"You'll find yourself achieving small wins today, things you once wished for last year but quietly forgot about. You may not notice them right away, but they'll happen before you even realize it."
Ani ko habang nagbabasa ng dyaryo. Nakaipit sa tenga at balikat ko ang aking phone. Hindi pa ako naliligo pero sa tuwing ganitong oras ay nakapag-ayos na ako para sa klase. Kunot noong pumasok si Lola sa kusina. Ayos na ayos siya at mukhang may pupuntahan ata.
"Sasabay ka ba sa akin? Bakit hindi ka pa naliligo?" tanong niya. Agad kong kinuha ang phone at tinakpan upang hindi marinig ni Kenneth sa kabilang linya.
"La! Mauuna na kayo. Palapag na lang po ng baon ko rito sa mesa." ani ko at tinakbo ang ikalawang palapag upang makapag-ayos na. Hindi rin kasi ako pwedeng ma late pero hindi ko naman pwedeng patayin ang tawag.
"Hmm... it feels like I've been achieving small wins almost every day." Mayabang na aniya. "It's not new,"
Nagkibit balikat ako. Siguro nga. Achiever naman siya. Siguro sa mga quizzes niya o sa mga assignment nila ay matataas ang mga marka niya.
"Like?" tanong ko kahit alam ko naman ang isasagot niya. Pumunta ako ng CR habang dala dala ang phone ko. Wala pa ring planong ibaba ang tawag.
"Kissing girls, going on dates, having two girls fight over me.."
Kumunot ang noo ko. Hindi makapaniwalang ganito ang na-a-achieve niya araw-araw?!
"Ano?!" bigla kong sabi. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat.
"Tangina nagtatagalog ka pala. Akala ko ba...Teka, scam ba 'to?" tanong niya. Mabilis akong umiling kahit hindi naman niya iyon nakikita.
"Hindi 'to scam!" tutal ay narinig naman niya na ang native language ko. Wala ng saysay pa ang magpanggap na Amerikanang hilaw ako.
"Rose? Ano 'yan?!" sigaw ni lola mula sa ibaba. Siguro ay nagtaka sa bigla kong pagsigaw.
"Wala po!"
Sinarado ko ang C.R. at pumasok na lang sa Shower Room.
"So nagtatagalog pala si Flora Bennett, okay!" aniya. Nakumbinsi ko ba siya? Madali lang naman pala maniwala si Kenneth pero bakit nakakailang block siya sa akin sa f*******:? Siguro binuksan na niya ang puso niya para malaman ang kapalaran niya. "Okay lang ba sa'yo na tatawag ako everyday for my horoscope reading?" tanong niya pa.
"Yes!"
Parang lalagnatin ata ako sa sobrang init ng pisngi ko.
"Anong ginagawa ni Flora Bennett ngayon?" tanong niya. Hindi ako makapaniwalang tinatanong niya ako. "Naniniwala ka rin ba sa sarili mong horoscope?" dagdag tanong niya pa.
"Oo naman," mukhang hindi pa ata 'to matatapos ang tawag na ito. Okay lang naman sa akin kung buong araw kami mag-call pero kasi may klase pa ako at baka kung ano ang magawa sa akin ni lola kung hindi niya akong nakitang nakapagayos na.
"Gusto kong basahin mo ang palad ko. Pwede ba 'yon?" tanong niya pa.
"Hindi pwede!" mabilis kong tanggi. "I mean, available lang ako sa call or sa text." May balak ata siyang makipagkita sa akin. Nagdududa pa ba siya? Isa ba itong patibong para makita niya ako ng personal?
"Bakit naman?" malambing na tono niyang sabi.
"Uhh," naghahanap ako ng pwede kong isasagot sa banyo. Sabihin ko kaya na busy ako? Na may work ako 16 hours a day o 24 hours a day? O di kaya sabihin ko na lang na wala ako sa Philippines.
"Kasi interdimensional being ako. Wala akong physical body kaya hindi mo ako makikita kailanman."
Great! Ang gandang alibi nga 'yon, Rose. Talagang mapapaniwala mo siya non! Napapikit ako sa kahihiyan nang marinig ko ang hagikhik niya sa kabilang linya.
"May interdimensional being palang nagtatagalog." Aniya at hindi na mapigilang humalakhak. Dapat pala sinabi ko na lang na wala ako sa pilipinas. Kung bakit kasi kailangan kong mataranta? Pwede naman ako mag take time na makapag-isip sa mga isasagot ko sa kanya ah.
"Naniniwala pa ka rin ba sa akin?" tanong ko. Medyo kinakabahan baka kasi hindi niya totohanan 'yong tatawag siya every morning.
Narinig ko sa kabilang linya ang pagkalma niya. "Oo naman. Tatawag ako everyday for my readings.." Aniya. Mukhang magpapaalam na nga. Syempre, kailan niya ring ibaba ang tawag dahil may pasok din siya gaya ko. Alam kong ayaw niya ring ma late.
"Bye, love."
Nanigas ako sa huli niyang sinabi bago naputol ang linya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa itinawag niya sa akin.
Pinagsasampal sampal ko pa ang hangin sa banyo at nagtatalon sa tuwa.
Hindi ko akalain na may pagka-smooth talker din pala si Kenneth Lee. Kaya pala marami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa paraan niya rin ng pakikipagusap. Ano kaya ang pakiramdam na maging boyfriend siya? Ganito siguro araw-araw o gabi-gabi. Nakakatulog pa kaya si Camille noong sila pa?
"ANG daming love letter sa basura!" reklamo ni Hazel. Na late siya kaya siya ang pinag segregate ng mga basura bilang punishment. Nagpunas siya ng pawis niya sa noo at nagpalagay ng towel sa likod.
"Halos kay Kenneth Lee lahat!" dagdag niyang reklamo.
"Nabasa mo ba isa-isa?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman!" syempre! Ano pa ba ang aasahan sa dakilang chismosa. "May mga nag confess ng mga admiration nila. Pinupuri siya sa last game niya o sa pagiging matalino niya. At alam niyo ba..." Aniya at hininaan ang kanyang boses at lumapit sa amin.
"Si Chloe, Yana, at Abbi ay nagbigay rin." Humagikhik siya. Siguro natuwa nang hindi pinansin ang kanilang mga letters.
"Anong laman ng letters nila?"
"Si Chloe, hindi raw makatulog kakaisip sa kanya. Si Yana nagyaya ng lunch, si Abbi naman nagpapatulong daw ng Math Problem. Walang pinansin lahat, ni hindi nasira ang seal." Aniya.
Ang swerte ko naman kung ganoon. Hindi tinapon letter ko, tinawagan pa ako ni Kenneth. Naisip ko rin marahil ay dahil hindi naman naka-specified ang gusto kong sabihin talaga. Hindi ako nagyaya, hindi ako nag confess ng feelings, o nagpatulong. Para lang siyang general message kumbaga. Pwedeng niyang isipin na marami akong taong binigyan ng letter na 'yon at bahala na sila kung kokontakin nila ako o hindi.
Pwede ko silang tulungan na gumawa ng letter nang hindi natatapon. Pero syempre, hindi ako magbibigay ng tsansang tulungan ang may gusto kay Kenneth at baka mas maparami ang tatawagin niyang 'Love'.
Napangiti ako habang nakikinig sa sinasabi ng teacher namin sa harapan. Hindi ako makapagfocus kakaisip sa itinawag niya sa akin kanina. O kailan ba ako nakapag-focus sa pag-aaral? Parang ni minsan hindi naman.
"Finally! Someone raised their hand. Yes, Ms. Benito? What do you think is the main reason their love ends in tragedy?" turo ng English Teacher namin nang nagtaas ako ng kamay. Tumayo ako hindi para sumagot.
"Pwede po bang mag-CR?" tanong ko.
Narinig ko ang mahihinang tawa sa mga kaklase ko. Napairap din naman ang teacher namin at napaharap sa blackboard. Parang kaunti na lang puputok na ang ugat niya dahil wala ni isang interesado sa subject niya.
"Three minutes!" sigaw niya. Dali-dali naman akong lumabas. "Indecisiveness, poor communication, and secrecy. They all lead to bad decisions. That's the main reason!"
Narinig ko pa na sinagot niya ang sariling tanong. Tinakbo ko ang C.R., pero hindi ako umihi—tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin at inayos ang medyo magulong straight na buhok ko. Shoulder-length lang ang buhok ko, pero plano kong patubuin ito pati ang bangs, kasi narinig ko na type ni Kenneth 'yong may mahabang buhok.
Dinilaan ko rin ang aking labi para lumabas ang natural nitong kulay na pula. Balak ko ring magpatangkad—hindi ako sigurado, pero hanggang balikat lang ni Kenneth ang height ko, at si Camille ay mas matangkad sa akin ng isang pulgada.
Kakayanin ba 'yon ng stretching?
Lumabas ako ng C.R at sadyang dumaan sa tapat ng classroom nila Kenneth. Nagkatotoo ba ang horoscope niya ngayong araw? Gusto ko sanang alamin pero wala akong kaibigan sa section nila na pwedeng pagtanungan.
Napasulyap ako sa kanya sa loob. Napanguso ako nang makitang abala siya sa pagsusulat habang ang kanilang guro ay nagsusulat sa blackboard.
Ang gwapo niya talaga! Ang swerte naman ng mga kaklase niya at nakikita siya minu-minuto. Napaisip tuloy ako kung kaya ko bang ma promote sa higher section para makaklase ko siya kapag Fourth year na kami.
Second year kami pareho at wala ng pag-asa pa ang school year na ito lalo na't Fourth Quarter na. Pwede sa susunod na pasukan, pwede kong pagsikapan ang pag-aaral ko para maging First Section sa huling year ng Highschool.
"Ms. Benito," napatalon ako sa gulat nang makasalubong si Ms. Florence. Siya ay Math Teacher namin. Marami siyang dalang libro at hinihingal. Mukhang tinakbo niya ang hagdan kaya siya pawis na pawis.
"Po?"
"Pwede ba akong magpa-assist sa 'yo? Pwede mo bang ilagay ang mga books na ito sa table ko sa faculty room, please?" aniya. Walang pag-alinlangan akong tumango.
Nasa kabilang building ang Faculty Room nila kaya binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan ang English Teacher namin. Hindi ako pwedeng magtagal at baka uminit lang lalo ang ulo niya sa akin.
May kaunting teachers lang ang naroroon nang makapasok ako. Tahimik pero may isang nagsesermon. Nang mahanap ko ang table ni Ms. Florence, nilapag ko ang mga libro roon.
"Mr. Monqueo, you need to focus on your studies before your game! This is more important, lalo na't running to be a salutatorian ka ng batch mo at scholar pa." napatingin ako sa direksyon ng teacher na nagsesermon. Nakatayo sa giliran niya si Toby. Ang dalawang kamay nito ay nasa likuran.
Hindi niya ako napansin dahil hindi naman siya nakaharap sa akin. Inayos ko ang libro at dahan dahan ang paghakbang ko palabas ng pintuan.
"Bumaba ang grades mo noong nakaraang quarter, lalo na nitong busy ka sa games. Ano ang plano mo ngayon?" tanong ng teacher sa kanya.
"Sir, I can handle it po. Pwede ko pong bawiin sa mga homeworks o mga projects."
"Do you think you can do that? I haven't seen you submit any of the homework. Wala akong na-check na homework o project mo man lang last quarter."
"Opo,"
Dahan dahan ang paglalakad ko sa paalis pero ang mga mata ko ay nasa bintana pa rin ng Faculty room, partikular na kay Toby na nakatalikod sa akin. Hindi ko namalayan na tapos na pala sila sa paguusap nang humarap na si Toby sa pintuan at naglakad palabas.
Nahinto siya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Walang emotions ang mga mata niyang pero pakiramdam ko ay problemado o pressure siya. Yumuko ako at mabilis na naglakad para makaalis na doon.
Nahinto lang ako nang nasa dulo ako ng hagdan para sulyapan sana siya pero tumungo na siya sa kabilang direksyon. Hindi naman niya ako siningil sa uniporme niya. Kung alam ko lang na naroon siya sa Faculty edi sana dinala ko na ang bag ko para maibigay 'yon sa kanya.
Ang alam ko lang ang ahead siya sa akin ng isang taon pero hindi ko akalain na ganoon siya ka talino. Hindi rin kasi halata sa pagmumukha niya at sa mga pananalita niya. Siguro nahusgahan ko lamang siya nang maaga. Kilala na siya sa school pero wala kong interes sa kanya, wala pa rin ngayon pero sa mga encounters namin ay parang unti unti ko na siyang nakikilala.
Nagkibit balikat ako at umakyat na ng hagdan.
GABI na nang makauwi ako sa bahay. Si Lola ay tulog na dahil na rin sa pagiging abala niya sa simbahan ngayong araw. Nanonood ako ng telebisyon nang marinig ang pag ring ng cellphone ko. Mabilis akong umakyat sa itaas upang kunin 'yon.
Kenneth Lee
Hi!
Text niya. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw roon para hindi maabala si Lola. Mabilis akong nagtimpa ng irereply.
Your horoscope reading will be available tomorrow
Sinadya ko maging sounds cold para maisip niyang interdimensional being nga ako at hindi ako tao. Wala akong feelings at ka level ko lang ang robot.
Hindi siya nagreply pero maya maya ay tumunog ang call ringtone nito. Mabilis kong sinagot iyon. Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.
"Alam kong bukas pa available ang readings ko... pero," hindi niya tinapos ang sinasabi niya. Mga ilang segundo bago niya pa dinugtungan 'yon. "Pwede ka bang kausapin ngayon?"
Kinagat ko ang labi ko. Sasabog na ata ang puso ko. Nagpapadyak ako sa tuwa pero bago ko pa man nasagot ay may naidugtong na siya.
"Natutulog ka ba? O may gabi ba d'yan? O saan ka ba ngayon? Sa dimension X?" narinig ko ang hagikhik niya.
"Ang alam ko gabi na sa Earth. Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya.
"Nakakatulog lang ako kapag may nakakausap akong babae," aniya. Napawi ang ngiti ko sa labi. Sa ganitong paraan din niya ba nauto si Camille?
"Hindi ako babae. Wala akong gender,"
"Ang tamis nga ng boses mo e." Aniya sa malambing na tono.
"Are you flirting with me?" hindi ko maiwasan tanungin siya.
Alam kong out of character iyon para kay Flora Bennett. Ganito ba talaga siya makipagusap sa mga babae? Hindi ako makapaniwala! Siguro nga totoo ang sinasabi nila: huwag mong mamaliitin ang mga tahimik na tao.
"Can I?" tanong niya pa. Abot tenga na ang ngiti ko.
Kinagat ko ang kuko ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. Inaasahan ko lang na Horoscope ang paguusapan namin pero umabot na kami sa ganito!
"Natahimik ka. May magagalit ba kung tatawagan kita palagi?" tanong niya.
"Like boyfriend or asawa sa mundo ninyo?" tanong ko. Narinig ko ang ungol niya sa kabilang linya. Nakahiga rin ba siya tulad ko? "Hindi kami pwede n'yan." sagot ko na lang.
Narinig ko ang ngisi niya. "So paano kayo mag mu-multiply kung hindi kayo pwedeng mag asawa?"
Mabilis naman akong nakahanap ng sagot. "Hindi kami namamatay."
"Ang lonely naman pala ng buhay niyo." Sabi naman niya. Natawa ako nang bahagya sa naging reaksyon niya. Pero dahil dapat Robot ako at walang pakiramdam agad kong tumikhim para matigil ang tawang 'yon.
Naging libangan ko na ang makipag-usap sa kanya tuwing gabi. Bago matulog o matapos ko gawin ang homework ko.
Sinong mag aakala na nakakausap ko na si Kenneth? Ni isa sa mga crush ko ay hindi ko nakausap ng ganito. Siya lamang. Wala akong pag-asa, alam ko. Wala rin naman akong balak na ipagsabi kung sino ba talaga si Flora Bennett. Kung isang araw ay makakahanap siya ng magiging girlfriend at nakapag decide siya na hindi na tatawag, hindi ko naman siya pipilitin.
At least may na contribute ako sa pagmo-move on niya...
"Bakit ano bang kulang sa 'yo?" tanong niya sa kabilang linya isang gabi nang mai-share ko sa kanya na accidentally na hindi ako perfect. Napaiyak kasi ako sa score ko sa Math.
7/50...
Parang binagsakan ng langit ang pakiramdam ko, kaya tuluyang nawalan ako ng pag-asa na mapasama sa Section A o sa Higher Section pag Fourth Year ko. Hindi ko na siya kailanman magiging kaklase.
"Gusto kong maging matalino. Katulad ng mga tao..."
"Matalino ka naman ah, nahuhulaan mo nga 'yong mga daily horoscope ko." Aniya at humagikhik.
"Hindi nga! 'Yong talinong tinutukoy ko 'yong magaling sa school." Napaiyak ako habang nag e explain sa kanya. Pero siniguro kong hindi niya mapapansin 'yon.
"Bakit?" takang taka na siya ngayon.
"May balak akong sakupin ang mundo niyo," sagot ko na lamang. Narinig ko ang malakas na tawa niya sa kabilang linya.
"Edi mas maganda kung hindi ka matalino. Hindi magtatagal ng isang araw ang pananakop mo." Aniya habang natatawa pa rin. Medyo naasar ako sa sinasabi niya.
"Ibababa ko na 'to... Bye," pananakot ko pero bago ko pa man tuluyang maibaba ang tawag ay narinig ko na siyang nagsalita.
"Ano bang gusto mong matutunan?"
Sumilay ang ngiti sa aking labi.