LESSON 06 “You Should See Me In A Crown”

2545 Words
          “WANT some?” Alok ni Camila kay Yasmine ng kinakain nitong potato chips. Kasama ni Dominique ang lahat ng kaibigan niya habang naglalakad papunta sa quadrangle kung saan naroon na ang urn ng kaibigan nilang si Courtney. Sumimangot si Yasmine at parang may pandidiring umiling. “Thank you but no. One thousand two hundred seventeen ang calories sa isang bag ng potato chips. Alam mo ba `yon, Camila? Hindi iyang pwede sa diet ko,” pakli pa nito. “Diet? Ang liit-liit na ng beywang mo kaya tapos diet ka pa rin? Seriously? Tatangayin ka na kaya ng malakas na hangin sa sobrang payat mo!” Hindi makapaniwalang turan ni Camila. “Can you just shut up, Camila? This is my body at gagawin ko ang lahat nang gusto ko dito! Look at you! Kakakain mo ng unhealthy foods kaya ang laki ng bilbil mo!” “This is just baby fats!” “Kayong dalawa ang tumigil!” saway ni Dominique sa dalawang kaibigan na madalas na nag-aaway. Malapit na sila sa quadrangle nang mapahinto ang mga kasama ni Dominique nang may makitang sini-set-up sa mini stage sa gitna niyon kung saan naroon ang urn ng kaibigan nilang si Courtney. “What is that? Akala ko ba ay magbibigay lang ng respect sa urn ni Courtney? Bakit parang may magbibigay ng speech?” Nagtatakang tanong ni Jazzy. Ngumisi si Dominique. Inaasahan na niya iyon. “Let’s go, girls!” Taas-noo siyang naglakad papunta sa gitna ng quadrangle. Pagdating doon ay saktong tapos nang ayusin ang mini-stage. May sound system din. May malalaking speaker na nakalagay sa apat na sulok ng quadrangle. Nilapitan siya ng isang lalaki na nag-set-up ng mini stage. “Miss Dominique, okay na po,” anito sabay abot sa kaniya ng wireless microphone. “Thank you. I will pay you later!” Kinuha niya ang microphone at umalis na ang mga lalaki na gumawa ng mini stage at sound system. “Ikaw ang nagpa-set up nitong lahat?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jazzy. “Yes, Jazzy! I have an announcement to make—” “Ngayon talaga? This is not the right time! Igalang naman natin ang burial na ito ng namatay nating kaibigan dito sa school natin!” “This is the right time,” giit niya. Tiningnan niya nang diretso si Jazzy sa mata at tinaasan ito ng kilay. Napailing na lang ito at hinayaan siyang umakyat sa mini stage. Nasa kaliwa ng mini stage ang urn ni Courtney na nakapatong sa isang kulay gitnong lamesa. Nakapalibot doon ang napakaraming bulaklak. Marami din ang estudyanteng nasa harapan at nag-aalay ng panalangin at bulaklak sa yumaong Queen b***h ng Wellington High. Isang nakakangilong feedback ang narinig ng lahat kaya nakuha ni Dominique ang atensiyon ng lahat ng naroon. Nang itapat niya sa bibig ang microphone ay saka lang huminto ang feedback. Nasa tabi ng urn ni Courtney sina Jazzy, Yasmine at Camila na hanggang ngayon ay wala pa ring ideya sa kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya kasi sinabi sa mga ito ang binabalak niya dahil ang gusto niya ay masorpresa maging ang mga kaibigan. “Good afternoon everyone! Hindi na ako magpapakilala dahil I know na kilala niyo na ako.” She paused para tingnan ang lahat ng nasa unahan niya. “I would like to thank you all sa pagpunta dito sa burial ng aming kaibigan na si Courtney Guevarra. Kami sa Royals ay hindi pa rin makapaniwala na isa sa amin ang nawala na. Nakakalungkot lang din na bukas na ang libing niya at hindi kayo makakapunta dahil magiging private ang paglilibing sa kaniya. Mas magiging masaya sana si Courtney kung nandoon tayong lahat, right?” Huminga siya nang malalim. Natigilan siya saglit nang makita sa isang tabi si Olive at Israel. Magka-holding hands ang dalawa habang pinapanood siya. Tumiim ang bagang niya dahil sa inis at selos. Sa dami ng pwedeng makita ay bakit ang dalawang iyon pa? You can’t be distracted, Dominique! Saway niya sa sarili. Upang mas makapag-concentrate sa kaniyang speech ay inilayo ni Dominique ang mata kina Olive. Mas importante ang sasabihin niya ngayon kesa dito. “Though we can’t be there sa libing ni Courtney, I know, that b***h is so happy!” Umugong ang bulungan sa sinabi niyang iyon. “She’s happy because she’s now home… in hell! Beside Satan’s throne! Good bye, Courtney. May you rest in hell—our ex-Queen b***h!” Itinuro pa niya ang lupa. “Dominique!” saway ni Jazzy sa kaniya. Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay nagpatuloy na sa pagsasalita. “That is just my introduction. Hindi talaga tungkol doon ang sasabihin ko kaya ako nandito. Gusto ko lang sabihin na ngayong wala na si Courtney Guevarra na Queen b***h ay ako na ang papalit sa kaniya. From now on, ako na ang Queen b***h ng Royals!” Walang panginginig na anunsiyo niya. Mas lalong lumakas ang ugong ng bulungan. Tiningnan niya ang tatlong kaibigan. Nagustuhan niya ang gulat na reaksiyon ng mga ito.   “DOMINIQUE, hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa kung sino ang susunod na Queen b***h! At talagang dapat bang palitan si Courtney dahil sa wala na siya?” Apela ni Jazzy habang naglalakad sila papunta sa parking area ng kanilang school. Nauuna siya sa tatlong kaibigan at nakasunod ang mga ito sa kaniya. “Wala nang dapat pag-usapan. Automatic nang ako ang Queen b***h!” Walang paglingon sa likod na sagot ni Dominique. Huminto siya sandali at hinarap si Jazzy. “Nakakapansin na ako sa iyo, ha. Bakit ba parang palagi kang kontra ngayon sa akin, Jazzy? Bakit? Anong gusto mo? Ikaw ang pumalit sa pagiging Queen b***h?” “Wala akong sinabing ganoon. Ang gusto ko lang ay si Courtney lang ang Queen b***h natin.” “But she’s dead now!” “Kahit na! Respect man lang natin sa kaniya iyon.” “Well, wala ka nang magagawa. Nasabi ko na sa Wellington High kung sino ako. Anyways, tama na. Ayoko nang makipag-usap sa iyo about that.” Kinawayan niya sina Camila at Yasmine. “Girls, gusto niyo bang mag-bar tonight? Just DM me kung G kayo.” Inirapan niya si Jazzy at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Pabalang siyang umupo sa driver’s seat at malakas na isinara ang pinto ng kaniyang Lexus LX 570. Mahigpit na nakakapit ang mga kamay niya sa manibela habang matiim na nakatingin sa kawalan. Maya maya ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi hanggang sa mapahalakhak na siya sa labis na kasiyahan. Ang tagal niyang hinintay ang pagdating ng panahon na ito. Iyong siya na ang magiging Queen b***h. Ang akala niya ay sa panaginip lang ito mangyayari noon kaya ganito na lang ang saya niya ngayon. “Tapos na ang pagiging reyna mo, Courtney!” ani Dominique. Mariin ang pagsasalita niya. “Tapos na ang pagiging second best ko pagdating sa iyo. You are gone now forever…” Bumuntung-hininga siya at isinandal ang likod sa upuan. “Sayang, Courtney. Hindi mo mawi-witness ang pag-agaw ko sa crown mo. Good bye, b***h!” at muli siyang tumawa na akala mo ay nasisiraan ng bait.   “MIRROR, mirror on my phone, who’s the fairiest of them all?” Narinig ni Dominique na turan ni Camila habang hawak nito ang cellphone. Nasa isang kilalang bar para sa mayayamang tao sila ng gabing iyon. Natuloy ang plano nila na mag-bar at nagulat siya dahil sumama si Jazzy. Akala niya kasi ay naiinis ito dahil iniluklok niya ang sarili para maging Queen b***h o leader ng Royals. Magkakasama sila sa isang table at puno ng mamahaling alak ang kanilang lamesa. Kahit wala pa sila sa edad na disi-otso ay nakakapasok sila sa bar na iyon dahil pagmamay-ari iyon ng kaibigan ng parents niya. “OMG! Si Courtney Guevarra pa rin ang number one sa Mirror!” pakli ni Camila. “`Di ba, kapag Queen b***h, dapat ay number one ka. Pa’no iyan, Dominique?” “Ang dumb mo talaga!” ani Yasmine. “Remember, every Monday nagbabago ang ranking sa Mirror. Ano pa lang ba ngayon? Friday. I mean, Saturday na kasi it is already 1PM!” “For sure, ako na ang number one sa Monday!” confident na sabi ni Dominique. “Pero sino kaya ang madadagdag na isa sa top five sa Mirrors? May isa kasing mababakante dahil wala na si Courtney. Right?” ani Jazzy. Sa sinabing iyon ni Jazzy ay bigla siyang napaisip. Oo nga, `no. Sino kaya ang isang papasok sa listahan ng Mirror sa website ng Wellington High. “Kung sino man siya, dapat ay maging proud siya dahil puro Royals ang kasama niya sa Mirror’s list!” Kinuha ni Dominique ang baso niyang may laman na alak. “Let’s cheers for the new Queen b***h, girls!” Sabay-sabay na kinuha ng mga kaibigan niya ang mga baso ng mga ito at nag-cheers silang lahat. “Cheers!” tili nilang lahat. I ain’t tryna… I ain’t tryna… I ain’t tryna… Yeah, I ain’t tryna be cool like you Wooblin’ around in your high heel shoes “OMG! That’s my favorite song!” Agad na tumayo si Dominique nang biglang pinatugtog ang kantang Boss b***h. Masayang sumisigaw na pumunta siya sa dance floor at hinawi ang lahat ng mga taong nandoon para makapunta siya sa gitna. Sumayaw siya na walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Inilabas niya sa pagsigaw at pagsasayaw ang kasiyahan niya ngayong wala na ang matindi niyang kalaban na si Courtney. Malakas din ang loob niyang gawin iyon dahil lunod na siya sa alak. Kanina pa kasi sila nag-iinom sa bar na iyon. I’m a b***h, I’m a boss I’m a b***h and a boss I’ma shine like gloss! Ang problema na lang niya ngayon ay si Olive at kung paano niya muling maaagaw dito si Israel. Hindi pa kasi siya lubos na masaya hangga’t may kulang pa sa kaniya at si Israel iyon. Habang nagsasayaw si Dominique ay may biglang lumapit sa kaniya at may inilagay sa ulo niya. “What the f**k?!” Kinuha niya ang nasa ibabaw ng ulo. Isang maliit na korona na yari sa bakal. Kulay itim iyon. May nakasulat na QUEEN b***h sa gitna gamit ang white marker at may ekis iyon na kulay pula. Pilit niyang inaninag ang maliit na nakasulat sa ilalim niyon. Medyo nahirapan siya dahil patay-sindi ang ilaw sa may dance floor. “Who’s… next?” Sa wakas ay nagawa na niyang basahin. “Who’s next?!” Ulit niya. Labis siyang nagtaka sa kung ano ang ibig sabihin bakit ganoon ang mga salitang nakalagay sa koronang isinuot sa kaniya. Hindi niya kasi nakita kung sino ba ang naglagay niyon sa kaniya kaya mabilis niyang iginala ang paningin sa kaniyang paligid. Ang una niyang nakita ay mga taong nagsasayaw hanggang sa mapadako ang tingin niya sa hallway papunta ng restroom. May nakatayong tao doon na nakasuot ng maskara at nakasuot ito ng school uniform. Katulad no’ng Killer School Girl na pumatay kina Courtney at Mr. Gaston! Kumaway ito sa kaniya. Kung ganoon ay alam nito na nakatingin siya dito. Ipinilig ni Dominique ang kaniyang ulo at baka likha lang iyon ng alak sa katawan niya. Ipinikit pa niya nang mariin ang mga mata. Pagmulat niya ay nakita niyang naglalakad na palayo ang taong iyon papunta sa restroom. Agad na nanaig ang curiosity kay Dominique. Gusto niyang malaman kung sino ang nasa likod ng maskara ng Killer School Girl. Walang pagdadalawang-isip na sinundan niya ang taong nakasuot ng maskara kahit medyo nahihilo pa siya. Pumasok ito sa pambabaeng restroom. Bago ito tuluyang pumasok sa loob ay tiningnan pa siya na para bang pinapasunod siya nito. Kung iyon man ang killer ay hindi siya natatakot dito. Meron siyang baon na pepper spray sa bag niya. Siguro ay magandang siya ang makaalam kung sino ba si Killer School Girl para mas lalo siyang sumikat. Pwede niya rin iyong gawing content sa vlog niya sa Youtube. For sure, hahatak na naman siya ng views gaya ng ginawa niyang theory na si Olive ang Killer School Girl. Ang totoo niyan ay ginawa lang niya ang theory na iyon para mas lalong mapahiya si Olive. Natabunan na kasi ng pagkamatay ni Courtney ang scandal video ni Olive. Kung matutuon kay Olive ang atensiyon ay maaalala ng tao ang nakakadiring video nito kasama ang dalawang lalaki. “Dapat ay ma-record ko ito…” ani Dominique habang namumungay ang mata sa kalasingan. Hinugot niya ang cellphone sa kaniyang shoulder bag at malalaki ang hakbang na pumasok sa restroom para sa babae. Agad niyang nakita ang hinahanap. Nakatalikod ito sa gawi niya at nakayuko dahil naghihilamos sa sink. Maikli ang buhok nito at nakasuot ng school girl uniform. Inumpisahan niya ang pag-record ng video. Nakatutok iyon sa mukha niya. Nag-umpisa siyang magsalita ng pabulong. “Guys, I found the Killer School Girl and there’s the killer!” Sa babaeng naghihilamos niya itinutok ang camera ng cellphone. “That person killed my friend!” Nagkunwari siyang naiiyak para makuha niya ang simpatya ng makakapanood. Mas nilakihan niya ang paghakbang. Hinablot niya sa buhok ang taong iyon dahil ang sabi ng mga pulis ay wig ang buhok ng Killer School Girl. “I will kill you, Killer School Girl!” Inasahan niyang makukuha niya ang wig nito pero mukhang matindi ang pagkakakabit niyon kaya hindi natanggal. “Ouch!” igik nito. Boses ng isang babae. Bigla itong humarap sa kaniya at nagulat siya nang wala itong suot na maskara. Nabitawan niya tuloy ang pagkakasabunot nito. “b***h!” sigaw ng babae sabay tulak sa kaniya. “Inaano ba kita? Who the hell are you?!” “I-ikaw ba ang Killer School Girl?” “Killer who? At ano iyan?! Stop filming me!” Tinabig nito ang cellphone niya kaya nabitawan niya iyon. Tumapon iyon sa sahig. “I saw you! Ikaw ang Killer School Girl!” “Ano bang pinagsasabi mo diyan? School Girl? Hindi ito school girl outfit. This is Layla! Galing kami ng friends ko sa isang cosplay event kaya nakasuot ako ng ganito. Hero ito sa Mobile Legends.” May kinuha itong wig sa tabi ng sink na hindi niya napansin. Mahaba iyon na kulay dilaw at ang hati sa gitna. “See? This is Layla’s hair. Dumb!” Naningkit ang mata niya. “Anong tinawag mo sa akin?” “Ang sabi ko… you are dumb—” Hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita ng babae at sinapak na niya ito sa nguso. “b***h!” sigaw nito at nakipagsabunutan ito sa kaniya. Mabilis niyang kinuha ang pepper spray sa kaniyang bag at ini-spray-an niya ang babae sa mata. Nabitawan siya nito. Umatras ito at nawalan ng balanse. Napaupo ito sa sahig ng restroom. “F*ck you!!! b***h!!! Aray ko! Ang mata ko!!!” sigaw nito Tinawanan lang ni Dominique ang babae. “I am just wasting my time here! Hindi ka naman pala ang Killer School Girl!” Dinampot niya ang kaniyang cellphone at parang walang nangyari na lumabas ng restroom para balikan ang kaniyang mga kaibigan. Nagkamali lang pala siya. Baka namalik-mata lang siya. Pero sino ang naglagay ng korona sa ulo niya kanina? Iyon ang tanong na hindi niya masasagot sa ngayon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD