Chapter 9: Stalking the Princess

1241 Words
Levi's POV Natapos na ang lahat ng klase pero ni anino ni Villaine ay hindi ko man lang naaninag sa araw na ito. Kainis. Saan kaya 'yun? Ba’t hindi man lang niya ako sinabihan tsaka ba’t naman niya pala ako pagsasabihan din? Dahil magkaibigan kami? Oo, tama tama. "Bro, ano tambay muna tayo kina Weston?" aya ni Claude.  "Pass na muna. May pupuntahan ako."  "Sus. Ang sabihin mo, badtrip ka kasi hindi mo nasilayan ang mahal na prinsesa," tugon ni Weston tas nakipag-apir pa kay Claude sabay tawa nilang dalawa.  "Ganun na nga. Ano ngayon? Maiwan ko na nga kayo," pag-amin ko saka umalis na. 'Yun naman talaga ang totoo. Parang may kulang sa araw kong 'to pag hindi ko makikita si Villaine kaya susulusyonan ko ang problemang ito. Is this even normal? Ewan ko, bahala na. Mortal naman ako ngayon eh kaya kung ano mang mararamdaman ko, susundin ko na lang. Baka kasi guidance rin ito nina Eros. Oo, tama ulit.   Diretso ako sa parking lot para kunin ang sasakyan ko at lumabas na ng school. Wala naman talaga akong lugar na dapat puntahan ngayon. Saan kaya siya? Nagd-drive lang ako ng walang siguradong direksyon saka napahinto sa stop light. Nagulat na lang ako ng may lumampas na ducati kahit naka red light and by the looks of that unlawful citizen, it's no other than Villaine. Damn this girl. Napailing ako at nagpaharurot ng mag go signal na para sundan ang direksyon niya.    Villaine's POV The horns that blew as I passed by were deafening. Aba paki ko sa kanila eh sa nagmamadali ako. Tuloy-tuloy lang ang takbo ko nang malapit ko na maabutan ang lugar kung saan ako pinanganak. Or so I thought. Ampon nga pala ako. Tss.  El Silvestra. 100 meters ahead. The place where I grew up but I never got the answers I needed. The day my so called family left abroad without me was the same day I left this place. Ang hindi nila alam ay binili ko ulit ang lupaing ito at the age of 15 with the help of Stan and Night.  I've won enough fights to afford this and besides, they give me what I need maliban na lang sa mga sariling atensyon nila mismo. How selfish but whatever.  At nandito na nga ako. Binuksan ko ang gate para iparada ang motor ko sa loob. Naamoy ko agad ang pamilyar na simoy ng hangin mula sa kagubatan katabi nito. Ah. This is more like home. My own haven. I guess the main reason why I bought this land is because of its location. Walang malapit na kapitbahay. Kinda deserted of people but there’s tons of trees. The peace is addicting.  Nagsimula na akong maglakad habang pinatugtog ang playlist ko at nagtungo sa kagubatan dahil sa dulo nito, may cliff. Pinagawan ko din ng isang maliit na cabin at man-made river sa unahan nito. The four-walled room built in wood that made me smile when it finally came into view. The time is just perfect. 6:13pm when I checked my wristwatch.  "Ang layo naman nito Villaine!"  Awtomatikong natapon ko sa direksyon ng boses ang maliit na balisong na nakaipit sa bewang ko.  "Fuck."   Levi's POV Sinigurado kong sa may kalayuan naka parada ang kotse ko bago ko sinundan si Villaine. Medyo malayo-layo na ang nilalakad niya habang naka headset kaya siguro hindi talaga ako napansin. Naalala ko pa ang tinis ng senses niya noong bata pa kami dahil nag-camping nun sina Daddy kaya ko siya nakita. Nang huminto na siya, muntik na akong matalisod. Out of the blue, I talked absent-mindedly.  "Ang layo naman nito Villaine!"  Sa sobrang focus ko sa paanan ko, hindi ko agad nakita ang lumipipad na kung ano. I caught it with my hand on instinct. "Aray!" daing ko dahil matulis ito at agad ring nabitawan.  "Shit." rinig kong mura niya bago napalapit sa’kin at hinawakan ang pupulsuhan ko. Dumudugo. Nakita kong nakatitig siya sa kamay ko ng ilang segundo na para bang hibang na hibang siya sa bawat patak ng dugong lumalabas mula sa sugat. "Uh, may first aid kit ka?" natanong ko bago pa ako maubusan ng dugo nang hindi ko pa natatapos ang misyon ko dito sa lupa. Bigla ata siyang natauhan at hinila ako sa braso papasok sa isang cabin?  Binuksan niya ang ilaw and wow. Maliit ang lugar pero mayroon rin itong munting fireplace at ang ibabaw nito ay ang nag-iisang bintana na nakasarado pa tapos mayroon ring bookshelves sa magkabilang dako.  May floormat na circular at red na sofa. Sa gitna ay isang maliit na mesa din tapos ang dingding ay may mga paintings. Ang unique ng mga design ng bawat isa. Saan kaya niya ‘to nakuha? "Tutunganga ka lang ba diyan? Have a seat," at sa boses niya doon ko ulit naramdaman ang hapdi ng kamay ko. Muntik ko nang makalimutan na dumudugo pa pala. Agad akong naupo at may kinuha siya doon sa isa pang cabinet bago naupo sa tabi ko.  "Give me your hand," and so I did. Nilinis niya muna ang sugat bago ito binalot ng bandage. The whole time, I just stared at her face. Ang ganda niya talaga lalo na ang ang mata niyang kulay asul. Ang haba rin ng pilikmata. Ang tangos ng ilong and those lips are just---- "Stop staring you idiot." "Ouch! Wag mong diinan! Sorry na kaibigan ko. Hehehe."  She rolled her eyes. Still cute though. Ngayon lang ata ako nagandahan ng sobra sa buong buhay ko dito sa lupa o dahil lang ba 'to sa pana ni kupido? Parang drugs pala ang epekto Eros, hindi mo man lang ako na-inform. Aish! Ewan ko. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko? Nang natapos na siya, tinignan ko ang kamay kong nakabalot. "Ang bilis mo naman sa ganito. Thank you."  Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Anong ginagawa mo dito? How the f**k did you get here? Are you stalking me?" "Woah, woah kalma ka lang kaibigan ko. Slight lang naman na ini-stalk kita nung nakita ko ang motor mo kanina tsaka kasalanan ko bang hinanap kita kasi hindi ka pumasok? Hindi ka man lang nagpasabi in advance at tsaka teka, bakit nga ba wala ka sa klase kanina?" "Argh, ang daldal mo! Saka pwede ba? Wala kang pakialam kung papasok ako o hindi. That school is damned anyway." "Hala, hindi naman. Ganito na lang para hindi ako dumaldal. May pagkain ka? Nagutom ako kakasunod sa'yo dito eh. Ang haba kasi ng nilakad natin."  Napaawang ang bibig niya. "Seriously? Ba't naman kita papakainin? Kasalanan ko bang sumunod ka sa’kin?" "Nasugatan mo kamay ko," sabay taas ng kamay kong naka-bandage. "Nagamot ko na. Still, it's not my fault that you followed me here." "Hindi ko din kasalanan kung na-miss kita," and that somehow, made her shut up. Hindi pa naman masyadong makapal ang mukha ko pero parang namula ata ang pisngi niya. Aba, aba. Napapakilig ko na din ba ang mahal na prinsesa na kinaibigan ako?  "Shut up." sabay tayo niya at akala ko saan pupunta pero nagtungo siya sa refrigerator at may kinuha na kung ano.  Yes! Pagkain ata. Gutom talaga ako eh. May kabaitan din naman pala 'to. Mabuti na lang pala nasugatan ang kamay ko para maka-stay pa ako dito. Napatingin ulit ako sa direksyon niya at bahagyang napangiti.  Darn it, Villaine.  You're making me curious more and more about you each second.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD