Chapter 10: The Princess' Cabin

3265 Words
Levi’s POV Pinanuod ko siyang nilatag sa harapan ko ang club sandwich at dalawang baso ng apple juice tsaka isang pitsel ng tubig. Hindi pa rin ako halos makapaniwalang ang tinatagurian nilang prinsesa ng kadiliman ay hinahandaan ako ng pagkain sa mismong pamamahay niya pa. Ang swerte ko namang nilalang. Hehe. “Why are you smiling like an idiot?” naalis ang titig ko sa katakam-takam na sandwich nang marinig ang malamig niyang boses kaya hinarap ko siya. “Na-realize ko lang na ang swerte ko ngayon. This is such a privilege.” “Hindi ka na swerte dahil paalisin na kita matapos mong kumain kaya bilisan mo na.” “Hala, grabe naman kaibigan ko. Papaalisin mo ang pinakapogi mong kaibigan na sinugatan mo pa?” pangongonsensya ko ulit sa kanya at sinubukan ang puppy eyes super powers ko pero tinignan niya lang ako na parang nandidiri pa. Ay grabe hindi talaga umeepekto ang anghel kong pagmumukha sa nilalang na ‘to. Hindi siguro ‘to tao? Hmm. “Ilang taon ka ba?” “Uyy na-cucurious ka na rin sa’kin? Sige question and answer tayo! I’m 17 years old. Ikaw ba?” “17? You act like you’re 5. Kakainin mo ba ang handa ko o ililigpit ko ulit?”  Mukhang seryoso ang banta niya kaya hindi na ako nagsalita pa at mabilis kinuha ang sandwich tsaka tinodo ko na rin ang pagkagat na parang wala ng bukas. Aba, minsan lang ito kaya--- napahawak ako sa lalamunan ko at agad ininom ng isang lagukan ang baso ng juice. “Ang dugyot mo kumain. Baka iyan lang ikamatay mo.” Nag-thumbs up lang ako sa kanya at itinuloy ang kain ko hanggang sa naubos na nga lahat ng wala pang 10 minutes. “Ang saraaappp!” komento ko habang nakahawak pa sa tiyan at nakasandal sa sofa. “That’s just a sandwich.” “Na ikaw ang gumawa kaya lalong sumarap with love and effort! Heheh!” “Shut up. Tapos ka nang kumain kaya umuwi ka na. You were able to follow me up here so you should know your way down.” “Eh? May nabasa akong signage kanina lang na mayroong fog na tumatabon sa kalsada papunta rito kaya bawal nang mag-drive pag lagpas alas siyete na.” “That’s MWF--- oh f**k it is Monday. Kung minamalas nga naman,” reklamo niya pero hindi sa’kin kundi sa sarili niya lang mismo. Napatingin din siya sa wall clock at lagpas alas siyete na nga. Kung ikinalungkot niya ‘yan, pwes good news para sa’kin dahil wala na siyang choice kundi patulugin ako rito ngayong gabi.  Ngingiti na sana ako ulit pero tinignan niya ako nang masama at umupo sa tabi ko kaya napaatras ako on instinct kaso cornered na ako sa sofa. Uh oh. Hahalikan na niya ba ako ngayon? Umepekto rin ata ang drugs sa pana ni kupido??? “What do you really want from me and why did you follow me here?” Nakakalula ang mga mata niya kaya hindi ako masyadong nakapag-focus sa sinabi niya. Napatingin din ako sa labi niyang mamula-mula at agad napalunok bago pa ako magkasala at binalik ang tingin ko sa malamig niyang mga matang walang kasing ganda. “Uh--- ano ulit?” “I said--- why the f**k were you following me and what do you need???” “Na-miss lang talaga kita at nag-aalala bilang kaibigan mo kasi hindi ka pumasok. Ayun lang,promise!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang patunay. Itinaas niya rin ang kaliwang kamao at akmang susuntukin ata ako pero hindi niya ginalaw o baka ‘di niya kaya? Ewan basta’t umatras din siya maya-maya at ibinagsak ang katawan sa sofa.   “Now I’d have to babysit someone here. Sina Night nga hindi pa nakapunta rito ikaw pa kayang hindi ko kilala? Damn this is frustrating!” Minasdan ko siyang ginulo ang buhok niya at hinilot ang sentido. Kahit anong gawin niya ata, wala akong maipipintas. “Ano na naman?!” “I can cook, you know? I’m not that useless. Pwede mo rin ako gawing utusan ngayon basta’t patulugin mo’ko rito ng isang gabi. Promise I’ll behave too.” Pagkarinig niya sa proposal ko, napatuwid siya ng upo at parang pinag-isipan ang sinabi ko. “I’m not worried if you’d behave or not pero matagal na rin ako walang utusan. Sige, magluto ka at kapag hindi masarap, sa labas ka matutulog.” Mukhang wala rin akong choice. “Sige, deal.” Tumayo na ako at tsaka ko lang ulit na-realize ang sugat ko sa kamay. Kaya naman siguro kung isang kamay lang gagamitin ko pero paano ako makakapaghiwa? Baka mahaluhan ng preskong dugo ko mismo hala. Ayoko ring matulog sa labas kaya bawal nang magback-out. ‘Di bale na nga. Binuksan ko ang ref niya at puno lahat na parang kaka-grocery lang kaya siguradong madalas siya rito. Kung ganito ba naman kaganda at ka peaceful ang lugar, kahit sino gustong tumambay pampatanggal ng stress sa mausok na syudad. Hmm. Ano bang pwedeng lutuin ngayon? Sigurado naman akong binili niya lahat ng andito sa ref kasi kakainin niya rin lahat kaya kukunin ko na itong steak tapos ipares sa wine. First date pala namin ‘to? Nakaka-excite! Magluluto ako ng garlic butter steak na paborito naming pamilya kaya imposibleng hindi ito magustuhan ni Villaine. Baka mainlove pa nga siya eh. Hehehe. “Hoy.” Lagyan ko na kaya ng love potion nang mapadali ang misyon ko ano? “Hoy weirdo.” Ay bad pala ‘yon kasi pandaraya at baka makutusan ako ni kupido. At isa pa hindi siya pwede sa’kin ma--- “Arayy!” napatigil ako sa pag-iisip nang naramdaman ko ang hampas niya sa may braso ko. “You’re spacing out, I was calling you.” “Hindi ko narinig, bakit pala kaibigan ko?” “Are you sure you can cook with your state?” tanong niya at bago pa man ako makangiting aso, itinaas niya ang palad niya sa tapat ng mukha ko. “Wag ka na mag-assume. Ayoko lang mabahiran ng dugo mo ang pagkain ko. That’s disgusting.” “Ay ganun pala ‘yon. Mukhang kaya ko naman pero matutuwa ako pag tutulungan mo’kong maghiwa ng pampalasa? Mas lalong sasarap kapag sakto ang pagkakahiwa eh.” Umirap siya at naghugas ng kamay maya-maya tsaka kinuha ang cutting board. “Yeah, whatever. Let’s get this done. Gutom na ako.” Tumango na rin ako dahil ayokong gutumin ang prinsesa. Kinuha ko na ang mga kakailanganing sangkap at inilatag sa kanya at namangha naman ako sa pamamaraan ng paghiwa niya like a pro. Grabe, may bagay ba ‘tong hindi alam? “Tutusukin na kita ng kutsilyo pag tatayo ka lang diyan.” “Ay sorry na po ulit, hehehehe. Eto na kikilos na promise!” Madali lang ang prep time nitong steak pero nasa 30-45mins ang pagluto sa oven pero dahil pangdalawahan lang naman itong inihahanda namin, pwede na ang 30 minutes. Nang nailagay ko na ang kakailanganing spices sa steak, tahimik kong tinulungan si Villaine sa paghanda ng maliit na mesa na literal na pandalawahan lang at halatang hindi siya nagdadala ng bisita rito kasi pati utensils, tigdadalawang pairs din. “May klase pa naman tayo bukas, kaibigan ko. Promise uuwi akong maaga nang hindi na kita maabala. Tutal magkikita tayo ulit sa school kasi papasok ka na bukas, ‘di ba?” “Depende at wala ka nang pakialam kung papasok ako o hindi.” “Meron na akong paki sa’yo simula nung nakita kita sa parking lot at lalong-lalo na ngayong magkaibigan na tayo.” “Nakakarindi ‘yang kaibigan-kaibigan mo. Can you shut it?” “Dapat ba english? Or baka gusto mo more than friends? Ohhh!” “Ulul mo. Pag hindi ka pa tatahimik, kakainin kita nang buhay dahil gutom na ako.” Ayun ulit ang signature glare niya sign para tumahimik na ako at naghintay kaming tumunog iyong oven at hindi rin kami dinisappoint at nag ‘Ting!’ na siya. O diba, ang galing ko sa sound effects? Andami ko atang natutunan dito sa lupa. Tumayo na ako at kinuha ang pinakamasarap kong steak at inilagay sa dalawang plato namin tsaka ko pa nilagyan ng garnish and voila! “An angel’s masterpiece! Steak ala Levi!” “Ang corny. Pwedeng ilagay mo na ‘yan dito?” “Yes mahal na prinsesa! By the way, may wine ka ba?” “All my liquors are hard so no.”  “Eh anong pinaka-mild na mayroon ka?” “Aish. Go find one in my cupboard!” Gumana ang ubod kong kakulitan kaya inilagay ko na sa mesa ang dalawang plato ng steak at nagmadaling binuksan ang cupcoard na tinuro niya. Ang mamahalin naman ng mga alak na ‘to! Hindi ako umiinom pero pamilyar sa’kin dahil may koleksyon nito sina mommy at daddy sa bahay. And… ah hah! May naligaw ding isa na organic red wine! Larkmead ang label at halatang galing pang States. Grabe talaga itong si Villaine. “Didn’t even remember I have that. Shall we eat already?” Tumango ako at naupo katapat niya tsaka sinalinan ang dalawang wine glass namin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa set-up ngayon lalo na’t sinindihan niya pa ang fireplace kaya naririnig ko ang mumunting tunog ng nasusunog na kahoy. Pasimple kong hiniwa ang steak ko pero ang totoo ay tinitignan ko ang reaksyon ni Villaine at nang naisubo na niya ang unang kagat, napatigil siya kaso hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya kung nasarapan ba o ano? “How was it? Masarap ba?” tanong ko at mukhang nabalik siya sa huwisyo tsaka nagkibit-balikat. “Edible,” iyon ang bukod tanging sagot niya at mabilisang kumain kaya napailing na rin ako. Edible lang pala ang takam na takam na pagkain ah? Matututo rin ako sa sarili niyang lengwahe at nang mas maintindihan ko ang personalidad niya. I’ll be the most patient person at hinding-hindi ko siya susukuan.      *** “Let’s drink.” Nasa labas ako ngayon ng cabin dahil mayroong kahoy na gawa sa upuan na naka form ng letter L at sa gitna ay circular na coffee table. Nakatulala lang ako sa kalangitan nang biglang naglatag si Villaine ng tequila at iilang lemon na hiniwa pati asin. “Pwede namang juice lang ‘yung akin, ano? Hindi ako umiinom niyan tsaka wala pa tayong 18!” She rolled her eyes, one of her favorite gestures so far.         “Ang arte mo tsaka wala akong kaibigan na hindi marunong uminom. No weaklings allowed in my crib.” “Ilan ba kaibigan mo?” Napatigil siya sa tanong ko pero nagsalin ulit ng inumin at nilagok ang unang baso tapos nagsalin ulit tsaka inabot niya sa’kin. “Kada inom mo, bibigyan kita ng isang sagot and vice versa. Deal?” Hindi ko alam kung paano niya ako napapapayag pero nakakahiligan ko na atang makikipagkaugnayan sa mahal na prinsesa. Nakikita ko na lang ang sarili kong kinuha ang maliit na baso at sinunod siya kung paano dapat kagatin muna ang lemon para hindi masyadong malasahan ang pait ng alak pero pagkainom ko, parang sinusunog ang lalamunan ko sa init nito at paunti-unti pa kaya literal na napapikit ako sa pait. “Ang pangit ng lasa, Villaine! Paano mo nasisikmura ‘to?!” reklamo