabihin niyang tamad ako at ayaw ko rin siyang paghintayin ng matagal. Gusto kong makalaro siya agad, ano!
PRACTICE na ng soccer team habang naglilinis ako ng blackboard. Panay sulyap ko sa bintana habang naglalaro sila. ‘Yong class president namin naman ay nanenermon ng mga kaklaseng tumatakas sa paglilinis.
Nauna ng umuwi si Hazel at si Dawn dahil may mga sundo sila at hindi naman sila cleaner sa araw na ito. Hindi rin naman ako pero dahil tumakas ako noong nakaraang araw ay pinaglinis na ako. Okay lang naman sa akin kasi may gagawin din ako habang kaunti na lang ang tao sa campus.
“Hoy! Blackboard lang ang nilinis mo?” rinig kong tanong ng class president namin nang kinuha ko ang bag ko at umalis na. Tumakbo ako para hindi niya ako maabutan.
Dumaan ako sa hallway para sulyapan ang mga nagpa praktis. Agad akong tumakbo sa likurang bahagi kung saan ang kanilang shower at locker na rin. Hindi ko matandaan kung ano ang locker number ni Kenneth pero malalaman ko dahil siya lang naman ang maraming admirer sa Soccer Team, siya rin ang maraming love letters sa locker. Hindi rin ako mahilig magbigay ng mga letters sa crush ko. Sa dami kasi nila noon, tinatamad na ako magsulat.
Ingat na ingat ako sa paglalakad para hindi marinig ang foot steps ko. Mahirap na baka may tao rito. Nakaharap ako sa locker ng mga players. Sa number 23 maraming mga letters na naka insert, sa 24 din, at ang pinakamarami ay sa 22. Siguro eto na ‘yong kay Kenneth? Bakit kasi numero lang ang meron dito at hindi mga pangalan nila. Inaalala ko kung ano ang numero sa likuran ng jersey shirt ni Kenneth, baka sakaling doon nakabase ang numero sa locker.
Ngunit may narinig akong kalampag papasok ng shower nila ilang sandali ang lumipas. Nataranta ako at nailagay ko ang letter sa tingin ko ay locker ni Kenneth saka nagtago sa isang cubicle. Nag-e-echo ang kanilang boses habang nag-uusap.
Isang lalake at isang babae.
“Matagal na tayong break,” sabi ng lalakeng nakahubad na ng uniporme. Sinubukan kong silipin kung sino ang nagtatalo. Nakatalikod sa akin ang lalake habang ang babae ay kaharap niya kaya hindi ko makita ang mukha sa pwesto ko. Matangkad at malapad ang kanyang balikat ng lalake kaya napalunok ako… sa kaba.
Ang OA! Hindi ko naman ‘to first time makakita ng ganyan. Nakakita na ako ng ganyan sa mga palabas.
“May bago ka na ba?” tanong ng babae.
Free telenovela ata ‘to at nakalive pa. Kailan kaya sila aalis? Kinakabahan ako baka hindi lang sila ang papasok sa shower.
“Wala. Bawal ang babae rito. Lumabas ka na.” ani ng lalake at pinagtutulakan ang babae para makaalis.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang babae. Nurse sa Infirmary! Aba’t pumapatol ang lalakeng ito sa Nurse namin. Bawal ‘yan ah! Studyante pa lamang siya tapos ‘yong nurse ay graduate na ng college!
“Kapag nalaman kong may ibang babae ka na. Isusumbong kita sa principal na jinowa mo ako para ma-kick out ka!” blackmail ni Nurse Eva sa kanya at dire diretsong umalis.
“Tsss..” ani na lamang ng lalake saka humarap. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makilalang si Toby Monqueo iyon! Aba’y totoo na ang chismis ni Hazel dati na sobrang babaero niya kahit sino pinapatulan niya!
Sa gulantang ko ay hindi ko sinasadya na masiko ang pintuan ng cubicle na naging dahilan ng pag-gawa nito ng ingay.
“Sino ‘yan?” tanong ni Toby.
Kusang tinakpan ng kamay ko ang bibig, at napapikit sa tindi ng kaba.