Levi’s POV
Nagising ako sa mahinang pagtapik ng pisngi ko at ilang beses na iyon hanggang sa napadilat na rin ako at bumungad sa’kin ang magandang pagmumukha ni Villaine.
“Wake up! It’s almost 8am, sleepy head.”
Napabangon ako agad pero pinagsisihan ko rin dahil kumirot ang ulo ko.
“Hindi na ako iinom ulit,” pangako ko sa sarili at hinilot ang magkabilang sentido.
“Says every drunk person I’ve witnessed. Aren’t you obsessed with school? Kaya bumangon ka na’t umuwi.”
May klase akong 9am pero sigurado na akong hindi ko iyon maaabutan lalo na’t malayo rito at dagdag pa ang traffic.
“Hindi na pala ako papasok ngayong umaga. Pwedeng patulog pa sa loob, Villaine? Ang sama talaga ng pakiramdam ko eh.”
“Suit yourself and do not touch anything inside or else I’ll kill you. Alis nako.”
“Waiit, pasaan ka?”
“None of your business. Bye.”
Balik ulit sa pagiging malamig ang mahal na prinsesa. Pwedeng lasing na lang kami lagi? Pero ansakit pala sa utak. Dinala ko na ang mga kumot sa loob at isang unan tsaka nahiga sa sofa. Makatulog na nga lang muna ulit.
***
Third Person’s POV
Nagtataka si Villaine sa sarili kung bakit ganoon na lamang ang tiwala niyang iwan mag-isa si Levi sa kanyang cabin na siya pa mismo ang gumawa halos. Inaamin niyang natamaan siya ng alak kagabi pero naalala niya lahat ng naging kwentuhan nilang dalawa at hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala iyong sinabi ni Levi na isa siyang anghel na pinababa sa lupa. Hindi lang simpleng anghel kundi anghel pa ni kupido.
“What’s making you smile early in the morning, Zix?” nagtatakang pagtatanong ni Constantine na kakatapos lang maligo at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa beywang. Maya-maya’y sumulpot naman si Night at tinabunan ng isa pang tuwalya ang kapatid.
“Kita mong andiyan ang prinsesa natin, bumabalandra ka nang ganyan. Magbihis ka nga, Stan!”
“Oo na po, kuya.” Pabirong sagot ni Constantine sa nakababatang kapatid at mabilis nakapagbihis ng shorts at nakalambitin ang tuwalya sa isang balikat dahil ang kalahati nito ay nasa buhok. Manenermon pa sana si Night nang naunahan na siyang magsalita ni Villaine.
“Cut if off, Night. It’s not like I’m not used to both of your nakedness inside your own condominium.”
“Hala, ‘di mo pa nakita ang kabuuan ko ah, Zix!” reklamo ni Night.
“Bakit? Gusto mo bang makita ko pa?” nakataas ang kilay na tanong ni Villaine na ikinapula ng magkabilang pisngi ni Night at ikinatawa ni Constantine. Kilalang babaero si Constantine kaya literal siyang naabutan ni Villaine noon kasama ang isang babae habang gumagawa ng milagro sa kitchen countertop. Nasundan pa iyon ng ilang beses kaya nagwa-warning na si Villaine ahead kung gusto niyang tumambay sa condo ng dalawa.
“H-Hindi naman sa ganoon! Pero change topic na nga, ano iyong sinasabi ni Stan kaninang ngumingiti ka raw mag-isa ngayong umaga? Totoo ba?”
“It was nothing. I just met this silly guy who claimed he’s an angel,” at hindi ulit napigilang mapangisi ni Villaine na ikinagulat ng dalawang magkapatid at nagkatinginan pa sila.
“Paano mo nakilala at anong pangalan???”
“Ilang taon ba???”
“Baka bodyguard ulit iyan ng mga magulang mo???”
“O baka isa sa mga goons na natalo mo noon???”
Sunud-sunod ang tanong ng dalawa kaya napataas si Villaine ng dalawang kamay para matahimik sila.
“Masyado kayong overreacting. He’s none of the things you’ve mentioned kaya huwag na natin siyang pag-usapan at gawin na natin ang dapat gawin ngayong umaga. Shall we?”
“Ano munang pangalan? Kahit iyon lang, Villaine.” Seryosong tanong ni Stan at sa ganitong tono, mas nangingibabaw na ang pagiging kuya niya sa dalawang kaharap.
Napairap si Villaine pero sumagot din. “Levi Bryce is his name and he’s harmless.”
Napakunot ang noo ni Night at hindi halos makapaniwalang sa ikli ng panahong nakilala niya ang nasabing lalaki ay nagawa siya nitong pangitiin samantalang sila na ilang taon ng kasama ni Villaine ay madalas sa pagkapanalo sa mga away lang nila nakikitang ngumiti ito.
Nagkatinginan ulit ang magkapatid at makahulugang tumango sa isa’t-isa nang nakatalikod sa kanila si Villaine.
Kailangan nilang alamin kung anong espesyal kay Levi Bryce.
***
Kinahapunan, naunang pumasok si Villaine sa skwelahan at pasimple niyang inilibot ang tingin sa parking lot pero wala siyang nakitang itim na Porsche.
‘Tinodo na ata ni bigas ang pagtulog buong maghapon.’ Isip-isip niya at naglakad na papasok ng school at dahil wala pa siyang lunch, dumiretso muna siyang canteen na may kahabaan na ang linya. Namukhaan niya ang tatlong estudyanteng nag-uusap na malapit na sa linya, dalawang babae at isang binabae.
“Hey, you. Bilhan mo’ko ng carbonara at pineapple juice.”
“M-Miss V! Hiii! Kamusta ka???” natatarantang pagtabi ni Angelo s***h Angela kasama sina Katreena at Mina na siyang awkward na kumangay at ngumiti kay Villaine.
Isang matalim na tingin ang sagot ni Villaine sa tanong ni Angelo.
“Ay hehehe oo sabi ko nga, walang time for greetings. Bilhan kita ng gusto mo at libre pa, owkeeyy? Maupo ka lang there!” turo nito sa gilid pero pagkalibot ni Villaine ng tingin, halos puno na ang lahat nang may nakita siyang bakanteng circular na lamesa pero may dalawang bag na nakapatong. Bakante pa rin ito para sa kanya dahil walang ibang tao kaya dumiretso siya doon at basta na lang binaba ang mga bag sa sahig. May iilang tao sa kalapit na table ang napatingin sa kanya pero nag-iwas din agad nang sulyapan sila ni Villaine.
Nakadekwatro siya ng upo habang namimili ng kanta sa cellphone niya nang may dalawang babaeng dumating at parehong nakasuot ng heels. Lumapit sila sa kinaroroonan ni Villaine at pinulot ng isa ang dalawang handbag na nasa sahig habang ang isa ay walang pasabing hinila ang isang earphone ni Villaine kaya inis siyang napalingon sa mga babaeng halatang freshmen at hindi pa siya kilala.
“Miss na mukhang emo, hindi ka ba tinuruan ng manners ng parents mo? Kita mong kami ang nakauna rito o bulag ka?” inis na sambit ng isa at sinadyang lakasan pa ang boses.
“Can you read this big signage or are you blind too?” turo ni Villaine sa nakapaskil na signage sa likurang bahagi niya na ang nakasulat ay:
‘First come, first serve. Strictly no reservations. Clean as you go.’
“Still! Nakauna pa rin kami kaya umalis ka riyan or kakaladkarin kita patayo!” utos ng isa pa at walang pasabing tumayo si Villaine, towering over them even in her flat boots.
“You stupid midgets, ayoko pa namang nakikipag-away kapag gutom ako. If you’re not out of my sight within two minutes, itatapon ko kayo sa garbage bins.”
Nakaramdam ng pagkaintimida ang dalawa pero hindi nila pinahalata at piniling panindigan ang kamalditahang sinimulan nila. The girl who picked up both their bags pushed Villaine in an attempt to let her fallback but Villaine didn’t budge and caught her arm instead.
“Matigas talaga ang bungo niyo,” inis na sambit ni Villaine at inikot ang kamay na hawak niya dahilan para mapadaing sa sakit ang babae at akmang tutulong sana iyong isa pero isang tulak lang ni Villaine ay natumba na ito sa sahig. Binitawan ni Villaine ang hawak na babae at akmang pupulutin na ‘yung isa nang may panibagong tauhang pumasok sa canteen at nagmadali sa direksyon niya.
“Kaibigan ko, wag mo na silang saktan!” pagpigil ni Levi at hinawakan ang isang braso ni Villaine na siyang hinablot niya rin agad para makawala. Tinignan niya ng masama si Levi pero as usual, hindi ito tumalab at basta lang tinulungan ni Levi na patayuin ang isa at may sinabi na kung ano sa dalawa dahilan para lumabas na ang mga ito ng canteen.
“Tuloy na kayo sa pagkain, wala lang iyong nangyari! Pasensya sa abala!” nakangiting sambit ni Levi sa iilang namumukhaang kakaklase sa malapitan at kahit ang hindi niya kilala ay ngumiti na rin pabalik na parang nagpasalamat pang napigilan niya ang iskandalo. Sunod ay naupo siya katabi si Villaine at nilatag ang dala niyang supot ng pagkain.
“Huwag ka nang mainis, kaibigan ko. May dala akong pagkain at niluto ko ulit ‘yan. Mediterranean Shrimp and Pasta! Tadaaa!”
Inilabas ni Levi ang malaking lunchbox at pagkabukas niya’y umalingawngaw agad ang bango nito at medyo mainit pa dahil bagong luto. Mayroon ding separate container na naglalaman ng sliced fruits. Inabutan niya ng tinidor si Villaine na kinuha naman agad at nanatili ang tingin sa pagkaing nasa harapan.
“Nakita kong may seafoods ka dun sa ref mo kaya nag-assume akong hindi ka allergic so eto ngang dinala ko para sa’yo. Hehehe.”
Iyon ang narinig na usapan nina Angelo nang dumating sila bitbit ang tig-iisang tray ng pagkain at sakto naman ang upuan sa lamesa para sa kanilang lima.
“Magandang tanghali sa inyo! Maupo kayo!” pagbati ni Levi sa kanila kaya nagmadaling naupo ang tatlo bago pa man sila tignan ni Villaine na busy pa rin kakatitig sa pagkain at inaamoy-amoy pa ito. Maya-maya, may dalawa pang tauhan na dumating at saktong umalis ang nasa kabilang table kaya pinagdugtong nila sa mesa nina Villaine para mas malaki ang space.
“Sali kami magagandang binibini,” pagkindat ni Weston sa tatlo na ikinapula ng mga mukha nito at kumaway si Claude sa kanila bago nakipagfist-bump kay Levi. Doon na napaangat ang tingin ni Villaine para suriin ang mga tauhang nakaupo kasama siya at kumunot ang kanyang noo.
“What are these people doing here?”
“Kakain, obviously. Ano pa bang ibang gagawin dito sa canteen, kaibigan ko?” pambabara ni Levi sa kanya kaya tinapatan siya ni Villaine ng tinidor pero tumawa lang ito at iminwestra ang kamay nitong hawak ang tinidor pabalik sa pagkain tsaka tumusok ng isang piraso ng shrimp.
“Tikman mo muna nang mawala ang init ng ulo mo.”
“E-Eto na rin po ang pinabili niyong carbonara at pineapple juice Miss V,” sambit ni Angelo.
“Ako nang kakain niyan, okay lang ba?” nakangiting pagtatanong ni Levi at napatango nang ilang beses si Angelo na naging Angela ulit sa kilig.
Sinunod na nga ni Villaine ang sinabi ni Levi at sinubo na ang piraso ng shrimp tsaka siya napanguya nang paunti-unti hanggang sa tahimik na niyang inihalo ang mga sangkap nito sa pasta at tuloy-tuloy na sa pagkain. Literal na napatulala sina Claude at nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa nangyayari sa harapan nila at pati rin sina Katreena ay ganoon din ang reaksyon.
“Huy, may gayuma ba ‘yan at napapaamo mo ang prinsesa ng kadiliman, bro?” pasimpleng bulong ni Claude kay Levi.
“Wala ah pero made with love and effort ulit iyan kaya sobrang sarap. Ako pa ba?” kumpyansang sagot ni Levi at nakipag-apir pa sa dalawang kaibigan tsaka na sila kumain habang nagkukwentuhan ng kaonti.
***
Levi’s POV
Hapon na at panghuling klase ko na itong Psych I pero hindi na kami magkaklase ni Villaine. Saan na kaya nagsusuot ‘yon? Next time, dapat ko palang picture-ran ang study load niya para alam ko ang schedule o baka masyado nang creepy iyon? Hindi ko pa nga rin pala nahingi ang number niya. Ibibigay niya kaya o bwisitin ko ulit siya hanggang sa makulitan at bumigay? Hmm.
Napatingala ako sa labas ng bintana at malapit nang lumubog ang araw. Sa ganitong oras, madalas kaming umuupo ni Serefina sa paborito naming ulap at dinuduyan ko siya sa sarili kong mga pakpak. Napangiti ako sa memoryang naalala ko sa’min. Kamusta ka na kaya, mahal ko? Ginagabayan mo rin ba ako kagaya nung pangako mo bago ako bumaba rito sa lupa?
Napahawak ako sa bahagi ng puso ko at dinamdam ang t***k nito pero nakakalito lang dahil sumasapaw ang mga tawa ni Villaine sa isipan ko pati ang seryoso niyang mukha habang kumakain sa mga niluluto kong hindi raw ganoon kasarap pero nasisimot niya lahat. Mukhang nagtataksil ako nang hindi ko namamalayan kaya patawarin mo sana ako Serefina. Pangakong tatapusin ko na sa lalong madaling panahon ang misyong ito bago pa tuluyang bumaon sa pagkatao ko ang epekto ng pana ni kupido.
***
Natapos na rin ang klase ko pero mayroon pang isang klase sina Claude at Weston kaya maglilibot-libot muna ako rito sa skwelahan, nagbabakasakaling makasalubong ko ang anino ni Villaine kung andito pa siya. Maglalaro raw kasi kami ng video games sa bahay nina Claude ngayon kaya sabay kaming uuwi at heto na nga’t palakad-lakad lang ako nang may kumpulan akong napansin sa gilid ng soccer field.
Ang tindig at likod pa lang ng babaeng may blonde highlights ang buhok, kilala ko na kung sino at mayroong isang lalaking nasa paanan nitong sinisipa niya habang nakatingin lang ang apat na babaeng nakatayo sa paligid. Patakbo akong lumapit at pipigilan na sana siya nang narinig kong magsalita ang isa sa mga babae.
“Vinideo niya po kami at binobosohan pero ngayon lang po siya talagang nahuli sa akto! Walangya ka!” sigaw ng isang babae at nakiduro rin ang iba pa. Nang nasa likuran na nga ako ni Villaine, naklaro kong nasa 12 or 13 lang siguro ang edad ng mga babaeng nakapaligid.
“You son of a b***h, don’t you have your own mother and sister?” inis na sambit ni Villaine at mas lalong diniinan ang pagtapak sa ulo ng lalaki habang nakadapa sa lupa.
“P-Pas-senya na, h-hindi na fooh mauuleet!” hirap na sagot nung lalaki na parang nakakakain na ng buhangin.
Ewan ko kung kasalanan na rin bang panuorin ko lang siyang ginagawa iyon na may pamamangha. Ayaw ko siyang pigilan ngayon pero alam ko ring mali ang manakit ng kapwa tao kaso may kasalanan din ang lalaking ito kung tutuusin. Pasimple akong tumabi kay Villaine hangga’t napalingon siya sa’kin nang napansin ang presensya ko.
“Ano na namang ginagawa mo rito? Kakampihan mo ba ang m******s na ‘to?” tanong ni Villaine sa’kin at hindi ko siya sinagot kundi umupo ako para maka-eye contact ang lalaki.
“T-Tulungan mo--- aako pre!”
“Alam mong mali at pang-aabuso ang ginawa mo?” seryosong tanong ko at tumango siya nang ilang beses kahit nahihirapang gumalaw.
“Alam mo naman pala kaya ituturn-over ka namin sa guidance counselor pati ang nasabing video ng mga babaeng ito tsaka paniguradong ipapatawag pati mga magulang mo at magulang nila.”
Itinaas ko ulit ang tingin ko para salubungin ang mga mata ni Villaine at mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil inalis na niya ang paang nakatapak sa ulo ng lalaki. Mabilis ko namang hinawakan sa braso ang lalaki bago pa man siya makapanlaban o ano at ‘di hamak na maliit siya kumpara sa’kin at may kapayatan kaya walang hirap ko siyang nadala habang naglalakad kami papuntang guidance office. Ang mga babae na ang nagpaliwanag sa buong kwento at hinayaan na kaming umalis ni Villaine matapos mag-iwan ng sarili naming mga pahayag.
“Kung hindi mo mamasamain, kaibigan ko. Ba’t mo tinulungan iyong mga babae kanina?” natanong ko habang naglalakad kami patungo sa ewan kung saan basta naglalakad lang kami.
“Nothing. None of your business.”
“Aish! Ayan ka na naman sa none of your business mo eh! Akala ko ba kaibigan mo na ako?”
Nagkibit-balikat siya at pansin kong nasa may gate na kami ng school bago kami huminto sa waiting shed. Pasado alas-sais na at 6:30pm matatapos ang klase nina Weston.
“May hinihintay ka rito? Hindi mo ba dala ang motor mo ngayon?” tanong ko ulit pero mukhang malalim na ang iniisip ni Villaine at nakatingin lang sa unahan na parang wala ako rito.
Tssk. Hayaan na nga lang muna. Magpapalipas na ako rito hanggang 6:30 bago pumuntang parking lot dahil sasakyan ko naman ang gagamitin.
“My sister is almost the same age as them by now,” biglaang pagsasalita niya ulit kaya napalingon ako sa kanya pero ‘di pa rin siya nakatingin sa’kin at nakatuon lang sa mga sasakyang dumadaan.
May kapatid pala siya? Ba’t hindi ko man lang nakikita? Sa bagay, mga magulang niya nga wala pa akong ideya kung nasaan o kung meron man.
Magtatanong pa sana ako nang may pulang Turbine Streetfighter big bike ang huminto sa harapan namin at sa gilid nito ay nakaukit ang ‘Knight’. Muntikan nakong napanganga sa ganda nito pero mas lalo akong nagulat nang umalis si Villaine sa tabi ko tsaka kinuha ang inalok na helmet nung lalaki.
Naiwan akong nakatulalang tinignan silang umalis.
Sino ang lalaking iyon? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa’kin. Boyfriend ba iyon ni Villaine? Mas gwapo ba ‘sakin ang pagmumukha ‘non?
Nakakainis. Bakit nagagawa niyang sunduin si Villaine? Ganoon na ba sila ka-close? Aish!