LESSON 04 “A Dead Body Has Been Discovered”

3104 Words
          LAHAT ay nagulantang sa natagpuang patay na katawan sa CR ng guidance office. Walang iba kundi si Mr. Gaston. Basag ang bungo nito na malalaman agad na dahil sa inihampas o humampas ang ulo nito sa gilid ng lababo dahil natipak nang malaki iyon. Umagang-umaga ay nagkalat na ang mga pulis sa Wellingtong High. Nakita kasi ng janitor ang bangkay ng guro kaya nitong sinabi sa security guard kaya nakatawag agad ng mga pulis. Halos kasabay din na dumating ang ambulansiya. Maraming estudyante ang nakapaligid sa guidance office at nakahanda ang mga cellphone para kunan ng picture at video ang bangkay na ilalabas doon. Isa sa mga nasa kumpol ng estudyante ay si Olive. Hindi siya makapaniwala na patay na si Mr. Gaston matapos siya nitong pagtangkaang gawan ng hindi maganda. Nakakakilabot. Sino kaya ang may gawi nito sa guro? Ano ang motibo nito? Siguro, kung nanatili siya doon at hindi nakatakas ay baka nadamay pa siya sa nangyaring pagpatay kay Mr. Gaston. Mas lalong nagkagulo ang mga estudyante nang inilabas na ang katawan ni Mr. Gaston na nakalagay sa stretcher. May takip na kulay puting tela ang bangkay ni Mr. Gaston pero bakas ang dugo sa bandang ulo. Kaniya-kaniyang kuha ang mga tao ng picture at video para may ma-post sa social media. Kapag mga ganoong post kasi ay siguradong tatabo ng reactions. Tumalikod na si Olive at umalis. Doon na lang siya sa rooftop ng school building dahil gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang mag-isip-isip lalo na at desidio ang tatay at daddy niya na kasuhan ang dalawang lalaki na nambaboy sa kaniya sa video at kung sinu-sino pa ang kasabwat ng mga ito kasama na ang nag-upload ng video sa social media. Sa totoo lang ay ayaw na niyang ituloy ang pagdedemanda dahil mas lalo lang hindi mamamatay ang issue at scandal na iyon. Mas dadami ang mangingialam kapag nagkataon. Masakit man na nangyari sa kaniya ang ganoong bagay ay mas gusto na lang niyang mag-move on. Hiyang-hiya na kasi siya. Gusto na niyang huminto sa pag-aaral at magkulong na lamang sa loob ng bahay pero naiisip niya ang kaniyang mga magulang na iginagagapang ang kaniyang pag-aaral. Kaya nga ayaw niyang mawala sa kaniya ang scholarship niya dito sa Wellington High. Kapag nangyari iyon ay madadagdagan ang gastos nila at baka mahirapan ang tatay at daddy niya. Sapat man ang kinikita ng mga ito bilang mga ahente ng bahay at lupa ay natatakot siya na baka mahirapan ang dalawa kapag nadagdagan ang gastos ng mga ito. Dahil kasi sa scholarship niya dito ay wala silang binabayaran kahit piso. Ang tanging gastos lang ay ang baon at pamasahe niya. Kaya malaki ang mawawala sa kanila kapag nawala ang scholarship niya. Pagdating ni Olive sa rooftop ay hindi niya inaasahan na makikita niya doon ang kaniyang nobyo na si Israel. Mag-isa ito habang nakaupo sa gilid. Nakatanaw sa malayo kaya hindi nito namalayan ang pagdating niya. Tahimik niya itong nilapitan. “Israel…” tawag niya nang nasa likuran na siya nito. “f**k!” Nagulat ito at natakot siya nang akala niya ay mahuhulog ito. Lumingon ito at umalis sa pagkakaupo sa gilid. “Olive? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Israel. Parang gusto na tuloy niyang pagsisihan na tinawag pa niya ito. “Itatanong ko din sana sa iyo iyan.” Parang hindi niya kayang humarap dito dahil sigurado siyang alam na nito ang tungkol sa kumakalat na video scandal niya sa social media. “Nag-iisip. Masyadong magulo sa ibaba.” “A-aalis na lang ako—” Itinigil niya ang sasabihin. “Israel, sorry. Sorry!” Kusang tumulo ang luha ni Olive nang makita ang pait at sakit sa mukha ng kaniyang boyfriend. Alam niya na nasasaktan ito. Mali na iwasan niya si Israel dahil dapat nitong marinig ang kaniyang paliwanag. Napakabait na nobyo ni Israel kaya masakit sa kaniya na nasasaktan ito nang dahil sa kaniya. Walang namutawing salita sa lalaki. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. Namilog ang mata ni Olive sa ginawa ni Israel. Inaasahan niya na galit ito at susumbatan siya ngunit iba yata ang mangyayari. “Ako ang dapat humingi ng sorry sa iyo dahil wala ako doon para ipagtanggol ka. A-alam kong hindi mo gusto ang nangyari. Biktima ka dito, Olive. Kung hindi lang kasalanan ay ako mismo ang gagawa ng paraan para managot ang mga gumawa niyon sa iyo! Sorry, Olive. Hindi kita naprotektahan!” Naramdaman niya ang luha ni Israel sa kaniyang likuran. Nang ilayo niya ang sarili dito ay tigam ito sa luha. Unti-unting dinurog ang puso niya sa nakita. “W-wala kang dapat ihingi ng sorry. Kasalanan ko ang lahat. Hindi ako nakinig sa iyo. Hindi ako karapat-dapat sa iyo—” “`Wag mong sabihin iyan. Mahal na mahal pa rin kita. Kung iniisip mo na makikipag-break ako sa iyo after ng nangyari ay nagkakamali ka. Hinding-hindi kita iiwanan dahil alam kong mas kailangan mo ako ngayon, Olive.” Kinuha pa nito ang isa niyang kamay at hinagkan. Natigalgal si Olive. Sadyang napakabuti ni Israel na sa kabila ng lahat ay kaya pa rin siya nitong tanggapin. Sa labis na saya niya ay siya naman ang yumakap sa lalaki. “Thank you, Israel! Thank you! Mahal na mahal kita!” buong pagmamahal na turan ni Olive.   “THIS series is bullshit!” Naiiritang pinatay ni Courtney ang telebisyon sa entertainment room ng bahay nila. Itinapon niya sa screen ng TV ang remote sa inis niya. Hindi niya kasi nagustuhan ang ending ng series sa Netflix na maghapon niyang pinanood. Um-absent na nga siya para lamang matapos iyon tapos ganoon lang pala ang ending. Ni-recommend kasi iyon sa kaniya ni Dominique kahapon habang nasa milk tea shop sila. “Ang pangit talaga ng taste ng Dominique na `yon!” Maarte niyang itinirik ang mata. Dumapa siya sa couch habang hawak ang cellphone. Sinabi niya iyon hindi dahil galit siya kay Dominique kundi dahil iyon talaga ito para sa kaniya. Actually, she cares for her kaya nga iginanti niya ito sa babaeng umagaw sa boyfriend nito dati. Talagang kinasabwat pa niya ang kaniyang boyfriend para doon… “Baby, sige na, please! Pumayag ka na sa gusto ko. I will do anything you want!” Nakahiga sila noon ni Dustin sa kaniyang king size bed. Napakalaki ng bahay nina Courtney. Umaabot sa 4,000 square meters ang sakop ng kanilang bahay. Meron iyong apat na palapag at ang fourth floor ay sa kaniya. May kwarto, kitchen, entertainment room, sauna room at mini bar siya roon. Sa rooftop nila ay meron siyang pool para hindi na niya kailangang bumaba kapag gusto niyang magswimming. “Sigurado ka ba sa gusto mong gawin ko, baby? Gagawa ako ng video scandal sa sinasabi mong Olive Aurora? I don’t ven know her—Wait! Are you testing me? Hmm?” Umupo siya. “Of course not! I’m doing this for Dominique. Natandaan ko kasi na nakapag-promise ako sa kaniya na igaganti ko siya kasi inagaw ng Olive na iyon ang boyfriend niya before. Kilala mo naman ako. I am Courtney Guevarra at tumutupad ako sa promises ko!” Inilagay niya ang isang kamay sa tapat ng dibdib. “And I’m not testing you. Alam kong kahit anong mangyari, you are mine!” Akala mo ay pusang gumapang si Courtney sa ibabaw ng boyfriend niya at hinagkan ito sa labi. “Ano ba kasi ang gusto mo talagang gawin ko kay Olive?” tanong ni Dustin. “Dapat ay magkaroon siya ng video scandal. Iyong mapapahiya talaga siya kapag ikinalat ko sa social media.” “You mean, magsi-s*x kami tapos kukunan ko ng video nang hindi niya alam? Papayag kaya siya na makipag-s*x kung may boyfriend siya?” “Duh! Siyempre, hindi iyon papayag at walang mangyayaring s*x talaga sa inyo. Ako ang hindi papayag, `no! Just kiss and touch. Ipakita mo ang maseselang part ng body niya para mas nakakahiya for her.” Umalis siya sa ibabaw ni Dustin at bumalik sa tabi nito. “I’m throwing a party this coming weekend. In-invite ko na si Olive at alam kong pupunta siya. Sa party na iyon mo gagawin ang lahat! And don’t worry, may binili akong drugs para hindi siya makapanlaban. Ang kailangan lang nating gawin ay mapainom sa kaniya ang drugs na iyon.” “I can’t do this alone. Pwede bang isama ko si Kris?” tukoy nito sa kaibigan nito. “Wala akong pakialam. Kahit magsama ka pa ng sampung lalaki. The more, the better! Para mas magmukhang kahiya-hiya at malandi si Olive. Dominique will be happy after that!” “At ano naman ang makukuha ko kapag ginawa ko iyan?” “Hmm. I’ll build a gaming room sa house ninyo.” Umiling si Dustin. “Kaya kong gawin iyon. Iba kasi ang gusto kong kapalit. How about… this?” Napasinghap siya nang ipasok nito ang isang kamay sa loob ng kaniyang panty. Hindi napigilan ni Courtney ang matawa nang maalala kung paano niya plinano ang lahat ng nangyari kay Olive. Siya ang utak ng lahat. Siya rin ang nag-upload ng video gamit ang isang dummy account. Madali din nilang napainom kay Olive ang drugs na ang epekto ay hindi ito makakagalaw pero gising ito na parang lasing na lasing. Una ay sa red cup na ibinigay niya dito. Naroon na mismo ang dinurog na drugs para kapag sinalinan nito ng alak ay maiinom nito. Pero nakita nila na hindi gaanong ininom ni Olive ang alak na ito ang nag-mix kaya inutusan niya si Dustin na ito na ang gumawa ng masarap na drinks para sa babae. Gaya ng nauna ay nakalagay na rin sa red cup ang drugs. Naroon din siya sa mismong kwarto kung saan nangyari ang video scandal. Gusto niyang makasiguro na hindi gagalawin ni Dustin si Olive. Pinagsuot din niya ito ng kulay puting mask at si Kris para hindi makilala ang dalawa. “Are you telling us na ikaw ang nag-upload ng video scandal ni Olive?” Iyon ang naging sagot ni Dominique sa kaniya nang aminin niya sa milk tea shop kahapon ang ginawa niya. Mahina siyang tumawa. “I just did what I promised. Hindi ka ba masaya? Viral ngayon si Olive dahil sa video na iyon? Ang tingin ng tao sa kaniya ngayon ay isang slut! People nowadays are not thinking right. Mali mo lang ang makikita nila. Past time nila ang punahin ang mali ng iba kasi hindi nila kayang gawin iyon sa sarili nilang kamalian at dumi!” “Paano mo ginawa iyon? I was so amazed! Who’s that two guy in the video?” tanong naman ni Jazzy. “Inutusan ko si Dustin and he was accompanied with one of his friend—Kris!” “Thank you, Courtney. I thought nakalimutan mo na ang promise mo na iyon.” “Of course not, Dominique! Alam niyo, maswerte kayo kasi naging kaibigan ninyo ako! Lahat ay gagawin ko para sa inyo basta nasa akin lang ang loyalty ninyo. You, girls, are such a lucky b***h because of me! ” She bragged. Tumayo na si Courtney mula sa couch. Alas diyes na pala ng gabi. Ganoon katagal ang iginugol niyang oras para sa isang series na walang kwenta. Gusto niyang mag-swimming sa rooftop para lumamig ang ulo niya. Nagpalit siya ng two-piece swimsuit at nagpunta na sa rooftop. Pababa na sana siya sa pool nang mag-ring ang cellphone niya na nasa lamesa. Sinagot muna niya iyon. Tumatawag ang daddy niya. “Hey, dad! What’s up?” Walang ganang sabi ni Courtney. “Courtney, we’re not going home tonight. Ang mommy mo kasi, gusto pang mag-shopping bukas dito sa New York.” “It’s okay, dad. Enjoy kayo diyan sa vacation ninyo ni mommy. Love you!” “Okay. Bye, Courtney. Ingat ka diyan!” Napasimangot si Courtney nang matapos ang tawag na iyon sa kaniya ng daddy niya. Ini-expect pa naman niya na makakasama na niya ang parents niya after ng one week na bakasyon ng mga ito sa ibang bansa. Palagi na lang kasing ganoon ang mga ito. Palaging wala sa bahay kaya minsan lang niyang makasama. Ang akala yata ng mga ito ay sapat nang naibibigay ng mga ito ang gusto niya. Pero hindi yata alam ng parents niya na kailangan din niya ng atensiyon. Kaya sa iba niya iyon kinukuha. Nambu-bully siya para makuha ang atensiyon ng ibang tao. Nag-selfie siya at in-upload iyon sa i********:. Nilagyan niya iyon ng caption na: I’m beautiful, sexy and filthy rich b*itch! Sana kayo rin… Inilagay na lang ni Courtney ang kaniyang cellphone sa airplane mode para walang makaistorbo sa pagre-relax niya. Binuksan niya ang mamahaling bluetooth speaker niya na JBL at fi-null blast ang volume. Pinatugtog niya ang isa sa mga paborito niyang kanta. Look down, you’re talking to your highness! Can’t see me, I’m the reason for your blindness! Tumayo siya sa gilid ng pool at nag-dive. Sumisid siya hanggang sa makarating sa kabilang side ng pool. Sa laki ng pool niya ay hiningal siya ng bahagya. Naglangoy siya ulit para puntahan ang pool floats na nasa gitna. Hugis bilog iyon na kulay pink. Sumakay siya doon at humiga. Relaxing para sa kaniya kapag humihiga siya doon habang nakapikit. Ilang minuto pa lang siyang palutang-lutang habang nakahiga sa pool floats at nakapikit ay may narinig siyang malakas na lagaslas ng tubig na parang may nag-dive sa pool. “What the f**k?!” Iniangat niya ang kaniyang ulo at may nakita siyang tao na sumisisid papunta sa kinaroroonan niya. Bigla siyang napaupo at kinabahan dahil hindi niya makilala kung sino ang nasa ilalim ng tubig. “Who the hell are you?! Get lost!” sigaw niya kahit alam niyang hindi siya maririnig niyon. Ilang dipa na lang ang layo ng taong sumisisid. Mas lalong tumindi ang kaba niya. Kung bakit kasi hindi niya dinala ang cellphone niya dito! Paano siya makakatawag ng tulong?! Kahit magsisigaw siya dito ay walang makakarinig sa kaniya dahil lahat ng maid ay hindi umaakyat dito kung hindi niya pinapatawag o inuutusan. “s**t!” Natatakot siyang bumababa sa tubig dahil pakiramdam niya ay mas ligtas siya kung nandito siya sa pool floats. Isang pigil na paghinga ang ginawa ni Courtney nang maabot na ng taong iyon ang pool floats. Pag-angat ng sumisid kanina ay nawala ang kaba niya nang makitang si Dustin lang pala iyon. “f**k you, Dustin! You scare the hell out of me!” Naiinis niyang sigaw. Tumawa lang ito at inuga ang pool floats hanggang sa mahulog siya. Tumili siya at naramdaman niya ang pagyakap ni Dustin sa kaniya. “What are you doing here? Paano ka nakapasok?!” “Pinapasok ako ng maid ninyo. Malamang, kilala na nila ako. At nandito ako para singilin ka sa utang mo sa akin.” “Utang? Kailan ako nagkautang?” “`Yong kapalit ng pabor na ginagawa ko para sa iyo. I want it now. Here.” Nanlaki ang mata ni Courtney. “You want to f**k me here in my pool?! Okay. Fine! Pero ikuha mo muna ako ng favorite beer ko sa mini bar ko. Then after that pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo sa akin!” aniya. Mabilis na tumalima si Dustin. Pagdating talaga sa pagiging malibog ay number one ito. Bumalik siya sa pool floats. Dumapa siya at pumikit habang hinihintay ang pagbabalik ni Dustin. Halos limang minuto din ang lumipas bago niya narinig na may nag-dive sa pool. Nakita niya na may sumisisid papalapit sa pool floats. Pilyang napangiti si Courtney. Umupo siya sa gilid ng pool floats at bumukaka. Gusto niya na sa pag-angat ni Dustin ay bubulaga dito ang harapan ng kaniyang p********e. “Come here, Dustin. Eat me!” Hindi na siya makapaghintay na makalapit si Dustin. Hindi nagtagal ay nasa harapan na niya ito. Mabilis na lumitaw sa tubig ang taong inaakala niyang si Dustin. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang hindi iyon si Dustin. Kundi isang taong nakasuot ng maskara at may suot na wig na hanggang batok ang haba. Mas lalo siyang nagulantang nang malaman na meron itong hawak na hunting knife na isinaksak nito sa kaniyang p********e. Isang makapatid-ugat ang kumawala sa lalamunan ni Courtney nang bumaon sa kaliwang pisngi ng p********e niya ang hunting knife. “Heeelp!!!” Palahaw niya. Tumagilid ang pool floats. Nahulog siya. Lumangoy siya sa gilid habang sapo ang nasaksak na p********e. Panay ang iyak niya dahil sa sakit. Agad siyang umahon sa pool nangmakarating sa gilid. “Aww! My p***y… s**t!” Mura niya at dinampot ang kaniyang cellphone. Pagtingin niya sa pool ay wala na doon iyong taong sumaksak sa kaniya. Ang tanging nakita na lang niya ay ang dugo niya na humalo na sa tubig. She needs to call for help. Binalikan niya ang cellphone. Pilit na inaalis iyon sa airplane mode pero nahihirapan siya dahil basa ang kaniyang daliri. Ipinunas niya muna ang kamay sa tuwalyang nakasampay sa sandalan ng upuan at saka niya sinubukang gamitin ulit ang kaniyang cellphone. Nang maka-connect na siya sa WiFi ay napakadaming notification ang dumating lalo na sa i********:. Napangiti siya nang makitang merong three hundred likes ang picture na kaka-upload lang niya. “Oh… that’s nice— Ugh!” Natigilan siya nang may maramdamang sumaksak sa kaniyang likuran. Nabitawan niya ang cellphone. Humarap siya nang marahan at nakita niya iyong nakamaskara. Isang school uniform na pambabae ang suot nito. Mukha itong mascot ng isang school. Muli siyang napasigaw nang makitang meron itong dalang dalawang pugot na ulo. Hawak nito ang ulo sa buhok gamit ang isang kamay. “Dustiiin!!!” sigaw ni Courtney. Kung hindi siya nagkakamali ay ulo ni Kris ang isa. “Who are you?! Why are you doing this?!” Pilit niyang tinapangan ang sarili. Unti-unti siyang umaatras palayo sa nakamaskara. “I agree… You are beautiful, sexy and filthy rich b***h, Courtney. Pero may kulang pa. How about… beautiful, sexy, rich and bloody b***h?” Kakaiba ang boses nito. Tunog babaeng robot. “f**k. Youuu!!!” tili ni Courtney. Agad siyang tumalikod para tumakbo pero itinapon ng taong iyon ang dalawang ulo sa paanan niya. Natapakan niya ang isa na naging dahilan para madapa siya. Malakas na humampas sa matigas na sahig ang mukha niya. Pakiramdam niya ay nabasag ang ilong niya sa lakas. Tumihaya siya at doon niya nakita ang taong nakamaskara na nakatayo sa kaliwa niya. “I hate you! Kung sino ka man, I really hate—” Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil mabilis siyang sinaksak ng nakamaskara sa kaniyang bunganga. “Shut up and die. b***h!” Narinig niyang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD