Chapter 12: White and Black

2115 Words
Levi’s POV Hindi ko man lang nakita ang pagmumukha nung lalaking sumundo kay Villaine pero dapat kong alamin kung anong koneksyon nila para makatulong sa misyon ko. Tama tama. “Huuyy! Lalim ng iniisip natin bro ah,” biglang akbay sa’kin ni Weston at hindi ko man lang namalayan ang pagdating nila kakaisip ko sa isang babaeng bumabagabag sa buong pagkatao ko nitong mga nakaraang araw. Naiisip niya rin kaya ako kahit minsan? “May nakita ka bang multo at ganyan ka makatulala ngayon?” sambit ni Claude at winagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko. “Mamaya na tayo magkwentuhan. Kanina ko pa kayo hinihintay. Tara na nga.” Tumango na rin ang dalawa at pumasok na kami sa kotse ko tsaka nagpatugtog ng music papunta sa bahay nina Claude. Sabi ng mommy niya doon na rin daw kami kumain ng hapunan at pupwedeng makitulog since hapon lahat ng klase namin bukas. Simula nung gradeschool, magkakakaibigan na kaming tatlo kaya tinuturing ko silang pamilya mapatao o anghel man ako. Pagkabalik ko sa langit, sigurado akong mawawala ang memorya nila sa’kin pero aalalahin ko lahat ng taong nakasalamuha ko rito. Bigla tuloy akong napaisip na minsang kinwento sa’min ni Eros na tao rin kami noong past life hanggang sa naging anghel kami, iyon na ang tinakdang buhay namin pero wala akong maalala sa naging buhay ko noon at wala na rin naman akong balak alalahanin pa. Naputol lang ang pagmuni-muni ko nang nakarating na nga kami sa tapat ng bahay nina Claude at pinagbuksan ng isa sa mga katulong nila kaya pinasok ko na ang sasakyan ko patungo sa garahe nila. “Wala sina Mommy ngayon, nagho-honeymoon ata ulit kaya tayo ang mga hari ngayong gabi!!!” matagumpay na deklara ni Claude habang nakataas pa ang dalawang kamay kaya natawa kami ni Weston. “Wag kang feeling, kuya. Ako ang reyna rito at mga alagad ko lang kayo except kay Prince Levi ko. Hiiii!!!” biglang labas ni Jade sa front door, ang 16-year old at pinakakulit na kapatid ni Claude na papunta na sa’kin ngayon at akmang yayakap pero naunang dumapo ang palad ni Claude sa buong mukha niya. “Jade Olivia, tigil-tigilan mo na kasi iyang kahibangan mo at hindi ka type nitong bro namin at lalong may bro code kami kahit type ka man niya kaha hindi pwede. Tabi nga!” marahan niyang tinulak pagilid si Jade at inis siyang tinulak nito pabalik nang mas may pwersa dahilan para kamuntikan nang matumba si Claude. Martial artist ba naman ang kapatid niya simula pagkabata? Hahaha! “Stupid brother. Anyways, hello my dear prince! Kamusta ka?” at heto na nga’t nakakapit na siya sa braso ko ngayon kaya ginulo ko ang buhok niya. Wala namang kaso sa’kin ang puppy love niya kasi literal ko siyang tinuturing na parang nakababatang kapatid na rin. “Okay lang naman, Princess Olivia. Maglalaro kami ng video games ngayon kaya doon ka muna sa kwarto mo’t tapusin ang homeworks.” Ngiting-ngiti siya pagkarinig sa nakagawiang pagtawag ko sa kanya simula pagkabata at tumango-tangong umalis papunta nga sa kwarto niya. “Ayos ka talaga bro. Mas napapasunod mo pa iyang si Jade kasi kinukunsinti mong mga gusto eh.” Komento ni Weston na sinang-ayunan din ni Claude. “Wala namang ginagawang masama kaya hayaan niyo na. Tara na’t maglaro! It’s game night!” deklara ko at nag-apir kaming tatlo tsaka pumasok na sa kwarto ni Claude. Ibinagsak ko ang katawan sa king-sized bed niya at sumunod din si Weston habang hinihintay naming nagse-set-up si Claude. “Nga pala, kwento mo muna sa’min kung ba’t ka nakabusangot kanina. Hindi namin palalampasin ang minsanan mong pag-iba ng mood.” Pinaalala pa talaga at hindi nga ako nakakalusot sa kanila. “Oo nga bro! Kwento ka! Pero hulaan ko, ang prinsesa ng kadiliman na naman ang rason ano?” “Tigilan mo nga ang nickname na ‘yan kay Villaine! Mabait ‘yon, ‘di lang halata minsan.” “Anong minsan. Madalas kamo.” “Eh basta hindi nga kasi pero oo siya ngang dahilan. Sinabayan ko kasi siya kanina palabas ng gate tapos may poging big bike, at hindi lang simpleng bike kundi Turbine Streetfighter mga tol! Naka-customized pa at may Knight na naka-engrave sa gilid pero hindi talaga ang motor iyong issue. Sinundo si Villaine nung lalaking hindi ko man lang nakita ang pagmumukha dahil hindi nagtanggal ng helmet!” “Ooooooohhhh!” sabay nilang react kaya napaupo na ako para itodo ang pagkwento. “Kaso hindi lang ‘yon. Pagkakita sa kanya ni Villaine, inabutan niya agad ito nung extrang helmet at sa bilis ba naman ng takbo nung motor na ‘yon, paniguradong mapapayakap sa kanya si Villaine sa biyahe! At mukhang close sila ha? Tsaka kahit hindi natanggal nung lalaki ‘yung helmet niya, halatang pogi at sukdulan ng yaman!” Napahingal ako sa haba ng kwento kong halos walang pause at hindi ko akalaing hahagalpak sa tawa si Weston na sinundan ni Claude. Suntukin ko kaya ‘to? Hindi naman siguro ako ipapatapon agad ni Eros ano? “Anong nakakatawa?!” pagrereklamo ko dahil seryosong-seryoso ako sa pagkukwento at lalong seryoso ako sa inis na nararamdaman ko kanina pa. “You’re madly jealous and smitten, bro! Ang lala ng tama mo!” “Ilang araw mo pa lang nakilala si Villaine, ganyan ka na makapag-react na parang boyfriend. Ligawan mo na kaya para ‘di ka na magselos? Hahahaha!” “Tsaka ang nag-iisang habulin ng chix pero no girlfriend since birth na si Levi Bryce Villemur ay nagkakaroon na ng insecurities sa angkin niyang kagwapuhan, mga kapatid!” pag-aanunsyo ni Weston at literal na ginagaya ang pananalita ng mga newscaster sa T.V. Kumuha ako ng unan at tinapon ito sa direksyon niya pero nakailag ang loko. Bigla tuloy akong napaisip kung talagang nagseselos ba ako. Selos ba ang tawag dito? Magkaiba ba ang selos sa inis o pwede ring mainis dahil sa kakaselos? Ah, ewan.   “Pero eto bro, seryoso na. Magtiwala ka sa kagwapuhan mo. Plus points na sa’yo iyong pinapansin ka niya at hindi lang ‘yon, kinakain niya pa ang niluluto mo! O diba, gwapo ka rin at mayaman tapos magaling pa magluto! Pasalamat ka chef si Tita!” pagtapik ni Claude sa balikat ko at naupo rin sa kabilang gilid si Weston. “Oo na oo na, sabi niyo ‘yan eh. Laro na nga tayo nang mabaling sa ibang bagay ang isipan ko.” Ayun na nga ang ginawa namin pero ewan ko ba’t hindi talaga matanggal-tanggal sa isipan ko si Villaine. Eros, send help.     *** “Mag bar tayo!” biglang pag-aya ni Weston. “Anong bar pinagsasabi mo, ikaw lang makakapasok sa’tin dahil ikaw pa ang 18!” sagot ni Claude. “Hindi na tayo tatanungin kasi hindi naman halata tsaka tignan niyo oh? Matagal nang viral itong LC Bar & Casino! Punta na tayo hangga’t hindi pa nauwi sina Tita!” Ipinakita sa’min ni Weston ang cellphone niya at may nahagip ang mga mata ko sa isang video kung saan naka-live ang babae kani-kanina lang at iyong background sa mismong gilid ng bar tumatagingting iyong kulay pulang Turbine Streetfighter. May iilan pang nagpapa-picture doon para kunyari siguro sa kanya ang motor pero pagkakita ko sa ‘Knight’ sa gilid nito, alam kong pagmamay-ari na agad iyon ng lalaking sumundo kay Villaine kanina. 10:36pm. “Tara, punta tayo ngayon din.” Napatingin sila sa’kin na parang hindi makapaniwala kaya pinakita ko sa kanila iyong motor at na-gets nila agad. “Tara’t hanapin ang karibal mong may-ari ng poging fastbike!” “Tara’t kuyugin at ilayo sa prinsesa ng kadiliman!” “Magsitigil na nga kayo at umalis na tayo bago pa man mawala ‘yung lalaki sa bar.” “Bihis muna tayo lalo na ikaw bro kasi malay mo nasa loob din si Villaine edi dapat mas pogi ka ‘diba? Support ka namin.” Ayoko na sana pero nagpumilit sila at napagtanto kong may punto rin kaya pumili na kami ng kanya-kanyang susuotin papunta sa nasabing bar.          ***  Kotse ko ulit ang ginamit at pagdating namin, halos puno na ang parking lot kahit weekday. Kung sabagay, five star ito kaya hindi na nakapagtatakang maraming tao at puro magagara ang suot. Hindi rin naman kami magpapatalo at naka color code pa ang mga suot at pinili ko ang grey na inner plain shirt na sinapawan ng white casual blazer pares ang puting trousers tsaka itim na dress shoes. Kay Claude ay dark blue at kay Weston naman ay maroon. “Legit tayong socialites ngayong gabi, brothers. Andaming chikababes,” manghang komento ni Weston at sinundan ng tingin iyong mga babaeng dumadaan na kinawayan niya at kumaway sa kanya pabalik. Naglakad na kami papuntang entrance at hindi nga ako nadismaya nang nakita ko pa ang streetbike na naging rason kung ba’t ako andito ngayong gabi. Masyadong VIP at may sariling parking lot pa talaga na binabantayan ng dalawang bouncers. Kung sabagay, tumatagingting na milyones ang presyo niyan para sa big bike. Aba, mahal din ang baby Porsche ko kaya hindi dapat ako mawalan ng kumpyansa. Parang motor lang eh. Sus. Totoo nga rin ang sabi ni Weston na hindi na kami mahihirapang pumasok dahil bumili pala ng VIP tickets ang loko at iyong ID niya lang ang pinakita at pasok na raw kaming tatlo. “Bro, ang perks nitong tickets natin ay may sarili tayong lounge at pwede tayo sa casino pati sa nightclub at tsaka unlimited drinks! Wooohh! This is life!!” masayang sambit ni Weston na akala mo’y first time makapunta sa ganitong lugar pero ang totoo niyan, siya ang pinakamahilig sa parties sa’ming tatlo. Ako ang legit na first-timer at malilintikan na talaga ako nina mommy pag nalaman nila ang pinagagagawa namin. Andito na rin lang naman, wala nang atrasan.         *** Night’s POV Nakikipagkwentuhan lang ako rito sa may bar counter kasama ang iilan naming kakilala nang may nahagip ang mga mata kong isang pamilyar na mukha at ang suot nitong kulay puti. Nagmukha siyang out of place at halatang newbie sa lugar na ‘to. This is interesting. Siniko ko si Stan at tinuro ang direksyon kung saan nakapwesto iyong tatlong magkakaibigan. “Sino sila? Anong meron?” nagtatakang tanong niya pa habang nakahapit sa beywang ng babaeng flavor of the night niya.    “The great Levi Bryce is here, in the flesh.” “Ohh now if you’ll excuse me, love. Mag-uusap lang kami ng kapatid ko, okay? I’ll see you in a bit,” paalam niya sa babae niya at dinampian pa ito ng halik bago pinaalis. “Ang inosente nga ng dating pero huwag nating i-deny, may itsura at pwedeng-pwede ka ngang ipagpalit ng prinsesa natin pag ‘di ka pa gumalaw, my dear brother.” “Tss. Hindi pa nakakalahati sa’kin iyan.” “Nakita ka ba nung sinundo mo si Zix?” “Nope and this makes it more interesting. Gusto kong alamin natin kung ba’t siya narito.” “Baka hinahanap si Zix?” “Tigilan mo’ko sa pang-aasar mo, Stan. Kung tulungan mo na lang kaya ako ano?” “Fine, fine. I’ll do the introductions and you’ll follow, aright?” Tumango ako at kinuha ang baso ng inumin habang inoobserbahan si Stan, in his usual welcoming self as the owner of this place. Sinadya kong batiin ang ilang kakilalang malapit sa kanila hanggang sa kunyari ay nakita ko si Stan at heto na nga ang pagpasok ko sa eksena. “Oh eto nga pala ang nakababata kong kapatid.”  “Good evening, gentlemen. I’m Perseus Hunter,” sinadya kong pagpapakilala sa second name dahil may kutob akong napansin nitong anghel na tinatawag ni Zix, ang pangalan sa motor ko at masyado iyong obvious. Isa-isa silang nagpakilala at nakipagkamay din ako. “I’m Levi. Salamat sa pag-welcome sa’min. The place looks great.” Nakangiting tugon niya. Ngumiti ako pabalik at pansin kong magkasalungat ang suot namin ngayong gabi. Nakasuot siya ng puti habang ang sa’kin ay itim.   Hmm. Bugbugin ko na lang kaya nang hindi na’ko mamroblema? But that’s childish though. Ano bang magandang laro ang magpapasuko sa isang ‘to? We’ll see about that.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD