Kabanata4

2733 Words
Dahil sa alok niya, naging bahagi na ng aming gabi ang pagtu-tutorial. Kahit madalas akong nahihirapan dahil hindi ko agad nakikita o naiintindihan ang itinuturo niya, ni minsan ay hindi niya ako sinigawan. Nahihiya ako sa sobrang taas ng pasensya niya sa akin, lalo na’t ako ang mabagal makasabay. Feeling ko tuloy pinagtatyagaan niya lamang ako dahil babae ako e. Aaminin ko na nag-improve ang mga score ko sa Math dahil sa pagtuturo niya sa akin gabi-gabi. Madalas akong purihin ng mga kaklase ko at pinipili ako na mag-lead sa tuwing may activity kami sa Math. Sa nagdaang mga linggo at buwan, naging magandang halimbawa ako ng teacher namin kumpara noon na parati akong tinatawag dahil isa ako sa mga pinakamahina. Si Lola naman ay masaya para sa akin tuwing pinapakita ko sa kanya mga score ko sa mga quizzes namin. “Hindi ka talaga nagmana sa Papa mo. Isang libo na nga minus tatlong daan ang tanong, ang isasagot non tipaklong e,” ani ni Lola. Nagtawanan kaming dalawa. At least ngayon, hindi na masyadong tumatawag si Lola kay Mama kumpara noon na iniisip niyang nagiging pilya ako, kaya hindi raw ako makapag-aral nang maayos. “Sure ka ba na Math lang ang gusto mong ipaturo?” tanong ni Kenneth sa kabilang linya lunes ng umaga. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nagsusuklay ako ng buhok habang nakatingin sa salamin. “Kung gusto mo sakupin ang mundo, marami ka pang kailangan malaman.” aniya pa. “Gaya ng?” nagpulbo ako at dinilaan ang labi para lumabas ang kulay nito saka ako nagsuot ng sapatos. “Psychology, language, physics---” “Huwag na!” putol ko sa kanya pagkatapos kong marinig ang Physics. “Hmmm, sige,” aniya. Nahinto ako sa pagsusuot ng sapatos nang marinig ko ang pag-ungol niya. Minsan naririnig ko ‘yon kapag kakabangon niya lang. Napaangat naman ang paningin ko sa wall clock. Alas sais trenta sais na ng umaga ah. Bakit hindi pa siya bumabangon? Huwag niya sabihing sinadya niyang hindi bumangon para marinig ako? “A-anong ginagawa mo?” tanong ko, hindi ko na mapigilan ang sarili na magtanong. “Nakikinig sa maganda mong boses,” kaswal na sabi niya na ikinainit naman ng pisngi ko. “Ang ganda ng horoscope ko ngayong araw,” aniya at ngumisi. “Be mindful of how you treat others, as your actions may lead to either positive or challenging outcomes. You could find yourself in trouble, or place someone else in a position where they feel compelled to defend you. Lucky color: Yellow” Naalala ko ‘yong sinabi ko kanina sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagagandahan siya pero para sa akin ay tunog kamalasan. “Anong maganda roon?” tanong ko sa kanya. “Maganda kasi I’ll be in trouble? Naiisip ko na dalawang babae naman ang mag-aaway dahil sa akin.” aniya at humalakhak. Napahinga ako nang malalim at umiling. Parati niyang ginagawang biro ang pagkakagusto sa kanya ng mga babae. Minsan naiisip ko tuloy, kung nalaman niya bang may gusto ako sa kanya e’ gagawin niya rin iyong biro? Mas maganda siguro kung isasama ko sa hukay ‘tong nararamdaman ko sa kanya baka kasi pagtawanan niya rin ito. “Gusto mong may mag-away dahil sa ‘yo?” “Hindi naman pero I feel important. May mga tao rin palang iniisip ako, akala ko wala akong kwenta.” Ang marinig siya na magkwento tungkol dito ay nakakataba ng puso. Ibig sabihin ay kumportable siya sa akin dahil hindi siya nahihiya na ibahagi ito sa akin. “May kwenta ka!” napaangat ako. “Huh?” rinig ko ang ngisi niya. Bakit niya naiisip na wala siyang kwenta? Star player, matalino, maraming nagkakagusto. Siguro dahil sa parents niya? Alam ng buong Campus na anak siya sa labas pero hindi naman niya kasalanan ‘yon. “Huwag mong isipin ‘yan. M-magagalit ako!” “Akala ko ba interdimensional being ka na walang reaksyon?” tanong niya at tumawa. Narinig ko sa baba si Lola na tinatanong kung bumangon na ba ako kaya dali dali kong inayos ang mga libro at notebook sa bag ko. “Ibababa ko na ‘to,” “I’ll call you again tonight,” Today, choose your words with care—what you say could stir tension between others. Dahil naka-focus ang readings ko kay Kenneth, halos hindi ko na mabasa ‘yong akin. Pero kanina ay nagkaroon ako ng tyansa na mabasa ‘yon, napapaisip tuloy ako sa horoscope ko kahit noong nag flag ceremony. Napatakip ako ng noo dahil sa tirik ng araw. Hindi pa natatapos dahil may announcement na ibibigay ang principal--Si Ma’am Medy. Unang una nangaral siya sa kalat ng mga Third year at Fourth Year. Napatingin naman ako sa linya ng Third year at napansing may kinakausap na kabilang section si Toby. Ngiting-ngiti siya habang ang babae ay namumula. Nasa bag ko pa rin ang uniporme niya, hindi makahanap ng chance para maibigay ‘yon sa kanya. Maya-maya ay nagsalita si Ma’am Medy tungkol sa lost and found. “Pupunta ang mga SSG members sa bawat classroom para mag check ng nawawalang phone ni Sir Jaime.” “Ihanda niyo mga bag niyo!” sigaw ng class president namin, si Clara. Napasinghap ako sa kaba. “Ayan na naman siya. Bida-bida naman!” reklamo ni Dawn sa kanya. “Kailan ba tayo papaalisin dito nasasayang skincare ko!” “Hanggang malusaw daw ‘yang baby powder mo sa mukha,” “Shut up, Alfred!” Matapos ang ilang minutong announcement ay mabilis kong tinakbo ang classroom namin. Naunahan ko lahat ng mga kaklase ko at binuksan dali dali ang bag. Narinig ko ang mga kaklase ko sa hallway. Pinagpapawisan na ako sa kaba at baka kung sinong SSG member ang makakita nito. “Hindi siguro nakagawa ng assignment si Rose kaya nagmamadali rito.” natatawang sambit ni Alfred. “Naalala siguro,” Tinakpan ko na lang ng mga libro ang uniporme ni Toby sa pinakailalim sa loob ng bag ko. “Okay ka lang?” tanong ni Hazel. Siguro nahahalata ang pagka-praning ko. “Ha? Ah oo,” Sagot ko at naupo na. Pumasok naman ang teacher namin para hintayin ang mga SSG na pumasok. Naging hot topic ang pagkawala ng phone ng teacher namin sa buong Campus kaya marami ang nag-iisip na baka may nagnakaw. Panay hawak ko nang mahigpit sa mga daliri ko. Nasa pinakagiliran ako ng bintana, kaya kung mauuna na i check ang bag ng pinakauna sa harapan ng kaparehong column sa akin, ay siguradong pangatlo ako na i-che-check. “Baka na misplaced lang ng Sir Jaime?” “Ewan ko rin,” “Paano niya mahahanap e’ nakaupo siya parati,” biro ng isa kong kaklase patungkol sa height ng teacher na hanggang kili-kili ko lang. “Apat na ang mata hindi pa rin makakita?” si Alfred. “Quiet!” sigaw ni Ms. President at napatingin sa labas ng pinto. “Ma’am, nandito na sila.” aniya. Tumango si Ma’am at inabisuhan kami na manahimik at ang maging respectful sa mga member ng SSG. Dalawa lamang ang pumasok. Lumakas ang pintig ng puso ko nang si Kenneth ang huling pumasok. Makahulugan akong tiningnan ni Hazel bago siya bumaling sa harap nang magsalita ang isang SSG. Nakalimutan kong representative ng batch namin si Kenneth sa SSG! Nakalagay ang kanyang isang kamay sa kanyang bulsa habang ang isa naman ay nahawak ng ruler. Hindi talaga halata sa mukha niya ang pagiging smooth talker sa tawag. Tahimik talaga siya madalas, pero expressive kapag nag-uusap na kami. Mas lalong lumakas ang tahip ng puso ko nang siya ang na assign sa column namin na mag-check at sa kabila naman ‘yong kasama niya. Nang nasa harapan ko na siya, tila naging dahan-dahan ang pag galaw ng paligid at tanging siya lamang ang nakikita ko. Hindi naman ako ganito dati tuwing nasa malapit siya pero tumindi ang paghanga ko nang nakakausap ko na siya nang isang buwan mahigit. “Pa-open ako ng bag mo, Ms. Benito.” aniya sa malalim na boses. Kilala niya ako?! “Huh?!” tanong ko na siyang nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Mabilis ako tumayo at inayos ang buhok ko. Narinig ko sa giliran ko ang pag-ngisi ni Hazel. Hindi ko tuloy agad naisip na baka makita niya ang uniporme ni Toby! Kinabahan ako ulit at halos tawagin na ang buong anghel sa kalangitan upang tuparin ang kahilingan ko na sana hindi niya masulyapan iyon! Gamit ang ruler, sinuyod niya ang loob ng bag ko. Mula sa labas ng bag, inipit ko naman gamit ang kamay ko roon para hindi niya makalkal ‘yon. Napansin niya ata nang maramdaman ko ang ruler sa loob ng bag ko na pilit na tinatakpan ang bahagi ng uniporme. Napaangat ang paningin niya sa akin pero hindi siya nagsalita. Naramdaman ko ang pagpatak ng pawis sa giliran ng mga mata ko kaya pinunasan ko muna ito. Nabitiwan ko ang bag ko kaya nagkaroon siya ng tyansa na mas halungkutin pa ‘yong pinakaibaba. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita niya ‘yon. Hindi mahahalata ang apilyedo dahil nakatupi iyon pero ang numero ay 22. Mukhang alam niya kung sino ito, napaangat siya muli ang walang emosyon niyang tingin sa akin. Inilagay ko sa hintuturo ko sa aking bibig para senyasan na tumahimik siya. Wala siyang sinabi at nilagpasan ako para i-check ang bag ng kaklase kong nakaupo sa likuran ko. Nakahinga ako nang maluwag pero siguradong pinag-iisipan niya ako ng masama! Kahit ano na lang pumasok sa isip ko matapos ang pag check ng mga bag namin hanggang sa pag-start ng class namin. Hindi ako makapag-focus sa mga tinuturo. Paano kung isipin niyang ako ‘yong nagnakaw ng uniporme ni Toby sa shower nila?! O worse, isipin niyang obsessed ako sa ka-teammate niya? Alam kong wala akong chance sa kanya pero paano kung meron? Tapos kung saan meron na, saka siya na turn-off sa akin?! Lunch break nang nagmamadali akong tapusin ang pagkain ko at hinanap ko siya sa classroom para kausapin siya tungkol doon. Kailangan kong linawin ‘yong nakita niya, pero ano naman ang idadahilan ko? Bahala na si Batman! Kinatatakot ko rin na baka ipagkalat niya kahit alam ko naman na hindi siya ganoong tao. Sa library ko siya nahanap nang makita ko siyang pumasok roon. Pumasok din ako roon pero agad tumama ang mga mata ko sa terror na Physics Teacher ng Fourth Year na isa ring librarian, si Mrs. Arindaing. Mukhang nahihirapan akong kausapin siya rito lalo na’t sensitive ang tenga ni Mrs. Arindaing kahit sa kaunting ingay lang. Pumunta ako sa Science book shelves at nagkunwari akong may hinahanap na libro roon. Nilakbay ang mga mata ko sa buong library at nahanap ko siya sa loob ng media center, katabi ng desk ni Mrs. Arindaing. Hihintayin ko na lamang siya siguro rito sa labas. Nagkukunwari akong may binabasa na libro. Binabalik ko sa shelf ang libro at sinusuyod ulit ang mga libro roon at may kukunin na naman. Maya-maya ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at mukhang kukunin din ang librong kukunin ko sana. Naputol ang tingin ko sa loob ng media center at binalingan ‘yon. Si Toby… “Ibabalik ko ‘yon. Huwag kang mag-aalala,” ani ko sa kanya. Alam ko na ang pakay niya kahit hindi niya sabihin. Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Siguro kaya hindi mo ’yon binabalik ay dahil katabi mo pa ’yon sa pagtulog,” sabi niya nang puno ng kumpiyansa. Napakunot ang noo ko. “Iniisip ko tuloy kung nilabhan mo ba ’yon—o hindi, dahil sino namang babae ang maglalaba ng uniporme kung naroon pa rin ang amoy ko?” Mas lalong nagkasalubog ang kilay ko. “Iniisip mo bang may gusto ako sa ‘yo?” Ngumisi siya, binitiwan ang librong hawak, at sumandal sa shelf nang nakahalukipkip bago ako tiningnan nang makahulugan. “Bakit hindi mo binabalik kung wala?” “Paano ibabalik e’ ang dami mong kasama parati?” Uminit ang ulo ko nang mas lalo siyang ngumisi, ang kanyang dimples ay lumalabas na. Madalas ko namang marinig si Kenneth na magsalita nang ganito pero kapag siya nagsasalita parang ang sarap sakalin. “E ‘di, mag sneak in ka ulit sa shower?” suhestiyon niya. “Magaling ka naman doon. Sabihin mo lang ako kung kailan nang mapuntahan kita,” “Ayaw ko nga!” tanggi ko. Sinong matinong babae ang mag-i-sneak in sa loob ng shower nila? Ako? Hindi ko na gagawin ‘yon! “Rose?” Sabay kaming napatingin sa likuran. Si Kenneth ang nagsalita. Bumilis ang tahip ng puso ko. Kilala niya talaga ako! Lumapit siya sa amin at may hawak-hawak na laptop. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at bumaling sa likuran ko.. Kay Toby. “May problema ba rito?” tanong niya. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. “Is he bothering you, Rose?” Hindi maganda ang tingin niya kay Toby. Bumaling ako kay Toby at seryoso rin siyang nakatingin kay Kenneth. May kung anong tension ang namumuo kaya kailan ko ng magsalita. “Wala, nag-uusap lang-” “Bago ba sa paningin mo na may kinakausap akong babae?” putol ni Toby sa akin. Napasinghap ako at naalala kung ano dahilan ko sa pagpasok ng library. Napahawak ako sa noo at napapikit nang mariin. “To remind both of you, this is a library. Kung naghaharutan kayo, ipagpatuloy niyo sa labas.” Ani ni Kenneth. Iniisip niya na ba talaga na may gusto ako kay Toby? “Mali ka ng iniisip,” sabi ko. Narinig ko ang suway ni Mrs. Arindaing sa amin. Pansamantala kaming tatlo napatingin sa kanya bago ko binalik ang mga mata kay Kenneth. “Hindi kami naghaharutan--” “Pinorpormahan niya lang ako,” ani ni Toby. Mas lalong dumiin ang pagpikit ko. Huminga nang malalim sa Kenneth at umiling. Magsasalita pa sana ako nang makitang papunta sa direksyon namin si Mrs. Arindaing. Tinapunan ko si Toby ng masamang tingin. Nakanguso siya habang naglilipat ng pahina ng libro. Tuluyan akong umalis roon at sinundan si Kenneth sa labas. “Wala akong gusto sa kanya!” sigaw ko nang nasa hallway na kami. Nahinto siya at bumaling sa akin. Lumapit ako sa kanya. “‘Yong uniporme, hindi ko intensyon na nakawin ‘yon sa shower niyo,” Amin ko. Mahina ang boses sa takot na may makarinig. Sapat na ‘yon upang marinig niya. Mukhang nakuha niya iyon at napatingin sa paligid. “So, ikaw ‘yong babaeng nakatabon ang mukha na kasama ni Toby,” mahina rin niyang sabi. Hindi ‘yon tanong. Alam kong naalala niya dahil naroon siya noong nangyari ‘yon! “Oo,” wala naman akong dapat itago na sa kanya. Gusto ko lang isalba ang imahe ko sa kanya. “Pero hindi ako obsessed sa kanya. Naroon ako sa ibang dahilan,” Tumango naman siya. Hindi ba siya magtatanong kung anong dahilan ‘yon? Pero kung magtatanong siya, aabot sa punto na magsisinungaling ako sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na naglagay ako ng letter sa locker niya. “At ’yong sa library kanina—sinisingil niya lang ako sa uniporme niya. Hindi kami naghaharutan. Hindi ako isa sa mga babae niya!” Hindi kailanman—dahil ikaw lang naman ang nagmamay-ari ng bawat t***k ng pusong ito. Tumango naman siya at mukhang nakumbinsi sa mga sinasabi ko. Tipid akong ngumiti at nakahinga nang maluwag. Maya-maya ay tinapat niya ang kanyang palad sa akin na parang may hinihingi. Lito naman akong napaangat ng tingin sa kanya. “Akin na… ‘Yong uniporme. Ako na magbibigay sa kanya,” Sunod-sunod naman ang pag-iling ko at napatingin ulit sa paligid. Wala namang katao-tao pero may kaunting dumadaan. “Huwag dito sa Campus,” ani ko at bumaba ang tingin ko sa aking sapatos sa hiya. Alam naman niya siguro kung bakit. Maraming chismosa rito. Ultimo teacher namin ay mabilis makasagap ng chismis. “At pwede ba ‘yong wala kang kasama?” Nahihiya man, sinabi ko pa rin “Yong ikaw lang sana… at ako,” kinagat ko ang labi ko. Binaba niya ang kamay niya at tumango. “Mamayang hapon after class, hihintayin kita sa Chapel.. Sa labas ng school,” aniya at nauna ng umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD