Levi's POV
Dali dali akong umakyat papunta sa third floor. Wala namang ibang taong makakakita sa’kin kung tatalon ako kasi likod naman ng school at nasa classroom o canteen lang ang karamihan tumatambay kapag free time maliban sa iba pang nagkakalase hanggang ngayon. Kung hindi sana nawala ang mga pakpak ko, sobrang dali lang ng pabor ni Villaine pero bahala na.
If this is the only way para mas makilala ko siya, gagawin ko. Lahat ng gusto niya gagawin ko basta’t kaya naman dahil siya lang rin ang bukod tanging rason kung ba’t ako nandito kaya wala akong dapat katakutan.
Ngayon nasa tapat na ako ng balcony at pagtingin ko sa ibaba, andun pa rin si Villaine na nakakunot ang noo. When will her forehead not crease? When will her brows stop seeming to meet each other in between? Hindi ba siya tatanda agad niyan? Kinawayan ko siya na siyang kinairap niya.
'Eros, gabayan niyo sana ako.' sambit ko sa isipan at tumingin sa itaas. I'm just a mere mortal pero alam kong walang mangyayaring masama sa’kin. May tiwala ako sa kanila sa itaas at pagkakatiwalaan ko rin ang sarili ko dahil tama naman ako sa exercise bilang athlete.
Pumwesto na ako para sa pagtalon.
"Hoy Bigas! Are you seriously jumping?!!" and for a split second, I saw a flash of concern in her eyes na agad ding nawala. Nginitian ko siya at nag thumbs up pa. And then I looked down and focused. Umakyat ako sa railing habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa metal sa gilid.
Isa…
Dalawa...
"OMG! Magpapakamatay si Fafa Levi!!! Kyaaaahhhh!!" and then I jumped before anyone could stop me.
Parang nag-slow motion sa’kin ang pangyayari na tila literal akong pahulog kay Villaine.
Falling fast without control and without my wings either.
Third Person's POV
Nagpanic ang baklang sumigaw kasama ang dalawa niyang kaibigan na babae at tumakbo agad sa balcony para sumilip sa ibaba. Nanlaki naman ang mga mata ni Villaine at agad na tumakbo, on instinct, para 'saluhin' si Levi.
Suprisingly, he landed smoothly in a position where the right leg is kneeling on the ground and the left arm held support to the ground.
"I just saw a fallen angel... haaaayy…" tsaka nahimatay 'yung bakla na sinalo naman ng dalawa niyang kaibigan na pareho ring gulat sa nasaksihan.
Nanatiling sa ganoong position si Villaine wherein her arms are spread wide in a 'catching' position. Tumayo si Levi na pinipigilan ang kanyang tawa at lumapit kay Villaine na nanlalaki pa rin ang mga mata at kunot ang noo pati salubong ang kilay.
Levi's POV
Masasalo niya kaya ako sa kalagayan niyang 'yan? Oo nga’t matangkad siya but it's pretty obvious that I am much bigger than her and heavier. Tumingin ako sa itaas at kinawayan sila na nakakita at sinenyasan na sekreto na lang iyon. They both nodded tsaka hinila ang nahimatay nilang kaibigan. We will check on him later. Hinarap ko ulit si Villaine at hindi ko na naman mapigilang mapangiti.
She's still dazed. Ang lakas ng loob niyang bigyan ako ng ganoong kondisyon pero ang totoo ay hamon lang iyon at ayaw niya naman talagang ituloy. Handa niya pa akong saluhin nang walang pag-alinlangan. That somehow amazed me. May kabaitan naman palang tinatago eh.
I took her right hand and shook it. "Friends na tayo," at hindi ko na binitawan ang kamay niya tsaka ko siya hinila paalis sa lugar na 'yun. We have to check on the guy who fainted.
Villaine's POV
He's insane, paano kung namatay siya dun edi kasalanan ko pa?! Pero hindi ko naman----Aish! Why do I even care anyway? At teka ulit---- magkahawak kami ng kamay habang hila-hila niya ako sa kung saan. My eyes widened and I halted bago hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“Why are you holding my hand freely?!”
“Because I can?”
"Where are we going?!" singhal ko ulit.
"Grandma's House!" He answered enthusiastically. Napa face palm ako dahil ansarap na niya talagang suntukin. I heard him chuckled.
"Kaibigan KO, pupunta tayo sa clinic. Titignan natin 'yung nahimatay kanina," simpleng sagot niya. I raised an eyebrow.
"And why is that my concern? Paki ko kung nahimatay siya?"
"It should be your concern. Paano kung ipagkalat niya na pinatalon mo ako sa third floor building at kung namatay ako o napaano, kasalanan mo dahil ikaw lang ang nandoon. Besides, hindi man ako namatay, you still tolerated my actions therefore you are to blame. Isusumbong ka niya, kakalat sa campus, mapupunta ka sa Dean tapos----"
"Fine! Fine! Whatever, just shut the hell up!" at inis kong binangga ang balikat niya para mauna sa punyetang bakla na nahimatay sa clinic.
Pagkapasok ko sa clinic, nakita ako nung dalawang babae kanina na nasa tabi ng hinihigaan nung bakla. Their eyes widened in fear with the sight of me.
"M-Miss V-Villaine..." nauutal na sambit nung isa. I smirked at her at tinitigan siya sa mata na mas lalong kinatakot niya. Wala pa nga akong ginagawa oh.
"Kaibigan KO, wag mo silang takutin," biglang akbay ng gago sa’kin. Inalis ko kaagad ang braso niya tsaka siya tinulak at tinitigan ng masama.
"That doesn't have an effect on me," sabay baling ng atensyon niya sa dalawang babaita. "Kamusta na siya?" I rolled my eyes and leaned on the wall with my arms crossed.
Mina's POV
Nakakatakot talaga ang aura ni Miss Villaine pero kabaliktaran naman si Levi. Hindi kami magkaklase o ano pero sikat na sikat siya sa campus o kahit sa ibang skwelahan bilang parte ng varisity sa swimming mula high school. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya lalo na sa itim na itim niyang buhok at dark brown niyang mga mata tapos parang lagi siyang may nakakasilaw na aura, yung tipong head turner. Tapos iyong panga, jusko hindi lang sa w*****d iyon pero mukhang ang sarap tignan kapag umigting ng bongga! Haaiisstt!
"Hoy Mina tinatanong ka!" sita sakin ni Katreena dahil napatulala ako kay Levi. Bago pa ako makasagot, unti-unting gumalaw si Angelo s***h Angela s***h Angel tapos inalalayan siya ni Kat na maupo at pagmulat ni bakla sa mga mata niya, tinapat ni Levi ang kanyang mukha malapit kay bakla ilang pulgada lang ang layo.
"Are you alright?"
Natulala si Angel at tila naging heart pa ang hugis ng mga mata niya. He nodded slowly kaya ngumiti si Levi. Shet mahihimatay din ata ako--- este kami pala ni Kat. I mean kaming tatlo!
"Mahihimatay na naman ako in three-- two----" simula ni bakla nang naputol ang pagdadrama niya.
"Subukan mo lang at nang hindi ka na magigising ulit." malamig na boses ni Miss Villaine na ikinatindig pa ng balahibo ko sa may batok. Scary talaga siya. Huhuhu.
"Hehehe! J-joke lang ateng--- I mean, Miss V!"
Napapailing si Levi bago umayos ng tayo. Lumapit si Miss V--, makiki-Miss V na rin ako, kay baklita.
"You will not say a thing of what you saw. Do.you.understand?" may diin ang bawat salita nito kaya mabilis na tumango si bakla at pati kami ni Kat ay napatango din nang tumingin siya sa’min.
"Nako, wag na kayong matakot diyan. Mabait 'yan. I'm Levi by the way. And you are?" tapos nagpakilala kami sa isa't-isa.
"Oy kaibigan kong maganda, ayaw mo bang magpakilala sa kanila?"
"NO."
"Shy raw siya pero simula raw ngayon, friends na kayo sa kanya." deklara ni Levi.
"What the f**k?! Who are you to decide?!"
"Don't say bad words!"
Umirap si Miss V at tuluyan nang lumabas ng clinic. Finally, nakahinga rin kami ng maluwag.
"Nice meeting you guys. See 'ya around. Sundan ko lang," sabay kaway niya na tinugon namin.
"Bye Fafa Levi!" hirit ni bakla kahit nakalabas na si Levi. Nagkatinginan kaming tatlo tapos sabay----
"Kyaaahhhhh! Ang gwapo niyaaaaaa!!"
***
Levi's POV
Nawala sa paningin ko si Villaine at baka umuwi na rin muna dahil lunch time na. Isasabay ko pa man din sana siya pero hindi bale, next time siguro. Dumiretso ako sa canteen para hanapin 'yung dalawa at nakita ko naman agad silang nakapwesto sa may gilid kasama ang iba pang members ng swimming team na kaklase namin noon.
"Oh kamusta pagporma mo sa Prinsesa ng kadiliman?" tanong ni Claude.
"Magkaibigan na kami at hindi ko siya pinopormahan at lalong lalong hindi siya Prinsesa ng kadiliman. Mabait 'yun," paliwanag ko habang nakikikain sa pagkain nilang dalawa. Madami naman rin kasi.
Sabay natawa ang mga loko at nag apir.
"Grabe bro, iba talaga ang kaibigan natin. Sobrang tinik sa chicks. Akalain mo 'yun, naging kaibigan niya ang mahal na prinsesa? Eh balita raw wala pang nagtangka na kaibiganin siya noon pa man simula ata nung iluwal siya sa sinapupunan ng mama niya." wika ni Weston. Nakakalungkot mang isipin pero alam kong totoo 'yun dahil ganun kailap ang pagkatao niya. Sigurado naman akong may dahilan kaya hindi ko siya hinuhusgahan at kailanman ay hindi ko magagawang husgahan ang kahit sinong tao dahil bawat isa may may pinagdadaanang laban.
I will help her find not just her true love without my bow and arrow nor my wings, but also her lost soul.