Chapter 8: Her Guardians

1143 Words
Night's POV "You're leaving me already, my Andromeda?" tanong ko dahil tumayo na ito. Tinignan ako ng asul niyang mga mata na may sumasayaw na bangis kada titig. Damn I love those eyes. "What do you think?" then she rolled her eyes at nagsimula nang maglakad. Tumayo rin naman ako kaagad para sundan siya. "Stan, alis muna kami ng misis ko," pabirong sambit ko sa kapatid kong tinitira ata lahat ng babaeng nakapalda o kahit nakapantalon pa. "Mangarap ka bro. Sige, alis na." Tinungo ko naman agad ang direksyon ni Zix. Paano nga ba kami nagkakilala 5 years ago? Ganito iyon.   FLASHBACK… 16 ako nun at 17 naman si Stan at naisipan naming uminom sa isang sikat na bar. Hindi naman naging problema na minors kami dahil kilala namin ang may-ari. "Let me in you f*****g bastard or I will kill you!" sigaw ng isang babae sa bouncer. Nagkatinginan kami ni Stan at nilapitan ito ng kaonti para marinig namin ang usapan. Nasa 5'4" ang height, lampas ng konti sa balikat ang blonde na may halong brown streaks ang buhok, at walang duda, maganda 'to though she's obviously a young teenager. "Miss ang bata bata mo pa para sa lugar na ganito. Ilang taon ka ulit? 13? Hindi ka pwede rito. Bumili ka na lang ng softdrinks sa 7/11," sabay tawa nung bouncer. "Eh sa gusto kong uminom dito, paki mo ba? And you don't mock me like that porke't bata pa ako you ugly bastard," and with what she did next, shocked us. The precise movements of her small hands na animo’y hindi hindi man lang kakayaning manapak, ay mabilis gumamit ng technique, targetting the vital points of the guy, at walang pakandungang natumba ito at tuluyang nawalan ng malay. "What the----" komento ni Stan. "Fuck." patuloy ko habang tinignan ang babaeng deretso na pumasok sa loob ng bar matapos nag middle finger sign doon sa bouncer na nakahilata sa sahig. Sinundan namin siya agad ni Stan sa loob at umupo ito sa bar counter tsaka umorder agad ng iinumin. Hard drinks pa. Ang tindi ng babaeng 'to. Pumwesto kami ng upo ni Stan sa kabilang side na bar counter para obserbahan ang babae na inom lang nang inom. "Mukhang malaki ang problema bro," komento ni Stan. "Oo nga pero baka mapahamak 'yan. Konsensya pa natin," and with that, sa ‘di malamang dahilan, pareho kami ng layunin ni Stan na bantayan siya buong gabi lalo na’t alam naming walang pili ang mga kalalakihan rito kapag may tama na sa alak. Not that we’re saints but we ain’t that bad to hit on a 13 year old girl.   *** "Stan, nasaan na 'yun??" balisang tanong ko dahil may dumaan lang na tao para maharangan ang view namin sa kanya saglit, ay nawala na bigla. "Ewan----" "Looking for me?" boses ng babae sa gitna namin ni Stan at ngayon ko lang na-realize na ang lamig pala ng tono niya. Hindi kami makagalaw dahil may matulis na bagay na tumutusok sa jacket ko at alam kong ganun din kay Stan. "Follow me if you don't want yourselves to get killed." Sumunod naman kami sa kanya palabas ng bar, patungo sa parte ng parking lot kung saan walang tao masyado. Sumandal siya sa isang itim na lambhorgini. I'm guessing kanya 'yun dahil hindi ito basta lang nag-alarm. Ang yaman rin ng batang ito ah at hindi ko pa rin maiwasang mamangha na sa ganyang edad, pinapahintulutan na siyang mag-drive. Typical spoiled brat perhaps but then she can fight and hold weapons. Nacu-curious tuloy ako. "Bakit niyo ako minamanmanan? Isa ba kayo sa mga tauhan ng walang kwenta kong mga magulang?" galit na tanong niya. "Hindi. Ni hindi ka nga namin kilala but we saw what you did to the bouncer," mabilis kong sagot. "At naisip lang naming na malaki ang problema mo at babantayan ka namin nitong kapatid ko dahil delikado para sa'yo ang ganoong lugar," dagdag pa ni Stan. "How stupid. Hindi ko kailangan ng bantay. I've had enough of those in my 13 years of existence in this hell loop." at tsaka niya binuksan ang pinto ng sasakyan niya para umalis na sana ngunit nagsalita ulit ako na ikinatigil niya. By her rebellious way of acting and even talking, I already knew she couldn’t resist what I’m about to say next. "Wait! May alam kaming lugar kung saan pupwede ka. No age rules. Actually, dalawa lang ang rules na andoon." Awtomatikong napalingon sa’kin si Stan na nanlalaki ang mga mata na para bang maling-mali ang nasambit ko pero wala eh. Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo dahil sa kuryusidad. "What the hell Night???" galit na pabulong sa’kin ni Stan. Alam kong concern lang siya dahil sa oras na papasok ka doon, mahirap nang umatras. Malaking gulo pero para sa’kin, it's an escape.   "Take me there." Nagkatinginan ulit kami ng kapatid ko na parang nag-uusap sa mata. "What the f**k are you waiting for? I said take me there." And so we found ourselves bringing her to our haven. Underground X. Doon na nagsimula ang lahat. END OF FLASHBACK…   "By the way, akin na susi ng condo mo. My so called parents are back. Hindi ako pwede sa condo ko." Agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang susi sa condo namin ni Stan at inihagis sa kanya na sinalo niya din ng isang kamay. Labas masok naman siya doon pero ayaw niya pa rin ng spare key. Naiintindihan ko rin dahil paniguradong hindi siya titigilan ng mga magulang niya kung sakaling malaman nilang nakikitira ang anak nila sa dalawang lalaking magkapatid pa. Although their daughter is more dangerous than both me and Stan combined. Without a doubt. "Alis na ako. Wag kayong istorbo dahil matutulog ako at lalong ayoko ng ingay." "Opo mahal na Prinsesa. Hindi kami gagawa ng ingay at wala kaming babaeng dadalhin ngayong gabi para hindi maistorbo ang iyong mahimbing na pagtulog," tsaka ako yumuko pa. Nakasanayan na namin ni Stan na tratuhin siya na parang Prinsesa talaga namin kahit malamig ang pakikitungo niya. For Stan, he sees Villaine as a younger sister since wala kaming babaeng kapatid. "Tss." Ang 'tss' na iyon ay 'bye'. Ayun nga't umalis na siya. I smiled. 5 years ago we considered ourselves as her guardians. Sobrang nahirapan kaming pakitunguhan siya nung una at ipa-open up sa amin ang tungkol sa problema niya tapos kung hindi lang siya lasing nun, wala kaming maririnig na kwento mula sa kanya. And from what we've heard, mas lalo naming gustong protektahan siya. We may not be as important to her, but she is very important to us. To me especially. Napangiti ako ng mapakla. Medyo masaklap nga lang. Because I'm in love with a Heartless Princess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD