
Ang sabi ni Tucker: "Mahal niya ang kapatid ko! Bakit siya pumayag na makasal sa akin?""Si Zharalyn, ang mahal ko. Ang asawa ko. Wala akong ibang ituturing na asawa kundi siya lang at wala nang iba pa.Ipaglalaban ko pa ba ang kakarampot na papel para lang manatili na asawa niya ako?Paano kung siya ang nagtulak para lang lumayo ako? Kasama ang mga magulang ko. Anong laban niya kung tinakwil siya ng sarili niyang pamilya?May pag-asa bang siyang lumigaya at maramdaman ang pagmamahal na pinagdamot ng pamilya at asawa? Paano kung may isang inosenteng bata na naghahanap ng pagmamahal galing sa ama? O mauulit-ulit ang nakaraan mo sa anak mo?