ko at akmang idudura sana ang anumang naiwang lasa sa bibig ko pero nag-warning sya ulit at naalala kong baka hindi niya nga sagutin ang tanong ko kanina kaya kumain na lang ako ng pinrito niyang karne pang pulutan. “So ano nang sagot???” follow-up question ko at nag-peace sign siya sa. “Ano?” “I have two, idiot. And you’re the self-proclaimed third friend of mine.” “Anong mga pangalan nila at paano mo sila nakilala?” “Too much questions. Ako nang iinom at ako na rin ang susunod na magtatanong.” Walang hirap niyang inubos ang nasa baso. “What’s your real motif from being friends with me?”  “Paulit-ulit iyang tanong mo at kahit ilang libong beses mo pang itanong, sasagutin ulit kita na gusto lang kitang kaibiganin.” “Because you think I’m lonely?” follow-up question niya kaya ako naman ngayon ang nagtaas ng hintuturo sa tapat ng mukha niya. “Ops. Too much questions kaibigan ko. Ako naman ngayon ang iinom. Pag ako talaga nalasing, ikaw mananagot sa mga magulang ko.” “Pshh, whatever.” Irap siya ulit at binigay ang basong para sa’kin. Saglit ko itong tinaas at inobserbahan ang alcohol na akala ko’y hindi ko matitikman sa buong pamamalagi ko rito sa Earth pero mukhang nagkamali ako ng tantsya. Tutal parte ito sa misyon ko, sigurado akong hindi magagalit si Eros at sigurado rin akong hindi malalasing ang isang anghel na kagaya ko. Mortal na inumin tatalab sa akin? Hah. Not a chance.   *** Hindi ko alam kung anong oras na o ilang oras na kaming umiinom pero hindi lang isa o dalawang bote ang nasa harapan naming wala ng laman at literal na umiikot ang paningin ko. “May--- may droga ba ito, kaibigan kooo???” at ang weird ko na magsalita pero hindi ko alam kung bakit. “Sasagutin ko iyan kapag nabilang mo kung ilang bituin ang nasa kalangitan ngayong gabi,” pagde-dare niya sa’kin at wala akong challenge na inaatrasan pero teka, nabibilang ba ‘yon? “1…2…3…4… 5… 6… 8… 10… ayy teka nahihilo ako kakatingala eh!” reklamo ko at napakapit sa haliging nasa malapit dahil gumawa na rin ng bonfire si Villaine kanina pa para ibsan ang lamig at pampawala na rin ng mosquitos. “Do you really think you can count those? Tanga-tanga mong bigas!” “Hindi ako tanga ah! Pagkabalik ko sa langit, bibilangin ko ‘yan lahat para sa’yo!” turo ko sa buong kalangitan na para bang masasakop ito ng mga braso ko. “What the heck are you talking about? Anong balik-balik sa langit?” rinig kong tanong niya na puno ng pagtataka kaya nakangiti akong pumunta sa kanya kahit pakiramdam kong hindi straight ang lakad ko. “Huwag mo kasi akong maliitin dahil…” “Dahil ano?” “May sekreto ako…” pagtaas-baba ko ng kilay. “And what is that?” tanong niya habang umaatras palayo sa’kin at kahit may tama na ako, alam kong umiikot-ikot lang kami rito sa bonfire. “Mapagkakatiwalaan ba kita?” paninigurado ko dahil delikadong mabunyag ang pinakaiingatan ko.   “Isa akong… anghel.” Napapikit ako at napatakip ng dalawang kamay sa mukha dahil sa kaba pero mas lalong uminit ang buong mukha ko nang narinig ko si Villaine na humagalpak ng tawa. “That’s the funniest s**t I’ve heard from a drunk person!” pagsasalita niya sa gitna ng mga tawa at nakahawak pa talaga sa tiyan.   “Hindi nga kasi! Seryosong anghel ako ni kupido at pinababa ako dito sa lupa dahil may misyon ako!” pagpapaliwanag ko ulit ng mas detalyado pero lalo lang lumakas ang tawa niya. Imbes na magalit, doon ko lang na-realize na tumatawa siya. With sounds. Literal na tawa dahil sa’kin kahit pa nakakahiyang isipin na nagmukha akong clown. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at pasimple siyang pinicture-ran at hindi niya naman nakita dahil saktong nagpunas siya ng mga mata. Para akong nahimasmasan kahit ramdam ko pa ang pagkahilo kaya naisipan kong umupo na lang katapat ng bonfire habang nakatitig sa kawalan. Nakikita ko pa rin ang anino ng iilang punong kahoy at bundok dahil sa liwanag na dulot ng buwan at mga bituin. “Hey, you mad?” naramdaman kong umupo si Villaine sa tabi ko at ginaya ang posisyon kong nakayakap sa magkabilang tuhod habang nakasandal ang ulo sa ibabaw nito. “Hindi ako galit at hindi mo rin kasalanang hindi ka makapaniwala.” “Sino ba kasing maniniwala sa kwento mong ‘yan?” Pansin kong nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon kaya napalingon ako and damn I was right. Iyon nga lang, hawak niya sa kabilang kamay ang nakakalahating bote ng tequila na tinutungga niya ngayon pa parang softdrinks. “Sa bagay. Kahit pala mapait ang alak, sasarap ito depende sa kasama. Pahingi nga niyan.” Walang sabing iniabot niya sa’kin ang bote at uminom ako ng kaonti. “Hindi ba’t eto ang tinatawag na indirect kiss? Hala ikaw na ang first kiss ko kaya panindigan mo’ko, Villaine!” “Masyado kang feeling. You’re not even my type.” “Ano palang type mo?” “Wala.” “Weh? Ano nga kasi? Tanong ko ‘yun kasi uminom ako ‘di ba. Kala mo nakalimutan ko ah.” “Tss. My type? Anyone that’s not like my father or my mother. I despise them so much I’d rather not meet another person like them in another human being’s body.” Napatahimik ako sa sagot niya. Mukhang ang lalim kasi ng pinanghuhugutan at ramdam ko pati ang tensyon ng bawat salita niya.   “But you know what, you’re not so bad yourself.” “Bilang type mo???!” shocked na tanong ko at napausog pa palayo sa kanya. “Gago! Bilang kaibigan!”   Napahinga ako nang malalim at bumalik sa pwesto kong katabi ni Villaine at nakatanggap agad ako ng hampas sa braso pero itinawa ko lang din kasi ‘di naman masakit. “Ang lakas mo magmura pero natulala at first sight pa rin ako sa’yo, kaibigan ko. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng nagandahan ako nang sobra? Almost 18 years of existence and ngayon lang nangyari sa’kin ‘to!” “I’m not even surprised. Hindi pangkaraniwan ang ganda ko and I’m well aware of it.” “Ang hangin mo rin pala ano.” Natawa kaming dalawa at nahiga sa lupang may nakalatag na blanket. Nahilo ako lalo at tatanungin ko rin sana si Villaine kung nahihilo rin ba siya pero nakapikit na pala habang ang isang braso ay nakapatong sa noo niya. She’s sleeping soundly. Nakatagilid akong nakatingin sa mukha niya at napagtanto kong ibang-iba ang Villaine na nakakwentuhan ko ngayong gabi na nagagawa pang tumawa’t ngumiti. Bukod pa roon ay ginamot niya ang sugat ko kahit siya ang dahilan kung ba’t ako nasugatan at pinakain niya ako ng pagkain niyang ako rin halos ang nagluto. Kahit saang anggulo ko tignan, mayroon akong kabutihang nakikita sa maangas at maganda niyang anyo. Haist. Paano ko kaya mahahanap ang para sa’yo, Villaine? Paano ko mahahanap ang lalaking siguradong iintindi sa’yo nang todo? “Quit staring you idiot. Tulog ka na, bigas.” “Ay gising ka pa pala? Hehehe. Pasensya ulit. Sige, good night, kaibigan ko.” Itinaas ko na rin ang sarili kong kumot at pumikit na. Iba rin pala ang tama ng alak. Madali akong napunta sa dreamland. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD