LESSON 05 “Goodbye, Queen b***h!”

2655 Words
          “COURTNEY Guevarra is dead! Natagpuang walang buhay ang nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa na Guevarra sa mansion nila sa Calamba, Laguna. Tadtad ng saksak ang buong mukha ng dalagita at may isang saksak din siya sa kaniyang p********e. Bukod kay Courtney ay natagpuan din sa kanilang bahay ang pugot na ulo ng nobyo ng dalagita at ang kaibigan nitong lalaki. Sa kasalukuyan ay nire-review pa ng mulisya ang kuha ng CCTV sa bahay ng mga Guevarra upang malaman kung sino ang responsable sa karumal-dumal na pagpatay! Ako po si Fatima Natividad—reporting!” Ilang segundo din na nakatulala si Olive sa telebisyon matapos niyang mapanood ang isang flash report. Papasok na sana siya sa school nang umagang iyon nang maulinigan niya ang pangalan ni Courtney. Patay na si Courtney? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Labis siyang nabigla sa balitang iyon. “O, anak, bakit hindi ka pa pumapasok? Hindi ka pa ba nabigyan ng baon ng daddy mo?” untag ng Daddy Leo niya. “D-daddy?” May pagtatakang tiningnan siya nito. “Yes. Ako nga ito. Bakit? Anong akala mo? Si Liza Soberano?” biro nito pero hindi niya magawang matawa. Nakatulala pa rin siya. “Olive, bakit tulala ka diyan? What happened ba?” Pumitik pa ito sa harapan ng mukha niya. “I-iyong classmate ko po kasi… patay na. Si Courtney Guevarra!” “OMG! Iyong bully na nagpakalat ng video mo habang nilulublob ka sa inodoro? `Buti nga sa kaniya! She deserved that!” “Daddy!” Hindi makapaniwalang saway ni Olive. “Joke lang! I mean, she’s bad pero ang bata pa niya para mamatay.” Balewala nitong sabi. “Anyway, una-una lang iyan, anak. Kaya mag-iingat ka palagi. Huwag ka nang ma-sad diyan. Focus ka na lang sa studies mo. Sige na. Baon ba? Meron ka na?” “M-meron na po. Papasok na po ako sa school, daddy.” Niyakap niya ito at umalis na siya papunta sa school. Habang lulan ng jeep ay nakatulala pa rin si Olive. Oo, tama ang daddy niya na bully si Courtney at grabe ang ginawa nito sa kaniya noon pero hindi niya ikakatuwa kung mamatay ito. Lalo na sa isang kalunus-lunos na kamatayan. Pagdating sa Wellington High ay inasahan na niya ang pagkakagulo ng mga estudyante doon. Habang tinatahak ang corridor ay puro tungkol kay Courtney ang nauulinigan niyang usapan. “My God! Pinatay pala si Courtney last night! Poor girl! Siya pa naman ang queen b***h ng Wellington High!” “I know! Pero siya ang number one palagi sa Mirror, right? Paano na iyon?” Ang tinutukoy na Mirror ng babaeng nagsalita ay makikita sa official website ng Wellington High. Listahan iyon ng top five na pinaka sikat at magandang babae sa kanilang school. Nagkakaroon ng botohan tuwing Sunday night at kung sino ang may pinaka maraming boto ay malalagay sa Mirror. Sa kasalukuyan ay ang limang babae sa Royals ang kasama sa top five. Una si Courtney, kasunod si Dominique at nagpapalitan ng pwesto sina Yasmine, Camila at Jazzy sa huling tatlong pwesto. “Well, she deserved that! She’s a bully!” Napahinto si Olive sa paglalakad nang marinig ang sinabing iyon ng isa sa mga babae na nag-uusap sa corridor. “Excuse me? Anong sinabi mo?” tanong niya. “Me? A-anong sinabi ko?” “Oo.” “Ang sabi ko, deserved ni Courtney ang mamatay because bully siya.” “Hindi kita kilala pero hindi mo dapat sinasabi iyan. Walang kahit na sino ang deserved na mamatay sa ganoong paraan!” Hindi niya napigilan ang makapagsalita ng ganoon dahil sa inis niya. Mabilis siyang tumalikod at naglakad na papunta sa kanilang classroom. Bago pa pumasok si Olive sa kanilang classroom ay dinig niya ang ingay ng mga kaklase niya. Nang pumasok siya ay biglang tumahimik ang mga ito na para bang may dumaan na anghel. Iba ang tingin ng lahat sa kaniya. Iyong tingin na parang may ginawa siyang hindi maganda. “Oh… The scandal girl is here!” Isang boses ng babae ang narinig niya mula sa kaniyang likuran. Pagharap niya doon ay nakita niya ang Royals. Maliban kay Courtney dahil patay na ito. Lahat ng Royals ay may kulay itim na ribbon sa kaliwang collar ng blouse na suot ng mga ito. Indikasyon na nagluluksa sa pagkamatay ng isa sa kagrupo nila. May suot din na shades ang mga ito na akala mo ay galing sa matinding pag-iyak. “Excuse us, Olive!” Maarteng pinatabi siya ni Yasmine. Agad siyang tumabi upang bigyang daan ang Royals. Nang makaupo na ang mga ito ay saka lang siya naglakad papunta sa kaniyang upuan. Pero hindi pa man nag-iinit ang puwitan niya sa upuan ay dumating naman si Teacher Alona para tawaging siya. “Olive, sumama ka sa akin,” anito. “Bakit po?” May kabang tanong ni Olive. Napatayo na rin siya. “May mga kakausap sa iyo. Sumunod ka na lang sa principal’s office.” “Okay po.” Habang sinasamsam niya ang mga gamit niya ay narinig na nagbulungan ang mga kaklase niya. “Do you think she did it?” “I can’t say…” Iyon ang mga narinig niya bago siya lumabas ng kanilang classroom para magpunta sa principal’s office.   NABIGLA si Olive nang may madatnan siyang dalawang pulis sa principal’s office bukod sa principal at Teacher Alona. Pinaharap siya sa dalawang pulis habang nasa tabi niya ang kaniyang adviser. “Bakit niyo po ako pinatawag dito? B-bakit po may pulis?” Naguguluhang tanong niya. “May mga kailangan lang kaming itanong sa iyo, Olive Aurora,” ani ng isang pulis. “Nakita kasi sa CCTV video sa labas ng guidance office na nakausap ka ni Mr. Gaston bago siya patayin…” May inabot itong cellphone. Nanginginig ang mga kamay na pli-nay niya video at doon ay napanood niya na pumasok siya sa guidance office. Nag-skip iyon at ang kasunod na nakita niya ay iyong tumatakbo siya palabas. Iba agad ang tumakbo sa utak niya. Naisip niya na baka suspek siya sa pagkamatay ni Mr. Gaston. Ngunit nagulat siya nang makalipas ang ilang minuto matapos niyang tumakbo palabas ng office ni Mr. Gaston ay may isang taong pumasok. Mabilis ang paglalakad kaya halos hindi niya nakita. Isa lang ang sigurado siya—nakasuot iyon ng school uniform na pambabae. Maya maya ay nag-skip ulit ang video. Lumabas na ang tao at may hawak itong kutsilyo. Tumingin ito sa CCTV camera pero nakasuot ito ng maskara na parang manikang babae at wig na maikli lang. Iwinagayway pa nito ang hawak na kutsilyo na para bang proud pa ito sa kung anong ginawa nito sa loob. Saka ito naglakad palayo at nawala na sa hagip ng CCTV camera. Doon na natapos ang video. Ibinalik na niya ang cellphone sa pulis. “A-ano po ang ibig sabihin niyan?” Kinakabahang tanong ni Olive. Kahit wala siyang ginawang masama ay hindi niya maiwasang kabahan dahil sa kaharap na mga pulis. “Gusto lang naming malaman kung napansin mo ba ang taong nakasuot ng maskara?” Umiling si Olive. “Wala po akong nakita. Pag-alis ko sa office ni Mr. Gaston ay umuwi na rin po ako. Sino po ba ang taong nakamaskara?” “Siya ang nag-iisa naming suspect sa pagpatay kay Mr. Gaston. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin kaming lead kung sino ba siya at ano ang motibo niya.” Tumikhim ang nagtatanong na pulis. “May tanong pa kami sa iyo. Ano ang ginagawa mo sa opisina ni Mr. Gaston ng ganoong oras? Hindi ba at uwian na kayo ng oras na `yon?” Napatda siya. May kaba na tiningnan niya si Teacher Alona dahil sa pagtatanong ng pulis ay para bang isa na rin siya sa mga suspek. “Ano po… Kakausapin niya po ako t-tungkol sa…” Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Olive. Dapat ba niyang sabihin sa mga pulis ang tungkol sa kaniyang video scandal at tangkang paggahasa ni Mr. Gaston sa kaniya? “Sir, may pinagdadaanan si Olive kaya kailangan niya ng guidance ni Mr. Gaston,” sabat ni Teacher Alona. Tiningnan lang ng pulis ang guro at nagpatuloy sa pagtatanong. “Bakit ka lumabas ng office ng tumatakbo, Olive? Gusto din naming malaman—” “Sir, may pinagdadaanan ang estudyante ko. Pati ba pagtakbo niya ay bibigyan ninyo ng kahulugan?” “Ma’am, hindi namin binibigyan ng—” “Pero iyon ang dating sa akin ng tanong ninyo kay Olive. Inuulit ko, may pinagdadaanan siya at hindi makakatulong ang ganiyang klase ng pagtatanong ninyo sa kaniya. Hinayaan kong kausapin niyo siya dahil akala ko ay simpleng tanong lamang ang itatanong ninyo. Nai-stress ang bata sa inyo!” Tumango-tango ang pulis. “Naiintindihan namin. Kung ganoon ay aalis na kami. Maraming salamat, Olive.” Nakipag-kamay ang pulis sa kaniya at umalis na ito na kasama ang isa pang pulis. Nagpaalam na sila sa principal na babae ni Teacher Alona at sabay na silang naglakad pabalik ng classroom. “Teacher, thank you po sa pagsalo ninyo sa akin kanina.” Pagpapasalamat ni Olive. “You’re welcome. Kahit ako ay hindi rin kumportable sa tanong nila sa iyo. Alam kong may pinagdadaanan ka kaya kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako. Here…” May kinuha itong maliit na card mula sa wallet at ibinigay sa kaniya. Pagkatanggap niya ay nalaman niyang calling card iyon. “Tawagan mo ako anytime. Alam kong sa panahong ganito ay kailangan mo ng makakausap. Napapansin ko kasi na wala kang friends sa classroom maliban sa boyfriend mo na si Israel.” “Iniiwasan po kasi ako ng lahat simula noong kumalat ang video na inilulublob ako sa inidoro nina Dominique. Natatakot sila na baka kapag nakipag-kaibigan sila sa akin ay madadamay sila sa galit sa akin ni Dominique. A-alam niyo naman po siguro na ex ni Dominique si Israel? Akala niya po kasi ay inagaw ko sa kaniya si Israel kahit ang totoo ay naging kami nang break na silang dalawa.” “Alam ko iyon pero hindi ko alam na binu-bully ka nina Dominique dahil sa bagay na iyon. Gusto mo bang kausapin ko sila?” Mabilis na umiling si Olive. “Huwag na po! Sa ngayon naman ay hindi na nila ako sinasaktan ng pisikal. Sanay na rin po ako sa pagtataray nila sa akin. Saka kakamatay lang po ng kaibigan nila. Paniguradong masakit para sa kanila iyon at baka mas makadagdag pa sa pasanin nila kung kakausapin mo po sila tungkol sa ginagawa nila sa akin. Okay lang po ako, Teacher Alona. Maraming salamat!” At isang pilit na ngiti ang kaniyang pinakawalan. “Sigurado ka ba?” “Yes, teacher. Magsasabi naman po ako sa inyo kung hindi.” “Okay. Basta, `wag kang maglilihim sa akin. From now on, ituring mo akong kaibigan, Olive.” “Salamat po!” Tunay na ang ngiting nasa labi ngayon ni Olive. Napakaswerte niya dahil meron siyang guro na merong pakialam sa kaniya.   “MAMAYANG hapon ay dadalhin sa school quadrangle ang abo ni Courtney Guevarra. Iyon ay para makapagpaalam tayo sa kaniya sa huling pagkakataon. Magiging pribado kasi ang paglilibing sa kaniya kaya hindi na tayo makakapunta doon maliban sa malalapit niyang mga kaibigan. Kaya hinihiling ko sa inyo na dumaan muna sa quadrangle para magbigay ng respect sa namayapa ninyong kaklase.” Nababanaag ang lungkot sa mukha ni Alona habang sinasabi niya iyon sa kaniyang estudyante nang matapos na ang pagtuturo niya sa mga ito. Nakakagulat talaga ang mga nangyari ngayon sa Wellington High. Una ay ang pagpatay kay Mr. Gaston at sinundan agad iyon ng pagpatay kay Courtney na kaniyang estudyante. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagpatay sa dalawa at hanggang ngayon ay wala pa ring lead kung sino ang may kagagawan niyon maliban sa taong nakita sa opisina ni Mr. Gaston. Iyong nakasuot ng school uniform at babaeng maskara. Hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng naturang maskara. Kaninang tanghali ay may nakarating din sa kaniyang balita na iyon din ang responsable sa pagpatay kay Courtney. Ni-review na rin kasi ang CCTV footage sa rooftop ng mga Guevarra at nakita sa CCTV recording kung paano nito pinatay nang walang awa si Courtney. Kaya ang hinala ng mga pulis ay iisa lang ang pumatay sa dalawa. Akmang magsasalita pa si Alona nang biglang may narinig siyang nagpa-play ng video o isang audio sa loob ng kanilang classroom. Boses ng isang babae na medyo maarte magsalita. “I watched the CCTV footages… Tumakbo palabas si Olive ng guidance office then after a while ay saka pumasok ang Killer School Girl.” Umugong ang bulungan sa loob ng classroom. Kitang-kita niya ang pagkapahiya at kaba sa mukha ni Olive na nasa hulihang hanay ng mga upuan nang tingnan niya ito. “Nasaan iyon?!” tukoy niya sa video o audio na patuloy sa pag-play. Isa-isa niyang tiningnan ang lahat ng naroon hanggang sa nakita niya si Dominique na nag-iisang may hawak na cellphone at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kaniya. Tila wala itong pakialam.  “Pwedeng nag-quick change si Olive Aurora. Hindi kaya siya rin si Killer School Girl? And siya rin ang pumatay sa Queen b***h na si Courtney Guevarra? What do you think, guys? Comment your opinion on the comment box and please subscribe—” Inagaw niya ang cellphone ni Dominique at in-exit ang Youtube video na nagpe-play doon. “Hey! Give that back to me!” Walang galang na protesta ni Dominique. “Sino ang gumawa ng video na iyon? Bakit may ganoon sa Youtube?!” Proud na tumayo si Dominique at itinaas ang isang kamay. “Me. Ako ang uploader ng video na iyon at ako rin ang gumawa. Obviously. That’s my channel!” anito sabay kuha sa cellphone na nasa kaniyang kamay. “What?! Bakit ka gumawa ng ganoong video? Hindi mo ba alam ang magiging epekto niyon kay Olive at sa mga taong makakapanood, Dominique? Madaling makaimpluwensiya ang internet. Pwedeng maniwala sila sa pinagsasabi mo sa video!” “The hell I care, Teacher Alona! And besides, hindi ko na kasalanan kung maniniwala sila. That is just my theory. Okay? Saka hindi iyon basta theory lang. Pinagbasehan ko ang CCTV footages na kumakalat ngayon sa social media.” “Theory? Paninira ang ginagawa mo—” “Theory, teacher!” Pagdidiin nito. Nakipagtitigan si Dominique sa kaniya. Para bang magkasing-edad lang sila kung umasta ito. Tumiim ang bagang ni Alone. “Delete that video. Now.” Matigas niyang utos. Nakangiting umiling si Dominique. “I’m sorry pero hindi ko gagawin iyan. I just uploaded that video last night and as of now ay meron na agad siyang half million views. I really can’t… At bakit ko naman susundin ang isang teacher na walang ginawa kundi ang magpaganda?” Nanlaki ang mata ni Alona sa sinabing iyon ni Dominique. “Anong sabi mo?!” “Bago ka pa lang dito, Teacher Alona. Last year ka lang nag-work dito, right? Tapos ganiyan na ang ugali mo sa amin. Lalo na sa akin? Kayang-kaya kitang patalsikin dito. Alam mo ba ang salitang influence?” May himig pananakot na sabi nito sa kaniya. Umurong ang dila ni Alona. Kahit isang taon pa lang siya dito sa Wellington High ay alam niyang maimpluwensiya at mayaman ang lahat ng miyembro ng Royals. Kaya nga malalakas ang loob ng mga ito na mam-bully dahil hindi kayang pakialaman ng school ang mga ito. “Oh? Bakit hindi ka na nakapagsalita diyan, teacher? Know your limitation or else aalis ka sa school na ito na wala nang tatanggap sa iyo na ibang school. I can do that kaya `wag kang pakialamera, Teacher Alona! Gawin mo na lang ang trabaho mo dito at hindi `yong nakikialam!” Unti-unting tumalim ang tingin ni Dominique sa kaniya na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo niya sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD